You are on page 1of 8

1 Araling panlipunan quarter 4 week 5 radio script

2 Baitang: ikalawang baitang

3 paksa: Tungkulin Ko sa Aking Komunidad

4 araw/oras: Thursday 10;10-10;40

5 Duration: 30 minuto

6 Scriptwriter: Frelyn Santos

7 Frelyn : magandang umaga mga bata! kumusta na kayo? Maganda ba ang inyong gising? Nakapag almusal na

8 ba? Handa na ba para sa panibagong aralin?

9 Ako po si teacher frelyn ang makakasama ng ikalawang baitang pangkat amber at diamond para sa tatlumpung

10 minutong talakayan sa araling panlipunan.

11 Samahan nyo akong tuklasin ang panibagong aralin ngayong araw, ihanda ang inyong mga gamit para simulan

12 natin ang isang masayang talakayan.

13 Mga magulang, maari pong ihanda ang inyong mg cellphone sapagkat ako po ay tatawag sa aking ilang mga

14 estudyante na tutulong sa akin sa aming araling ngayong araw na ito.

15 Halika na simulan na natin (music) kumuha ng inyong papel at lagyan ng bilang mula isa hanggang lima.

16 Babasahin ko ang mga tanong at isusulat ninyo ang inyong mga sagot sa papel, handa na ba?

17 Panuto: Tukuyin kung alin sa mga pamimilian nito ang tamang paraan ng pagtupad sa iyong tungkulin sa

18 komunidad. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

19 _____ 1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng tungkulin sa paaralan?

20 A. sinusunod ang mga alituntunin ng paaralan

21 B. nagtatapon ng basura sa daan


22 C. sinisira ang mga kagamitan sa paaralan

23 _____ 2. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin?

24 A. Tinutulungan ni Nix ang kanyang mga kapatid sa gawaing-bahay

25 B. Nagtatapon ng balat ng sitsirya si John Paul sa bakuran ng kanilang bahay.

26 C. Sumasakay ako ng traysikel sa tamang sakayan.

27 _____ 3. Kung ikaw ay gumagamit ng pedestrian lane, anong tungkulin ang tinutupad mo?

28 A. pagsunod sa batas-trapiko

29 B. pangangalaga sa kalikasan

30 C. tungkuling mag-aral na mabuti

31 _____ 4. May clean-up drive na gaganapin sa inyong komunidad. Ano ang dapat mong gawin?

32 A. manatili sa bahay

33 B. . sabihing hindi mo pa kayang tumulong

34 C. makiisa sa proyekto batay sa iyong kakayanan

35 _____ 5. Sa panahon ng paglaban sa COVID-19 virus, alin ang nararapat mong gawin?

36 A.magsusuot ng face mask upang hindi magmulta

37 B. magsusuot ng face mask at face shield sa tuwing lalabas ng iyong tahanan

38 C.magsusuot ng face mask kung may pulis o tanod na parating

39 Ayan,tapos na bahaging subukin, sasabihin ko ang mga tamang sagot at icheck ang inyong sagot ng may

40 katapatan kung ito ay tama.

41 1. A, 2. B 3. A 4. C at panghuli 5. B

42 Kung kayo ay nakakuha ng 4 at limang puntos,mukhang madali ninyong matutunan ang ating aralin pero

43 huwag malungkot kung mababa ang inyong score sapagkat hindi pa naman natalakay ni teacher ang ating

44 quiz.
45 Nakaraang linggo ay pinag-aralan natin ang mga karapatan,lalo na ang mga karapatan ng mga batang tulad

46 ninyo.

47 Ang bawat isa ay may karapatang tinatamasa tulad ng karapatang makapamuhay nang ligtas at matiwasay.

48 Mahalaga rin na matamasa mo ang iyong mga karapatan upang lumaki kang masaya, maayos, at kapaki-

49 pakinabang sa iyong pamilya at komunidad. Maaaring matamasa mo ang iyong mga karapatan sa

50 pamamagitan ng iba’t ibang serbisyong ibinibigay ng pamahalaan tulad ng libreng edukasyon at mga

51 programang pangkabuhayan, pangkalusugan, at panseguridad.

52 Maari ba akong humingi ng tulong kids? Tatawag ako ng ilan sa inyong mga kaklase upang tulungan akong

53 sumagot sa aking katanungan.

