You are on page 1of 17

5

EPP
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pangangalaga sa Sariling
Kasuotan
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Sining Pantahanan
Modyul 1- Pangangalaga ng Sariling Kasuotan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Evelyn R. Fetalvero
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Daisy G. Bandoy
Editor:
Tagasuri: Rhodora Anora Lacdao, Myla Mae Mascariñas
Tagaguhit: Jemar D. Aliñabo
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Marcelo O. Roco

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________


Department of Education – Region XI Davao City Division
Office Address: DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax: (082) 224 0100
E-mail Address: info@deped-davaocity.ph
5
EPP
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pangangalaga sa Sariling
Kasuotan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang mga sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang
modyul:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang modyul sa inyong guro o tagapagdaloy
pagkatapos ng mga gawain.
Kung meron kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga inilaang
gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng modyul na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Tatalakayin sa araling ito ang pangangalaga sa kasuotan at kung paano


gawin ito. Mahalagang matutunan ang mga bagay na ito lalo na sa edad mo
ngayon. Nasa iyong mga kamay ang ikakatagal ng iyong mga damit.
Magdedepende na iyon kung paano mo pangangalagaan ang mga ito.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:


1. napangangalagaan ang sariling kasuotan
2. naiisa-isa ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang kasuotan,
EPP5HE0c-6

1
Subukin Natin

Suriin ang sumusunod na kaisipan. Kung ang kaisipang isinasaad ng


bawat bilang ay tama, lagyan ng tsek (✓) ang unang hanay. Kung mali, isulat
ang ekis✗) sa ikalawang hanay.

Kaisipan Tama Mali

1. Isinusuot ko ang damit


kahit na may sira o
punit ito.

2. Pinagsasama ko ang de-


kolor at puting damit sa
paglalaba.

3. Hinahanger ang mga


naplantsang damit.

4. Tinatagpian ang damit


na may butas gamit ang
sinulid at karayom.

5. Isang beses lang


binabanlawan ang mga
nilalabhang damit.

2
Aralin Natin

Mga Hakbang na Dapat Sundin sa Paglalaba

a) Pagbukod-bukurin ang mga damit. Ihiwalay


ang mga puti sa may kulay, ang maruming-
marumi sa di - gaanong marumi at ang mga damit
na may mantsa o dapat kumpunihin. Sulsihan
muna ang mga sirang damit at alisin muna ang
mantsa bago labhan.

b) Ibabad sa tubig ang mga damit na lalabhan


upang lumambot ang pagkakapit ng dumi. Unahin
ang mga puti at di-gaanong marurumi, bago ang
may kulay at maruming-marumi.Sundin ang
ganitong pagkakasunod-sunod hanggang sa
matapos.

c. Sabunin ang mga damit. Kusuting mabuti ang


mga bahaging karaniwang kinakapitan ng dumi
tulad ng kuwelyo, manggas, likod at laylayan.

d. Ikula sa araw ang nasabunang mga puti.


Manaka-nakang wisikan ng tubig na may sabon
ang mga ito upang huwag matuyo.

e. Banlawan ng tatlong beses ang mga damit na may kulay hanggang


maalis lahat ang bakas ng sabon. Isampay ang mga ito sa malilim na
lugar upang hindi kaagad kumupas ang mga kulay nito.

f. Matapos ikula ang mga puting damit, banlawan ang mga ito nang
ilang ulit hanggang maalis ang bakas ng sabon. Isampay ang mga
puti sa maaraw na lugar upang lalong pumuti.

3
Paraan ng Pagtatanggal ng Pangkaraniwang Mantsa

MANTSA MGA KAILANGAN DAPAT GAWIN


1. Dugo maligamgam na tubig Ibabad sa maligamgam na
at sabon tubig, sabunin, ikula at
banlawan.
2. Tsiklet / gum yelo, kutsilyo, langis Kuskusin ng yelo hanggang
tumigas. Kayurin ng
kutsilyo. Lagyan ng langis at
kayurin.
3. Tinta asin at kalamansi, Lagyan ng asin at pigaan ng
sabon, tubig kalamansi. Sabunin at
banlawan. Ulitin kung may
natitira pa.
4. Kalawang kalamansi, asin, Paghaluin ang apat na
gawgaw, sabon sangkap, ipahid sa mantsa
at ibilad sa araw. Labhan.
5. Putik sepilyo, sabon Basain ang putik at
sepilyuhin. Labhan sa
mainit na tubig. banlawan.
6. Pintura turpentina, mainit na Pahiran ng turpentina ang
tubig na may sabon telang binasa. Sabunin sa
mainit na tubig at
banlawan.
7. Grasa o Carbon Tetra Pahiran ng carbon tetra
Chloride, mainit na chloride at labhan sa mainit
mantika
tubig na may sabon na tubig at banlawang
mabuti.
8.Kakaw o mainit na tubig na Ilubog ang bahaging may
tsokolate may sabon mantsa sa mainit na tubig.
Labhan sa tubig na mainit
na may sabon.
9. Nasunog Bilaran Ibilad sa araw na may
nakababad na sabon.

