You are on page 1of 14

RADIO - BASED INSTRUCTION

SEPTEMBER 21, 2021

Learning Area: EPP- Agrikultura Grade 5


Title: Project Shine Tarlakenyo sa Radyo Pilipino sa DZTC 828 AM Radio sa episode na Aral TarlakHenyo para sa
School Home Integration in the New Normal Education hatid ng Deped Schools Division of Tarlac Province
Length: 25 minutes
ScriptwriteBrodkaster: EDROSE C. CASTRO
Objectives: Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko (EPP5AG-Ob-4).

Magandang araw ,sa mga magigiliw naming mag-aaral sa ika-5 baitang. Magandang
araw din sa inyo mga mahal naming magulang.

On Camera Kumusta kayo mga bata? Nagbabalik ang inyong paaralang panghimpapawid ng ARAL
TARLAKHENYO mula sa RTV Tarlac Channel 26 na sabayang naririnig sa DZTC 828
Radyo Pilipino Tarlac at napapanood rin ito sa FB Live ng RTV Tarlac Channel 26 at
Converge Cable Channel 100.
Ako ang inyong titser broadcaster GNG. EDROSE C. CASTRO mula sa Paaralan ng
Angelina Dizon Jimenez Elementary School ng Silangang Distrito ng Capas. Ako
Show Slide #1 ay labis na nagagalak na makasama kayong muli sa ating pag-aaral sa EPP 5 –
Agrikultura

Ngayon ay Ika-21 ng Setyembre taong 2021, at makakasama ninyo ako mula alas onse
On Camera y media (11:30) hanggang alas onse singkwenta y singko.(11:55)

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Bago natin simulan ang talakayan, inaasahan ko na kayo ay nasa maaliwalas na lugar
at maayos na naririnig ang ating broadcast. Pakihanda ang inyong Compendium of
notes, Learning Activity Sheets, papel at bolpen, para masundan ninyo ang ating
talakayan ngayong araw.
On Camera
At dahil wala tayo sa paaralan, gagabayan kayo ng inyong mga magulang o
nakakatandang kapatid para sa gawain natin sa araw na ito. Kung meron kayong
katanungan maaari ninyong gamitin ang ating chatbox na makikita sa inyong screen.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


On Camera Excite na ba kayo? (PAUSE) Masaya akong marinig na handang handa na kayo!
Kung gayon, atin nang simulan ang isang makabuluhang talakayan na maghahatid sa
inyo ng kaalaman.

Ang ating aralin ay tungkol sa Kahalagahan at Pamamaraan sa Paggawa ng


Show Slide # 2 Abonong Organiko

Pagkatapos makapakinig ang episode na ito kayo ay inaasahang:

Show Slide # 3 Matatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko


(EPP5AG-Ob-4).

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Sisimulan na natin ang talakayan sa araw na ito sa pamamagitan ng isang simpleng
gawain.

Huwag kayong mag-aalala dahil nandito ang inyong teacher brodkaster upang kayo ay
On Camera
gabayan.

Handa na ba kayo? (PAUSE) Tara! Simulan na natin!

Pero bago tayo magpatuloy, maaaring sagutin muna ang sumusunod na gawain para
malaman mo kung gaano ka kahusay sa nakaraang aralin.
On Camera
Maalaala mo kaya?
5 secs BIZ: MSC UP and Under
On Camera Mahusay! Napag-aralan natin ang tungkol sa pamamaraan ng pagtatanim ng gulay.
Magbanggit nga kayo ng mga Importanteng bagay na inyong natutunan.

Tama kayo dian! Ang Ang luwad ang pinakaangkop na uri ng lupa na maaaring
pagtaniman ng mga halamang gulay.

Tama mga bata. Importante na sumangguni sa kalendaryo ng pagtatanim upang ang


mga halamang itatanim ay maiaangkop sa tamang panahon at klima.

Wow! Natutuwa ako at naalala ninyo pa ang ating talakayan noong nakaraan ang
wastong pamamaraan ng pagpili ng itatanim na gulay.

