You are on page 1of 5

Name:____________________________________________________________________________________

Grade / Section:____________________________________ LRN __________________________________


Teacher:___________________________________________Date:__________________________________
FIRST PERIODICAL TEST IN EPP 5 INDUSTRIAL ARTS

Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang numero.

______1. Hindi maisara ang pintuan ng kabinet. Ano ang posibleng sira nito?
a. barnis c. lock
b. bisagra d. wala sa nabanggit
______2. Hindi umiilaw ang bombilya kahit may kuryente. Ano ang sira nito?
a. pundido c. luma
b. walang fuse d. wala sa nabanggit
______3. Ang upuan ay umuuga kapag inuupuan, ano ang maaaring gawin dito?
a. pinturahan c. lagyan ng brace
b. barnisan d. itapon
______4.Hindi bumababa ang tubig sa lababo dahil may nakabara.Ano ang maaaring gawin dito?
a. alisin ang tubig at buhusan ng mainit na tubig
b. huwag ng gamitin ang lababo
c. palitan ang lababo
d. wala sa nabanggit
______5.Magiging maginhawa at kasiya-siya ang paggawa ng proyekto kung gagamitin ang angkop na ________.
a. kasangkapan c. kasuotan
b. materyales d. wala sa nabanggit
______6. Anong kasangkapan ang ihahanda mo kung pakikinisin ang ibabaw ng tabla o kahoy?
a. pala c. disturnilyador
b. liyabe de tubo d. katam
______7. Puputulin ni Mario ang kahoy para sa gagawing proyekto. Anong klaseng pamutol ang gagamitin niya?
a. palakol c. lagare
b. gunting d. kikil
______8. Kung pagdidikitin ang dalawang kahoy gamit ang pako, anong kagamitan ang gagamitin mo?
a. plais c. barena
b. martilyo d. papel de liha
______9. Ano ang ilalagay sa katawan ng pako upang dumulas ito at madaling ibaon?
a. sabon c. asin
b. pulbo d. wala sa nabanggit
______10. Kung kukumpunihin ang sirang switch ng ilaw, ano ang dapat gawin bago magsimula?
a. patayin ang pangunahing switch c. lumabas muna
b. huwag ng patayin ang ilaw d. wala sa nabanggit
______11. Ano ang pang-ipit ng kahoy o bakal upang hindi ito gumalaw habang nilalagari?
a. disturnilyador c. gato
b. palis d. martilyo
______12. Sukating mabuti ang kahoy upang sakto sa paglalagyan. Ano ang gagamitin sa pagsusukat?
a. metro c. zigzag rule
b. ruler d. lahat ay tama
______13. Tiyaking iskwalado ang natapos na proyekto. Anong kagamitan ang gagamitin upang malaman kung
iskwalado ang proyekto?
a. ruler c. gato
b. iskwala d. wala sa nabanggit
______14. Ano ang gagawin mo sa mapurol na lagari?
a. itapon c. hasain
b. ipamigay d. itago
______15. Ito ay isang paraan upang mapakinabangan pang muli ang isang bagay na nasira. Ano ito?
a. pagbebenta c. paglilinis
b. pagkukumpuni d. wala sa nabanggit
______16. Upang hindi mawala ang mga kasangkapan, saan mo ito ilalagay pagkatapos gamitin?
a. kabinet c. banyo
b. hardin d. wala sa nabanggit
______17. Kung napansin mong malapit nang masira ang kasangkapan sa gusaling pang-industriya, ano ang gagawin
mo?
a. hindi papansinin c. sasabihin sa guro
b. itatago ang gamit d. itapon
______18. Anong uri ng gawaing pang-industriya ang upuang yari sa kahoy?
a. gawaing kamay c. gawaing kahoy
b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad
______19. Ito ay isang gawaing industriya kung saan binigyang pansin ang paggawa ng dust pan, gadgaran, habonera,
kahon ng resipi at kuwadro. Ano ito?
a. gawaing kamay c. gawaing kahoy
b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad
______20. Anong uri ng gawain ang paggawa ng mga proyektong madaling gawin sa mga kamay?
a. gawaing kamay c. gawaing kahoy
b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad
______21. Ang gawaing ito ay humihingi ng dagdag na pag-iingat upang makaiwas sa sakuna na may kaugnayan sa
kuryente. Ano ito?
a. gawaing kamay c. gawaing kahoy
b. gawaing metal d. gawaing elektrisidad
______ 22. Kung gagawa ka ng proyekto, saan ka hahanap ng materyales na gagamitin mo?
a. mula sa malayong lugar c. mula sa ibang bansa
b. mula sa pamayanan d. mula sa malapit na lugar
______23. Upang madaling matapos ang gagawing proyekto, anong disenyo ang pipiliin mo?
a. malaki c. maliit
b. payak d. magarbo
