You are on page 1of 11

Title: Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5

Topic: Agrikultura (Pakinabang ng pagtatanim ng halamang-gulay sa sarili, pamilya at

pamayanan)

Format: School-on-the-Air

Length: 30 minutes

Scriptwriter: Melody T. Ombaogan

Radio Teachers: Rosebel Latiban, Jerlyn Jean Latiban

Technical Support: Rhowilyn Dayaganon

Host: Juliet Ganloy

Objective: Natatalakay ang pakinabang sa pagtatanim ng halamang gulay sa sarili, pamilya at

pamayanan. EPPBAG-Oa-1

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 HOST: Magandang umaga mga mag-aaral sa ika-limang baitang. Ito ang

4 inyong paaralang-panghimpapawid sa Edukasyong Pantahanan at

5 Pangkabuhayan.

6 BIZ: MSC UP AND UNDER

7 Ako ang inyong guro, Binibining Juliet Ganloy.

8 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

9 HOST: Bago natin simulan ang ating talakayan ay kailangan tandaanninyo

10 ang ilan sa mga paalala. Una, siguraduhing kayo ay komportable sa inyong

11 kinalalagyan at malinaw na naririnig ang ating broadcast. Ikalawa, mas

12 mainam din kung tapos na kayong kumain dahil mas magiging alerto at mas

1
madali ninyong maiintindihan ang ating leksyon kung may laman ang

1 inyong mga tiyan.

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 Ikatlo, ihanda ang inyong mga ballpen, modyul, at papel dahil sa umagang

4 ito, tayo ay maglalakbay sa mundo ng Agrikultura at Paghahalaman.


5 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER
6
HOST: Bago natin simulan ang paglalakbay, balikan muna natin ang aralin
7
na ating natalakay nang huli tayong nagkita. Natatandaan niyo pa ba ang
8
ating leksyon? (PAUSE) – Tama! Ito ay tungkol sa Paghahalaman.
9
Ano nga ba ang ibig sabihin ng paghahalaman? (PAUSE) – Tama! Ang
10
paghahalaman ay sektor ng agrikultura na nakatuon sa pagpaparami ng mga
11
halaman na maaaring mapagkunan ng hilaw na materyales at iba pang
12
produkto.
13
BIZ: MSC UP AND UNDER
14
HOST: Upang mas maunawaan ito, meron akong katanungan para sa inyo –
15
(PAUSE) Kayo ba ay naghahalaman sa inyong tahanan o sa anumang lupain mayroon
16
kayo? (PAUSE) Marahil nga ay mayroon kayong mga hardin ng gulay at prutas. Ang
17
iba rin ay nagtatanim ng mga halaman sa kani-kanilang mga bakuran o sa paso kung
18
walang malaking espasyo.
19
BIZ: MSC UP AND UNDER
20
HOST: Ngayung umaga, tatalakayin natin ang tungkol sa pakinabang sa pagtatanim
21
ng halamang gulay. Handa na ba kayo sa ating panibagong aralin? (PAUSE)---
22
Magaling! Ngayon, ihanda na ang inyong modyul para masundan ninyo ang ating
23
talakayan. Muli, nais ko pong ipaalam sa ating mga mga-aaral sa asignaturang
24
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa ika-limang baitang na ito ang ating

2
25 ikalawang aralin. Uulitin ko, nasa ikalawang aralin o Aralin 2 na po tayo. (PAUSE)---

1 Kung handa na kayo, ipakikilala ko sa inyo ang inyong mga guro ngayong umaga.

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 RADIO TEACHER: Maraming salamat Binibining Ganloy.

4 Muli, magandang umaga mga mag-aaral sa Baitang Lima. Kami ang iyong Gurong

5 panghimpapawid sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Binibining Rosebel

6 Latiban at Binibining Jerlyn Jean Latiban.

7 BIZ: MSC UP AND UNDER

8 RADIO TEACHER: Ngayong araw ay matututunan at pagtutuunan ng pansin ang

9 kahalagahn dulot ng halamang gulay at kapakinabangan nito sa ating sarili, pamilya

10 at pamayanan.

11 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

12 RADIO TEACHER: Handa na ba kayo sa ating talakayan?(PAUSE) –

13 Ngayon ay nais kong sagutin ninyo ang mga tanong na sasabihin ko. Maaring isulat

14 ninyo ang inyong mga kasagutan sa inyong papel. Heto na ang mga katanungan.