10. Kendi mainit na tubig Ibabad sa mainit na tubig at


labhan.

11. Kape at tsaa palanggana, Ibabad sa malamig na tubig.


kumukulong tubig Ang bahaging may mantsa
ay nasa ibabaw ng

4
palanggana at buhusan ng
kumukulong tubig.
12. Dagta ng Palanggana, malamig Ibabad sa malamig na tubig.
na tubig, kumukulong Unatin ang bahaging may
bungang- kahoy
tubig mantsa sa ibabaw ng
palanggan at buhusan ng
kumukulong tubig.
13. Pawis sabon, tubig Ibabad sa tubig na may
sabon. Sabunin uli, ikula
kung puti at banlawang
mabuti.

Gawin Natin

A. Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paglalaba. Ilagay


sa kahon ang inyong sagot.

Isampay ang mga damit nang Sabunin ang damit


maayos

Pagbukud-bukurin ang mga Ikula ang mga puti


puti at may kulay na damit

Banlawan ng ilang ulit o beses Ibabad ang mga damit sa tubig


ang damit upang luminis upang lumambot ang pagkakapit
1.___________________________________________________
ng dumi
2.___________________________________________________
3.___________________________________________________
4.___________________________________________________
dumi
5. ___________________________________________________
6.___________________________________________________

5
B. Isaayos ang mga titik sa bawat bilang upang mabuo ang salita
na inilalarawan ng parirala.

_____________1. N B A O S - bumubula, tumutulong sa pag-aalis ng dumi


sa damit.

_____________2. G U B T I - inilalagay sa palanggana o batya


upang maibabad ang maruruming damit.

_____________3. L D E B A - sisidlan ng mga damit at tubig

_____________4. S W H A N I G O R B A D – katambal ng brush na kung


saan ay ipinapatong ang damit upang
matanggal ang dumi.

____________5. H S U R B – ginagamit pang alis ng dumi sa damit.

Sanayin Natin

Sipiin ang mga pangungusap sa kuwaderno at ayusin ang mga


hakbang sa paglalaba ayon sa wastong pagkakasunod-sunod. Isulat
ang bilang lamang sa patlang.

_____ a. Sabunin ang damit.


_____ b. Isampay ang mga damit nang maayos.
_____ c. Pagbukud-bukurin ang mga puti at may kulay na damit.
_____ d. Ikula ang mga damit.
_____ e. Ibabad ang mga damit sa tubig upang lumambot ang
pagkakapit ng dumi.
_____ f. Banlawan ng ilang ulit o beses ang damit upang luminis.

Tandaan Natin

Mga Tanong:

1. Bakit kinakailangan matutunan ng isang nagdadalaga at nagbibinata


ang wastong paglalaba ng kasuotan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
6
2. Ano ang mangyayari kung ipinaghalo ang mga labahin de-kolor at puti
sa paglalaba? Ito ba ay wastong gawain? Oo o Hindi at bakit?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Ano ang mangyayari sa isang taong di-marunong ng wastong
paglalaba? Ipaliwanag
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

RUBRIC PARA SA PAGMAMARKA NG TANONG

Pamantayan Napaka Mahusay Katamta Kailangan Walang


husay man ng Naisulat
Pagsasanay

1. Akma ang ideyang


naisagot.

2. Wasto ang gamit


ng wika o gramatika.

3. Gumamit ng apat
o higit pang salita na
nakatutulong upang
maging maganda ang
mga pangungusap.

KABUUAN

5 - Pinakamahusay 2 - Kailangan ng Pagsasanay


4 - Mahusay 1 –Walang Naisulat
3 - Katamtaman

7
Suriin Natin

A. Piliin sa loob ng kahon ang mantsang tinutukoy at sa mga dapat


gawin upang ito’y matanggal na nakasaad sa sumusunod na
pangungusap.

Kakaw o tsokolate Dagta ng bungang- Kahoy

Dugo Nasunog Kalawang kape o tsaa

Pintura Tsiklet kendi tinta

_____________ 1. Kuskusin ng yelo hanggang tumigas. Kayurin ng kutsilyo.

_____________ 2. Paghaluin ang apat na sangkap, ipahid sa mantsa at ibilad


sa araw. Labhan.

