You are on page 1of 1

Narito ang mga pangkaraniwang mantsa at ang mungkahing paraan ng

pag-aalis ng mga ito.


1. Kalawang – Lagyan katas ng kalamansi at asin o pinitpit na kamyas at
ibilad sa
araw. Ulitin nang ilang beses kung kinakailangan hanggang maalis ang
mantsa .
2. Tinta – Banlawan sa malamig na tubig bago labhan at sabunin.
Maaaring lagyan din ng katas ng kalamansi at asin kung di matanggal sa
unang paraan.
3. Putik – Gumamit ng brush upang maalis ang mantsa bago labhan tulad
ng ibang
maruming damit.
4. Pintura – Kuskusin ng bulak na may turpentina bago labhan ang damit.
5. Mantika o langis – Buhusan ng mainit na tubig ang bahaging may
mantsa bago
ito labhan.
6. Chewing gum – Lagyan ng yelo ang mantsa upang tumigas bago
kaskasin
ng mapurol na kutsilyo. Kuskusin ang mantsa ng bulak na may gaas
upang maalis ang paninikit.
7. Dugo – Ibabad kaagad ang sariwang mantsa sa malamig na tubig
bago ito kusutin at sabunin. Ang natuyong
mantsa ay kusutin sa tubig na may asin.
8. Tsokolate o Kape – Labhan sa sabon at tubig ang mga mantsa. Kung
hindi matanggal ang mantsa,gamitan ng
katas ng kalamansi at asin. Labhan at patuyin.
9. Kandila – Kuskusin ng mapurol na kutsilyo. Takpan ng mamasa-
masang piraso ng papel at plantsahin ang lugar na may mantsa nang
ilang ulit hanggang masipsip ng papel ang natunaw na kandila.
10. Tagulamin – Ibilad sa araw ang mantsang nilagyan ng katas ng
kalamansi at asin. Ulitin ito nang ilang beses hanggang matanggal lahat
ng
mantsa.
11. Prutas – Budburan ng asin ang sariwang mantsa upang huwag
kumalat bago banlawan sa
kumukulong tubig.
12. Ihi – Sabunin sa tubig na may suka hanggang maalis ang mantsa.

You might also like