15 BIZ: MSC UP AND UNDER

16 Bakit tayo nagtatanim ng mga halamang gulay? May makukuha ba tayong

17 pakinabang mula dito? Ano ang maitutulong ng pagtatanim ng halamang gulay sa

18 inyong mga sarili? Sa inyong pamilya? Sa inyong pamayanan?

19 BIZ: MSC UP AND UNDER

20 Ngayon ay mapapakinggan ninyo ang isang kwento tungkol kay Mang Kulas at ang

21 kanyang paghahalaman. Makinig kayong mabuti dahil ito ay kapupulutan ng aral.

22 BIZ: MSC UP AND UNDER

23 Si Mang Kulas ay nasa animnapung taon na. Kinagigiliwan niya ang pagbubungkal at

24 pagdidilig sa kanyang mga gulay sa bakuran. Napakaberde ng kaniyang kapaligiran

3
25 sapagkat punong-puno ito ng mga gulay at bulaklak. Mayroon din siyang mga

1 mangga at iba pang puno na hitik sa mga bunga.

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 Isang araw, nadatnan siya ng isang ale na pinangalanang Rosa. Siya ay apatnapung

4 gulang ngunit mababakas sa kaniyang katawan ang katandaan at pagod. Pinatuloy ito

5 ni Mang Kulas nang may ngiti sa mga labi. Tinanong ng Ale si Mang Kulas kung

6 bakit mas matanda na ito'y napakalusog at alisto pa rin ang pangangatawan. Sumagot

7 si Mang Kulas ng may pagmamalaki,

8 "Dahil ito sa aking paghahalaman. Nakakawala ng tensyon at problema,

9 nakakadagdag na sa aking kita at nagbibigay pa ng bitamina sa aking katawan."

10 Bago umalis ang Ale ay binigyan pa siya ni Mang Kulas ng mga buto ng gulay at

11 sinabihan ng mga dapat gawin upang maging malusog ang pananim.

12 BIZ: MSC UP AND UNDER

13 RADIO TEACHER: Ano ang inyong natutunan sa kwento na aking binasa? May

14 pakinabang ba ang pagtatanim ng halamang gulay?

15 BIZ: MSC UP AND UNDER

16 RADIO TEACHER: Mahusay! Ang pagtatanim ng halamang gulay ay maraming

17 magandang dulot sa ating sarili, sa ating pamilya at maging sa ating pamayanan.

Katulad ni Mang Kulas, ang pagtatanim ng gulay ay


18
nakatulong upang maging malakas at malusog pa siya kahit mataas na ang kaniyang
19
edad. Inyong natunghayan na ang ale, kahit na mas bata pa ang edad kaysa kay Mang
20
Kulas, ay mababakasan ng katandaan.
21
BIZ: MSC UP AND UNDER
22
RADIO TEACHER: Sino-sino sa inyo ang may mga pananim na gulay sa kani-
23
kanilang tahanan at bakuran? (Pause) Magaling! Ang pagtatanim ng halamang gulay

4
24 ay isang gawaing nakalilibang at kapaki-pakinabang. Malaki ang maitutulong nito sa

25 pagpapaunlad ng pamumuhay. Nakakatipid ang mag-anak na may halamang-gulay sa

1 bakuran sapagkat hindi na nila kailangang bumili pa ng gulay na gagamitin sa pang-

2 araw-araw na pagluluto. Maaaring makakadagdag din ito sa kinikita ng mag-anak

3 kung ipagbibili ang sobrang ani.

4 BIZ: MSC UP AND UNDER

5 RADIO TEACHER: Tandaan, malaki ang maitutulong ng paghahalaman sa ating

6 sarili at sa ating pamilya. Ngayon ay kunin ninyo ang inyong pansulat at kwaderno.

7 Ang inyong gagawin ay isulat ang naging tulong o pakinabang ng pagtatanim ng

8 halamang-gulay sa inyong mga sarili. Isipin niyo rin kung ano ang magandang

9 naidulot nito sa inyong pamilya maging ng mga taong malalapit sa inyo. Isulat niyo

10 rin kung ano ang magiging epekto ng pagtatanim ng gulay sa inyong komunidad o sa

11 lugar na kinaroroonan ninyo.

12 BIZ: MSC UP AND UNDER

13 RADIO TEACHER: Ang inilaan kong oras ay tapos na. Maaari na ninyong basahin

14 sa inyong pangkat ang mga sagot ninyo. Pagkatapos ay ipasa ito sa unahan kung saan

15 ang mesa ng guro.

