You are on page 1of 16

LAMBAYONG DISTRICT I

Title: Edukasyon Para sa lahat – STRAND 5


Topic: MGA PINANINIWALAANG PAMAHIIN
Format: Edukasyon Para sa lahat – RBI
Length: 60 minutes
Scriptwriter: NOREMA BATABOL
Broadcasters: MA. TERESITA J. SANTIAGO / SAIRA B. HAMID
Objectives: Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang:

 tukuyin ang mga nananatiling kinaugaliang paniniwala at pamahiin sa tahanan at


pamayanan;
 talakayin ang mga bunga o epekto ng mga kinaugaliang paniniwala o pamahiin sa sarili at
pag-unlad ng pamayanan; at
 ipaliwanag ang pananatili nitong mga kinaugaliang paniniwala at gawi.

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 HOST Magandang umaga sa ating lahat. Lalong-lalo na sa ating tagapakinig

4 sa ating mga ALS learners at sa ating mga facebook live stream

5 viewers na walang sawang sumusubaybay sa ating programang

6 “ Edukasyon Para Sa Lahat” handog ng Alternative Learninng System

7 sa ALS Radyo Pahayag 100.5 FM.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 HOST Oras natin ngayon ay _____ minuto makalipas ang ika siyam ng

10 umaga. Aming ikinagagalak na makasama kayo sa ating pag-aaral

11 gamit ang radyo. Ito naman ang panibagong araw ng pagkatuto

12 kasama ang inyong lingkod, MA. TERESITA J. SANTIAGO, ALS

13 Coordinator, at SAIRA B. HAMID, SUBSTITUE Mobile Teacher

14 ng Lambayong District I, Lambayong, Sultan Kudarat.

15 BIZ: MSC UP AND UNDER

16 HOST Handa na ba kayo sa ating leksyon? (PAUSE) Ngayon, pag-aralan

17 naman natin ang ALS Accreditation and Equivalency Module para

18 sa antas ng elementarya. Learning Strand 5 – Understanding the

19 Self and Society na may pamagat na “MGA PINANINIWALAANG


20 PAMAHIIN” Aralin 1: Mga Kinaugaliang Paniniwala Gawi at Pamahiin

21 BIZ: MSC UP AND UNDER

22 HOST Ipagpalagay ang inyong sarili. Ihanda ang inyong ballpen, activity

23 sheets at modyul na “ MGA PINANINIWALAANG PAMAHIIN”

24 upang masundan ninyo ang ating leksyon sa araw na ito.

25 BIZ: MSC UP AND UNDER

26 HOST Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan

27 ka nang: tukuyin ang mga nananatiling kinaugaliang paniniwala at

28 pamahiin sa tahanan at pamayanan;

29 talakayin ang mga bunga o epekto ng mga kinaugaliang paniniwala o

30 pamahiin sa sarili at pag-unlad ng pamayanan; at

31 ipaliwanag ang pananatili nitong mga kinaugaliang paniniwala at

32 gawi.

33 BIZ: MSC UP AND UNDER

34 HOST Tungkol saan ang modyul na ito?

35 Bahagi ng kultura ng mga tao ang mga kinaugaliang paniniwala, gawi

36 at pamahiin. May sariling paniniwala, kaugalian at pamahiin ang

37 bawat lipunan. Nagmula pa noong sinauna at nabahagi sa bawat

38 salinlahi ang lahat ng ito.

39 BIZ: MSC UP AND UNDER

40 HOST Sa modyul na ito, mapag-aaralan at mabibigyang paliwanag ang ilan

41 sa mga kinaugaliang paniniwala, gawi at pamahiin sa tahanan at

42 pamayanan.

43 BIZ: MSC UP AND UNDER

44 HOST Nahahati sa dalawang aralin ang modyul na ito:

45 Aralin 1 – Mga kaugaliang Paniniwala, Gawi at Pamahiin

46 Aralin 2 – Mga Paliwanag Tungkol sa ilang mga Kinaugaliang

47 Paniniwala at Gawi

48 BIZ: MSC UP AND UNDER

49 HOST Anu-ano ang mga Matutuhan Mo sa Modyul na Ito?

50 Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito, maaari mo nang:


51 tukuyin ang mga nananatiling kinaugaliang paniniwala at pamahiin

52 sa tahanan at pamayanan;

53 talakayin ang mga bunga o epekto ng mga kinaugaliang paniniwala

54 o oamahiin sa sarili at pag-unlad ng pamayanan; at

55 ipaliwanag ang pananatili nitong mga kinaugaliang paniniwala at

56 gawi.

