You are on page 1of 12

Department of Education

SCHOOLS DIVISION OF CITY OF MEYCAUAYAN


Pag-asa St., Malhacan, City of Meycauayan, Bulacan

Activity
Performance 5
Worksheet sa
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan

Home Economics
Ikatlong Markahan - Ikalawang Linggo
Napaghihiwalay ang Puti at Di-kulay
EPP5HE-0C-72
I. Panimula

Ang paglalaba ng maruming damit ay isang paraan ng

pangangalaga. Sa paglalaba, hinihiwalay ang puti at di-kulay,

inaalis ang kumapit na dumi, pawis at alikabok na nakadikit sa

damit. Napapanatili ang anyo ng damit kapag ito’y nilabhan.

Ang pag-aalis ng mantsa ay kailangang gawin hangga’t

ito’y bago pa. Hindi na maaalis ang mantsa kapag inuna ang

paglalaba bago ito tanggalin. Gamitin ang wastong paraan at

mga kagamitan sa pag-aalis ng mga mantsa.

Importante ang pagso-sort ng mga damit bago ito labhan.

Ang mga puti ay dapat nakahiwalay sa de-kolor upang hindi

humawa ang kulay sa mga ito. Dapat din natin isaalang alang

ang paghihiwalay ng mga damit na may kaunti at maraming

mantsa at anong klaseng mantsa ang mayroon ang damit

upang matanggal natin ito sa tamang paraan.

2
https://www.freepik.com/free-photos-vectors/dirty-clothes

Puti

https://pixy.org/666020/

Di-kulay

3
II. Pamantayan sa Pagkatuto
1.2 .1 Napaghihiwalay ang puti at di-kulay
(EPP5HE—0C-72)

III. Bilang ng Araw


3 araw

IV. Layunin

1. Napaghihiwalay ang puti at di kulay.


2. Napagbubukod bukod and damit na mapusyaw sa
matingkad, damit na may kaunti at maraming mantsa.
3. Nakikilala at naaalis ang mantsa sa tamang paraan.

V. Aralin

Wastong paraan nang paghihiwalay ng puti at di kulay


at Pagtatanggal ng mga Mantsa

Kagamitan: Powerpoint Presentation,

Activity Hand-outs

Computer/ Mobile phone

Video Presentation

4
VI. Pamamaraan (Kasanayan sa Pagganap)

Mga Kagamitan sa Paglalaba


1. Sabon - bumubula, tumutulong sa pag-aalis ng dumi sa damit

https://oureverydaylife.com/difference-between-soap-synthetic-detergent-12361283.html

2. Tubig - inilalagay sa palanggana o batya upang maibabad


ang maruruming damit

https://www.facebook.com/MutyaNgBatyaQC/photos/?tab=album&album_id=1453626788237074

5
3. Balde - sisidlan ng mga damit at tubig

https://3dwarehouse.sketchup.com/model/ud47a5ede-9225-45d0-b4b9-bfd116947a7e/Pail-Dipper

4. Washing Board - katambal ng brush na kung saan ay


ipinapatong ang damit upang matanggal ang dumi.

https://www.amazon.in/Living-Plus-Natural-Washing-Washboard/dp/B07MG3W1FZ

6
5. Brush - ginagamit pangkuskos sa mga damit.

https://shopee.ph/COD-DVX-Laundry-Brush-Cleaning-Scrub-i.144287446.4105265190

Mga Paraan ng Pagtatanggal ng Pangkaraniwang Mantsa

MANTSA MGA DAPAT GAWIN


KAILANGAN

1. Dugo
maligamgam Ibabad sa maligamgam
na tubig at na tubig, sabunin, ikula
sabon at banlawan.

2.Tsiklet/
yelo, kutsilyo, Kuskusin ng yelo
Bubble gum
langis hanggang tumigas.

7
Kayurin ng kutsilyo.
Lagyan ng langis at
kayurin.

3. Kalawang kalamansi, Paghaluin ang apat na


asin, sangkap, ipahid sa
gawgaw, mantsa at ibilad sa araw.
sabon Labhan.

4. Putik sipilyo, sabon Basain ang putik at


sipilyuhin. Labhan sa
mainit na tubig.
Banlawan.

5. Grasa o Carbon Tetra Pahiran ng carbon tetra


mantika
Chloride, chloride at labhan sa
mainit na mainit na tubig at
tubig na may banlawang mabuti.
sabon

6. Kakaw o mainit na Ilubog ang bahaging


tsokolate
tubig na may may mantsa sa mainit na
sabon tubig. Labhan sa tubig
na mainit na may sabon.

8
7. Tinta asin at Lagyan ng asin at
kalamansi, pigaan ng kalamansi.
sabon, tubig Sabunin at banlawan.
Ulitin kung may natitira
pa.

8. Nasunog bilaran Ibilad sa araw na may


nakababad na sabon.

VII. Pagtataya
A. Piliin sa loob ng kahon ang mantsang tinutukoy sa mga
dapat gawin upang ito’y matanggal na nakasaad sa mga
sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa hiwalay na
sagutang papel.
1. Kuskusin ng yelo hanggang tumigas. Kayurin ng kutsilyo.
Lagyan ng langis at kayurin.
Sagot: __________________________________________
2. Paghaluin ang apat na sangkap, ipahid sa mantsa at
ibilad sa araw. Labhan.
Sagot: __________________________________________
3. Ilubog ang bahaging may mantsa sa mainit na tubig.
Labhan sa tubig na mainit na may sabon.
Sagot: __________________________________________
4. Ibabad sa maligamgam na tubig, sabunin, ikula at
banlawan.
Sagot: _________________________________________

9
5. Ibilad sa araw na may nakababad na sabon.
Sagot: __________________________________________

kakaw o tsokolate nasunog

tsiklet
dugo kalawang

B. Gumawa ng maikling video na magpapakita ng tamang


paraan ng paghihiwalay ng puti sa di-kulay. (5 puntos)

C. Pumili ng isang pamamaraan ng pagtatanggal ng


mantsa at ipakita ito sa guro at sa klase sa
pamamagitan ng video. (10 puntos)

10
VIII. Sanggunian

Peralta,EdD, Gloria A., Arsenue, Ruth A., Ipolan, Catalina R.,


Quiambao, Yolanda L., and De Guzman, Jeffrey D.
Edukasyon Pantahan at Pangkabuhayan 5.Pilipinas.Vival
Group, Inc. 2016.

11
All Rights Reserved
2020

ACKNOWLEDGEMENT

CAROLINA S. VIOLETA, EdD


Schools Division Superintendent

JERRY D. CRUZ, PhD, CESE


Asst. Schools Division Superintendent

DOMINADOR M. CABRERA, EdD


Chief, Curriculum Implementation Division

EDWARD C. JIMENEZ, PhD


Education Program Supervisor- LR Manager

RAMILO C. CRUZ, PhD


Education Program Supervisor, EPP/TLE/TVL

ALOYSIUS ROA MAPUTI/MA. CECILIA R. ORTEGA/


EDILYN R. MIRABUENO
Content/Language/Layout Evaluator

ROSITA F. PARDILLO
Developer/Writer

12

You might also like