At dahil diyan…..binabati ko kayo!


5 secs BIZ: MSC UP and Under
Sa puntong ito ating alamin ang mga bagay na kailangan mong tuklasin.

Gaya ng nabanggit ko kanina, sa araling ito kailangan mong maipamalas ang pang-
unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa pagtatanim ng gulay at ang
maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay. Magiging maunlad ka sa paghahalaman
On Camera kung masagana ang iyong ani.

Para masagana ang iyong ani, dapat lumaking malusog ang iyong mga pananim. At
upang lumaking malusog ang iyong mga pananim ay kailangan mong gumamit ng
abonong organiko.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Mga bata, mayroon ba kayong bakanteng lupa sa inyong bakuran?

Nais mo bang magtanim ng sarili mong gulay? Hirap ka ba sa pagpapalaki ng iyong


mga pananim?

Paano nga ba magkaroon ng maraming ani na hindi na kailangang bumili ng di-


On Camera
organikong abono?

Mahalaga ba ang abonong organiko sa pagtatanim?

Tara mga bata! Ating suriin ang mga kasagutan sa ating mga tanong.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


On Camera Alam ninyo ba mga bata? Dahil sa paulit-ulit na pagtatanim, maaaring maubos ang mga
sustansiya sa lupang tinataniman.

Kaya malaki ang ginagampanan ng abonong organiko sa usaping ito.

Sa paglalagay ng abonong organiko sa lupa, napapalitan ang mga nawawalang


sustansiya nito.

Ginagawa ito upang patuloy na tumubong malusog ang mga pananim at makapagbigay
ng masaganang ani upang makatulong sa pang araw-araw na pangangailangan.

5 secs BIZ: MSC UP and Under

Ang abonong organiko ay mula sa nabubulok na mga bagay tulad ng mga tiratirang
pagkain, balat ng gulay at prutas, mga tuyong dahon o damo at dumi ng hayop.

Show Slide # 4

https://cdn2.cocinadelirante.com/sites/default/files/styles/gallerie/public/images/2020/02/como-hacer-composta-con-cascara-de-mango.jpg

Tinitipon at inilalagay ito sa isang lalagyan o compost upang maging isang ganap na
abono.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Ang paggawa ng abonong organiko ay kaaya-ayang gawain. Ito’y mahalaga sa
paghahalaman dahil sa abonong organiko pinalalambot at pinapaganda nito ang
hilatsa ng lupa, pinabubuti ang daloy ng hangin at kapasidad na humahawak ng tubig.

Isa pang kahalagahan nito ay pinalalago ang mga halaman na walang gastos dahil hindi
mo na kailangang bumili ng abonong komersiyal sa mga pamilihan.
On Camera
Dahil dito, makasisiguro tayong ligtas kainin ang mga halamang gulay. Ang abonong
organiko ay napatunayang epektibo sa pagpapalago ng mga pananim at nakatutulong
upang maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran.

Nakapagbibigay ito ng masaganang ani para sa mga magsasaka at ligtas pa ito sa


kalusugan ng mga tao.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


On Camera Isang paraan ng pagbubulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad ng compost pit
ay tinatawag na basket composting.

Sa pamamagitan nito ang mga nabubulok na basura ay maaari ng gamiting pataba


pagkaraan ng dalawang buwan o mahigit pa.
Mga bata alam ninyo ba na ang paggawa ng compost ay napakadali.

Tama ka sa narinig mo… Madali lang itong gawin, at alam ko na kayang kaya ninyo
itong isagawa.
On Camera
Pero bago ninyo ito gawin, narito ang sunod sunod na pamamaraan ng tama at ligtas na
paggawa ng abonong oganiko.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Para sa mga may sapat na espasyo o lugar sa bahay;

Una…

1. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim sa lugar na tuyo, patag at medyo
malayo sa bahay.
Show Slide # 5

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Show Slide # 6 Ikalawa…

2. Ipunin ang mga natuyong dahon, nabubulok na gulay, prutas, at mga tiring pagkain.

Ikatlo…..

