You are on page 1of 15

SCRIPT FOR RADIO-BASED LEARNING

Title: Isaub ES Radyo Eskwela 100.1, Filipino 6, Quarter 4, Module 6


Topic: Ugnayang-Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari/problema-solusyon
Format: Audio-Resources for Asynchronous Learning/School-on-air (Dialog Approach)
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Magdalena C. Griño, Teacher III
Content Editor: Dalma A. Rivera, Teacher III
Language and Technical Reviewer: Avis Zyra C. Yumang, MBA, Teacher II
Quality Assurance: Eden D. Dimafilis, Principal II
Layunin: Nakagagawa ng dayagram ng ugnayang sanhi at bunga ng mga pangyayari/problema-
solusyon (F6PN-IVf-10)
______________________________________________________________________________

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID/JINGLE

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 BIZ: STINGER IN (pwede pong wala ito- by Ma’am Avis)

4 MA’AM MAGZ: Magandang araw mga bata sa Ika-anim na baitang. Ako ang inyong

5 gurong pamhimpapawid sa Filipino-Teacher Magz.

6 MA’AM DAL: At ako naman si Teacher Dal, ang inyo ring guro sa Filipino. Isang

7 karangalan ang makasama kayong lahat sa 30 minutong talakayan ng

8 bagong kaalaman.

9 MA’AM MAGZ: Kumusta naman kayo? Welcome sa isa na namang panibagong

araw,

10 at panibagong hamon sa pagkatuto. Narito kami upang samahan kayong

11 matutunan at maunawaan ang inyong mga aralin.

12 MA’AM DAL: Tama! Kaya siguraduhing kayo ay nasa isang komportableng lugar at

13 maayos na kalagayan. Tiyakin ding kayo ay nakapagbanyo na, nang sa gayon

14 ay tuloy-tuloy ang inyong pakikiisa sa ating talakayan.

-MORE-
Ugnayang-Sanhi at…222

1 MA’AM MAGZ: Dapat din ay nasa tabi na ninyo ang inyong mga modyul, Learning

2 Activity Sheets (LAS), bolpen at iba pang kaugnay na kagamitan sa pag-aaral.

3 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

4 MA’AM MAGZ: Handa na ba kayo? (PAUSE)

5 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER (NOTE FOR TD: CHANGE TO MSC 2)

6 MA’AM MAGZ: Teacher Dal, ano ba ang dahilan kung bakit ngayon ay nagtuturo

tayo

7 sa pamamagitan ng radyo?

8 MA’AM DAL: Naku! Teacher Magz, ito ay sa kadahilanang nagkaroon tayo ng

9 nakahahawang sakit na COVID-19.

10 MA’AM MAGZ: Tama! Samakatwid, ang COVID-19 ay isa sa mga naging sanhi o

11 dahilan ng pagkakaroon natin ng Radyo-Eskwela. Nakabuti naman di ba? Kasi

12 kahit wala tayong face-to-face classes ay makakasama pa rin namin kayo.

13 MA’AM DAL: Tama! Mga bata, sa araw na ito, ang ating tatalakayin sa Filipino ay

14 tungkol sa Ugnayang-Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari/problema at solusyon.

15 MA’AM MAGZ: Inuulit ko, ang ating tatalakayin sa Filipino ay tungkol sa

Ugnayang-

16 Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari/problema at solusyon.

17 MA’AM DAL: Okay, mayroon akong sitwasyon dito Teacher Magz. Palaging

-MORE-
18 pumupunta sa kompyuteran si Aezen Marie kapag may gagawin siyang

dokumento

19 o digital essay sa Filipino-6. Ano kaya ang maaring maging bunga nito?

20 MA’AM MAGZ: Ang posibleng bunga n’yan Teacher Dal ay makakukuha siya ng

21 mataas na marka o grado sa Filipino dahil nakatutulong ang mga impormasyong

22 makukuha niya mula sa internet.

Ugnayang-Sanhi at…333

1 MA’AM DAL: Tama Teacher Magz! Ipinakita sa sitwasyong ito ang ugnayang-sanhi

2 at bunga. Ang sanhi o dahilan ay palaging pumupunta sa kompyuteran si Aezen

3 Marie kapag may gagawin siyang dokumento o digital essay sa Filipino-6. At ang

4 bunga o resulta ay nakakuha siya ng mataas na marka sa Filipino.