54 Sino kaya ang una kong hihingian ng tulang, pwede kaya si Charles cesar geromo? (tatawag sa mag-aaral)

55 Charles, Isa sa karapatan mo bilang bata ang makapag-aral, ano kaya ang dapat mong gawin bilang bata?

56 Ang galling ng iyong sagot Charles salamat sa pagsagot.

57 Sino kaya ang makakasagot mula sa grade 2 diamond, maari ko kayang tawagan si xianne Natalie? (tatawag sa

58 mag-aaral)

59 Xian, Karapatan mo din bilang bata ang makapaglaro, ano kaya ang dapat mong gawin habang nakikipaglaro at

60 kung ikaw ay nasa palaruan?

61 Ang husay naman ng iyong sagot xian. May isa pa akong natirang sagot maari kayang sagutin ito ni kent

62 geonanga?

63 Isa rin sa iyong karapatan bilang bata ang maging ligtas, ano kaya ang maari mong gawin upang maging ligtas

64 sa covid 19?

65 Maraming salamat sa inyong mga kasagutan alam ba ninyo ang inyong mga sagot ay tinatawag nating

66 mga tungkulin?

67 Sapagkat ang bawat karapatan ay mayroong katumbas na tungkuling dapat gampanan ng bawat isa upang

68 maging maayos, payapa, at maunlad ang kanyang komunidad. tulad ng sagot ng inyong mga kaklase, karapatan

69 natin ang makapag- aral bilang bata tungkulin natin mag aral ng mabuti, karapatan makapaglaro kaya tungkulin
70 natin ang ingatan ang ating mga gamit sa palaruan at maging batang isport at panghuli karapatan natin ang

71 maging ligtas kaya ngayong panahon na may virus na kumakalat dapat ay tungkulin nating sumunod sa mga

72 protocol o ang pagsuot ng facemask,pananatili sa bahay,palagiang paghugas ng kamay at ang pagpapanatili ng

73 isang metro sa tuwing tayo ay may kausap.

74 Marami pa tayong mga tungkulin na dapat gampanan sa ating komunidad,sapagkat ang kaunlaran ng ating

75 komunidad ay nakasalalay sa pagsunod natin sa ating mga tungkulin.

76 Sa inyong modyul pahina pito, samahan ninyo akong basahin ang maikling usapan na may pamagat na

77 tungkulin ko ,gagampanan ko! (basahin sa modyul ang pahina 7 hanggang 9)

78

79

80

81

82

83

84

85

86

87

88

89 Ayan kids! Nabasa natin ang apat na tungkulin na katumbas ng ating mga karapatan.
90 Sa pahina 9 ay ating Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin kung alin sa mga ito ang nagpapakita ng

91 pagtupad sa tungkulin. Kaya ba natin kids?

92

93
94 Anong mga titik ang nagpapakita ng pagtupad sa tungkulin, sagot mo ba ay titik a, b, c, d, f? ikaw ay mahusay

95 na bata!

96 Tanging titik E lamang ang hindi nagpapakita ng tungkulin sapagkat hinahayaan na lamang ang maruming

97 paligid.

98 Mukhang alam na alam na ninyo ang mga tungkulin na dapat nating tupadin, kaya sa inyong modyul pahina

99 labing dalawa ay sasagutan ninyo ang katumbas na tungkulin ng mga karapatang nakatala. Hanapin ang sagot sa

100 loob ng kahon sa ibaba.

101 Bibigyan ko lamang kayo ng 3 minuto para sa inyong pagsagot. (music)

102 tapos na po ang ating tatlong minuto, atin pong iwawasto ang inyong mga sagot.

103 Sa unang bilang o number one, anong tungkulin kaya ang dapat nating gawin?

104 Tama! ito ang Tungkulin kong tumulong sa mga nangangailangan ,

105 Sa ikalawa naman ay Tungkulin kong magtapon ng basura sa tamang lalagyan. Lagyan ulit ng tsek ang inyong

106 sagot.

107 Panghuling bilang naman, ay Tungkulin kong igalang ang mga tuntuning pampubliko upang tayo ay maging

108 ligtas lagi.

109 Ang huhusay naman ng mga grade 2, Ngayong panahon ng pandemya ay hindi kayo pinayagan pansamantala

110 na pumasok sa paaralan, ano kaya ang ginawa naming mga guro o ng ating paralan para matuloy ang inyong

111 pag-aaral?

