You are on page 1of 4

Ramon Magsaysay

Paaralan Baitang 5
Memorial Colleges
Guro Bb. Jessa Calubia Seksyon Rizal
Petsa ng
Marso 27, 2024 Asignatura EPP-AGRIKULTURA
Pagtuturo
Oras 8:00-9:00 AM Markahan Kwarter 2 - Linggo 3

I. OBJECTIVES
A. Pamantayang Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa
Pangnilalaman. pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay.
B. Pamantayang Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng gulay
Pagganap. sa masistemang pamamaraan.

Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay


1. Pagdidilig
C. Layunin 2. Pagbubungkal
3. Paglalagay ng abonong organiko
(Epp5ag-0c-5)
II. PAKSA Pagtatanim ng halamang gulay

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa G5-passed_870-13-21MELCS_Benguet_Masistemang-Pangangalaga-ng-tanim-na-
Gabay sa Pgtuturo mga-gulay-3.pdf
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
2. Mga Pahina sa
Alternative Delivery Mode Agrikultura – Modyul 2: Tanim Mo, Alagaan Mo!
Kagamitang Pang
Unang Edisyon, 2020
Mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan Mula sa
LRMDS
B. Iba Pang
Flow chartt, Powerpoint Presentation,Video Presentation, Litrato,
Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN
Panalangin:
Panginoon,salamat po sa panibagong araw na inyong ipinagkaloob sa
amin. Gabayan ninyo po kami sa aming pag-aaral at bigyan ng kaliwanagan
ang aming isipan. Nawa’y maging produktibo at makabuluhan ang aming
klase ngayong araw. Amen.
Pagbati:
 Magandang Umaga sa inyong lahat !
Pagtala ng Lumiban:
 Pakitingnan ang inyong katabi kung mayroong lumiban sa ating klase.

Pagtakda ng Pamantayan:
 Bago magsimula ang ating klase ay sabay-sabay nating basahin ang ating
mga tuntunin sa loob nang sili-aralan.
Panimulang Pagpasa ng Takdang Aralin:
Gawain  Ipasa sa harapan ang inyong mga Takdang Aralin.

Balik-Aral sa nakaraang Aralin:


 Napag-aralan kung papaano masusunod ang mga pamamaraan at pag-
iingat sa paggawa ng abonong organiko.

Pagganyak:
 Magpakita ng video ng isang awitin “Magtanim ay Masaya”sa mga mag-aaral.
At sabay-sabay itong panoorin kung alam ang kanta ay maaring sumabay.

https://youtu.be/yzmf-IzNk70?si=obD_YeOm3CMrIlP-\7
Pagbasa ng Layunin:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang :

1. Nalalaman ang mga proseso ng pangangalaga ng tanim na gulay.


2. Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na gulay.
3. Nabibigyang halaga ang pag-aalaga ng mga tanim na gulay.

Activity: Pangkatang Gawain:


Panuto: Pangkatin ang klase sa tatlo. Kasama ang inyong kagrupo mag-isip ng
A1. AKTIBIDAD mga paraan kung paano alagaan o mapapangalagaan ang tanim na gulay at ang
proseso nito. Nais kong itala ninyu ito gamit ang isang flowchart at ipresenta sa
harapan ng inyong guro at mga kaklase.

 Itatanong ng guro sa klase ang mga sumusunod:

A2. ANALISIS 1. Tungkol saan ang aktibidad na ginawa ?


2. Ano ang mga pangangalaga sa tanim na gulay ang inyong naitala ?
3. Ginagawa din ba ninyo sa inyong mga taniman ang mga ito ?
A3. Diskusyon:
ABSTRAKSIYON
1. Masistemang paraan sa pagdidilig ng mga pananim:

A. Diligan ang mga tanim sa umaga. Ang pagdidilig


sa hapon ay hindi iminimungkahi dahil ito ang
magiging dahilan ng pagkakaroon ng peste.

B. Gumamit ng tabo o regadera at dahan-dahang


ibuhos ang tubig sa tanim. Huwag biglain dahil
natatapon ang lupa na siyang sinisipsipan ng mga
ugat.

C. Ang hand watering ay mainam sa maliit na


taniman samantalang sa malawak na taniman
naman, ang pagamit ng hose ay iminumungkahi
dahil nakokontrol nito ang daloy ng tubig galing sa
gripo.

D. Matapos madiligan ang gulay, maghintay ng 15 to


20 minuto bago diligan muli dahil ang unang
pagdilig ay natutuyo kaagad.
E.
2. Masistemang paraan sa pagbubungkal ng lupa
1.Gamit ang bolo, farmer’s claw o hand trowel, palambutin ang lupang
nakapaligid sa halaman upang makahinga ang mga ugat.
2.Panatilihin ang pagtanggal ng mga damo sa paligid ng halaman upang hindi
nito maagaw ang pataba at tubig na idinidilig sa halaman.
3.Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak na lupa sa pamamagitan ng
paggamit ng bolo o palang tinidor.
4.Ayon sa may mga karanasan, ugaliing kausapin ang mga halaman
bagama’t wala pa itong basehan sa agham.
3. Masistemang paraan sa paglalagay ng abonong organiko.