5 MA’AM DAL: Ano naman kaya ang ibig sabihin ng ugnayang- sanhi at bunga?

6 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

7 MA’AM MAGZ: Ang ugnayang sanhi at bunga ay ang paglalahad ng dahilan ng

8 pagkakaganap ng isang pangyayari at ang kinalabasan o resulta ng pangyayaring

9 ito. Magiging batayan ito ng tao kung nabigo o nagtagumpay.

10 MA’AM DAL: May mga palatandaan o susing-salita ba Teacher Magz, kung paano

11 madaling makilala ang sanhi at ang bunga?

12 MA’AM MAGZ: Aba, mayroon Teacher Dal. Sa paglalahad ng sanhi o dahilan

13 ginagamitan ito ng mga susing salitang dahil/dahil sa, sapagkat, pagkat, kasi,

nang,

14 at iba pa.

15 MA’AM DAL: Anu-ano naman ang susing salita sa pagkilala ng bunga?


-MORE-
16 MA’AM MAGZ: Sa paglalahad ng bunga ginagamitan ito ng mga susing salitang

17 kaya, bunga ng, resulta, at iba pa.

18 MA’AM DAL: O ayan mga bata, pag sinabi nating susing salita, ibig sabihin ay mga

19 salitang palatandaan upang mas madali nating makilala ang sanhi o ang bunga.

20 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

21 MA’AM MAGZ: At tandaan natin… (PAUSE)

22 BIZ: MSC SEGUE TO

23 BIZ: LESSON ID- REMINDER (TANDAAN)

Ugnayang-Sanhi…444

1 MA’AM MAGZ: Para madali nating makilala ang sanhi o dahilan, hanapin natin ang

2 mga susing salitang dahil/dahil sa, sapagkat, pagkat, kasi, nang, at iba pa.

3 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

4 MA’AM MAGZ: Sa paglalahad ng bunga ginagamitan ito ng mga susing salitang

5 kaya, bunga ng, resulta, at iba pa.

6 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

7 MA’AM MAGZ: At syempre, para higit na madali ang pagpapakita sa ugnayan ng

8 Sanhi at Bunga ay maaari tayong gumamit ng mga dayagram.

9 MA’AM DAL: Tama! Mga bata, ang dayagram ay isang paglalarawan o drowing

10 upang ipakita ang pagbibigay o paglalahad ng sanhi at bunga sa iba’t ibang

paraan.

11 MA’AM MAGZ: Karagdagan diyan Teacher Dal, ang dayagram ay may iba’t ibang

12 porma o istilo ng presentasyon, katulad ng makikita niyo sa inyong Learning

13 Activity Sheet.
-MORE-
14 MA’AM DAL: Buklatin ninyo ngayon ang inyong LAS sa pahina 2. Ang unang

gawain

15 ay tinatawag na FISHBONE TEKNIK. Mayroon tayong tatlong gabay kung

paano

16 gawin ang Fishbone diagram. Sundin lamang ang panuto.

17 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

18 BIZ: MSC SEGUE TO

19 BIZ: LESSON ID- GAWAIN 1 (GUMUHIT TAYO)

20 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

21 MA’AM MAGZ: Una, gumuhit ng isang isda (drawing stick lamang) Simpleng

22 drowing lang mga bata, yung parang iskeleton lang ba ng isda.

Ugnayang-Sanhi at…555

1 MA’AM MAGZ: Sa bahaging ulo ng isda ilagay ang sanhi/problema na ito:

2 “Paglaganap ng COVID 19”. Inuulit ko, isulat sa bahaging ulo ng isda ang mga

3 salitang Paglaganap ng COVID 19. Ito ang problema.

4 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

5 MA’AM DAL: Sa apat (4) na tinik nito, ilagay ang apat (4) na mga solusyon na

6 maiisip ninyo.

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

8 MA’AM MAGZ: Maari kayong gumuhit ng dalawang tinik sa taas at dalawa naman

sa

9 ibaba. Lagyan ng sapat na pagitan o space para maisulat ang mga solusyong

maiisip
-MORE-
10 ninyo. May naiisip na ba kayo? (PAUSE)

11 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

12 MA’AM DAL: Mga bata, habang nag-iisip kayo, ipi-play namin ang isang

infomercial

13 na may pamagat na: “Maghugas ng Kamay”. Maaari ninyong pakinggan habang

14 gumagawa kayo ng inyong activity, sapagkat mayroon kayong makukuhang mga

15 posibleng solusyon mula sa kantang ito.

