You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DepEd- Region I
DIVISION OF PANGASINAN II
San Manuel District
CABACARAAN ELEMENTARY SCHOOL

Name:__________________________________________________Grade:_______Score___________

Ikalawang Markahan Pagsusulit sa EPP


Sining Pang – Industriya 4

Panuto: Basahin ang mga pangungusap, sitwasyon at tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

____ 1, Sa pagsusukat ng lapad, kapal at haba ng isang bintana, anong kagamitan ang maaaring gamitin?
A. ruler B. steel rule C. zigzag rule D. pull-push rule

____ 2. Nahihirapang magsukat ng anggulo sa ginagawa niyang proyekto si Mario gamit ang triangle. Anong
panukat ang maaari pa niyang gamitin?
A. ruler B. protractor C. tikluping metro D. medida

____ 3. Si Jose ay gumagawa ng isang laruang yari sa tabla. Nais niyang makuha ang tamang kapantayan ng
tabla, anong kagamitan ang dapat niyang gamitin upang ito ay maging pantay?
A. ruler B. T square C. eskwala D. tape measure

____ 4. Kung ikaw ay magtatabas ng kartolina para sa gagawin mong photo album, ano ang mainam na
gamitin upnag maisiguro mo ang pagkakakwadrado ng papel?
A. ruler B. medida C. T square D. meter stick

____ 5. Ang dalawang sistema na ginagamit sa pagsusukat sa gawaing pang-industriya ay:


A. English at Metrik B. Filipino at Amerikano C.Metrik at Visaya D. Tsabakano at Tagalog

____ 6. Kung ang metro ay yunit sa pagsusukat sa Metric, ano naman ang piye?
A. Cebuano B. Espanol C. Filipino D. English

____ 7. Ikaw ay guguhit ng linyang may apat na sentimetro, dudugtungan ito ng 30 millimetro, ano ang sukat
ng linya na iyong iguguhit?
A. 4 sqm B. 5 sqm. C. 6 sqm. D. 7 sqm.

____ 8. Ang mga sumusunod ay mga yunit sa pagsusukat, alin ang hindi nabibilang sa pangkat?
A. pulgada B. yarda C. kilometro D. talampakan

_____9. Ilang metro ang katumbas ng 150 sqm?


A 1 1/2 B. 2 C. 3 1/4 D. 4

____ 10. Si Mang Simeon ay sumusulat ng letra sa mga diploma ng mga batang magsisipagtapos, anong uri
ng letra ang kanyang ginagamit?
A. Gothic B. Roman C. Script D. Text

____ 11. Anong istilo ng pagtititik ang pinakasimple, walang palamuti at ang mga bahagi ay magkakatulad ang
kapal?
A. Gothic B. Roman C. Script D. Text

____ 12. Ang pagtititik na ito ay karaniwang ginagamit sa kanlurang Europa at kung minsan ay tinatawag na
“Old English”?
A. Gothic B. Roman C. Script D. Text

____ 13. Ito ang uri ng linya na ginagamit sa paglalarawan ng bahagi ng drowing na hindi nakikita.
A. _ _ _ _ _ B. ← → C. _______ _ _______ D. ______________
____ 14. Sa mga arkitekto ginagamit nila ang uri ng linyang ito upang maipakita ang eksaktong dimension ng
iginuguhit nilang gusali o bahay, anong linya ito?
A. _ _ _ _ _ B. ← → C. _______ _ _______ D. ______________

____ 15. Si G. Ben Castillo ay isang kilalang arkitekto. Halos lahat ay humahanga sa maayos na plano ng
mga bahay at gusaling kanyang ginagawa. Ano sa palagay mo ang kanyang ginagamit upang
magkaroon ng buhay ang mga bagay o drowing na kanyang iginuguhit?
A. center line B. leader line C. reference line D. alphabet of lines
____ 16. Sa pangaraw-araw na gawain ng isang manggagawa, may iba’t ibang produkto na ginagamitan ng
basic sketching, shading at outlining gaya ng:
A. paggawa ng plano ng gusali C. pagtitinda ng kakanin
B. pagyari ng mga aparador at kabinet D. A at B ay tama

____ 17. Mahalaga ang may kaalaman sa basic sketching, shading at outlining sa hanapbuhay ng mga tao.
Alin sa mga sumusunod na trabaho ang gumagamit ng kaalamang ito?
A. pagpipinta B. pag-arte C. pangingisda D. pagluluto

____ 18. Aling krokis ang may hugis na malaki sa unahan at paliit sa dulo tulad ng pagtingin sa riles ng tren?
A. Isometric B. Oblique C. Orthographic D. Perspective

____ 19. Napakahalaga sa disenyo na ipakita ang tatlong tanawin o views ng proyekto na may kanya-kanyang
sukat. Sa anong paraan ito magagawa?
A. Isometric B. Oblique C. Orthographic D. Perspective

____ 20. Ano ang nagpapakita ng tatlong tanawin ng ginawang proyekto sa iisang drowing na nakahilig ng 30°
ang bawat tagiliran?
A. Isometric B. Oblique C. Orthographic D. Perspective