57 BIZ: MSC UP AND UNDER

58 HOST Anu-ano na ang mga Alam Mo?

59 Bago mo simulan ang iyong pag-aaral sa modyul na ito, sagutan ang

60 pagsusulit upang malaman kung anu-ano ang alam mo tungkol sa

61 paksang tatalakayin.

62 BIZ: MSC UP AND UNDER

63 HOST Panuto: Lagyan ng tsek (4) ang patlang kung nagpapahayag ng

64 kinaugaliang paniniwala o pamahiin ang pangungusap at ekis (8)

65 kung ito ay hindi.

66 BIZ: MSC UP AND UNDER

67 HOST _____ 1. Hindi dapat tumingin sa buwan ang taong may sakit.

68 _____2. Lalaking malusog ang halaman na nadidiligan parati.

69 _____3. Magdudulot ng kamalasan ang pagwawalis ng gabi.

70 _____4. Tuwing kabilugan ng buwan kakaunti lamang ang huli

71 ng mga mangingisda.

72 _____5. Tanda na may mamamatay sa isa sa iyong mga minamahal

73 ang paru-parong itim.

74 _____6. Lalaking malusog at malakas ang batang umiinom ng gatas

75 at kumakain nang tama.

76 _____7. May paraan kung nanaisin.

77 _____8. Mayroonog darating na bisitang babae kung mahulog ang

78 kutsara mula sa mesa.

79 _____9. Epektibong gamut para sa impeksyon at mga sugat ang

80 pinakuluang dahoon ng bayabas.

81 _____10. Tatandang dalaga ang isang dalaga na kumakain habang


82 Nagluluto.

83 BIZ: MSC UP AND UNDER

84 HOST Kumusta? Sa palagay mo ba’y marami kang tamang sagot?

85 Ihambing ang iyong mga sagot sa mga nasa Batayan sa Pagwawasto

86 sa pahina 26.

87 Kung tama lahat ng sagot mo, magaling!

88 Nagpapakitang marami ka nang alam tungkol sa paksa ng modyul na

89 ito. Maaari mo pa ring pag-aralan ang modyul na ito upang magbalik

90 aral sa mga bagay na alam mo na. Malay mo, mayroon ka pang mga

91 bagong kaalaman na matutunan.

92 BIZ: MSC UP AND UNDER

93 HOST Kung ikaw ay nakakuha ng mababang marka, huwag malungkot.

94 nangangahulugan lamang na ito ay para sayo. Makatutulong ito sayo

95 na maintidihan ang ibang mahahalagang konsepto na maaari mong

96 gamitin sa araw-araw. Kung iyong pag-aaralang mabuti ang

97 modyul na ito, malalaman mo ang sagot sa pagsusuri at sa marami

98 pang iba. Handa kana ba? Maaari ka nang magsimula sa aralin 1.

99 BIZ: MSC UP AND UNDER

100 HOST “MGA KINAUGALIANG PANINIWALA, GAWI AT PAMAHIIN”

101 Ipagpalagay na naglalakad ka at iyong lolo nang nakasalubong mo

102 ang isang pusang itim. Bigla kang hihilahin ng iyong lolo at itatabi sa

103 kabilang direksyon. Ano sa paplagay mo ang dahilan nang ikinilos ng

104 iyong lolo?

105 BIZ: MSC UP AND UNDER

106 Maaaring naniniwala ang iyong lolo sa pamihiiin na malas ang

107 pusang itim, kung kaya’t dali-dali niyang iniwasan ang pusa.

108 Narinig mo na ba ang ganitong pamahiin?

109 BIZ: MSC UP AND UNDER

110 HOST Ang mga kinaugaliang paniniwala, gawi at pamahiin ay bahagi ng

111 ating mayaman at makulay na kultura. Ang mga paniniwalang ito

112 ay naipamana sa atin ng ating mga ninuno at patuloy pa ring


113 naririnig ang mga ito mula sa ating mga magulang, mga lolo at iba

114 pang nakatatanda.

