You are on page 1of 10

RADIO-BASED INSTRUCTION

( February 16, 2021 )

Learning Area: P.E. Grade 4


Title: Project Shine Tarlakenyo sa Radyo Pilipino sa DZTC 828 AM Radio sa episode na Aral TarlakHenyo para sa
School Home Integration in the New Normal Education hatid ng Deped Schools Division of Tarlac Province
Length: 25 minutes
Scripwriter/Broadcaster: JUN V. GANDOLA
Objectives: 1. Executes the different skills in the game- Patintero PE4GS-Ic-h-4
2. Displays joy of effort, respect for others and fair play during participation in physical activities PE4PF-Ib-h-20

Time Gap Technical Instructions SPIEL


BIZ: INSERT SOA
PROGRAM ID
00:00 to 1 Naimbag nga agsapa, kadakayu amin, Maayap a abak quekongan, Magandang umaga
minute sa lahat, Good morning friends… Especially to all grade four pupils who are listening
and watching right now!

Welcome to Aral Tarlakhenyo here on RTV Tarlac Channel twenty-six


On Camera Simulcast over DZTC Radyo Pilipino Tarlac.

I am your Teacher-Broadcaster Sir Jun Valdez Gandola, at sa loob ng dalawamput-


limang minuto ay makakasama ninyo ako sa makabuluhang talakayan sa PE grade four
tungkol sa isang target games na karaniwang nilalaro ng mga batang Pinoy na tulad
ninyo.
BIZ: MSC UP AND OUT
1:00 to 1:30 Show Powerpoint At syempre, kung gusto ninyong makibahagi sa ating talakayan ngayong umaga. Maari
Presentation Slide # 1 kayong mag text sa ating cellphone number, that is 0946-2589574 , that is 0946-
2589574 or magsend ng message sa aking facebook account na nakaflash sa inyong
mga screen. Hihintayin ko ang inyong mga katanungan at kasagutan mga bata!
BIZ: MSC UP AND OUT
1:30 to On Camera Mga bata kumain na ba kayo ng agahan o ng inyong mga merienda?
2:minutes
Kung oo ang inyong sagot, ako ay nagagalak dahil kakailanganin ninyo ito iupang
maunawaan ang ating aralin at masagutan ng tama ang mga katanungan maya-maya.
BIZ: MSC UP AND OUT
2:00 to 2:30 Show Powerpoint Sa araling ito, pag-aaralan natin ang isang invasion games na kilala nating
Presentation Slide # 2 mga Pinoy. Kung saan mapagyayaman natin ang ating bilis at liksi.
Matutunan mo rin ang mahahalagang kagandahang-asal sa paglalaro nito.
Mahalagang bahagi ng araling ito na matutunan natin ang mga
panuntunang pangkaligtasan na dapat sundin at ipatupad upang makaiwas
sa sakuna habang naglalaro
BIZ: MSC UP AND OUT
2:30 to 3 Bago tayo magsimula sa ating mga gawain para sa araw na ito, mangyari
minutes lang na ihanda ang inyong mga Learner’s Activity Sheet na bigay ng inyong
mga guro sa inyong paaralan at syempre huwag din ninyong kakalimutan
ang inyong mga sagutang papel at panulat.
On Camera
Ready na ba ang lahat? I think ready na ang lahat.

Kung gayon!, ituon ang inyong pansin sa pakikinig, siguraduhing


komportable kayo sa inyong kinalalagyan at iwasan ang anumang bagay na
makapipinsala sa inyong pag-aaral.
BIZ: MSC UP AND OUT
3:00 to 3:30 Sa mga nakaraang aralin natin sa P.E, napag-aralan ninyo ang mga ibat ibang sangkap
ng Physical Fitness Test. Muli, balikan natin ang mga ito.

Sa puntong ito, kailangan ko ang inyong pakikilahok, icomment sa aking facebook wall
On Camera
kung ano-ano ang mga salik ng Physical Fitness Test.