3. Sa hukay ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang umabot ng 12


pulgada o 30 sentemetro ang taas.
Ikaapat….
4. Ipatong dito ng mga dumi ng hayop.

Show Slide # 7

Ikalima…..
5. Patungan ito muli ng lupa o apog.
Iikaanim….
6. Gawin ang pagtambak hanggang mapuno ang hukay.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


7. Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit na anong uri ng pantakip.
8. Hintaying lumipas ang dalawang buwan o higit pa bago ito gamiting pataba.

Show Slide # 8

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Tandaan mga bata kailangan natin ng ibayong pag-iingat sa paggawa ng organikong
pataba.

Ugaliing gumamit ng mga kasangkapan na mapoprotektahan ang ating sarili. At ang


On Camera pinaka importante, huwag kalilimutang maghugas ng kamay pagkatapos mo itong
isagawa.

Naintindihan ba mga bata? Magaling kung ganoon.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Isa pang makabagong pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko ay ang
paggawa ng FFJ o Fermented Fruit Juice:
On Camera
Narito ang mga kagamitan sa paggawa nito:
Mga kagamitan:

 Hinog na mangga, papaya, marang, langka, saging o kahit anong prutas na hindi
maasim.
Show Slide # 9  Manila paper
 Banga, balde o anumang pwedeng paglagyan
 Tali o pantali
 Muscovado Sugar o kalamay

Narito ang sunod sunod na pamamaraan sa paggawa:

1. Maghiwa ng isang kilo ng prutas.


2. Ilagay sa banga ang unang kalahati at patungan ng kalahating kilo ng muscovado.
3. Ipatong ang ikalawang kalahati ng prutas at patungan uli ng kalahating kilo ng
Show Slide # 10
muscovado.
4. Takpan ng papel at talian. Ilagay ito sa lugar na malamig at hindi nasisikatan ng araw.
5. Ito ay magagamit mula pito hanggang ikalabing-apat (7-14) na araw na ma ferment.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Ano ang pakinabang natin sa FFJ o Fermented Fruit Juice?

 Ito ay nagbibigay ng elementong potassium (k) para sa pagpapalaki ng bunga.


Show Slide # 11  Nagbibigay din ito ng karagdagang resistensiya laban sa insekto.
 Tumutulong ito sa pagpapataba ng lupa at tanim.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Show Slide # 12 Paano gamitin ang FFJ o Fermented Fruit Juice?

1. Sa bawat litro ng tubig, ihalo ang dalawang kutsara ng Fermented Fruit Juice. I -spray
sa dahon o idilig sa lupa mula alas kwatro (4:00 PM) hanggang alas sais (6:00 PM)
ng hapon.

2. Gawin ito mula pito hanggang sampung araw (7-10 days).

Iyan mga bata natapos ko ng ilahad sa inyo ang mga hakbang sa paggawa ng
organikong pataba at FFJ o Fermented Fruit Juice.

Paalala lamang mga bata, sa pagsasagawa ng mga hakbang, maging masinop,maayos,


malinis at maingat.
On Camera
Importanteng sundin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan upang
maiwasan ang anumang sakuna o kapahamakan.

Maliwanag ba yan mga bata?

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Naunawaan ninyo ba ang ating paksa? (Pause) Mabuti!
Ako ay nagagalak at labis ang inyong pagtututok sa ating talakayan ngayong araw.
On Camera
Natitiyak kong kayang – kaya ninyo na ang mga susunod na gawain gamit ang mga
kaalamang inyong natutuhan.

5 secs BIZ: MSC UP and Under

Ngayon naman ating subukan ang inyong nalalaman!


On Camera
Makinig ng mabuti sa panuto mga bata.

Show Slide # 13
Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot

Para sa unang bilang:


1. Ilang buwan ang pinakamainam bago gamitin ang compost o abonong organiko?
a. isang buwan c. tatlong buwan
b. dalawang buwan d. apat na buwan

Ang tamang sagot ay…. titik b…. Mahusay!


