You are on page 1of 20

4

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Pagbibigay ng Hakbang
ng Isang Gawain
Ikatlong Markahan - Unang Linggo
(Aralin 1)
FILIPINO – Ikaapat na Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Pagbibigay ng Hakbang ng Isang Gawain
Ikatlong Markahan - Unang Linggo (Aralin 1)

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Lovie A. Bucad


Editor: Michelle Anne R. Beltran EdD
Tagasuri: Marie Ann C Ligsay PhD
Lucy F. Evangelista
Jay Ahr E. Sison
Tagaguhit / Tagalapat: John Spencer D. Arlega
Tagapamahala: Ma. Editha R. Caparas EdD
Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Pagbibigay ng Hakbang
ng Isang Gawain

Panimula

Naranasan mo na bang maatasang gumawa ng isang


gawain? Nagawa mo ba ito nang buong husay? Ano ang iyong
nararamdaman habang ginagawa mo ang iyong gawain?
Inilalahad sa araling ito ang araling magbibigay kaalaman sa
mga mag-aaral ang pagbibigay ng mga hakbang ng isang gawain.
Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, matutunghayan at
malalaman kung bakit mahalaga ang magkaroon ng kasanayan
sa tamang pagsunod sa mga hakbang sa gawain.
Ang isang tao ay hindi lamang dapat marunong sumunod sa
hakbang kundi dapat ay mahusay ring magbigay ng hakbang. Sa
maraming pagkakataon ay magagamit ang kasanayang ito lalo na
kapag may bagong bagay na dapat gawin ng iba at ikaw ay lider
na dapat magbigay ng hakbang na susundin nila.

Kasanayang Pampagkatuto

Nakapagbibigay ng hakbang ng isang gawain. (F4PS-IIIa-8.6)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:
1. naiisa-isa ang mga paraan sa pagsasagawa ng isang
gawain;
2. nasusunod ang mga hakbang sa pagsasagawa ng isang
gawain; at
3. nakasusulat ng wastong hakbang ng gawain.

Balik-Aral

Ngayon bago ka tumungo sa mga gawain, maaaring balikan


mo ang iyong kaalaman tungkol sa tamang paraan ng paghuhugas
ng kamay.
Panuto: Gamit ang mga kahon sa ibaba, isulat ang apat na sunud-
sunod na hakbang sa paghuhugas ng kamay. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

2|Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Alam kong nasasabik ka na sa ating talakayan. Handa ka na


ba sa bago nating aralin? Halina, sasamahan kita sa pag-aaral
patungo sa pagtuklas sa wastong paraan at kahalagahan ng
pagsasagawa ng tamang hakbang sa gawain.

Kahalagahan ng Pagsasagawa ng Tamang Hakbang sa Gawain


1. Mapanatili ang kaayusan ng isang gawain.
2. Higit na mabilis ang paggawa. Makatitipid ng oras at lakas.
3. Magagawa nang tama ang gawain.

Hakbang
-tumutukoy sa paraan kung paano mo gagawin ang
isang bagay.
Halimbawa:
• Paano ang tamang hakbang sa paghuhugas ng
pinggan?
• Paano ang wastong pagkukumpuni ng sirang upuan?
• Paano ang hakbang sa pagluluto ng pansit?

Marunong ka bang gumawa ng kalamansi juice?


Bago mo basahin kung paano ito gawin, kilalanin mo muna
ang pangunahing sangkap nito- Ang Kalamansi.
Ang kalamansi ay isang uri ng punong sitrus na namumunga
ng maliliit at maaasim na prutas. Ang naturang prutas ay
inihahalo at pinipiga sa karamihang lutuin. Mayaman ito sa
bitamina C na kailangan ng ating katawan.

3|Pahina
Basahin ang dayalogo upang malaman ang tamang hakbang
sa paggawa ng kalamansi juice.

Anak,
napakaraming Opo, maaari
bunga ng po ba tayong
kalamansi gumawa ng
natin. kalamansi
juice?