115 BIZ: MSC UP AND UNDER

116 HOST Sa puntong ito, ating basahin at pakinggan ang maikling kwento

117 tungkol kay Maria.

118 Isang araw sa bahay ni Maria…

119 Kumakanta si Maria habang ng nagluluto, “Oh, my love, my darling,

120 I hungered for your touch”. Nang biglang siyang pagsabihan ng

121 kanyang lola. “Itigil mo iyan!”

122 “Pero bakit po lola? Sinabi mo naman na mayroon akong katangi-

123 tanging boses”. Ani ni Maria.

124 “Oo, maganda nga ang iyong boses, ngunit alam mo bang masama

125 ang kumanta habang nagluluto?

126 “bakit ganong?” Tanong ni Maria.

127 “Dahil kung ikaw ay mapapatuloy, tatanda kang dalaga pagdating

128 ng panahon! Tignan mo kung ano ang nangyari sa tiyahin mo na

129 kadalasang kumakanta habang nagluluto.” Wika ng kaniyang lola.

130 “Iyon po ba ang dahilan kung kaya’t hindi pa siya nag-aasawa.”

131 “Ganun na nga!” Aniya ng kanyang lola.

132 “Pero ano po ang koneksiyon ng pagkanta sa kusina habang nag-

133 luluto at sa pagiging matandang dalaga?” tanong ni Maria.

134 “Hindi ko alam! Basta’t sundin mo ang sinasabi ko kung hindi ay

135 papaluin kita! Para sa iyong kabutihan ito, itinuro pa ito sa akin ng

136 aking lola.” Pangaral ng kanyang lola kay Maria.

137 BIZ: MSC UP AND UNDER

138 HOST Naglalalarawan ang pag-uusap na ating nabasa ng isang halimbawa

139 ng pinaniniwalaang pamahiin. Maraming mga tao ang naniniwala na

140 magdudulot ng pagkamatandang dalaga ang pagkanta sa kusina

141 habang nagluluto. Narinig mor in marahil ito mula sa iyong nanay o

142 lola.

143 BIZ: MSC UP AND UNDER


144 HOST Ayon sa ilan, isang lalake ang nagsimula ng ganitong paniniwala sa

145 kagustuhan niyang tumigil ang mga babae sa pagkanta habang nag

146 luluto. Takot siya marahil na mapunta ang kanyang laway sa pagkain

147 habang ang taong nagluluto ay kumakanta.

148 BIZ: MSC UP AND UNDER

149 HOST Pag-isipan natin ito!

150 Naniniwala ka ba na tatandang dalaga ang babaeng kumakanta

151 habang nagluluto? Bakit o bakit hindi? Isulat ang iyong sagot.

152 Ihambing mo ang iyong sa sagot sa halimbawang ibinigay sa

153 Batayan sa Pagwawasto sa pahina pahina 26.

154 BIZ: MSC UP AND UNDER

155 HOST Basahin Natin Ito!

156 Basahin ang kuwento upang malaman ang isa pang pamahiin.

157 “Magandang gabi nanay, Matutulog na ako.”

158 “Ano? Katatapos mo lamang maligo at basa pa ang iyong buhok!

159 Hindi ka pa dapatmatulog.”

160 “Bakit nanay? Ano ang masama kung matutulog ako na basa ang

161 aking buhok?”

162 “Hindi mo ba alam na mabubulag ka kapag natulog ka na basa ang

163 iyong buhok? Iyan ang sinabi sa akin ng iyong lola.”

164 “Ayokong mabulag nanay. Totooba talaga na kung ang tao ay

165 matutulog na basa ang buhok, siya’y mabubulag?

166 “Siyempre, totoo yan! Tinuro yan ng lola ko sa nanay ko.”

167 “Sige nanay, mula ngayon, hindi na ako matutulog na basa ang

168 aking buhok.”

169 “Mabuti iyan Maria. Patuyuin mo na ang iyong buhok para maka-

170 tulog kana.”

