You are on page 1of 4

Edukasyong Pantahanan at

Pangkabuhayan 5

Ang paglalaba ng sariling kasuotan,


tanda ng kasipagan!

1
ARALIN: Wastong Paraan sa Paglalaba
 Paghihiwalay ng Puti at di-kulay
 Pagkilala at pag-aalis ng Mantsa
sa Tamang Paraan
INAASAHAN
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga kaalaman sa wastong paraan sa paglalaba. Maraming paraan ang
isinasagawa para mapangalagaan ang kasuotan. Ang bawat paraan ay naglalayong mapanatili ang kagandahan
at kapakinabangan ng damit sa loob ng mahabang panahon. Isa rin itong paran sa pagtulong sa magulang.
Kailangang isipan ninuman na ang wastong paraan ng paglalaba ng sariling kasuotan at pag-aalis ng mantsa ay
dapat isagawa ng maayos at maingat upang tumagal ito.
Inaasahan din na sa pagtatapos ng modyul na ito ay magkakaroon ang mga mag- aaral ng pagkakataon
na maisagawa ang wastong paraan ng paglalaba at pag-aalis ng mantsa sa sariling kasuotan.
Sa pagtatapos ng aralin na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Naisasagawa ang wastong paraan sa paglalaba sa kasuotan.
2. Napaghihiwalay ang puti at di-kulay na kasuotan.
3. Nakikilala ang pag-aalis ng mantsa sa kasuotan sa tamang paraan.
UNANG PAGSUBK
MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN
BALIK-TANAW
Isa sa tungkulin ng bata sa sarili ay ang pagpapanatiling maayos ang kanyang kasuotan. Ang isang batang tulad mo ay
kailangang matuto ng mga gawaing magbibigay ng kaayusan sa mga kasuotan.. Naririto ang mga dapat mong gawin.
Wastong Paraan ng Paglalaba
1. Ihanda ang mga kagamitan sa paglalaba tulad ng sabon, batya, palanggana, tubig, balde at tabo.
2. Suriin ang mga damit tiyaking walang laman ang bulsa at walang punit ang maruruming
damit. Kapag may sira, sulsihan muna bago labhan.
3. Ihiwalay ang puti sa mga may kulay o di-kulay na nangungupas na damit.
4. Ibabad sa batyang may sabon. Pagbukud-bukurin ang lalagyan nang puti, di-kulay at nangungupas na damit.
5. Unahing kusutin ang mga puting damit. Isunod ang di-kolor at ihuli ang mga nangungupas na damit.
6. Ikula ang mga puting damit sa naarawan.Paminsan-minsan ay wisikan ito nang hindi
ito matuyo.
7. Banlawan ang mga ikinula at ang iba pang damit.
8. Ulitin ang pagsasabon sa mga puting damit kung kailangan.
9. Banlawan.Unahin ang mga putting damit at isunod ang mga di-kulay.Kapag wala ng bula ang tubig para sa huling
banlaw.
10. Pigaing Mabuti at isampay sa nasisikatan ng araw ang mga putting damit at ang mga
di-kulay sa di-gaanong nasisikatan ng araw upang hindi kumupas ang kulay.
Pag-aalis ng Mantsa sa Damit
Hindi magandang tingnan ang damit na may mantsa. Anumang mantsa ay dapat
tanggalin agad habang sariwa pa. Mahalaga ang kaalaman sa epektibong paraan ng
pag-aalis ng mantsa. Pag-aralan ang mga nasa tsart.
Mantsa Mga kailangan Dapat gawin

1. Chewing gum Yelo,kutsilyo,langis -Kuskusin ng yelo hanggang


tumigas,kayurin ng kutsilyo,lagyan ng
langis at kayurin

2.Tinta Alcohol -Buhusan ng alcohol na 70% solution

3. pintura Gaas o thinner, mainit na tubig at -kuskusin ang bahaging may pintura
sabon gamit ang basahan na may gaas o
thinner, banlawan at labhan.
4. Kalawang Asin at katas ng kalamansi -Budburan ng asin at katas ng
kalamansi ang may bahaging may
kalawang at sabunin.

5. Tsokolate Mainit na tubig at sabon -Ibabad sa mainit na tubig , sabunin at


kusutin at banlawan.

You might also like