Muli ano-ano ang mga sangkap sa Physical Fitness Test? I-ready na ang inyong mga
cellphone at ihanda na ang inyong mga kasagutan mga bata.
BIZ: MSC UP AND OUT
3:30 to 3:50 Show Powerpoint Sa puntong ito ating babasahin ang mga nag comment sa ating Wall sa Facebook
Presentation Slide # 3
(Basahin ang mga comment sa facebook)
BIZ: MSC UP AND OUT
3:50 to 4:30 Very good! sa lahat ng nagtry na sumagot. Maraming Salamat mga anak sa inyong
On Camera pakikibahagi sa ating talakayan. Mga bata lagi natin itong pakatatandaan at huwag
kakalimutan ha?!
01:18 – 01:21 BIZ: MSC UP AND OUT
4:30 to 5:30 May larawan akong ipapakita.
Show Powerpoint Mga bata ano ang inyong nakikita sa larawan?
Presentation Slide # 4 Magaling! Mga batang naglalaro.
Ano kaya ang kanilang nilalaro?
Mahusay! Ang kanilang nilalaro ay isang uri ng Invasion Game.
Sa inyong palagay mga bata, bakit ito ang tawag sa ganitong uri ng laro?
5:30 to 6:30 Tama! Tinawag itong invasion game dahil ang layunin nito ay malusob ang
teritoryo ng kalaban sa pamamagitan ng pagtaya ng isang bagay.
Show Powerpoint
Presentation Slide # 5
Kailangan ng bilis at liksi sa paglalaro nito. Mahalaga ang mga kasanayang ito
upang hindi maabutan ng taya at hindi magiging taya.
BIZ: MSC UP AND OUT
6:30 to 7:30 Ang Patintero ay isang halimbawa ng invasion game. Nasubukan niyo na ba mga
bata na laruin ang patintero? Kung Oo ang inyong kasagutan, tara at tulungan
On Camera
natin ang ating mga kamag-aral at mga kalaro na nais ding matutunan kung
paano laruin ang patintero.. Tara! laruin na natin.
BIZ: MSC UP AND OUT
7:30 to 9 Show Powerpoint Pero bago natin laruin ang patintero. Kinakailangang alam natin ang mga
minutes Presentation Slide # 6 panuntunang pangkaligtasan. Habang naglalaro, siguraduhing sundin ang mga
alituntuning ibinigay ng iyong guro, at dahil nasa bahay tayo, hingin natin ang
payo ng ating mga magulang o kaya mga nakatatandang kasama natin sa ating
mga tahanan.

1. Siguraduhing nakasuot ng tamang kasuotan at maging ang tamang


Please Select Next
pangyapak gaya ng sapatos at tsinelas.

Please Select Next 2. Tingnan muna ang lugar kung saan kayo maglalaro. Siguraduhing walang
nakakalat na mga bagay na maaring maging sanhi ng aksidente.

Please Select Next 3. Gawin muna ang warm-up exercise bago maglaro. Huwag din kalimutang
mag cool-down pagkatapos.

Tandaan na ang pagwarm-up ay nakatutulong upang ihanda ang iyong


katawan sa isang matinding gawain. Sa gayon, maiiwasan ang pagsakit ng
mga muscle at iba pang pinsala.
BIZ: MSC UP AND OUT
9:00 to 10:30 Show Powerpoint Ang Patintero ay isa sa pinaka-popular na Larong Pinoy. Minsan tinatawag din itong
Presentation Slide # 7 Harang Taga o Tubigan (dahil kadalasan ay binubuhusan ng tubig ang lupang
nilalaruan).

Ang kasanayang matutunan sa paglalaro ng patintero ay susukatin ang bilis, liksi at


talas ng atensyon ng manlalaro, at ang kakayanan nilang maglaro hindi bilang mga
hiwalay na indibidwal kundi bilang isang nagkakaisang koponan.