171 BIZ: MSC UP AND UNDER

172 HOST Pag-isipan Natin Ito!

173 Ano ang masasabi mo sa pag-uusap na iyong nabasa? Narinig mo

174 na marahil mula sa iyong nakatatandang kamag-anak na nagpapa-


175 alala na ang pagtulog ng basa ang buhok ay nagiging sanhi ng pagka-

176 bulag. Naniniwala ka rin ba na ang pagtulog ng basa ang buhok ay

177 ay sanhi ng pagkabulag? Bakit o bakit hindi? Isulat ang iyong sagot.

178 BIZ: MSC UP AND UNDER

179 HOST Natapos mo na ba isulat ang iyong sagot? Ihambing mo ang iyong

180 sagot sa halimbawang ibinigay sa Batayan ng Pagwawasto sa

181 pahina 26.

182 BIZ: MSC UP AND UNDER

183 HOST Alamin Natin!

184 Hanggang ngayon maraming tao ang naniniwala na nagdudulot ng

185 pagkabulag ang pagtulog ng basa ang buhok. Ang paniniwalang ito

186 ay naipamana mula sa isang salinlahi hanggang sa isang salinlahi at

187 pinaniniwalaan pa rin ng mga tao hanggang ngayon. Ngunit, napa-

188 tunayan ng agham na hindi totoo ang paniniwalang ito. Ayon sa

189 Samahan ng mga Optemetrist sa Pilipinas (SOP), walang koneksiyon

190 ang pagtulog ng basa ang buhok sa pagkabulag. Sinasabi nil ana ang

191 mga nanay na ayaw Mabasa ang mga pundan ng unan marahil ang

192 nagsimula ng ganitong paniniwala.

193 BIZ: MSC UP AND UNDER

194 HOST Basahin Natin Ito!

195 Tinignan natin ang isa pang pamahiin sa pamamagitan ng kuwento

196 sa ibaba.

197 BIZ: MSC UP AND UNDER

198 HOST “Ang gandang panyo! Saan mo ito nakuha hanna?”

199 “Nagagalak ako’t nagustuhan mo ito nanay. Regalo ito ni Jose sa

200 akin.”

201 “Hindi mo ba alam na kung binigyan ka ng panyo ng taong iyong

202 minamahal ay magkakahiwalay kayo?”

203 “Talaga? Pero bakit?”

204 “Talaga? Isauli mo ito agad!”

205 “Ngunit bakit nanay? Gustong-gusto ko ang panyo at masasaktan


206 si Jose kung ibabalik ko ito.”

207 “Iyan ang sinabi sa akin ng iyong lola, maniwala ka sa akin, kung

208 hindi mo isasauli ang panyo, masisira ang relasyon ninyo.”

209 BIZ: MSC UP AND UNDER

210 HOST Subukan Natin Ito!

211 Kung ikaw si Anna, ano ang iyong gagawin? Susundin mo ba ang

212 payo ng iyong nanay? O itatago mo ba ang panyo? Isulat ang iyong

213 sagot sa ibaba.

214 BIZ: MSC UP AND UNDER

215 HOST Ihambing ang iyong sagot sa halimbawang ibinigay sa Batayan sa

216 Pagwawasto sa pahina 26.

217 BIZ: MSC UP AND UNDER

218 HOST Alamin Natin!

219 Maraming kinaugaliang paniwawala, gawi at pamahiin ang mga

220 Pilipino. Mayroong mga kinaugaliang paniniwala at pamahiin

221 tungkol sa buhay at pagkamatay at sa pagliligawan, pagbubuntis,

222 kalusugan, agrikultura at marami pang iba.

223 BIZ: MSC UP AND UNDER

224 HOST Basahin Natin Ito!

225 Ito pa ang ilan sa mga kinaugaliang paniniwal at pamahiin na

226 maaaring narinig mo na mula sa iyong mga lolo’t lola, magulang at

227 mga nakatatanda. Basahin at unawain muna ang mga ito.

228 Pagkatapos, pag-aralan muli ang mga ito. Narinig mo na ba ang mga

229 pamahiing ito? Lagyan ng tsek (4) ang sa tingin mo’y maaaring totoo,

230 o pinaniniwalaan mo. Ilagay ang tsek (4) sa loob ng maliit na kahon.

231 BIZ: MSC UP AND UNDER

232 HOST Hindi dapat magsuot ng perlas ang babaeng malapit ng ikasal dahil

233 magdudulot ito ng kamalasan.