Sa ikalawang bilang:

2. Ang mga sumusunod ay pwedeng gamiting materyales sa paggawa ng compost,


maliban sa isa. Ano ito?
a. dumi ng hayop c. mga di-nabubulok na bagay
b. apog d. tuyong dahoon

Ano ang inyong kasagutan?

Magaling! Ang tamang sagot ay titik c.

Ikatlong bilang…..

3. Ang mga sumusunod na mga bagay ay hindi lubusang nabubulok, maliban sa isa.
Ano ito?
a. balat ng prutas c. tira-tirang pagkain
b. maliliit na bato d. dayami.

Sa palagay nio mga bata? Ano kaya ang tamang sagot dito? (PAUSE)

Mahusay! Titik b ang wastong sagot.

Para naman sa ikaapat na bilang…..

4. Ang __________ ay proseso ng pagbubulok ng basura upang gawing pataba.


a. basket composting c. di-organikong pataba
b. organikong pataba d. recyclingMahusay! (✓) ang tamang sagot.

Ikalimang bilang…..

5. Ang pang-apat na hakbang sa paggawa ng organikong abono ay ang:


a. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo sa bahay.
b. Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog.
c. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero.
d. Patungan ito ng mga dumi ng hayop.
Kung ang sagot ninyo ay…. titik d… tama nanaman ang inyong sagot.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Ilang puntos ang inyong nakuha? (PAUSE)

Magaling! Masaya ako dahil naiintindihan ninyo ang ating aralin. At para naman mas
lalo nating mapalawak ang inyong kaalaman ay dumako tayo sa ating susunod na
On Camera
gawain.

Makinig ng mabuti sa panuto mga bata.

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

Sa unang bilang.

1. Ano ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?


a. Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos.
b. Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
c. Pinabubuti nito ang hilatsa ng lupa.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
Show Slide # 14
Magaling! Ang wastong sagot ay…..titik d

Dumako tayo sa ikalawang bilang.

2. Upang maging pataba ang mga basura ito ay pinabubulok muna sa isang lalagyan
tulad ng compost pit. Ano ang tawag sa paraang ito?
a. Basket composting c. Intercropping
b. Basket making d. Double digging

Tama mga bata. Titik a ang tamang sagot.


Show Slide # 15 Sa ikatlong bilang.

3. Ano ang basket composting?


a. Paraan ng paggawa ng basket na yari sa yantok.
b. Paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang lalagyan na tulad din ng compost
pit.
c. Paraan ng paglalagay ng mga halaman sa basket.
d. Wala sa nabanggit.

Kung ang sagot ninyo ay titik b, tama nanaman ang inyong sagot.

Sa susunod na bilang.

4. Sa anong paraan nagiging pataba o abonong organiko ang mga basura tulad ng
dahon balat ng gulay at prutas at mga tirang pagkain?
a. Pagpapausok ng basura.
b. Pagkakalat ng basura.
c. Pagbubulok ng basura sa isang lalagyan.
d. Paglilinis ng basura.

Ang tamang sagot ay……mahusay mga bata! Titik c ang tamang sagot.

At ang pinakahuling bilang.

5. Bago gamitin ang mga nabulok na mga bagay tulad ng dahon, gulay, prutas, tirang
pagkain at dumi ng hayop ay kailangang palipasin muna ang ______________.
a. Dalawang araw c. Dalawang oras
b. Dalawang linggo d. Dalawang buwan

Tama kayo. Ang wastong sagot ay titik d


5 secs BIZ: MSC UP and Under
Isang gawain na naman ang ating napagtagumpayan at labis akong natutuwa sa inyong
On Camera kooperasyon.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


On Camera Laging tandaan mga bata.

Ang paggamit ng abonong organiko ay malaking bagay upang magkaroon ng


masaganang ani ang isang magsasaka.
Malaking tulong ito upang makatipid sa pagbili ng mga abonong di-organiko na makikita
sa mga pamilihan.

