You are on page 1of 6

ANTAS NG PAGKILALA SA SALITA

PANIMULANG PAGBASA SA TEKSTO FILIPINO 10

“TAMIS NG PAGPUPUNYAGI”
Ni Maria (Merry S. Esguerra, Fermin LaRosa NHS, Unang Pwesto Paglikha ng Sanaysay-Area)

Malalakas na palakpak, nakabibinging sigawan at mga papuring salita na masarap sa tainga. Ito ang kadalasang
nangyayari pagkatapos ng isang palabas na nagsisilbing hudyat ng tagumpay.
Sa ating buhay, ito rin kaya ang sukatan ng tagumpay? Mayroong ang batayan ay kayamanan, kapangyarihan at kasikatan.
Samantalang para sa isang simpleng mamamayan ang tamis ng ngiti, kumpletong pamilya, malusog na pangangatawan at pagiging
kontento sa buhay na pinili ay isang tagumpay na para sa kanila.
Ang tunay na tagumpay ay masusukat kung paano natin gustong tumakbo ang istorya ng buhay; buhay na may layunin,
layunin, layuning maging Masaya, maging totoo at maipakita ang tunay na ikaw.
Hindi sa lakas ng palakpakan na nakakakiliti sa tainga o sa malalakas na sigawan na nakapagpapalakas sa dibdib at lalong
hindi sa mabubulaklak na salita nasusukat ang tunay na tagumpay….ito ay nasa iyong mga kamay. Kung paano mo hinulma ang iyong
buhay ay hindi mahalaga, ang mahalaga ay masaya ka kung ano ang mayroon ka.
Hindi lahat ng ninanais natin sa buhay ay makapagtuturo sa ating landas patungo sa tagumpay at sa karangyaang ating
inaasam.
Kung susubukan mong magtanong-tanong, mag-ukol ng oras upang alamin kung ano ba talaga ang makapagbibigay ng
walang kapantay na tagumpay, mayroong mga tao na kahit payak ang buhay ay kakikitaan mo ng salamin ng tagumpay. Hindi maaalis
ang wagas na kasiyahan sa mukha sapagkat kasama ang pamilya. Mayroon silang sapat na oras para sa mga anak at naibibigay ang
lahat nilang pangangailangan.
Tanging ang nakahahawang tawa ng mga bata at nakabibinging kuwentuhan ang iyong kailangan. Bakit mo kailangan ang
maraming papuri ng iba? Sapat na ang ligayang abot-langit na nagmula sa labi ng katabing pamilya.
Bakit hindi mo gawing simple lamang ang lahat? Ang hangarin mo ay maibigay ang kaligayahan ng pamilya. Ito ay isang
payak na buhay na may pagpapahalaga sa kung anong mayroon ka na maiaalay sa bawat isa ay maituturing na isang tagumpay na
walang kapantay. Ito ay isang tagumpay na maipagmamalaki…hindi nabibili at hindi makukuha o mananakaw ng iba.
Maging matagumpay! Alamin ang tunay na ikaw at ang higit na mahalagang bagay na makapagdudulot sa iyo ng
kaligayahang walang kupas at ngiting magniningning sa gitna man ng dilim.

PANGALAN: _______________________________________
BAITANG/ SEKSYON: __________________

MALAYA – (0-15) KABIGUAN – (35-71) INSTRUKSYONAL – (16-34) DI MAKABASA – (72-92)


PAGKAKALTAS- _________________ MALING PAGBAYBAY- ________________
PAGPAPALIT- __________________ PAG-UULIT- _____________________
PAGDADAGDAG- __________________ AYAW BUMASA- _____________________

ANTAS NG PAG-UNAWA SA SALITA


Panuto : Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1.Alin ang itinuturing na hudyat ng tagumpay pagkatapos ng isang palabas?