234 Kung makakakita ka ng pusang itim habang naglalakad sa kalsada,

235 dapat mong iwasan ang dadaanan nito upang hindi ka malasin.

236 Kung umupo sa isang bangketa o malapit sa bahay ang isang aso,
237 isang miyembro sa bahay ang mamamatay.

238 Kung may nais na pagkain ang isang buntis at hindi ito naibigay

239 ng kanyang asawa o kahit na sino, malalaglag ang kaniyang

240 pinagbubuntis.

241 Isang bisitang babae ang darating kung mayroong mahuhulog na

242 kutsara mula sa mesa habang kumakain.

243 Magiging matalino ka kung mahihiga ka sa unan na mayroong libro

244 sa ilalim nito.

245 Dapat ilibing ng alas tres ng hapon ang patay upang maiwasan ang

246 agarang pagkamatay ng isang miyembro ng pamilya.

247 Nagpapahayag na mayroong mga masasamang espiritu ang asong

248 umiiyak sa gabi.

249 Ipanganganak na walang buhok ang sanggol ng buntis na nagpagupit

250 ng buhok.

251 Magluluwal ng kambal ang buntis na kumain ng kambal na saging.

252 BIZ: MSC UP AND UNDER

253 HOST Subukan Natin Ito!

254 Ang mga sumusunod ay ilan sa mga sitwasyon na nangyayari sa mga

255 tao araw-araw. Ano ang gagawin mo kung ikaw ay nasa ganitong

256 mga sitwasyon? Gumuhit ng nakangiting mukha sa patlang na

257 tumutugma sa iyong sagot.

258 BIZ: MSC UP AND UNDER

259 HOST 1. Gustong malaman ng isang kaibigang malapit ng ikasal kung mag-

260 kakasya sa kanyag ang kaniyang trahe de boda. Pero sinabihan siya

261 ng kaniyang ina na kung isusukat niya ito, hindi matutuloy ang

262 kaniyang kasal. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin, pumunt ang

263 iyong kaibigan sa inyo upang humingi ng payo. Sasabihin mo sa

264 kanya na:

265 ____a. sundin niya ang payo ng kaniyang ina dahil naniniwala ka

266 rin na hindi matutuloy ang kasalan kung isusukat niya ang kaniyang

267 trahe de boda.


268 ____b. Isukat niya ang kaniyang trahe de boda. Isa lamang pamahiin

269 na walang maka-agham na basehan ang sinabi ng kaniyang ina.

270 2. Binigyan ka ng iyong nobya/nobyo ng isang magandang panyo

271 para sa iyong kaarawan. Nang sinabi mo ito sa iyong ina, sinabi niya

272 na isauli mo ang panyo dahil magkakahiwalay kayo ng iyong nobya/

273 nobyo kung hindi mo ito isasauli. Ang gagawin mo ay:

274 ____a. Isasaulit ang panyo kahit na ito ay mahalaga sa iyo at kahit na

275 alam mo na masasaktan ang iyong nobya/nobyo.

276 ____b. Itatago ang panyo dahil para sa iyo, ito ay isang mahalagang

277 regalo. Walang kinalaman ang panyo sa kalalabasan ng inyong

278 relasyon.

279 3. Isang gabi dumating ang iyong pinsan at nagtanong kung maaari

280 ba siyang makahiram ng tatlong tasa ng bigas dahil wala silang

281 makain. Pagkatapos, sinabihan ka ng iyong asawa na malas ang pag-

282 papahiram ng bigas sa gabi. Ano ang gagawin mo?

283 ____a. Pagsasabihan mo ang iyong pinsan na bumalik bukas dahil

284 hindi ka maaaring magpahiram ng bigas kung gabi.

285 ____b. Bibigyan mo ang pinsan mo ng bigas na kailangan niya. Dahil

286 alam mo kung gaano nila ito kailangan at pamahiin lamang ang

287 sinabi ng iyong asawa.

288 4. Habang naghahapunan, hindi sinasadyang natapon ng iyong anak

289 ang kanin sa sahig. Naalala mo ang sinabi ng iyong ina na magdudulo

290 ng kamalasan ang pagwawalis sa gabi.

291 ____a. Ipagpapaliban mo ang pagwawalis sa susunod na araw. Ayaw

292 mong malasin ka.