Ang Patintero ay nilalaro ng dalawang pangkat ito ang BANGON o RUNNERS at


TAYA o TAGGERS, na may pantay o parehas na bilang ng kasapi sa magkabilang
Please Select Next koponan. Ang layunin ng larong ito ay kailangang makalagpas ang mga Bangon o
Runners sa lahat ng linya mula sa una hanggang sa dulo at makabalik muli sa
lugar na pinagsimulan (starting area), ng hindi sila natataya.
BIZ: MSC UP AND OUT
10:30 to 11 Mayroong nagtext sa atin, mula kay Tricia M. Gutierrez ng Barangay Rizal
minutes Gerona Tarlac. Hello po sa lahat po ng tagasubaybay ng ating programa diyan sa
On Camera Barangay Rizal. Ang sabi ni Tricia

“Good Morning Sir, ano po ang katangian dapat ng mga manlalaro sa Patintero
para Manalo?”

Maraming Salamat sa iyong napakagandang katanungan Tricia!


11:00 to Show Powerpoint Well Tricia, sa paglalaro ng Patintero kailangan ng bawat manlalaro ay may liksi ng
11:20 Presentation Slide # 8 kilos, talas ng paningin at bilis ng isip. Kailangan at mahalaga din Tricia ng pagkakaisa
ng bawat manlalaro upang manalo sa laro.

11:20 to Ayon naman kay Prince Denwall Santillan ng Rizal E/S, wow si Denwall isa ito sa
11:40 masugid nating tagasubaybay ng Aral Tarlaqhenyo, ang kanyang tanong:
On Camera
“Sir, ano ang mga kagamitan sa paglalaro ng patintero at papaano po ang lugar
ng paglalaruan?”

Wow Prince Denwall, napakagandang tanong yan anak!


11:40 to 13 Show Powerpoint Malawak ang espasyo ang kailangan sa larong ito. Kailangang markahan ang lugar ng
minutes Presentation Slide # 9 parisukat. Ang mga linya sa loob ng parisukat ang tatakbuhan ng mga manlalarong
didipensa (Taya).

Maliban sa sarili, at sa lugar ng palaruan, wala nang iba pang materyales na ginagamit
sa larong patintero. Kaya nga isa ang patintero na madaling laruin at kahit kalian eh
pwede ninyo itong laruin.

Please Select Next Pero sa ibang lugar sa ating bansa, gumagamit sila ng iba’t ibang kulay ng chalk
na inilalagay sa palad ng Taya upang bumakat ang sa katawan ang paghuli sa
kalaban at nagigiging batayan ito ng pagkakataya.
BIZ: MSC UP AND OUT
13:00 to Show Powerpoint Ang Laro ay pasisimulan sa pamamagitan ng Jack-en-Poy (Bato-Bato Pik - papel,
13:30 Presentation Slide # 10 gunting, bato). Ang sinumang manalo sa Jack-en-Poy, sila ang unang pangkat na
maglalaro bilang mga Bangon o Runners.

13:30 to 14 Show Powerpoint Ang mga Bangon o Runners ay magsisimula sa unang linya at susubok na makalagpas
minutes Presentation Slide # 11 sa bawat linya nang hindi natataya.

Ang Taya ay magbabantay sa bawat linya sa pamamagitan ng pagtayo at pagbaybay


pahalang sa linya ng nakadipa ang mga kamay. Susubukan niyang abutin at matapik
ng kanyang palad o mga daliri ang katawan ng Bangon na nagtatangkang makalagpas.
Kailangang nakalapat ang dalawang paa sa linya habang nananaya.
14:00 to Show Powerpoint Dapat makatawid at makabalik ang mga kalahok ng kabilang grupo na hindi nahuhuli ng
15:30 Presentation Slide # 12 tayang grupo. Kapag mayroong nakatawid at nakabalik sa kupunan na hindi nahuhuli ng
mga taya ay madaragdagan ng puntos ang kanyang kupunan.