A. nakabibinging sigawan at palakpakan ng mga manonood
B. di magkamayaw na palakpakan, sigawan at mga papuring sa;lita DI-MAKAUNAWA (0-1)
C. malalakas na palakpak, nakabibinging sigawan at mga papuring sa;lita KABIGUAN (2)
D. nakabibinging palakpakan, mga sigawan at mga papuring salita ng madla. INSTRUKSYUNAL (3-4)
2. Batay sa akda, paano masusukat ang tunay na tagumpay? MALAYA (5)
A. kung totoo sa buhay ang isang tao
B. kung naging Masaya sa buhay ang isang tao ISKOR: ________
C. kung naging kontento sa buhay ang isang tao
D. kung naging Masaya, totoo at kontento sa buhay ang isang tao
ANTAS NG PAG-UNAWA
3. Sa mga huling talata sa akda, ano ang labis na pinahahalagahan ng manunulat?
A. pagpapahalaga sa ligayang dulot ng pamilya C. pagpapahalaga sa pagiging masaya SA SALITA:
B. pagpapahalaga sa pagiging makatotohanan D. pagpapahalaga sa tagumpay

4. Ano ang mungkahi ng manunulat upang makamtan ang isang tagumpay na walang kapantay? __________________
A. mamuhay ng payak kapiling ang pamilya
B. mamuhay ng naaayon kung ano ang mayroon ka
C. gawing simple ang lahat at ibigay ang kaligayahan ng pamilya
D. gawing simple ang buhay at huwag kalimutan ang pamilya

5. Alin ang lumutang na layunin ng manunulat sa akda?


A. magpaliwanag
B. magbigay-aliw
C. mangaral
D. magturo
ANTAS NG PAGKILALA SA SALITA
PANIMULANG PAGBASA SA TEKSTO FILIPINO 9

“AKING PINAKAMAMAHAL”
Ni Maria (Merry S. Esguerra, Fermin LaRosa NHS, Unang Pwesto Paglikha ng Sanaysay-Area)

“Ang lahat ay dapat pagtuunan ng sapat na pansin, pag-aalaga at pagmamahal”


Una ko siyang nasilayan noong ako ay musmos pa lamang. Pagkakita ko pa lamang sa kanya sa isang mall ay agad ko na
siyang nagustuhan. Pilit ko siyang nilapitan ngunit mayroong nakaharang. Walang araw ang dumaan na hindi siya sumagi sa aking
isipan. Hindi ko mawari kung anong mayroon sa kanya na wala sa iba. Minsan nga ay nakakasama ko siya sa aking mga panaginip.
Ang kanyang larawan ay hindi mapawi sa aking isipan. Siguro ay mapapasaakin din siya balang araw pagdating ng panahon.
Lumipas ang mahabang panahon. Hindi ko alam kung gaano kahaba yaon. Yumabong na ang noon ay hilaw kong isipan at
nagbukas ang aking kamalayan. Nagsanga ito ng mga bagong ideya at muling bumalik sa aking gunita ang larawan ng kanyang
kaanyuan. Sino ba naman ang hindi magugustuhan ang isang tulad niya. Sa aking palagay, marami ang gustong siya ay makuha.
Isang araw sa isang sulok ng aming tahanan ay mayroon akong nakita. Nabigla ako at natulala. Bakit siya nandito? Hindi
naman ako nananaginip. Hinawakan ko ang malambot niyang katawan, hinaplos nang buong pagmamahal at dinama ko ang kanyang
presensiya. Ang matagal kong pangarap simula noong ako’y musmos pa ay nakamit ko na, subalit alam kong hindi pa siya akin.
Ito ang munting teddy bear na aking matagal na inaasam, ang matagal kong pangarap ay abot-kamay ko na. Ito pala ay pag-
aari na ng aking kapatid. Kanya itong iningatan, inalagaan at itinago dahil sabi niya, baling-araw ay ibibigay niya ito sa isang taong
karapat-dapat. Isang tao na marunong magpahalaga at magmahal kahit na bagay lamang ito, at ang taong tinutukoy niya ay ako.
Labis akong natuwa sa kanyang tinuran. Agad kong binigyan ng pangalan ang ibinigay ng aking kapatid sa akin. Ito ay
tinawag kong si Pag-ibig. Kung bakit Pag-ibig ay sapagkat natipuhan ko na siya simula pagkabata ko.
Ipinangako ko sa aking sarili at sa aking kapatid na iingatan ko si Pag-ibig gaya ng pag-iingat niya dito.