293 ____b. Lilinisin mo agad-agad ang kalat. Alam mong walang

294 koneksiyon sa pagwawalis ng sahig sa gabi ang kamalasan.

295 5. Isang asong gala ang kumagat sa iyong anak. Alam ng iyong lolo

296 na takot sa injection ang iyong anak kung kaya’t minungkahi niya na

297 patayin na lamang nila ang aso sa halip na dalhin sa doctor ang bata

298 para mamatay rin ang rabis sa katawan ng iyong anak. Gusto mo
299 lamang na makamit ang pinakamabuti para sa iyong anak. Kung

300 kaya’t:

301 ____a. Hindi mo dadalhin sa doctor ang iyong anak para hindi siya

302 mahirapan sa mga injection. Sisiguraduhin mo na lamang na mapapa

303 tay ng iyong lolo ang aso agad-agad.

304 ____b. Dadalhin mo ang iyong anak sa doktor agad-agad. Mas

305 pipiliin mong magdusa siya sa injection sa halip na isugal ang

306 kanyang buhay. alam mong mas magandang alternatibo ang

307 bagong agham sa medisina kumpara sa pamahiin.

308 BIZ: MSC UP AND UNDER

309 Natapos mo bang sagutin ang mga tanong? Ihambing ang iyong mga

310 sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa pahina 27.

311 BIZ: SC UP AND UNDER

312 HOST Pag-isipan Natin Ito!

313 Nasubukan mo na bang tanungin ang mga nakatatanda sa iyo kung

314 ano ang dahilan ng kanilang paniniwala sa mga paahiin? Kung nasu-

315 bukan mo na, mapapansin mo na wala silang maibigay na dahilan.

316 Sa halip, sasabihin nilang pinasa pa sa kanila ng kanilang mga ninuno

317 ang mga paniniwalang ito at dapat natin itong sundin. Sasabihin din

318 nilang- walang mawawala kung susundin natin ito! Ito ba ay totoo?

319 wala bang masamang mangyayari kung susundin natin ang mga pa-

320 mahiing ito? Ano sa palagay mo ang kahihinatnan ng mga paniniwa-

321 lang ito? Pag-isipan mo ang iyong mga sagot sa mga tanong na ito

322 bago ka tumuloy sa susunod na seksiyon. Dito, pag-uusapan natin

323 ang mga kahihinatnan ng mga sumusunod na pamahiin.

324 BIZ: MSC UP AND UNDER

325 HOST Alamin Natin!

326 Bahagi na ng kultura ng Pilipino ang mga kinaugaliang paniniwala,

327 gawi at pamahiin. At ang mga ito ay naipasa na sa mga salinlahi.

328 Nasa atin na ang mga paniniwalang ito at gawi sa haba ng panahon.

329 Ngunit karamihan sa mga ito’y hindi totoo at nakaliligaw. Pag-aralan


330 natin ang mga kinahihinatnan ng mga sumusunod na paniniwala sa

331 ating sarili at sa pag-unlad ng pamayanan.

332 BIZ: MSC UP AND UNDER

333 HOST Patatatagin nito ang paniniwala sa kapalaran!

334 Ang paniniwala sa kapalaran (fatalism) ay nangangahulugan na pina-

335 pabayaan natin ang lahat ayon sa pagkakataon o kapalaran. Kapag

336 sinunod natin ang mga pamahiin ng hindi inalam ang tunay na

337 dahilansa mga bagay na nangyayari, nilalagay natin, samakatuwid

338 ang ating kinabukasan sa mga hindi kilalang dahilan. Halimbawa,

339 nakasalalay ang tagumpay ng ating Gawain sa loob ng isang araw

340 kung may makakasalubong tayong isang itim na pusa o kulay-

341 lupang paru-paro at hindi ayon sa ating pagsusumikap at pagpa-

342 pasya upang magtagumpay.

343 BIZ: MSC UP AND UNDER

344 HOST Maaari itong mapatunayang mapanganib at nakamamatay!

345 Minsan kung magkakasakit ang isang miyembro ng ating pamilya,

346 sa halip na dalhin natin sa doctor, ginagamitan natin siya ng mga

347 gawang-bahay na gamot na umaayon sa ating mga paniniwala.