____ 21. Bakit kailangang magkaroon ng disenyo ang anumang proyektong gagawin?
A. para matibay tingnan C. para magmukhang mamahalin ang proyekto
B. dahil utos ng guro D. upang maging gabay sa ginagawa

____ 22. Sa paggawa ng krokis, anong kagamitan ang ginagamit?


A. lapis B. ballpen C. colored pen D. pentel pen

____ 23. Sa pagguhit ng mukha ng tao, ano ang unang hakbang na gagawin?
A. shading B. sketching C. outlining D. lettering

____ 24. Nais ni Norman na hatiin at ilipat ang disenyong kanyang ginagawa, anong kasangkapang
pangdisenyo ang maaari niyang gamitin?
A. Iskwala B.Compass C. Divider D. French Curve

____25. Binigyan ka ng takdang-aralin ng iyong gurokung ano-ano ang mga hakbang sa sketching. Wala
kang makita nito sa aklatan, saan ka pa maaaring kumuha ng impormasyon ukol dito?
A. sa kapitbahay C. tutulad sa kaklase ng takda
B. sa internet D. sasabihin sa guro na walang makitang sagot sa kanyang takda

____26. Nais ni Nena na iguhit ang proyektong kanyang gagawin. Upang mapadali ang kanyang gawain
ginamit niya ang kompyuter. Anong tool sa kompyuter ang maaari niyang gamitin?
A. Document B. MS Word C. MS Paint D. MS Power Point

____ 27. Sa paggawa ng mga tuwid at kapal ng linyang nais mong gamitin sa iyong drowing, anong
productivity tool ang iyong pipiliin?
A.Brushes B. Curve tool C. Pencil tool D. Line tool

____ 28. Sa pagbuo ng proyekto na mula sa kahoy, gagamit tayo ng iba’t ibang kasangkapan. Alin dito ang
makakatulong para masunod natin ang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan?
A. Gumamit ng guwantes at apron C. Gumawa sa tamang lugar
B. Panatiling malinis at maayos ang kagamitan D. A at B
____ 29. Kung ikaw ay nakatira sa malapit sa dalampasigan, anong proyekto o produkto ang iyong gagawin?
A. yari sa kahoy C. yari sa metal
B. yari sa kabibe D. yari sa yantok

____ 30. Dumating ang araw ng pagpapasa ng natapos na proyekto sa EPP. Nakita ng mga kaklase ni Nida
ang ginawa niyang plorera at pinagtawawan siya ng mga ito dahil pangit daw ang kanyang ginawa.
Kung ikaw si Nida, ano ang gagawin mo?
A. Sisirain na lang ang plorera C. Hindi sila papansinin at ipapasa ito sa guro
B. Itatago at iuuwi ito sa bahay D. Aawayin ang mga kaklase

_____ 31. Alin sa sumusunod ang mabisang paraan ng paghihikayat sa mga mamimili?
A. Maruming paligid ng tindahan C. Maayos at malinis na paninda
B. Hindi magalang na tinder D. Halo-halo ang mga paninda

_____ 32. Magkano ipagbibili ang proyektong nagawa na may kabuuang halaga na ₱ 100.00 kung ang mark-
up price ay sampung porsiyento?
A. ₱ 110.00 B.₱ 130.00 C. ₱ 120.00 D. ₱ 140.00

_____ 33. Tuusin ang ginastos at kikitain sa proyektong flower vase:


parte ng niyog___________₱ 25.00
pandikit________________₱ 12.00
barnis__________________₱ 23.00
palamuti________________₱ 20.00
Ano ang halaga ng proyekto kapag ibinenta na may 25% na tubo?
A. ₱ 95.00 B. ₱ 100.00 C. ₱ 105.00 D. ₱ 110.00

____ 34. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagbebenta ng mga produkto maliban sa isa, alin ito?
A. Maging magiliw sa mamimili.
B. Lagyan ng palatandaan ang bawat uri ng produkto.
C. Ilatag sa ibabaw ng mesa ang mga produktong ibinebebta.
D. Ilagay sa bilao o kaing ang mga paninda.

____ 35. Ano ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga paraan ng pag-aayos ng mga panindang ipagbibili?
1. Ihanda ang mga kailangan sa pag-aayos ng mga produktong ipagbibili.
2. Lagyan ng itiketa ang mga produkto kung magkano ang presyo.
3. Isalansan nang maayos ang mga produkto sa loob ng lalagyan.
4. Linisin nang mabuti ang produktong ipagbibili.
A. 1 2 3 4 B. 2 4 3 1 C. 1 3 2 4 D. 1 4 2 3

____ 36. Ito ang tinatawag na gabay sa paggawa ng proyekto.


A. talaan ng mga materyales C. mga hakbang sa paggawa
B. plano ng proyekto D. layunin sa paggawa

____ 37. Napagkaisahan ng magkakaibigang Tristan at Arjay na ipagbili ang ginawang proyekto. Ano ang
dapat nilang pagbatayan sa pagtatakda ng halaga nito?
A. Uri ng materyales C. halaga ng materyales
B. Tagal ng paggawa D. halaga ng materyales at paggawa

____ 38. Sa paanong paraan natin maipakikita ang pagmamalasakit sa kapwa Pilipino at sa ating bansa?
A. Bumili ng mga produktong yaring Pinas
B. Ipuslit ang mga pinamiling gamit buhat sa Amerika.
C. Putulin ang mga puno upang may magamit na materyales.
D. Itago ang mga produkto upang tumaas ang presyo nito.

