You are on page 1of 26

WASTONG PANGANGALAGA

AT PAG-IINGAT SA
KASUOTAN
Ang pangagalaga ng kasuotan ay hindi mahirap na
gawain. Ang kailangan lamang ay pagsasanay ang iba’t
ibang paraan ng pangangalaga ng mga kasuotan sa
murang edad pa lamang. Ang bawat isa ay naglalayong
mapanatili ang kagandahan at kapakinabangan ng
damit sa loob ng mahabang panahon.
Narito ang ilang paraan upang mapangalagaan ang mga
kasuotan:
1.) Pahanginan ang damit na basa ng pawis.
2.) Ihanger ang mga malinis na damit panlakad.
3.) Tiklupin ng maayos ang mga damit-panbahay at isalansan sa cabinet ayon sa
kulay at gamit.
4.) Tiklupin nang pabaligtad ang mga damit na hindi gaanong ginagamit at ilagay
sa plastic bag.
5.) Tanggalin kaagad ang mantsa ng damit habang sariwa pa.
6.) Kumpunihin ang sira ng damit tulad ng butas, punit, at tastas bago ito labhan.
7.) Punasan muna ang uupuang lugar bago umupo. Maaari ding lagyan muna ng
sapin it.
PAG-ALIS NG MANTSA SA MGA
DAMIT
DUGO
Mga Kagamitan
• Tubig at sabong panligo o mild soap

Pamamaraan
- Ibabad ang damit sa palangganang may tubig
- Kuskusin ng sabong panligo o mild soap ang damit
- Banlawin ito
TSOKOLATE
Mga Kagamitan
• Mainit na tuibg na may sabon

Pamamaraan
- Ibabad ang damit na may mantsang tsokolate sa
palangganang may mainit na tubug
- Kuskusin ng sabon panlaba at labhan ito
- Banlawan ito
KATAS NG PRUTAS, KAPE AT TSAA
Mga Kagamitan
• Mangkok o dish
• Malamig na tubig
• Kumukulong tubig

Pamamaraan
- Ibabad sa malamig na tubig ang damit
- Banatin ang bahaging namansahan sa ibabaw ng mangkok
- Buhusin ng kumukulong tubig na isang talampakan ng taas
SYRUP
Mga Kagamitan
• Mainit na tubig

Pamamaraan
- Ibabad sa mainit na tubig ang damit
- Labhan ito
MANTIKA
Mga Kagamitan
• Mainit na tubig
• Sabon
• Pulbos
• Malinis na putting blotting paper
• Plantsa

Pamamaraan
- Labhan ng maligamgam na tubig na may sabon
- Wisikan ng pulbos ang bahaging may mantika
- Ipagpag
- Ulitin kung kailangan
- Ipitin ang mantsa sa pagitan ng blotting paper at diinan ng plantsa
CHEWING GUM
Mga Kagamitan
• Yelo

Pamamaraan
- Kuskusin ng yelo ang kabila ng damit na may chewing gum
hanggang tumigas
- Tanggalin ang tumigas ng chewing gum sa pamamagitan ng
kamay
KALAWANG
Mga Kagamitan
• Asin
• Katas ng kalamsi

Pamamaraan
- Lagyan ng asin at katas ng kalamansi ang bahaging
namantsahan
- Sabunin ito
AMAG O TAGULANGIN (MOLD)
Mga Kagamitan
•Brush
•Mainit na tubig
•Katas ng kalamnsi

Pamamaraan
-Kuskusin ng eskoba ang bahaging na-mantsahan
-Labhan sa mainit na tubig at ikula
-Lagyan ng katas ng kalamansi
-Banlawan ang damit
-Sabunin ang damit at pagkatapos, labahan
PINTURA
Mga Kagamitan
• Gaas o thinner
• Mainit na tubig
• Sabon

Pamamaraan
- Basain ng gaas ang basahan
- Gamiting pangkuskos ang basahan sa bahagi ng damit na may
pintura
- Banlawan ang damit at pagkatapos, labhan
TINTA
Mga Kagamitan
• Alkohol

Pamamaraan
- Buhusan ng alcohol na may 70% solution
MGA MIYEMBRO
Rain Vincet
Steven Daniel
Keshia
Jean Kelsey
Annika Jamin
Iris
Arriane Bayani
Adrian Serrano
MARAMING SALAMAT
SA INYONG
PANONOOD
PRESENTATION BY: GROUP 1

You might also like