348 Kumukonsulta rin tayo sa mga albularyo (quack doctors) na siya

349 naman gumagamit ng iba’t ibang paraan para mapaalis ang mga

350 espiritu na nagdudulot ng sakit sa tao. Mapanganib ang paggagamot

351 sa tulong ng taong walang kaalaman sa medisina. Sa halip na maga-

352 mot ang sakit, maaari pa itong makaragdag sa sakit at maaari ring

353 magdulot ng pagkamatay.

354 BIZ: NSC UP AND UNDER

355 HOST Nagiging makitid ang pag-iisip ng tao!

356 Dahil pinipili ng mga tao na sumunod sa mga pamahiin, hindi na nila

357 sinusubukang maghanap ng ibang paliwanag para sa mga bagay na

358 nangyayari. Nagiging makitid ang kanilang pag-iisip at nawawala ang

359 kanilang kakayahan na unawain ang mga pangyayari na nagaganap.

360 BIZ: MSC UP AND UNDER


361 HOST Pumipigil ito sa pag-unlad ng komunidad!

362 Walang asenso at pag-unlad ang mga tao at ang kanilang pamayana

363 kung sa halip na magsumikap sila, inaasa nila ang kanilang buhay sa

364 suwerte o sa pagkakataon. Dahil makitid ang isip ng mga tao, hindi

365 sila bukas sa pagbabago at mga bagong kaisipan na makatutulong sa

366 pag-unlad ng kanilang komunidad. Mapapako sila sa kanilang mga

367 kinasanayang mga gawi at paniniwala.

368 BIZ: MSC UP AND UNDER

369 HOST Kahit bahagi na ng ating makulay na kinaugalian ang mga pamahiin,

370 dapat muna nating pag-isipan ang mga ito bago natin sundin.

371 Maaaring wala itong panganib sa umpisa, ngunit may mga kasunod

372 na pangyayari na maaaring magdulot ng sakit at panganib.

373 BIZ: MSC UP AND UNDER

374 HOST Dapat tayong maging maingat, lalo na kung tungkol sa mga sakit at

375 tungkol sa ating kalusugan ang hinaharap natin. Bago mo sundin ang

376 mga paniniwala at gawi, siguraduhin mong alam mo ang dahilan nito

377 base sa agham o mga paliwanag tungkol dito. Sa Aralin 2, malalaman

378 mo ang mga paliwanag tungkol sa ilan sa ating mga pamahiin.

379 BIZ: MSC UP AND UNDER

380 HOST Subukan Natin Ito!

381 1. Anu-ano ang mga kinaugaliang paniniwala, gawi at pamahiin ang

382 alam mo tungkol sa mga kinakasal? Kung ikaw ay ikakasal, susundin

383 mo ba ang mga gawi na ito? Bakit o bakit hindi?

384 2. Isipin mong sa iyo nangyari ang mga sumusunod na pangyayari,

385 ano ang gagawin mo?

386 a. Pagkatapos mong maglaro sa bukid, nagreklamo ang iyong naka-

387 babatang kapatid na masakit ang kaniyang tiyan. Naniniwala ang

388 mga nakatatanda sa inyong komunidad na pinaglalaruan ang iyong

389 kapatid ng mga duwende kaya dapat siyang madala sa albularyo.

390 Susundin mob a ang kanilang payo?

391 b. Pupunta ka sa isang pakikipanayam tungkol sa isang trabaho.


392 Naglalakad ka patungo sa istasyon ng bus, nang Nakita mo ang isang

393 itim na pusa na nakatayo sa iyong daraanan. Ano ang yong gagawin?

394 Tutuloy ka pa ba sa iyong pupuntahan kahit alam mong magdudulot

395 ng kamalasan ang itim na pusa?

396 BIZ: MSC UP AND UNDER

397 HOST Ihambing mo ang iyong mga sagot sa Batayan sa Pagwawasto sa

398 pahina 27.

399 BIZ: MSC UP AND UNDER

400 HOST Alamin Natin ang Iyong mga Natutuhan!

401 Sagutin ang pagsusulit sa ibaba upang malaman kung ano na ang

402 iyong nalalaman mula sa araling ito.

403

404 Lagyan ng tsek(4)ang patlang kung ang pangungusap ay kinaugaliang

405 paniniwala, gawi o pamahiin. At ekis(8) kung ito ay hindi.