112 Magaling, kami ay naghanda ng inyong mga modyul para sagutan ninyo ito sa inyong bahay.

113 Ano naman ang kaakibat na tungkulin para sa inyo?

114 Tumpak tungkulin ninyo ang pagsagot at pag-sauli ng inyong modyul sa takdang araw.

115 Paano naman ang tungkol sa pandemya( ang covid 19) ano naman ang kalakip na tungkulin ang dapat ninyong

116 gampanan upang kayo ay maging ligtas sa sakit na ito?


117 Ang galling galling nyo naman, dahil alam ninyo na tungkulin ninyong sumunod sa mga pinaiiral na mga

118 protocol tulad ng pag-susuot ng facemask,palagiang paghugas ng kamay,pananatili sa bahay, pagkain ng

119 masustansyang gulay at ang pagehersisyo!

120 Wow!! Bilib na bilib si teacher frelyn sa inyo mga bata alam na alam na ninyo ang inyong mga tungkulin,bago

121 tayo magkaroon ng tayahin maari nyo bang sagutin ang tanong ko na

122 Ang mga_____________ ay ang dapat nating gampanan sapagkat ito ang katumbas ng ating mga karapatan

123 upang maging maayos, payapa, at maunlad ang ating komunidad .

124 Ano ang inyong sagot?

125 Tumpak napakahusay nyo naman!!! Tungkulin nga ang tamang sagot.

126 Maari ka bang magbigay ng ilang tungkulin na ating tinalakay?

127 Maraming salamat kids, ngayon naman ay para sa ating tayahin,kumuha ng papel at lagyan ng numbers mula 1

128 hanggang 5.

129 Panuto: makinig sa babasahing tanong ng guro at isulat sa inyong answer sheet ang tamang sagot.

130 1. Isa sa aking mga karapatan ang Karapatang lumahok sa mga programa at serbisyo sa komunidad kaya

131 bilang bata tungkulin ko na ________?

132 a. Manggulo sa tuwing may praktis kami ng aming palabas

133 b. Makisali ng maayos sa aming mga Gawain para sa aming palabas

134 c. Sasabihin ko na hindi ko kaya na sumali

135 2. Nasunugan ang kapitbahay ni mark, ano kaya tungkulin ni mark na maaring gawin?

136 a. Tungkulin nya na magbigay ng tulong sa abot ng kanyang makakaya.

137 b. . tungkulin nya na magkolekta ng tulong pero hindi ibibigay lahat

138 c. Tungkulin ni mark na ipagwalang bahala ang nangyari sa kapitbahay.

139 3. Ano sa mga sumusunod na pangyayari sa baba ang hindi nagpapakita ng pagsunod sa tungkulin sa batas-

140 trapiko?

141 a. Mabilis na tumawid sa kalsada si mika kahit hindi pa oras ng pagtawid.

142 b. Palaging tinatakasan ni Jose ang pulis na tumutulong sa kanila sa pagtawid.


143 c. Tahimik na hinihintay ni Claire ang oras ng kanilang pagtawid kahit mainit ang panahon.

144 4. Ang ating mga karapatan ay may katumbas na ___________?

145 a. premyo

146 b. tungkulin

147 c. parusa

148 5. dumarami ang mga nagkakasakit ng coivd 19 sa brgy. Santa Inez, kaya nagpatupad ng lockdown ang

149 kanilang kapitan upang maingatan ang kanyang mga kabarangay, bilang bata paano ka tutupad sa iyong

150 tungkulin?

151 A . manatili sa bahay at ang pagsuot lagi ng facemask

152 b. makikipaglaro parin ako sa aking mga kakaklase

153 c. wala akong pakialam at ako ay pupunta padin kung saan-saan

154 ang inyong mga modyul ay maari na pong ibalik bukas at akin pong ichecheck para malaman kung ilan sa inyo

155 ang nakakuha ng pasadong marka.

156 Sa muli ako po si teacher frelyn ang inyong guro sa asignaturang araling panlipunan ay sa inyoy

157 magpaalam,naway bagong kaalaman na natutuhan ay huwag kakalimutan upang magamit lagi sa buhay,

158 Sa nagpapatuloy na pandemya lagi kang manalangin at mag ingat,pagsusuot ng facemask at paghugas ng kamay

159 ay huwag kakalimutan,palakasin lagi ang inyong katawan.

160 Hanggang sa muli na pasukan mga bata, salamat sa pagsama sa akin sa loob ng 10 buwan kahit di tayo madalas

161 magkita, hanggang sa muli mahal kayo ni teacher frelyn at teacher riva.pagpalain tayo ng poong maykapal.

162 Bye kids!

You might also like