16 BIZ: MSC UP AND UNDER

17 RADIO TEACHER: Ngayon ay ilalahad ko sa inyo ang ilan sa pakinabang ng

18 pagtatanim ng halamang-gulay sa ating tahanan. Makinig kayong mabuti at tandaan

19 ang aking mga sasabihin. (Pause)Ang pakinabang ng paghahalaman sa ating sarili ay

20 ang mga sumusunod.

21 Nakapagbibigay ng sustansyang kailangan ng katawan tulad ng bitamina at mineral.

22 Ito rin ay kawiliwili at nakalilibang. Nakapag-aalis din ito ng tensyon at suliranin, at

23 ang pag-aalaga ng mga halamang-gulay tulad ng pagdidilig at pagbubungkal ay

5
24 ehersisyo sa katawan.

25 BIZ: MSC UP AND UNDER

1 RADIO TEACHER: Sa pamilya naman, nagkakaroon tayo ng sapat na panustos sa

2 pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya. Nakatitipid ang mag-anak na may

3 halamang gulay at maaaring makadagdag ito ng kita kapag ipinagbili ang mga naani.

4 (Pause) Sa pamayanan, ito ay nakakapagpaganda ng kapaligiran. Nakakatulong din

5 ito sa pagsugpo ng polusyon.

6 BIZ: MSC UP AND UNDER

7 RADIO TEACHER: O mga bata, nawa’y may natutunan kayo sa ating talakayan

8 tungkol sa pakinabang sa pagtatanim ng halamang-gulay sa ating mga sarili, sa

9 pamilya at sa pamayanan. Sa puntong ito, inyong makakasama ang ating host na si

10 Binibining Juliet Ganloy para sa inyong maikling pagsusulit.

11 BIZ: MSC UP AND UNDER

12 HOST: Maraming salamat Binibining Jerlyn Latiban. Ngayon, upang ating sukatin

13 ang inyong kaalaman, halina’t buksan ninyo ang inyong modyul bilang dalawa sa

14 pahina lima hanggang siyam at sagutin ang Gawin natin na Gawain 1 at Gawain 2.

15 Bibigyan ko kayo ng ilang minuto upang sagutin ang iyong gawain at isulat ang sagot

16 sa sagutang papel.

17 ADVERTISEMENT

18 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

19 HOST: Natapos niyo na ba ang iyong Gawain? (PAUSE) Magaling! Sa puntong ito,

20 ating sasagutan ang inyong gawain.

21 Bilang isa: Bakit kinakailangan tayong magtanim ng halamang gulay?

22 a. Para may sapat na panustos sa araw-araw na pangangailangan ng pamilya

23 b.Nakapagdudulot ng magandang kalusugan

6
24 c. Nakawiwili

25 d. Lahat ay tama

1 Ano ang inyong sagot? (PAUSE) – Magaling! Ang tamang sagot ay letrang d. Lahat

2 ng nabanggit sa letrang pagpipilian ay tama.

3 Bilang dalawa: Alin sa mga sumusunod ang mga pakinabang na maaari nating

4 makuha sa pag-aalaga ng mga halamang-gulay?

5 a. Pera

6 b. preskong gulay

7 c. kalusugan

8 d. lahat ay tama

9 Ano ang inyong sagot? (PAUSE) – Tama! Ang tamang sagot ay letrang D.

10 Bilang tatlo: Gusto mong mag-alaga ng gulay dahil alam mong may pakinabang ang

11 pagtatanim nito, ngunit wala kang lupang pagtataniman. Ano ang maaari mong

12 gawin?

13 a. Magtatanim nalang sa lupa ng kapitbahay.

14 b. Magpapatanim sa iba

15 c. Gagamit ng mga supot at lata na pwedeng gamiting paso

16 d. Lahat ay tama

17 Ano ang inyong sagot? (PAUSE) – Mahusay! Ang tamang sagot ay letrang c.

18 Bilang apat: Paani mo mahihikayat ang iyong mga kapitbahay o kaibigan na

19 magtanim ng mga halamag-gulay sa kanilang bakuran?

20 a. Sasabihin ang kahalagahan nito

21 b. Hihikayatin silang magtanim

22 c. Maging modelo sa kanila

23 d. Bigyan sila ng itatanim

7
24 Ang tamang sagot ay? (PAUSE) – Tama ! Ang tamang sagot ay letrang a.

25 Bilang lima: Ano ang mangyayari kung ang bawat pamilya ay magtatanim ng

1 halamang-gulay?