16 BIZ: PLAY SONG (CUE IN: ITO THEN CUE OUT: MAYA’T MAYA)

17 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

18 MA’AM MAGZ: And we’re back! Kayo po ay nakikinig sa Isaub ES Radyo-Eskwela

19 100. 1 sa inyong talapihitan.

20 MA’AM DAL: Ayan, sana ay may nakuha at naisulat na kayong solusyon mula sa

21 infomercial na napakinggan para sa problemang: Paglaganap ng COVID-19.

22 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

Ugnayang-Sanhi at…666

1 MA’AM MAGZ: Ngayon naman ay dumako tayo sa Gawain 1B, ito ay nasa pahina 3

ng inyong Learning Activity Sheets or LAS.

2 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

3 BIZ: MSC SEGUE TO

4 BIZ: LESSON ID- GAWAIN 1B (DAYAGRAM NG SBS)

5 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

6 MA’AM MAGZ: Tinatawag itong DAYAGRAM ng SBS (SANHI-BUNGA-

7 SOLUSYON). Pansinin ninyo, mayroon tayong tatlong kahon sa pinakataas na

8 may nakasulat na sanhi, bunga at solusyon.


-MORE-
9 MA’AM DAL: Sa activity na ito, given na uli ang problema. Ang sagot na ibibigay

10 ninyo ay ang bunga at ang solusyon.

11 MA’AM MAGZ: Pansinin ninyo, sa ilalim ng kahon ng sanhi, bale unang kolum, ay

12 may malaking kahon na may nakasulat na: Paglaganap o pagkalat ng COVID-19

sa

13 bansa. Ito ang problemang bibigyan ninyo ng bunga at ng solusyon.

14 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

15 MA’AM DAL: Ang pangalawang kolum na may tatlong bughaw na mga kahon ay

16 susulatan ninyo ng maaaring ibunga o kalabasan ng paglaganap o pagkalat

17 ng COVID-19.

18 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

19 MA’AM MAGZ: Sa ikatlong kolum na may tatlong bughaw na mga kahon pa rin ay

20 susulatan naman ninyo ng mga solusyon upang maiwasan ang paglaganap o

21 pagkalat ng COVID-19.

22 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

Ugnayang-Sanhi at…777

1 MA’AM MAGZ: Okay mga bata, iyan ang ating Dayagram ng SBS o Sanhi-Bunga-

Solusyon Dayagram. Sana ay nasundan ninyo at masagutan ng maayos.

2 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

3 MA’AM DAL: Nandiyan pa ba kayo Grade 6? Sana nariyan pa, kasi mayroon pa

4 tayong susunod na gawain. Tingnan naman ninyo ngayon ang dayagram na nasa

5 gawing ibaba ng pahina 3. Ito ay ang gawain 2 na pinamagatang Larawan ng SSB

6 o Larawan ng Sanhi-Solusyon-Bunga.
-MORE-
7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

8 BIZ: MSC SEGUE TO

9 BIZ: LESSON ID- GAWAIN 2 (LARAWAN NG SSB)

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

11 MA’AM MAGZ: Ang una ninyong gagawin dito mga bata ay pag-aralan muna ang

12 hinihingi at given sa bawat bilang. Kung given ang bunga ay ibibigay ninyo ang

13 sanhi at solusyon. Kung ang given naman ay sanhi, sasagutan niyo ng solusyon at

14 bunga. Uulitin ko, kung given ang bunga ay ibibigay ninyo ang sanhi at solusyon.

15 Kung ang given naman ay sanhi, sasagutan niyo ng solusyon at bunga.

16 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

17 MA’AM DAL: Mga bata, talakayin natin isa-isa. Sundan ninyo ako ha? (PAUSE)

18 Sa unang bilang ay makikita ninyo ang larawan na nasa ilalim ng kolum ng

Bunga.

19 Ang larawan ay nagsasaad ng nangyari noong bagyong Yolanda. Samakatuwid,

20 ibibigay ninyo ang maaring naging sanhi ng bagyong Yolanda at ang posibleng

21 solusyon.

22 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

Ugnayang-Sanhi at…888

1 MA’AM MAGZ: Sa pangalawang bilang naman, ang larawan ay nasa kolum ng

sanhi.