406 ___1. Magsisilang ng kambal ang buntis na kumakain ng kambal na

407 saging.

408 ___2. Lalaking malusog ang batang kumakain ng maraming prutas at

409 gulay.

410 ___3. Makakahuli ka ng maraming isda kung hugis kaliskis ng isda

411 ang ulap.

412 ___4. Magdudulot ng kamalasan ang isang bahay na mayroong

413 hagdanan na humaharap sa pangunahing pintuan.

412 ___5. Maghihiwalay ang nagpapakasal ng buwan ng Pebrero.

413 ___6. Kung may pumasok na paru-parong itim sa bahay, nanganga-

414 hulugan ito na may mamamatay sa bahay.

415 ___7. Kung nanaginip ang isang tao tungkol sa ahas, ang ibig sabihin

416 nito ay magkakaroon siya ng maraming pera.

417 ___8. Kung kakausapin mo ang halaman, lalaki itong malusog.

418 ___9. Maaabot ng taong nagsusumikap ang kanyang mga pangarap

419 at hinahangad.

420 ___10. Mahirap humuli ng isda kung walang buwan dahil tinatakot
421 ng mga masasamang espiritu ang mga isda sa ibabaw ng dagat.

422 BIZ: MSC UP AND UNDER

423 HOST Tapos ka na bang sumagot? Ihambing mo ang iyong mga sagot sa

424 Batayan sa Pagwawasto sa Pahina 28.

425 BIZ: MSC UP AND UNDER

426 HOST Ano ang iyong kinahinatnan sa pagsusulit? Kung lahat ng iyong sagot

427 ay tama, binabati kita! Handing-handa ka na sa susunod na aralin.

428

429 Kung ang marka mo ay 8 o 9, magaling. Kailangan mo lamang pag-

430 aralan ang mga puntong nahirapan kang intindihin sa aralin na ito.

431

432 Ngunit, kung ang marka mo ay 7 o mas mababa pa, kailangan mong

433 pag-aralan muli ang buong aralin upang maintindihan mo ito.

434 BIZ: MSC UP AND UNDER

435 HOST Tandaan natin!

436 Marami pang mga kinaugaliang paniniwala, gawi at pamahiin ang

437 nananatili sa mga tahanan ng mga Pilipino at komunidada hanggang

438 sa ngayon. Kahit na karamihan sa mga paniniwalang ito ay hindi

439 totoo at nakaliligaw, marami pa rin Pilipino ang naniniwala sa mga

440 ito dahil nagmula pa ito sa mga nakakatanda.

441

442 Maaari ka nang pumunta sa susunod na pahina para sa Aralin 2.

443 BIZ: MSC UP AND UNDER

444 HOST At dito po nagtatapos ang ating talakayan sa Modyul na

445 “MGA PINANINIWALANG PAMAHIIN”

446 Aralin 1, “MGA KINAUGALIANG PANINIWALA, GAWI AT PAMAHIIN”

447 Learning Strand 5 Understanding the Self and Society.

448 BIZ: MSC UP AND UNDER

449 HOST Sa ngalan ng ating SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT

450 SIR LEONARDO M. BALALA, CESE.

451 ASSISTANT SCHOOLS DIVISION SUPERINTENDENT


452 MA’AM NELYN B. FRINAL, CESE.

453 ALS EDUCATION PROGRAM SUPERVISOR NG

454 ALTERNATIVE LEARNING SYSTEM MA’AM FATIMA A. MAAYA

455 Kasama ng kanyang EDUCATION PROGRAM SPECAILIST II

456 MA’AM PRINCESS M. CINCO

457 OIC EPSA MA’AM RONAMIE A. LUMAWAG

458 at MA’AM GAYLE LEYSA-ESPANA

459 at sa ating TECHNICAL STAFF

460 AKO PO SI TERESITA J. SANTIAGO, ALS COORDINATOR

461 at inyong lingkod SAIRA B. HAMID, SUB. MOBILE TEACHER

462 na nagsasabing, SA ALS MAY PAG-ASA!

463 GOD BLESS SA LAHAT.

464 STAY AT HOME AND KEEP SAFE!


465 HANGGANG SA MULI, PAALAM!

You might also like