Sige anak,
ituturo ko sa
iyo kung Paano po ba ang
paano paghahandang
gumawa. gagawin natin?

Bakit po
Una, hugasang mabuti
kailangang
ang mga kalamansing
pigain sa isang
gagamitin. Pagkatapos,
salaan?
hiwain ang mga ito.
Ingatang huwag mahiwa
ang buto. Pigain ang
kalamansi sa isang
salaan.

4|Pahina
Kailangang gumamit ng salaan
upang mahiwalay ang mga buto.
Ano po ang
susunod na
Lalagyan na natin ng gagawin?
asukal ang isang
litrong tubig. Haluin at
ilagay sa isang
lalagyan. Palamigin
natin sa pamamagitan
ng paglalagay ng yelo.

Salamat po. Masarap at


masustansiyang inumin
ang kalamansi juice.

Pag-unawa sa Binasa
1. Sa iyong nabasang hakbang, ano ang unang dapat gawin?
2. Bakit kailangang pigain ang kalamansi sa isang salaan?
3. Madalas ka bang gumawa ng kalamansi juice?
4. Ano ang kabutihang dulot ng madalas ng pag-inom ng
kalamansi?
5. Kaya mo bang gumawa ng sarili mong kalamansi juice?

5|Pahina
Naranasan mo na bang gumawa ng isang pencil holder na
gawa sa papel? Paano mo ito ginawa? Narito ang isang hakbang
ng paggawa.

Paggawa ng Pencil Holder

Mga Kagamitan:
lumang magasin na makintab at makulay
lapis
pandikit
lata ng gatas
natural na barnis

Mga Hakbang sa Pagbuo ng Pencil Holder

1. Gumupit ng mula dalawa


hanggang tatlong sentimetrong
lapad ng lumang magasin.

6|Pahina
2. Irolyo nang mahigpit ang isang pirasong ginupit na magasin
sa tulong ng lapis at lagyan ng pandikit ang dulo ng papel.

3. Iayos ang apat na pirasong narolyong magasin upang


maging hugis bilog. Siguraduhing salit-salitan ang mga
pirasong inirolyong papel sa gitna upang makabuo ng
pinakailalim ng pencil holder depende sa laki ng gagawin at
idikit ito sa gitna.

4. Kumuha ng isa pang piraso at ihabi nang paikot.

7|Pahina
5. Kung ang pinakailalim ay kasinlaki ng lata ng gatas, ilagay
ang lata sa gitna ng nahabing papel. Itupi nang paitaas ang
mga dulo. Ipagpatuloy ang paghahabi hanggang sa ito ay
maging kasing-taas ng lata.

6. Itupi ang mga dulo at idikit ito papaloob matapos alisin ang
lata. Patuyuin ang pandikit. Lagyan ito ng barnis upang
tumigas at maging matibay.

8|Pahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod na pangungusap. Iguhit
ang masayang mukha kung ito ay nagsasaad ng hakbang at
malungkot kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____1. Tupiin ang dulo ng apat na beses pahilis.


_____2. Si Ben ay naatasang lider ng grupo.
_____3. Gupitin ang isang parihabang papel.
_____4. Pinanuod nila ang bagong pelikula.
_____5. Ulitin ang pagtupi sa kabilang panig.
_____6. Magtupi ng dalawang malaking tatsulok.
_____7. Hanapin ang sentro ng tatsulok.
_____8. Nagbakasyon ang mag-anak sa Laguna.
_____9. Abalang naglilinis ng bahay si Nena.
_____10. Magdagdag ng isang bahagi na may sulat na X.

9|Pahina
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Sundin ang hakbang upang makabuo ng bulaklak na
papel.

Mga Kagamitan:
papel na may kulay
pandikit
pantusok o istik
lumang CD
gunting
lapis

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Gumuhit ng isang malaki at maliit na bilog gamit ang
lumang CD sa papel na may kulay.
2. Gupitin at sundan ang naiguhit na bilog.

