You are on page 1of 13

Pag-alis ng

Mantsa sa Damit
1. DUGO

– Ibabad kaagad ang


sariwang mantsa sa
malamig na tubig bago ito
kusutin at sabunin. Ang
natuyong mantsa ay kusutin
sa tubig na may asin.
2. TSOKOLATE O KAPE

– Labhan sa sabon at tubig


ang mantsa. Kung hindi
matanggal ang mantsa,
gamitian ng katas ng
kalamansi at asin. Labhan at
patuyuin.
3. TINTA

– Banlawan sa malamig na
tubig bago labhan at
sabunin. Maaaring lagyan
din ng katas ng kalamansi
at asin kung di matanggal
sa unang paraan.
4. CHEWING GUM

–Lagyan ng yelo ang mantsa


upang tumigas bago kaskasin
ng mapurol na gilid ng
kutsilyo. Kuskusin ang
mantsa ng bulak na may gaas
upang maalis ang paninikit.
5. PUTIK

– Gumamit ng brush upang


maalis ang mantsa bago
labhan tulad ng ibang
maruming damit.
6. KALAWANG

– Lagyan ng katas ng kalamansi


at asin o pinitpit na kamyas at
ibilad sa araw. Ulitin nang
ilang beses kung kinakailangan
hanggang maalis ang mantsa.
7. MANTIKA O LANGIS

– Buhusan ng mainit na
tubig ang bahaging may
mantsa bago ito sabunin at
labhan.
8. KANDILA
– Kaskasinng mapurol na kutsilyo.
Takpan ng mamasa-masang
pirasong papel at plantsahin ang
lugar na may mantsa nang ilang
ulit hanggang masipsip ng papel
ang natunaw na kandila.
9. TAGULAMIN

– Ibilad sa araw ang


mantsang nilagyan ng katas
ng kalamansi at asin. Ulitin ito
nang ilang beses hanggang
matanggal lahat ng mantsa.
10. PRUTAS

– Budburan ng asin ang


sariwang mantsa upang
huwag kumalat bago
banlawan sa kumukulong
tubig.
11. IHI

– Sabunin sa tubig na may


suka hanggang maalis ang
mantsa.
12. PINTURA

-Kuskusin ng bulak na may


turpentina bago labhan
ang mantsa.

You might also like