Ang mga tumatakbo naman ang magiging taya kung sakaling mayroon isa sa kanila ang
mahuli ng kabilang kupunan.

Ang unang kupunan na makakuha sa pinagusapang dami ng puntos ay siyang


magwawagi. Matatapos ang laro kapag ang isang pangkat ay nakatamo ng napag-
pasyahang bilang ng puntos. Ang pangkat ay idedeklara na itong panalo.
.
BIZ: MSC UP AND OUT
Ngayon mga bata nalaman na natin kung papaano nilalaro ang larong
Patintero. Napakasaya at napaka exciting diba? Noong ako ay nasa edad
On Camera
ninyo, isa ang patintero na aming paburitong nilalaro kasama ang aking
mga kaibigan, mga kakaklase at aking mga pinsan. Madalas amin itong
nilalaro sa mga bakanteng lote o kaya sa aming plaza o kaya sa bukid.
Kapag bilog naman ang buwan, masaya naming itong nilalaro sa aming
mga bakuran. Napakasayang balikan ang nakaraan at laruin ang mga
larong sariling atin.

Inaasahan ko mga bata na sa pagsasagawa ng ating gawain ay


magpapakita kayo ng paggalang at patas na pakikipaglaro sa iyong mga
kaibigan.
BIZ: MSC UP AND OUT
15:00 to Show Powerpoint Atin pang pagyamanin ang ating kaalaman. Nais kong kunin at buksan ninyo ang inyong
18:00 Presentation Slide # 13 Learner’s Activity Sheet. Sa inyong learners activity sheet sa bahaging PAGYAMANIN,
lagyan ng tsek ang bilang ng pamamaraan na nakatutulong upang mapaunlad ang iyong
bilis at liksi at ekis kung hindi.

Handa na ba kayo mga bata? Kung gayun, tara umpisahan na natin.

Note: Insert 1. Sa unang bilang, paligsahan sa pabibigay ng mga bagay o bring me.
Isulat na ang inyong sagot.
BIZ: MSC UP AND OUT
3 sec after reading 2. Pangalawang bilang, pagkain sa hapag kainan.
each items. Tsek o Ekis? Isulat na ito sa sagutang papel

3. Pangatlong bilang. Pag-ehersisyo araw-araw.


Ano ang inyong sagot? Pakisulat sa inyong sagutang papel

4. Pang-apat na bilang. Paglalaro ng circle chase.


Ano ang ang inyong sagot? Tsek o ekis?

5. At ang panghuling bilang. Paglalaro ng obstacle relay.


Muli, isulat na ang inyong mga kasagutan sa inyong papel.

Nakuha ba ninyo ang mga tamang sagot mga bata? Handa na ba kayong malaman ang
inyong mga nakuha?
18:00 to Show Powerpoint Narito na mga bata ang mga tamang sagot sa PAGYAMANIN
18:30 Presentation Slide # 14
1. Tsek
2. Ekis
3. Tsek
4. Tsek
5. Tsek
Tama bang lahat ang inyong sagot? Kung hindi naman, Ok lang yan bawi tayo sa mga
susunod na gawain. Unang Gawain pa lamang yan. Ang mahalaga nakibahagi ka sa
ating mga gawain.

At dahil dyan, ako ay natutuwa sa inyong ipinamalas sa araw na ito.