10 | P a h i n a
3. Gupitin lamang ang bilog na papel papunta sa
pinakamaliit na bilog upang makabuo ng spiral.
4. Iayos ito sa mala-rosas na bulaklak sa pamamagitan ng
pagrolyo ng papel simula sa pinakauna hanggang sa
pinakahuli.
5. Idikit ang ginawang bulaklak sa maliit na bilog upang
magsilbing ilalim nito.
6. Lagyan ng istik ang ilalim nito gamit ang pandikit upang
maging hawakan.

Pamantayan sa Pagmamarka
Mga Batayan Puntos Nakuhang Puntos
a. Wastong pagsunod ng 15
hakbang sa paggawa.
b. Kabuuang Anyo 10
c. Pagkamalikhain 5
Kabuuang Puntos 30

11 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Sa ibaba ay makikita mo ang mga larawan ng isang
gawaing pang-agrikultura. Pag-aralan mo ito, Isulat ang tamang
hakbang na ipinapakita sa larawan. Pagkatapos isulat ang 1-5 sa
puso ayon sa tamang pagsusunod-sunod ng gawain. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

12 | P a h i n a
Pagsusulit

Paano ang tamang paraan ng paggawa ng bookmark?

Panuto: Isulat ang tamang hakbang ng gawaing ito sa sagutang


papel.

Wastong Hakbang ng Paggawa ng Bookmark

Batayan sa Pagbibigay ng Puntos


Puntos Pamantayan
Ang mga hakbang ay malinaw, maayos at
5 Napakahusay
napakadaling sundan.

Ang mga hakbang ay malinaw, maayos at


4 Mahusay
madaling sundan.

Ang mga hakbang hindi gaanong malinaw,


3 Katamtaman
maayos at hindi madaling sundan.

Kailangan ng ibayong Ang mga hakbang ay hindi malinaw, maayos


2
pagsisikap sa paggawa at hindi madaling sundan.

Higit na kailangan ng ibayong Ang mga hakbang ay hindi maunawaan at


1 pagsisikap sa paggawa mahirap sundan.

13 | P a h i n a
Pangwakas

Batay sa iyong napag-aralan, bakit mahalaga ang pagsunod


ng mga hakbang sa gawain?

Panuto: Punan ang semantic web sa ibaba. Isulat ito sa sagutang


papel.

1 2

Kahalagahan ng
Pagsunod ng mga
Hakbang sa Gawain
3 4

Mahusay!
Binabati kita! Dito
nagtatapos ang iyong
aralin.

14 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Barza, Maria. 2010. Edukasyong Pantahanan At Pangkabuhayan


4. 3rd ed. Quezon City: Sta. Teresa Publications, Inc.

Buenaventura, L. and Peregrino, P., 1990. Ang Alpabeto Ng


Balarila. 1st ed. Quezon City: Phoenix Publishing House.

Calatrava, Sancho, and Modesta Jaurigue. 2015. Yaman Ng Lahi


Wika At Pagbasa Sa Filipino. 1st ed. Pasig City: Sunshine
Interlinks Publishing House, Inc.

Dayag, Alma. 2013. Pinagyamang Pluma 4. 1st ed. Quezon City:


Phoenix Publishing House, Inc.

2020. Accessed December 21.


https://teacherworksheet.co.uk/sheets/pagsunod-sa-
panuto-o-hakbang-sa-isang-gawain. References

15 | P a h i n a
16 | P a h i n a
Balik Aral Pang-isahang Pagsasanay
Guro ang magwawasto
4
Pinatnubayang Pagsasanay 1 3
1. 😊
2. ☹ 1
3. 😊 2
4. ☹
5. 😊 5
6. 😊
7. 😊 Pagsusulit
8. ☹
Guro ang magwawasto
9. ☹
10. 😊 Pangwakas
Pinatnubayang Pagsasanay 2 Guro ang magwawasto
Guro ang magwawasto
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak angkawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
Email Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like