A. Broadcasting method - ikinakalat ang pataba sa


ibabaw ng lupa at hindi na hahaluin.

B. Side-dressing method - ang abonong organiko


ay inilalagay sa lupa na hindi gaanong malapit sa
ugat ng halaman sa pamamagitan ng kamay o
isang kagamitang nakalaan para rito.

C. Foliar application method - ito ay ginagawa sa


pamamagitan ng pagdidilig o pag-iispray ng
organikong abono sa mga dahon ng halaman.

D. Basal Application method - paglalagay ng


abonong organiko sa pamamagitan ng paghahalo
ng pataba sa lupa bago itanim ang halaman.

A4. APLIKASYON
PANGKATANG GAWAIN:
Hatiin sa tatlong pangkat ang klase.

Unang Pangkat:ITALA MO, KAALAMAN MO !


Panuto: Gamit ang tsart, isulat ang mga pakakasunod-sunod ng masistemang
paraan ng pagtatanim ng mga gulay. Ulitin rin ang ginawa sa “ISAGAWA”

Ikalawang Pangkat: ISAGAWA MO, KAALAMAN MO ! Gamitin mo ang


ISAGAWA bilang parti ng pangunahing panuto. Ex. Isagawa sa pamamagitan ng
pagsasadula ang sumusunod batay sa iyong natutunan sa araling ito:
Panuto: Kasama ang inyong pangkat isadula ang mga sumusunod batay sa iyong
natutunan sa araling ito:
 Masistemang paraan sa pagdidilig ng mga pananim.
 Masistemang paraan sa pagbubungkal ng lupa.
 Masistemang paraan sa paglalagay ng abonong organiko.

Ikatlong Pangkat:Kahalagahan ko, Isiwalat mo !


Panuto:Kasama ang inyong pangkat itala ang mga kahalagahan ng tamang
proseso ng pangangalaga ng tanim na gulay base sa ating napag-aralan. Ipresenta
ito sa harapan ng napiling miyembro ng pangkat. Ulitin rin ang ginawa sa
“ISAGAWA”

Mga Tanong:
1. Bakit kailangang magkaroon ng tamang proseso ng pangangalaga sa
Paglalapat ng aralin tanim na gulay?
sa pang araw-araw
na buhay 2. Masasabi mo ba ang kahalagahan ng pangangalaga ng tanim na
gulay ?

Panuto: Sagutin ng Tama kung ito ay nagpapahayag ng wastong pamamaraan


at Mali naman kung hindi. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Gumagamit ng angkop na
pandiwa basi sa layunin.
_________ 1. Ang paggamit ng oraganikong abono sa paghahalaman ay malaking
tulong upang mapalago ang mga ito at makapagbigay ng maraming ani.
_________ 2. Mahalagang isaalang-alang ang pagbubungkal ng tamang taniman
dahil ito ay nakatutulong upang palambutin ang lupa at makahinga ang mga
ugat ng halaman.
_________ 3. Ang Basal Application Method ay ginagawa sa pamamagitan ng
pagdidilig o pag-iispray ng organikong abono sa mga dahon ng halaman.
_________ 4. Pinu-pinuhin ang mga malalaking tipak ng lupa sa pamamagitan ng
paggamit ng bolo at piko.
_________ 5. Ang paggamit ng hand watering ay hindi mainam sa pagdidilig ng mga
maliliit na taniman.
PAGTATAYA
Pagtataya ng _________ 6. Ang Side-dressing method ay ang paglalagay ng abono sa lupa na
Pgkatuto hindi gaanong malapit sa ugat ng halaman sa pamamagitan ng kamay o
isang kagamitang nakalaan para rito.
_________ 7. Panatilihin ang pagtatanggal ng mga damo sa paligid ng halaman
upang hindi nito maagaw ang pataba at tubig na idinidilig sa halaman.
_________ 8. Ang pagdidilig sa umaga ay hindi iminimungkahi dahil ito ay nagiging
dahilan ng pagkakaroon ng peste. Ang tubig na nanatili sa dahon ay
puwedeng dahilan ng pamumugad ng peste.
_________ 9. Matapos madiligan ang gulay, maghintay ng 45 to 50 minuto bago
diligan muli dahil ang unang pagdilig ay natutuyo kaagad.
_________ 10. Ang Broadcasting method ay ang paglalagay ng abono sa
pamamagitan ng pagkakalat ng pataba sa ibabaw ng lupa at hindi na hahaluin.
Kadalasan ito’y ginagawa sa isang maliit na taniman.

 Magpasama sa iyong kapatid o magulang at magtanong sa may mga taniman


TAKDANG ARALIN na gulay hinggil sa kanilang mga nakasanayang gawin sa pag-aalaga ng
halamang gulay. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

V. MGA PUNA 

Inihanda ni: JESSA CALUBIA R. BEED-GENERALIST3 Sinuri at Tinasa ni: JOERI L. CABALFIN JR.

You might also like