PANGALAN: _______________________________________
BAITANG/ SEKSYON: __________________

MALAYA – (0-14) KABIGUAN – (15-30) INSTRUKSYONAL – (31-62) DI MAKABASA – (63-81)


PAGKAKALTAS- _________________ MALING PAGBAYBAY- ________________
PAGPAPALIT- __________________ PAG-UULIT- _____________________
PAGDADAGDAG- __________________ AYAW BUMASA- _____________________
ANTAS NG PAGUNAWA SA SALITA

Panuto: Basahin at unawain ang tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1.Anong katangian ng tauhan ang nais ilarawan sa unang talata ng akda? DI-MAKAUNAWA (0-1)
A.mapagmahal KABIGUAN (2)
B. matinding umibig INSTRUKSYUNAL (3-4)
C. medaling humanga MALAYA (5)
D. matingding gumusto sa isang bagay
ISKOR: ________
2. Bakit siya nabigla at natulala noong isang araw?
A. nakita niya sa kanilang tahanan ang kanyang pinapangarap
B. nanaginip siya na natanggap na niya ang kanyang pangarap ANTAS NG PAG-UNAWA
C. nahawakan niya ang matagal na niyang pinapangarap SA SALITA:
D. natupad na ang kanyang pangarap noong musmos pa.
__________________
3. Ano ang dahilan at Pag-ibig ang kanyang ipinangalan sa Teddy Bear na ibinigay ng kanyang kapatid?
A. sapagkat matagal na siyang nagmamahal
B. sapagkat nagustuhan na niya ito simula pagkabata pa
C. sapagkat magaling siyang magpahalaga sa anumang bagay
D. sapagkat pagkabata ay gusto na niyang mangalaga ng anumang bagay

4. Bakit ibinigay ng kanyang kapatid ang teddy bear sa kanya?


A. dahil pangarap na niya ito noong bata pa siya
B. dahil mahal at inaalagaan siya ng kanyang kapatid
C. dahil marunong siyang magpahalaga at magmahal kahit sa isang bagay lamang

5. Sa paglalahad ng katangian ng tauhan sa akda, aling pananaw na pampanitikan ang binigyang-diin ng manunulat?
A. Romantisismo
B. Humanismo
C. Klasisismo
D. Realismo
ANTAS NG PAGKILALA SA SALITA
PANIMULANG PAGBASA SA TEKSTO FILIPINO BAITANG 8

“NASYONALISMO”

Ang Nasyonalismo ay isang damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa sariling bayan at hindi sa
isang pangulo o pinuno lamang. Ang ugat ng salitang “nasyon” na isang katawagan sa samahan o pangkat ng mga taong may iisang
mithiin o layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon, mga kaugalian at tradisyon. Hindi sapat na ang mga tao ay
may lupang tirahan, may kinikilalang pamahalaan at mga pinuno upang magkaroon ng damdaming makabansa. Mahahalagang
sangkap ang mga ito ngunit ang pinakamahalaga ay ang pagkakaisa ng mga kumikilala na sila ay kasapi sa iisang bansa at handa
nilang ipagtanggol ang kalayaan ng mga ito. Hindi likas ang damdaming ito sa mga tao sa mga makasaysayang karanasan ng bansa.
Ang Nasyonalismo ay pagmamalaki sa pamanang kultural ng bansa, pagtaguyod sa adhikain nito, at pagtatanggol sa
integridad, seguridad at pagpapahalaga sa kalayaan ng bansa. Ito ay isa ring damdamin ng pagkakaisa na nag-uugnay sa mga tao sa
kanilang kasaysayan at nagbubuklod sa kanila patungo sa isang maunlad na kinabukasan.
Hindi naging madali at payak ang proseso ng paglinang ng nasyonalismong Pilipino. Masasabing naipunla ang buto nito sa
kabayanihan ni Lapu-lapu. Dinilig ng dugo at buhay ng mga Pilipino kaya lumago at umusbong sa pagdaan ng mga taon, namulaklak
at nagbunga sa isang rebolusyon na humantong sa pagpapahayag ng kasarinlan noong Hunyo 12, 1898.
Tinutukoy ng bansa ang isang matatag na pamayanang binubuo ng mga tao, may teritoryo, ekonomiya, kasaysayan, kultura,
wika at pagkakaisa sa ilalim ng iisang pamahalaan. Ang paglinang ng isang bansa ay isang matagal, mabagal at mahirap na proseso.
Bumibilang ng maraming taon at mga siglo, bago mabuo ang isang bansa.
Marami nang pagbabago ang naganap nang dumating ang mga kastila sa bansa. Bagaman hindi ninais ng Espanya na pag-
isahin ang mga Pilipino sa isang bansa, hindi nila namalayan na malaki ang nagawa nito sa paglinang ng nasyonalismo sa mga
Pilipino.