2 Ito ay nagsasaad ng iskedyul ng Curfew. Ano sa palagay ninyo ang mangyayari

3 kung hindi ka susunod sa umiiral na patakarang Curfew? (PAUSE)

-MORE-
4 Isulat ang sagot sa kolum ng bunga. Uulitin ko, isulat ang maaaring mangyari

kapag

5 hindi ka susunod sa umiiral na patakarang Curfew.

6 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

7 MA’AM MAGZ: Ano naman ang pinaka-epektibong solusyon upang masunod ang

8 patakaran ng mga awtoridad hinggil sa curfew? (PAUSE) Isulat ang naisip niyo sa

9 kolum ng solusyon.

10 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

23 MA’AM DAL: Sa ikatlong bilang naman ay makikitang tinuturuan ng nanay ang

24 kanyang anak sa pagsagot sa modyul. Ano kaya ang maaaring solusyon nito?

Isulat

25 sa espasyong nakalaan.

26 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

27 MA’AM DAL: At sa huling kolum ng bilang 3 ay isulat ang magiging epekto ng

pakikinig ng bata sa pagtuturo ng kanyang nanay. Inuulit ko mga Grade 6, sa huling

kolum ng bilang 3 ay isulat ang magiging epekto ng pakikinig ng bata sa pagtuturo ng

kanyang nanay.

28 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

29 MA’AM MAGZ: Para naman sa Number 4, ano ang nakikita ninyo sa larawan?

30 (PAUSE)

31 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

Ugnayang-Sanhi at…999

-MORE-
1 MA’AM MAGZ: Ang tawag natin d’yan mga bata ay mga ICONS. Nagsasaad iyan

ng

2 Social media accounts. Mayroon ba kayo kahit isa lang diyan? (PAUSE) Ano

kaya

3 ang bunga o epekto kung hindi natin ginagamit ito sa tama? Ilagay ang sagot sa

4 kolum ng bunga.

5 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

6 MA’AM MAGZ: Isulat naman ang inyong solusyon kung paano maiiwasan ang

7 iniligay mong bunga o epekto.

8 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

9 MA’AM DAL: Panlimang bilang, masdan ang mga bata sa larawan. Ano ang

masasabi

10 ninyo? (PAUSE)

11 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

12 MA’AM DAL: Tama! Parehas silang malusog at nagpapakita ng paglaki o

pagtangkad!

13 Ano kaya ang sanhi ng kanilang pagiging malusog? Isulat ang sagot sa kolum ng

14 sanhi ang inyong sagot. At sa espasyo sa gitnang kolum ay isulat ang solusyon.

15 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

16 MA’AM MAGZ: Hayan mga bata, natapos na nating talakayin ang Gawain 2, ang

17 tinawag nating Larawan ng SSB. Sana ay nakasunod kayo at nakasagot nang

18 maayos. (PAUSE)

19 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

-MORE-
20 MA’AM MAGZ: At bago tayo magpatuloy sa ating pinakahuling gawain ay

pakinggan

21 muna natin ang isa pang paalaala. Ang infomercial na ito ay pinamagatang

22 “COVID-19, Ating Labanan”.

Ugnayang-Sanhi at…1010

1 BIZ: PLAY SONG (CUE IN: LABANAN THEN CUE OUT: LABANAN)

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 MA’AM MAGZ: Ayan mga bata, “Buhay ay mahalaga, iyo, akin at sa kanya… kaya

4 katawan ay ating ingatan, kalinisan ay kailangan”. Iyan ang turo ng awitin, ‘di ba?

5 (PAUSE)

6 MA’AM DAL: Ngayon mga Grade 6 ay tuloy-tuloy na tayo sa pagsagot sa huli

nating

7 activity. Ito ay ang pagsagot sa mga gabay na katanungan.

8 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

9 MA’AM MAGZ: Gawing maikli, subalit tumpak at nauunawaan ang inyong mga

sagot

10 sa bawat bilang mga bata.

11 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

12 MA’AM MAGZ: Unang tanong…

13 BIZ: STINGER IN

14 MA’AM MAGZ: Ano ang ugnayang-sanhi at bunga?

15 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

16 MA’AM DAL: Pangalawa:


-MORE-
17 BIZ: STINGER IN

18 MA’AM DAL: Bakit mahalaga ang wastong kaalaman sa sanhi at bunga ng mga

pangyayari?

