You are on page 1of 20

ARALIN 4:

WASTONG
PANGANGALAGA
NG KASUOTAN
WASTONG PANGANGALAGA NG KASUOTAN:
1. Wastong pamamaraan ng paglalaba.
2. Pag-aalmirol ng kasuotan.
3. Wastong pamamaraan ng
pamamalantsa.
4. Wastong pagtatabi ng mga
naplantsang kasuotan.
5.Pag-aalis ng mantsa sa kasuotan.
6. Pagkukumpuni ng sirang kasuotan.
7. Wastong paraan ng pagsusulsi.
8. Wastong paraan ng pagtatagpi.
9. Mga Pangkalusugan at
pangkaligtasang gawi sa pangangalaga
ng mga kagamitan.
GAWAIN:
Sa loob ng tatlong minuto, ilista sa
inyong papel ang tamang mga hakbang
sa paglalaba.
Wastong Pamamaraan ng Paglalaba:
1. Ihanda ang mga kagamitan sa paglalaba.
2. Ihiwalay ang puting damit sa may kulay o
de kolor.
3. Basaing isa-isa at kusutin nang bahagya
sa tubig upang maalis at lumuwag ang
ibang dumi sa damit. Unahin ang puting
damit.
4. Isagawa ang unang pagsasabon. Maglagay
ng sabon sa batyang may katamtamang dami
ng tubig. Isa-isang kusutin dito ang mga
damit. Simulan sa mga pirasong puti at di-
gaanong marumi. Bigyang pansin ang mga
bahagi ng damit na madaling kapitan ng
dumi tulad ng kwelyo, leeg, manggas, kilikili,
at laylayan.
5. Banlawan at sabuning muli. Ikula ang mga
puting damit. Tiyakin na ang kulahan ay
malinis at malayo sa mga tutulong dumi o
liliparing mga dahon o dumi.
6. Banlawan ng 3 beses ang mga damit na may
kulay o de kolor hanggang sa maalis ang bula
ng sabon sa tubig. Baligtarin ang mga ito at
pigaing mabuti. Isampay sa malilim na lugar.
7. Banlawan ang mga puting damit
pagkatapos maikula ng ilang oras at
sabuning muli. Banlawan hanggang sa
luminaw ang tubig.
8. Isampay sa araw. Lagyan ng sipit ang
mga sampay upang hindi tangayin ng
hangin.
PAG-AAMIROL ng KASUOTAN:
Mga Kasuotang karaniwang inaalmirulan:
1. Koton
• Kurtina
• Punda
• Kubrekama
PAG-AALMIROL:
- ang mga kasuotang
naalmirulan ay :
1. Madulas
2. Makinis
3. Hindi madaling marumihan.
4. Hindi madaling magusot.
HAKBANG sa PAG-
AALMIROL:
1. Magpakulo ng 5 tasang tubig.
2. Maghalo ng 1 tasang almirol sa
kaunting tubig at unti-unting
ibuhos sa kumukulong tubig.
3. Huwag tigilan ang paghalo
upang hindi magbuo-buo ang
solusyon. Maaaring dagdagan
ang tubig upang makuha ang
gustong lapot.
4. Ihalo ang solusyon sa kaunting
tubig. Ilubog muna ang puting
kasuotan at pigain. Tiyaking lahat ng
panig ng kasuotan ay naalmirulan.
5. Isampay sa lugar na nasisikatan ng
araw. Itabi sa isang kahon, kapag tuyo
na.
PAG-AALIS NG MARKA SA KASUOTAN:
1. Dugo
-ibabad ang damit sa malamig na
tubig. Labhan at kusutin sa malamig at
masabong tubig.
2. Katas ng prutas
-buhusan ng kumukulong tubig ang
bahaging may mantsa.
3. Chewing gum
-patungan ng yelo ang bahaging may
chewing gum. Hayaang tumigas ito. Kumuha ng
mapurol na kutsilyo at unti-unting kayurin ang
chewing gum hanggang sa matanggal.
4. Tsokolate
-ilubog ang bahaging may mantsa sa mainit
na tubig. Labhan sa tubig na may sabon.
5. Tinta
-kuskusin ng puting mantikang
panluto. Labhan sa tubig na may sabon.
6. Kalawang
-lagyan ng kaunting asin ang
bahaging may kalawang at pigaan ng
kalamansi o dinurog na kamyas.
7. Pintura
-pahiran ang bahaging may
mantsa ng turpentina. Kuskusing
mabuti hanggang sa maalis.
Labhan sa tubig na may sabon.
8. Mantika
-buhusan ng mainit na
tubig ang bahaging may
mantsa bago ito labhan sa
tubig na maligamgam.
9. Kandila
-kuskusin ng mapurol na kutsilyo
ang bahaging may kandila. Takpan ng
mamasa-masang papel at plantsahin ng
ilang ulit ang bahaging may mantsa
hanggang sa masipsip ng papel ang
natunaw na kandila.
10. Tagulamin
-ibilad sa araw ang
mantsang nilagyan ng
kalamansi at asin. Ulitin
hanggang sa maalis ang lahat
ng mantsa.

You might also like