______24. Wala kang pambili ng mga materyales para sa gagawing proyekto , ano ang maaari mong gawin?
a. mag-recycle c. lumiban sa klase
b. huwag gagawa d. wala sa nabanggit
______25. Alin sa mga sumusunod na proyekto ang gawaing pang-industriya?
a. parol c. walis tingting
b. basket d. lahat ng nababanggit
______26. Ano ang ginagamit na pambura kung nagkamali sa pagguhit?
a. ruler c. pambura
b. lapis d. papel
______27. Dito iginuguhit ang mga disenyong nais gawin.
a. ruler c. pambura
b. lapis d. papel
______28. Ano ang tawag sa guhit ng plano ng proyekto?
a. ekis c. anyo
b. marka d. krokis
______29. Upang maging tuwid ang mga linyang iguguhit, ano ang gagamitin mo?
a. ruler c. pambura
b. lapis d. papel
______30. Sa plano ng proyekto, saang hanay ilalagay ang halaga ng ¼ kilo?
a. layunin c. halaga
b. hakbang d. talaan ng materyales
______31. Aling bahagi ng proyekto ang nagpapaliwanag sa hakbang ng mga gawain?
a. pamamaraan c. layunin
b. pamagat d. materyales
______32. Ang isang papel de liha ay nagkakahalaga ng P10.00. Kung gagamitin mo ang kalahati nito, magkano ang
halaga nito sa espisipikasyon mo?
a. P3.00 c. P10.00
b. P5.00 d. P2.50
______33. Ano ang dapat gawin upang hindi malimutan ang mga bibilhin mong materyales para sa gagawing proyeko?
a. tandaan nalang c. sabihin sa magulang
b. gumawa ng listahan d. wala sa nabanggit
______34. Ano ang katawagan para sa piraso, kilo, litro, bote at iba pa na makikita sa talaan ng materyales?
a. uri c. yunit
b. halaga d. wala sa nabanggit
______35. Saan nabibilang ang sukat ng bibilhing materyales?
a. yunit c. espisipikasyon
b. bilang d. wala sa nabanggit
______36. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng kasangkapan sa paggawa ng mga bagay na yari sa
kamay?
a. panukat c. pambutas
b. pampukpok d. panghukay
______37. Alin sa mga sumusunod na kasangkapan ang ginagamit sa pagkuha ng lapad, taas, at kapal?
a. pang-ipit c. panukat
b. pambutas d. pamputol
______38. Anong kasangkapan ang pambaluktot, pamukpok ng mga metal at pambaon sa pait at pako?
a. katam c. martilyo
b. liyabe d. iskwala
______39. Upang maiwasan ang pagkakuryente gumamit ng kagamitang tumitingin kung dinadaluyan na ng kuryente
ang proyekto. Ano ito?
a. plais c. disturniyador
b. tester d. martilyo
______40. Ano ang isusuot mo kung ikaw ay magtatrabaho at ayaw mong marumihan ang suot mong damit?
a. duster c. jacket
b. kapote d. apron
______41. Alin ang nagpapahiwatig ng kaligtasan sa mga sumusunod?
a. Iwasan ang paggamit ng mga mapupurol na kasangkapan.
b. Gamitin ng may pag-iingat ang mga kasangkapan.
c. Huwag paglaruan ang mga kasangkapan.
d. Lahat ay tama.
______42. Upang hindi malito at magkamali sa paggawa ng proyekto, aling hakbang ang susundin mo?
a. hakbang sa paggawa c. hakbang sa pagsumite
b. hakbang sa pagplano d. lahat ay tama
______43. Upang maiwasang masaktan ang mga mata habang nagtatrabaho magsuot ng pananggalang sa mga mata.
Ano ang isusuot mo?
a. sumbrero c. bota
b. goggles d. bakya
______44. Alin sa mga sumusunod ang hindi kailangan sa hakbang sa paggawa ng proyekto?
a. pagsusukat c. pagpapakinis
b. pagpuputol d. wala sa nabanggit
______45. Sa paglalagari ng kahoy makabubuting simulan ang paglalagari sa _______ na direksyon.
a. pakabig c. mabilis
b. pasulong d. wala sa nabanggit
______46. Kung pupukpukin ang ulo ng pako, saang bahagi ng hawakan ng martilyo ka hahawak?
a. malapit sa ulo c. bandang dulo
b. gitna d. wala sa nabanggit
______47. Tapos na ang proyekto mo, pintura o barnis na lang ang kulang. Paano ang wastong pagpahid ng pintura o
barnis gamit ang brotsa?
a. paikot c. kahit papaano
b. isang direksyon lang d. wala sa nabanggit
______48. Ano ang gagawin bago pinturahan o barnisan ang proyekto?
a. pakinisin c. ibilad
b. patuyuin d. wala sa nabanggit
______49. Upang mapakinabangan ang natapos na proyekto, ano ang iyong gagawin?
a. itapon c. ipamigay kahit kanino
b. ibenta d. lahat ay tama
______50. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng wastong pagpapahalaga sa sariling proyekto?
a. pagdisplay sa tahanan.
b. pagpapakita sa guro upang mamarkahan.
c. pag-iingat na huwag masira o madumihan.
d. pagwawalang-bahala saan man ito mailagay

MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP-IA


1. b
2. a
3. c
4. a
5. a
6. d
7. c
8. b
9. a
10. a
11. c
12. d
13. b
14. c
15. b
16. a
17. c
18. c
19. b
20. a
21. d
22. b
23. b
24. a
25. d
26. c
27. d
28. d
29. a
30. d
31. a
32. b
33. b
34. c
35. c
36. d
37. c
38. c
39. b
40. d
41. d
42. a
43. b
44. d
45. a
46. c
47. b
48. a
49. b
50. d

MARKAHANG PAGSUSULIT SA EPP-IA

Talaan ng Ispesipikasyon

Layunin Blg. ng Blg. ng Bahagdan Kinalalagyan ng


Araw mga (%) Item
Aytem
1. Pagtukoy sa sirang hahagi ng kasangkapan 3 4 7.5% 1,2,3,4
2. Paghahanda ng mga kasangkapan at materyales 3 4 7.5% 5,6,7,8
3. Pagsunod sa wastong paraan ng pagkukumpuni 4 5 10% 9,10,11,12,13
4. Pagpapahalaga sa pagkukumpuni ng mga sirang
4 7.5% 14,15,16,17
kasangkapan 3
5. Iba't-ibang uri ng Gawaing Industriya 3 4 7.5% 18,19,20,21
6. Pagpaplano ng pag-pili ng Gawaing Industriya ayon sa
4 5%
pangangailangan, kakayahan, at pagkukunan 2 22,23,24,25
7. Disenyo ng proyekto 3 4 7.5% 26,27,28,29
8. Pagtatala ng dami, espesipikasyon, at halaga ng mga
6 12.5%
materyales 5 30,31,32,33,34,35
9. Pagpili ng mga kasangkapan at materyales na gagamitin 3 4 7.5% 36,37,38,39
10. Panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa
4 7.5% 40,41,42,43
paggawa 3
11. Pagsunod sa mga hakbang sa paggawa ng proyekto
5 10% 44,45,46,47,48
ayon sa plano 4
12. Pagpapahalaga sa natapos na proyekto 4 2 10% 49,50
KABUUAN 40 50 100%

You might also like