Ang organikong abono ay madaling gawin gamit lamang ang mga bagay na makikita sa
kalikasan at ito ay ligtas gamitin at walang masamang epekto sa kalusugan ng tao.

Ito rin ay walang halong kemikal na maaaring magdulot ng pagkasira sa kalikasan.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


At para naman sa inyong karagdagang gawain.

Sa tulong ng iyong magulang o mga nakakatanda kapatid maaaring magtanong o


magsaliksik tungkol sa mga pag-iingat na dapat gawin sa paggawa ng abonong
Show Slide # 16 organiko.

Tandaan huwag kalimutang magsuot ng facemask kung lalabas ng bahay at gawin ang
physical distancing.

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Mga bata, tapos na ang ating aralin ngayong araw, sana ay marami kayong natutunan
at nag-enjoy kayo sa talakayan natin!

Laging tandaan, isa sa mga tungkuling dapat gampanan ng batang tulad mo ay


paglikha ng mga bagay bagay na kapaki pakinabang, gaya ng paggawa ng organikong
pataba, upang malinang ang kaalaman at kasanayan , sa simple o payak na
On Camera
pamamaraan.

Ako ay tunay na nagagalak dahil sa kabila ng pandemya na ating kinahaharap, handa


kayong yakapin ang mga kasanayan at kaalaman upang makatulong sa simpleng
pamamaraan

5 secs BIZ: MSC UP and Under


On Camera Binabati ko kayo mga bata! Dito na nagtatapos ang ating aralin sa araw na ito.

Labis akong nasisiyahan na kayo ay aking nakasama sa oras na ito. Umaasa ako na
lubos niyong naunawaan ang ating paksa sa araw na ito.

Ngayon ay nais kong ilagay ninyo ang inyong compendium of notes, Activity Sheets at
kwaderno sa loob ng inyong envelope. Ilagay ito nang maayos at iwasang matupi o
madumihan ang mga ito.

Bago tayo tuluyang magpaalam sa ating aralin ngayong oras, ay atin munang bigyang
daan ang mga katanungan na aking nababasa chatbox.

Itong tanong na ito ay galing kay Jena Mendoza ng Angelina D. Jimenez ES.

Ang sabi niya teacher hindi po ba kami mahihirapan kung gagawa kami ng organikong
pataba?

Alam mo iha gaya nga ng sabi ko kanina, ang paggawa ng pataba ay napaka dali
lamang lalong lalo na kung susundin mo ang tamang pamamaraan sa paggawa ditto.
Tiyak na hindi ka mahihirapan bagkus mag eenjoy ka pa sa iyong ginagawa,

5 secs BIZ: MSC UP and Under


Isa pang katanungan. Ito naman ay mula kay Jheremy Dizon ng Paniqui Central School.

Ang sabi niya. Teacher nakakatulong p bas a kalikasan ang pataba?

Naku, iho napaka gandang katanungan iyan…Ang sagot ko ay Oo naman talagang


malaking tulong ito sa kalikasan lalong lalo na kung ito ay organikong pataba, dahil hindi
ito nagtataglay ng mga kemikal na nakakasira sa kalikasan.

Isa pa hindi lang sa kalikasan ito nakakatulong kundi pati narin sa kalusugan nating mga
tao na gumagamit nito.

Ayan mga bat asana ay nasagot ko ng maayos ang inyong mga tanong.
5 secs BIZ: MSC UP and Under

Sa ngalan ng Project SHINE, Aral TarlakHenyo sa Radyo Pilipino ng DepEd Tarlac


Province. Maraming salamat po.

Muli, ako ang inyong teacher broadcaster EDROSE C. CASTRO na nagsasabing:


KAALAMAN, KABUHAYAN, KINABUKASAN, SA EPP MATATAGPUAN

At walang mahirap na gawain, lahat sa EPP ay kakayanin.

Magandang araw. Hanggang sa muli!

5 secs BIZ: MSC UP and Under

May go back entertain question if time permits.

- END -

You might also like