PANGALAN: _______________________________________
BAITANG/ SEKSYON: __________________

MALAYA – (0-11) KABIGUAN – (12-28) INSTRUKSYONAL – (29-59) DI MAKABASA – (60-76)


PAGKAKALTAS- _________________ MALING PAGBAYBAY- ________________
PAGPAPALIT- __________________ PAG-UULIT- _____________________
PAGDADAGDAG- __________________ AYAW BUMASA- _____________________
ANTAS NG PAGUNAWA SA SALITA

Panuto: Basahin at unawain ang tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang Nasyonalismo ayon sa binasang teksto?


A. Ito ay ang pagpapahalaga sa bansa DI-MAKAUNAWA (0-1)
B. Ang pagkabuo ng isang nasyon. KABIGUAN (2)
C. Ang paghihimagsik ng mga tao dahilan sa naranasang panlulupig INSTRUKSYUNAL (3-4)
D. Damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa sariling bayan MALAYA (5)

2. Ang salitang “nasyon” ay katawagan sa____ ISKOR: ________


A. Bansa
B. pangkat ng mga Pilipino
C. Pangkat ng taong may iisang mithiin na pinagbuklod ng lahi,wika,relihiyon ANTAS NG PAG-UNAWA
D. Pangkat ng mga Pilipino na handang magbuwis ng buhay para sa bayan. SA SALITA:

3. Kailan naipunla ang Nasyonalismo sa mga Pilipino? __________________


A. Pagkasilang pa lang ay nakaukit na ito
B. Mula sa kabayanihan ni Lapu-lapu
C. Sa mga naisulat ni Jose Rizal
D. noong panahon ng propaganda

4. Kailan nalilinang ang isang bansa?


A. Kapag nagkaroon ng Nasyonalismo
B. Matagal at mahirap na proseso na bumibilang ng taon at mga siglo
C. Kapag nagkaroon ng magaling na namumuno
D. Kapag nagkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino

5. Ano ang pinakamahalagang sangkap ng Nasyonalismo?


A. Pagkakaisa
B. Pagtutulungan
C. Pagmamahal
D. Katapangan
ANTAS NG PAGKILALA SA SALITA
PANIMULANG PAGBASA SA TEKSTO FILIPINO BAITANG 7

“EPEKTO NG POLUSYON”

Napakalaking suliranin ng bansa ang bungang idinudulot ng polusyon sa mga mamamayan. Batid natin ang kahalagahang
naidudulot ng ilog, subalit ilan kaya ang nakakaalam na sa kabuuang bilang na apat na raang pangunahing ilog sa bansa, umabot na
sa 48 ang polluted? Tinatayang 70-80 porsyento ng polusyon ay dulot ng publiko. Tinutukoy rito ang duming itinatapon sa ilog ng mga
squatters na naninirahan sa tabing-ilog. Ang 20-30 porsyento naman ay tinayuan naman ang pampang ng pabrika ng alak, gilingan ng
asukal, pabrika ng papel, babuyan at pabrikang pangkemikal. Samakatuwid, ang mga duming nanggaling dito na itinatapon sa ilog ay
may halong kemikal na nagdudulot ng pagkalason ng tubig at pagkalipol ng isda. Kung makain ng tao ang isdang may lason na nasa
loob ng katawan, mapupunta ito sa kanyang katawan. Hindi man mamamatay ay agad na iikli ang kanyang buhay. Ang mga taong
naliligo sa ilog ay maaaring malason din, ganon din ang mga hayop na umiinom ng tubig. Ang mga itik na lumalangoy at nanginginain
sa ilog ay nalason din ang katawan at ang itlog na balut na buhat sa itik ay maaari ring malason.
Maraming masamang bunga ang polusyon. Nakaaapekto ito sa kalusugan partikular na ang mga bata. Ang mga basurang
nagkalat ay nagpaparami ng mga langaw at lamok. Ang magagandang tanawin at maging ang kabuhayan ng tao ay sinisira nito. Ang
karumihan ng paligid ay nagdudulot ng malaking panganib sa buhay ng mga tao. Huwag nating itapon ang basura kahit saan sapagkat
ang mga nabubulok na basura ay nag-aanyaya ng maraming langaw at ang mga langaw na ito ay dumarapo sa ating pagkain.
Magtulungan tayo at kumilos alang-alang sa kabutihan na rin natin.Malaking kayamanan ng bayan ay may malulusog at
masayang mamamayan. Nararapat nating pangalagaan ang ating kapaligiran. Huwag magtapon ng kung ano-anong basura dito.