_____________ 3. Ilubog ang bahaging may mantsa sa mainit na tubig. Labhan


sa tubig na mainit na may sabon.

_____________ 4. Ibilad sa araw na may nakababad na sabon.

_____________ 5. Ibabad sa maligamgam na tubig, sabunin, ikula at banlawan.

_____________ 6. Ibabad sa mainit na tubig at labhan.

_____________ 7. Ibabad sa malamig na tubig. Ang bahaging may mantsa ay


nasa ibabaw ng palanggana at buhusan ng kumukulong
tubig.

_____________8.Lagyan ng asin at pigaan ng kalamansi. Sabunin at banlawan.


Ulitin kung may natitira pa.

_____________9.Pahiran ng turpentina ang telang binasa. Sabunin sa mainit


na tubig at banlawan.

_____________10. Ibabad sa malamig na tubig. Unatin ang bahaging may


mantsa sa ibabaw ng palanggana at buhusan ng
kumukulong tubig.

8
Payabungin Natin

Pumili ng isang gawain sa mga sumusunod:

➢ Gumawa ng isang video clip na nagpapakita ng wastong paraan sa


paglalaba ng kasuotan.

➢ Gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng wastong paraan sa


paglalaba ng kasuotan.

RUBRIC PARA SA PAGMAMARKA NG VIDEO CLIP

Kailangan ng Walang
Pamantayan Napaka Mahusay Katamta Pagsasanay Naisulat
husay man
1. Kaangkupan ng
nilalaman ng video
sa layunin

(Nagpapakita ng
wastong paraan sa
paglalaba ng
kasuotan)

2. Pagkamalikhain
(Video Editing,
Transition, Video
Effects)
3. Kalidad ng
Video

KABUUAN

5 - Pinakamahusay 2 - Kailangan ng Pagsasanay


4 - Mahusay 1 - Walang Naisulat
3 – Katamtaman

9
RUBRIC SA PAGGUHIT NG LARAWAN
Kailangan
Pamantayan Napaka- Mahusay Katamta- ng
husay man Pagsasanay Walang
Naisulat
NILALAMAN
( Naipapakita ng
maayos ang
mensahe ng
wastong paraan sa
paglalaba ng
kasuotan)

PAGKAMALIKHAIN
(Maayos na
naipakita ang mga
larawan)

KALINISAN AT
KAAYUSAN

KABUUAN

5 - Pinakamahusay 2 - Kailangan ng Pagsasanay


4 - Mahusay 1 - Walang Naisulat
3 - Katamtaman

Pagnilayan Natin

Ang paglalaba ng maruruming damit ay isang paraan ng pangangalaga


ng kasuotan. Sa paglalaba, inaalis nito ang kumapit na dumi, pawis at
alikabok na nakadikit sa damit. Napananatili ang anyo nito kapag ito’y
nilabhan.

Ang pag-aalis ng mantsa ay kailangang gawin hangga’t ito ay bago pa.


Mahirap na alisin ang mantsa kapag inuna ang paglalaba bago ito tanggalin.
Gamitin ang wastong paraan at mga kagamitan sa pag-aalis ng mga mantsa.

10
11
SURIIN NATIN SANAYIN NATIN
1. Tsiklet a. 3
2. Kalawang b. 6
3. Kakaw/ c. 1
tsokolate d. 4
4. Nasunog e. 2
5. Dugo f. 5
6. kendi
7. kape o
tsaa
8. tinta
9. pintura
10. Dagta ng
bungang-
Kahoy
SUBUKIN NATIN GAWIN NATIN- A GAWIN NATIN - B
1. Pagbukud-
1. Mali bukurin ang mga
puti at may kulay
2. Mali na damit
3. Tama 1. sabon
2. Ibabad ang mga 2. tubig
4. Tama damit sa tubig
5. Mali 3. balde
upang lumambot
ang pagkakapit ng 4 washing board
dumi 5. brush
3.Sabunin ang
damit
4.Ikula ang mga
puti
5. Banlawan ng
ilang ulit o beses
ang damit upang
luminis
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Cleofe, Ana B. Ventura, Evelyn D. Deliarte, Ma. Gilmina G. Sotoya, Susan B.


Guinea, Placita D. Arandela, Suzana M. Gaddi. “Batayang Aklat sa Makabuluhang
Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan” pp. 27-29.

Most Essential Learning Competencies (MELC), 2020. Department of


Education, Pasig City. Philippines

12
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Region XI Davao City Division
Office Address: DepEd Davao City Division, E. Quirino Ave
Davao City, Davao del Sur, Philippines
Telefax: (082) 224 0100
E-mail Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like