_____ 39. Alin sa mga sumusunod ang panuntunan sa pangangalaga sa kalikasan?


A. Itapon ang basura sa tamang tapunan. C. Gumamit ng paputok sa pangingisda.
B. Putulin ang mga puno sa kagubatan. D. Sunugin ang basura.

_____ 40. Alin ang hindikabilang sa regulasyon at panuntunan ng pamahalaang local sa pagtatayo ng
negosyong pangserbisyo at produkto?
A. Sanitary permit B. Barangay permit C. Municipal permit D. Malacanang permit
Republic of the Philippines
DepEd- Region I
DIVISION OF PANGASINAN II
San Manuel District
CABACARAAN ELEMENTARY SCHOOL

TALAAN NG ESPISIPIKASYON
Ikalawang Markahan SINING PANG-INDUSTRIYA 4
Blg. Ng % ng Blg. Ng Blg. Ng
OBJECTIVES
Araw Pagsusulit Aytem Paglalagyan
Naiisa-isa ang paggamit ng mga kagamitan sa pagsusukat 2 5 2 1,2
Naipamamalas ang kahalagahan ng bawat kagamitan sa 2 3,4
2 5
pagsusukat
Nakikilala ang dalawang sistema sa pagsusukat 1 2.5 1 5
Nagagamit ang dalawang pamamaraan ng pagsusukat sa 2
mga gawaing pang - industriya 1 5
6,8
Nagagamit ang sistemang panukat na English sa Metric at 2
Metric sa English 3 5
7,9
Natutukoy ang mga uri ng letra 2 7.5 3 10,11,12
Nakaguguhit ng iba’t ibang linya at guhit 2 5 2 13,14
Napahahalagahan ang gamit ng alphabet of lines sa 1
pagbuo ng titik, guhit at letra 2 2.5
15
Nababanggit ang mga produktong ginagamitan ng basic 1
sketching, shading at outlining 2 2.5
16,
Napahahalagahan ang kaalaman sa basic sketching, 2 17,23
3 5
shading at outlining
Natatalakay ang mga paraan ng pagdidisenyo ng 3 18,19,20
2 7.5
proyekto
Natutukoy ang pakinabang sa pagdidisenyo sa paggawa 1 21
1 2.5
ng proyekto
Nakikilala ang iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng krokis 2 5 2 22,24
Natutukoy ang iba’t ibang sanggunian na mapagkukunan 1
nang wasto at makabagong impormasyon tungkol sa 2 2.5 25
basic sketching, shading at outlining
Natutukoy ang iba’t ibang uri ng productivity tools na 2
maaaring magamit sa paggawa ng disenyo 2 5
26,27
Naiisa-isa ang mga panuntunang pangkalusugan na 1
kaugnay ng mga gawain 2 2.5
28
Nakapipili ng mga materyales na matatagpuan sa 1
pamayanan sa paggawa ng kapaki-pakinabang na 2 2.5 29
proyekto
Natatanggap nang maluwag sa kalooban ang mga puna 1 30
1 2.5
at suhestiyon
Nasasabi ang wastong paraan sa pagsasa-ayos ng mga 1
produktong ipagbibili 1 2.5
31
Nakapagtutuos ng puhunan, gastos at kinita 2 5 2 32,33
Natututunan ang mga wastong paraan sa pag-aayos ng 2
mga produktong ipinagbibili 2 5
34,35
Napahahalagahan ang pagpaplano ng proyekto 2 5 2 36,37
Naiisa-isa ang mga gawi na dapat o di dapat isaugali 1
upang makatulong sa patuloy na pag-unlad 2 2.5
38
Nalalaman ang iba’t ibang regulasyon at kautusan ng 2
pamahalaang local kaugnay sa napiling negosyo 2 5
39,40
45 100% 40

Inihanda ni:

GNG. GLENDA G. NEGRILLO


Teacher III Pinagtibay:

DECIERE P. SEMILLA
Head TeachEr- III
KEY TO CORRECTION – Sining Pang-Industriya IV

1. C
2. B
3. C
4. C
5. B
6. D
7. D
8. C
9. A
10. D
11. A
12. C
13. A
14. B
15. D
16. D
17. A
18. D
19. C
20. A
21. D
22. A
23. C
24. C
25. B
26. C
27. D
28. D
29. B
30. C
31. C
32. A
33. B
34. C
35. D
36. B
37. D
38. A
39. A
40. D

You might also like