PANGALAN: _______________________________________
BAITANG/ SEKSYON: __________________

MALAYA – (0-11) KABIGUAN – (12-28) INSTRUKSYONAL – (29-59) DI MAKABASA – (60-76)


PAGKAKALTAS- _________________ MALING PAGBAYBAY- ________________
PAGPAPALIT- __________________ PAG-UULIT- _____________________
PAGDADAGDAG- __________________ AYAW BUMASA- _____________________
ANTAS NG PAGUNAWA SA SALITA

Panuto: Basahin at unawain ang tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang napakalaking suliranin ng bansa sang-ayon sa teksto.


A. Ang problema ng ekonomiya DI-MAKAUNAWA (0-1)
B. Ang problemang dulot ng Polusyon KABIGUAN (2)
C. Ang tambak ng basura
INSTRUKSYUNAL (3-4)
D. Ang pagkasira ng yamang tubig
MALAYA (5)
2. Ilang porsyento ng Polusyon ang dulot ng publiko. ISKOR: ________
A. 20-30 B.30-40 C.60-70 D. 70-80

3. Ang mga sumusunod ay epekto ng polusyon maliban sa: ANTAS NG PAG-UNAWA


A.Pagdami ng basura SA SALITA:
B. pagkakasakit
C. pagkamatay ng mga isda
__________________
D. paglobo ng bilang ng tao

4. Ang tinutukoy na kayamanan ng bayan sa teksto.


A. Yamang lupa
B. yamang tubig
C. malulusog at masayang mamamayan
D. malusog na kapaligiran

5. Sa kabuuang apat na daang ilog sa bansa ___ang polluted.


A. 28 C. 48
B. 38 D. 58
Pabasa number of words
1 2 3 4 5
1 Polusyon 304 b d d C c
2 Nasyonalismo 304 d c b B a
3 aking pinakamamahal 321 D A B D A
4 TAMIS NG PAGPUPUNYAGI 368 C D A C C

Pabasa number of words


1 2 3 4 5
1 Polusyon 304 b d d C c
2 Nasyonalismo 304 d c b B a
3 aking pinakamamahal 321 D A B D A
4 TAMIS NG PAGPUPUNYAGI 368 C D A C C

Pabasa number of words


1 2 3 4 5
1 Polusyon 304 b d d C c
2 Nasyonalismo 304 d c b B a
3 aking pinakamamahal 321 D A B D A
4 TAMIS NG PAGPUPUNYAGI 368 C D A C C

Pabasa number of words


1 2 3 4 5
1 Polusyon 304 b d d C c
2 Nasyonalismo 304 d c b B a
3 aking pinakamamahal 321 D A B D A
4 TAMIS NG PAGPUPUNYAGI 368 C D A C C

Pabasa number of words


1 2 3 4 5
1 Polusyon 304 b d d C c
2 Nasyonalismo 304 d c b B a
3 aking pinakamamahal 321 D A B D A
4 TAMIS NG PAGPUPUNYAGI 368 C D A C C

Pabasa number of words


1 2 3 4 5
1 Polusyon 304 b d d C c
2 Nasyonalismo 304 d c b B a
3 aking pinakamamahal 321 D A B D A
4 TAMIS NG PAGPUPUNYAGI 368 C D A C C

Pabasa number of words


1 2 3 4 5
1 Polusyon 304 b d d C c
2 Nasyonalismo 304 d c b B a
3 aking pinakamamahal 321 D A B D A
4 TAMIS NG PAGPUPUNYAGI 368 C D A C C

Pabasa number of words


1 2 3 4 5
1 Polusyon 304 b d d C c
2 Nasyonalismo 304 d c b B a
3 aking pinakamamahal 321 D A B D A
4 TAMIS NG PAGPUPUNYAGI 368 C D A C C

You might also like