BIZ: MSC UP AND OUT
18:30 to On Camera Muli nais kong buksan ninyo ang inyong Learners Activity Sheet sa
19:00 Bahaging ISAGAWA. Pero mga bata maari ninyo itong gawin o sagutan
pagkatapos ng ating broadcast sa radio at sa ating facebook live. Bakit?
Dahil gusto kong suriin ninyo ang inyong mga sarili. Akin lang ipapaliwanag
kung papaano ninyo ito gagawin ok!
BIZ: MSC UP AND OUT
19:00 to Show Powerpoint Narito ang panuto. Suriin mo ang iyong sarili at iguhit ang happy face o mukhang
20:00 Presentation Slide # 15 nakangiti sa wastong hanay. Sa unang hanay ay nakasulat ang mga gawain sa
paglalaro ng patintero. Sa pangalawa, pangatlo, at pang-apat na hanay diyan
ninyo iguguhit ang happy face kung naisasagawa niyo ba ito ng mahusay ang
mga gawaing ito. Ikaw ba ay maliksi sa pag-iwas sa pagtataya sa larong
patintero? Ikaw ba ay mabilis ng pagtakbo sa larong patintero? Ikaw ba ay
magalang sa pakikipaglaro? Ikaw ba ay ay may pag-unawa sa konsepto ng
invasion games?

Naunawaan ba mga bata?


Sa tingin ko lubos na ninyong nauunawan kung papaano ninyo sasagutan ang gawaing
ito.
BIZ: MSC UP AND OUT
Show Powerpoint Dumako naman na tayo sa bahaging pagtataya. Ang gagawin lang ninyo dito mga bata,
Presentation Slide # 16 ay pupunan ang bawat patlang ng mga tamang salita na natutunan natin sa araw na ito.
Isulat lang ninyo ang inyong mga sagot sa inyong mga sagutang papel. Pag-isipan ninyo
ng maigi at alalahanin ang mga salitang ito upang makuha ninyo ang mga tamang
20:00 to 23 sagot.
minutes Show Powerpoint 1.Ang paglalaro ng _______________ ay nakakapagpaunlad sa mga
Presentation Slide # 17 sangkap ng physical fitness na bilis at liksi.
Ano ang sagot?

Please Select Next


Tama, INVASION GAMES

Show Powerpoint 2. Ang ________ at ________ ay dalawang sangkap ng physical fitness na


Presentation Slide # 18 malilinang sa pamamagitan ng paglalaro ng invasion games.

Ano ang sagot?

Please Select Next Magaling, BILIS AT LIKSI


Show Powerpoint 3. Ang ika __ na alituntunin sa paglalaro ng patintero ay ang;
Presentation Slide # 19 Gumuhit ng mga linyang pahalang at pahaba na pantay ang mga sukat.

Ano ang sagot?

Please Select Next Tumpak, PANGATLO


Show Powerpoint 4.Ang ________________ ay isang magandang kaugalian ng mga
Presentation Slide # 20 manlalaro upang matanggap ang pagkatalo nang may kasiyahan.

Ano ang sagot?

Please Select Next Exactly, Sportmanship

Show Powerpoint 5.Ang larong _______________ay isa sa mga halimbawa ng invasion


Presentation Slide # 21 games.
Ano ang sagot?

Please Select Next Perfect, ito ay PATINTERO

Natutuwa ako mga bata at napagtagumpayan ninyo ang ating aralin ngayong umagang
ito.

BIZ: MSC UP AND OUT


On Camera
Mabilis na lumipas ang dalawamput-limang minuto ng ating makabuluhang
talakayan sa P.E Grade 4. Maraming Salamat sa pagsama sa ating
talakayan, sa ating mga texters, viewers, and listeners. Abangan pa ninyo
23:30 to ang mga susunod na episodes ng ating mga aralin sa Physical Education
Grade 4 kasama naman si Sir Mario Juristo Madriaga sa Huwebes sa
25 minutes pareho nating oras ditto lamang sa RTV Tarlac Channel twenty-six…
On Camera Simulcast over DZTC Radyo Pilipino Tarlac

That’s all for today. This is your teacher broadcaster, Sir Jun Gandola na
nagsasabing “Ang Batang Tarlaquenio ay may Masigla at Malusog na
Katawan at Isipan kaya Mag-aral ng Mabuti Upang Buhay ay Bumuti”

See you Next Time


BIZ: MSC UP AND OUT

- END -

Prepared by:

You might also like