2 a. Lahat ay magiging malusog

3 b. Magkakaroon lahat ng dagdag kita

4 c. Lahat ay mawiwili at malilibang

5 d. Lahat ay tama

6 Ang tamang sagot ay? (PAUSE) – Magaling ! Ang tamang sagot ay letrang d.

7 Sasagutan naman natin ang pangalawang gawain. Ang panuto ay isulat ang SARILI

8 kung ito ay pakinabang ng pagtatanim ng halamang-gulay sa sarili. PAMILYA kung

9 ito ay pakinabang sa mag-anak at PAMAYANAN kung sa pamayanan.

10 Bilang Isa: Nakatitipid ang mag-anak ng may halamang-gulay.

11 Ano ang inyong sagot? (PAUSE) – Mahusay! Ang tamang sagot ay PAMILYA

12 Bilang dalawa: Nagpapaganda ng kapaligiran.

13 Ano ang tamang sagot? (PAUSE) Magaling! Ito ay PAMAYANAN.

14 Bilang tatlo: Ang pagtatanim ng halamang-gulay ay kawiliwili at nakalilibang.

15 Ang sagot ay (pause) SARILI. Tumpak!

16 Bilang apat: Maaring makadagdag kita ang mag-anak kapag ipinagbili ang sobrang

17 ani.

18 Ano ang inyong sagot? (PAUSE) – Tama! Ang tamang sagot ay PAMILYA.

19 Bilang lima: Ehersisyo sa katawan.

20 Ano ang inyong sagot? (PAUSE) – Tama! Ang tamang sagot ay SARILI.

21 BIZ: MSC UP AND UNDER

22 RADIO TEACHER: Maraming salamat Binibining Ganloy sa paggabay sa ating mga

23 mag-aaral sa pagsagot sa kanilang gawain ngayong umaga. Mga mag-aaral sa

8
24 ikalimang baitang, kayo ba ay nakakuha ng malaking puntos? (PAUSE)- Magaling!

25 Kung ikaw ay nakakuha ng iskor na siyam hanggang sampu, binabati kita! Ibig

1 sabihin ay lubos ninyong naintindihan ang ating leksyon ngayong umaga. Kung ikaw

2 naman ay nakakuha ng puntos na pito hanggang walo, magaling din! Maaring meron

3 kang nakaligtaan subalit alam ko na magiging mas magaling ka pa sa susunod nating

4 talakayan. Kung ikaw naman ay nakakuha ng score na anim pababa, alam ko na kayo

5 ay magagaling din! Maaring may mga parte ng leksyon na hindi niyo gaanong

6 naintidihan subalit huwag mawalan ng pag-asa at pagsikapang mag-aral pa ng mas

7 maigi upang makakuha ng mas mataas pang marka sa susunod nating leksyon.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 RADIO TEACHER: Bilang inyong guro, inaasahan ko na nakatulong ang ating

10 talakayan ngayon . Para sa inyong takdang aralin, sagutin ang Pagyamanin Natin sa

11 pahina sampu. "Kapanayamin ang isang tao sa inyong komunidad na mahilig sa

12 pagtatanim ng halamang-gulay at alamin ang kapakinabangan nito sa kaniyang sarili,

13 pamilya at pamayanan. Isulat ang inyong sagot sa inyong kwaderno.

14 BIZ: MSC UP AND UNDER

15 HOST: At dito nagtatapos ang ating aralin. Maraming salamat sa inyong walang

16 sawang pakikinig sa ating paaralang panghimpapawid. Ikinagagalak namin na maging

17 parte ng inyong pagkatuto sa araw na ito. Antabayanan bukas ang pag-eere ng isa na

18 namang aralin sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan sa pareho paring oras at

19 istasyon. Muli, ako po si Binibining Juliet Ganloy , ako naman ang inyong radio

20 teacher na si Binibining Rosebel Latiban , ako si Binibining Jerlyn Jean Latiban , ako

21 naman si Binibining Rhowilyn Dayaganon at ako si Binibining Melody Ombaogan .

22 HOST: At kami ang inyong Gurong Panghimpapawid sa Edukasyong Pantahanan at

23 Pangkabuhayan Lima. Isulong ang kalidad na edukasyon para sa lahat.

9
24 BIZ: MSC UP AND UNDER

25 Hanggang sa muli! Paalam!

10

11

12

13

14

15

16

17

18

19

20

21

22

23

10
24

25

11

You might also like