19 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

20 MA’AM MAGZ: Pangatlong tanong:

21 BIZ: STINGER IN

Ugnayang-Sanhi at…1111

1 MA’AM MAGZ: Paano nakatutulong ang dayagram ng ugnayang-sanhi at bunga ng

2 pangyayari sa pagbibigay solusyon?

3 MA’AM DAL: Mga bata, uulitin ko lang, gawing maikli, subalit tumpak at

4 nauunawaan ang inyong mga sagot sa katanungang aming nabanggit.

5 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

6 MA’AM MAGZ: Okay mga bata, mag-recap tayo. Ang araling ating tinalakay sa

araw

7 na ito ay tungkol sa ugnayan ng Sanhi at Bunga gayundin ang Problema at

solusyon.

8 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

9 MA’AM DAL: Ang Sanhi at Bunga ay madaling makikilala at matatandaan sa

10 pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang susing salita o mga pananda.

11 MA’AM MAGZ: Hanggang dito na lamang muna mga Grade 6. Dalangin namin na

12 sana ay may natutunan kayo sa maikling oras ng ating pagsasama.

13 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER


-MORE-
14 MA’AM DAL: Kung mayroon kayong mga paglilinaw o iba pang katanungan ay

maari

15 kayong mag kontak sa Messenger namin ni Teacher Magz.

16 MA’AM MAGZ: O kaya’y tumawag o magtext sa cellphone number na ito:

09123456789. Uulitin ko: 0-9-1-2-3-4-5-6-7-8-9.

17 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

18 MA’AM DAL: Binabati ko kayo sa matiyaga ninyong pakikinig at pakikiisa sa

leksyon

19 natin. Sana ay makatulong ang natutunan ninyo ngayon sa pagsagot sa iba pa

20 ninyong mga LAS o modyul.

Ugnayang-Sanhi at…1212

1 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

2 MA’AM MAGZ: Tandaan: “Magsunog ng kilay upang maging matagumpay!”

Paalam

3 na mga bata. Hanggang sa muli.

4 BIZ: MSC UP THEN FADE OUT

5 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID (Optional po ito sa dulo- Ma’am Avis)

-END-

Reminders from Ma’am Avis:

Legend:

TD (Technical Director)

-MORE-
STINGER (Anything for transitions like laser beam, bell, etc…)

MSC (Music)

If you want po, i-label nyo ng MSC 1 (for first music) MSC 2 (for another music in

case may shifting po kayo ng music backgrounds per part ng lesson. Kaya po may

tinatawag na

BIZ: MSC SEGUE TO

BIZ: LESSON ID

LESSON ID: Intro statement for lesson part. Example: SUBUKIN NATIN,

ATING ALAMIN AT TUKLASIN, SURIIN, PAGYAMANIN, ISAISIP,

ISAGAWA, TAYAHIN…

Note: Lesson IDs differ and depends on the module. OPTIONAL PO ANG

PAGLALAGAY NG LESSON ID. Ito po ay dagdag technical effects lamang.

SFX (sound effects)

Example: BIZ: SFX (Cheering/clapping)

PLUG-IN (kapag paalala/ infomercial ang ipiplay)

CUE IN: (Last word bago papasok)

CUE OUT: (Last word to signify end of plug)

PLAY SONG ang gagamitin na term kapag HINDI PO INFOMERCIAL ang

ipiplay.

TEACHER (name) or MA’AM (name) or SIR (name) if kayo lang po ang

magsasalita all throughout or kahit may partner pero walang RADIO TEACHER.

If may HOSTS at RADIO TEACHER, that’s the time po na lagyan ng labels ng

HOST (number) at RADIO TEACHER.


-MORE-
Kapag may eksena or kwento po na may characters ang inyong script, let’s say si

MARIA na inaassume ni TEACHER Anna at si JOSE na inaassume ni Sir Joseph,

ang ilalagay po sa script ay:

MARIA: Jose, nakita mo blah blah blah

JOSE: Oo, Maria. Blah blah blah

Thanks po…

P.S. If magkaroon ng problem sa numbering during your edits, just click or

put the cursor sa unahan ng first letter ng first word sa line na walang number

then press enter. Or backspace, enter. Don’t forget to indent if under ang line na

yan sa sasabihin ng host or teacher.

-MORE-

You might also like