You are on page 1of 18

MUSIKA

RITMO AT PULSO
Pagsasanay
MASAYA KUNG SAMA-SAMA

Masaya kung sama – sama ang magkakaibigan.


Masaya kung sama-sama at may tawanan.
Kay inam ng buhay kung nag-aawitan,
Masaya kung sama-sama at may tawanan.
Pagganyak
Subukin mong ipikit ang
iyong mga mata. Huwag mo
munang pakinggan ang iyong
paligid. Tuunan mo ng pansin
ang iyong puso. Naririnig mo
ba ang pintig n’ya? Ano ang
sabi n’ya?
Paglalahad
Sa araling ito ay makilala mo ang ritmo
at pulso. Makikita mo na maari mo ring
gamitin ang iyong katawan upang mas
maintindihan mo ang kahulugan ng ritmo
at pulso.
Ano ang ritmo?
Ito ay isang kilos o galaw sa isang komposisyong
musikal. Maihahalintulad din natin ito sa mga kilos
ng kalikasan tulad ng pagsikat o paglubog ng araw,
mga alon sa dagat, paggalaw ng mga puno at
marami pang mga bagay sa ating paligid tulad ng
orasan at yabag ng mga batang naglalakad.
Ang pulso naman ay isang tibok sa
komposisyon musikal, kagaya din ito ng tibok ng
puso. Ang tempo o ang daloy ng awitin o
tugtugin ay nakasalalay sa pagitan ng kada tibok.
Tulad ng halim-bawa ng orasan—ang kada tiktak
ng segundong kamay nito ang nag tatakda kung
gaano kabilis ang takbo ng orasan.
Kung iniisip mo s’ya ay nag mamartsa, tama ka. Subukan
mo ngang gawin ang ginagawa nya. Tumayo ka at
magmartsa sa loob ng iyong silid na parang sundalo.
Nagawa mo ba? Kung ganun ay nagawa mong i-grupo
ang pulso ng dalawahan. Ganito ang ginagawa mong
hulwarang ritmo:

kaliwa kanan kaliwa kanan kaliwa kanan kaliwa kanan


Gawin Natin
Subukan mong ipalakpak ang hulwarang ritmo sa
ibaba.

1 2 1 2 1 2 1 2
Alam mo ba ang awiting “Leron-Leron Sinta”? Subukan
mong kantahin ito kasabay ng pagpalakpak ng
dalawahan.

1 2 1 2 1 2 1 2
Leron- leron sinta, buko ng papaya
dala-dala’y buslo, sisidlan ng bunga
pagdating sa dulo, nabali ang sanga
kapos kapalaran, humanap ng iba
Pangkatang Gawain
Bawat pangkat, lapatan ng kilos
o galaw ng katawan na maaaring
isabay sa awiting “Masaya Kung
Sama-Sama”
Presentasyon
ng bawat
pangkat
Pagtatalakay
• Pagmasdan mo
ang larawang
nakapaloob sa
kahon.
• Sa tingin mo, ano
ang ginagawa ng
batang ito?
Paglalahat
Tandaan
• Ang ritmo ay ang galaw ng tunog
sa isang modelo o huwarang ng
pulso.
• Ang pulso ang magtatakda ng
tempo sa daloy ng awitin o
tugtugin.
Paglalapat
Ipalakpak mo ang mga sumusunod na hulwarang ritmo.

1.
1 2 31 2 3 1 2 3 1 2 3 1 2 3

2
1 2 3 4 1 2 3 4 1 2 3 4 1 2 3 4
Pagtataya
Gawin ang sumusunod na hulwarang ritmo
alinsunod sa panuto.
a. Ipalakpak ng mabilis

1 2 3 1 2 3 1 2 3 1 2 3

b.

1 2 3 4 1 2 3 4 1 2 3 4 1 2 3 4
c. Ipalakpak ng mabagal

1 2 1 2 1 2 1 2
Takda / Kasunduan
Magtala ng iba pang kilos / galaw na maaa-ring
isabay sa mga sumusunod na palakum-pasan.

Dalawahan ( 2 , 4 ) Tatluhan ( 3 )
4,4 4
1. 4.
2. 5.
3.

You might also like