You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BIÑAN CITY
DISTRICT II

Periodical Test in
EPP-Industrial Arts 5

I- Panuto: Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Bakit kailangan pa nating e-resiklo ang mga patapon nang plastik at metal?
A. para muling mapakinabangan
B. upang maari pang mapagkakakitaan
C. mabawasan ang basura sa kapaligiran
D. lahat ng nabanggit

2. Kailangan ba natin gumawa ng plano ng proyekto bago simulan ang isang gawain?
A. Hindi, dahil dagdag lamang ito sa gagawin.
B. Oo, upang maging gabay sa paggawa ng proyekto.
C. Hindi, dahil wala naman gamit ang paggawa ng plano.
D. Oo, pero pwede din naman gumawa ng proyekto kahit walang plano.

3. Alin sa mga sumusunod ang dapat nating isaaang-alang sa pagbuo ng isang


produkto?
A. sipag at tiyaga C. Interes sa gagawing proyekto
B. pagkamalikhain D. lahat ng nabanggit

4. Bakit ang niyog ay tinatawag itong “puno ng buhay / Tree of Life” ?


A. dahil sa dami ng gamit nito.
B. dahil ito ay isang halamang baging.
C. dahil ang himaymay (fiber) nito ay ginagawang papel at tela
D. dahil ito ay binubuo ng malawak na uri ng synthetic organics at compound.

5. Bakit kailangang mahaba ang pagdaraanang proseso ng katad bago ito magawa sa
mga panibagong produkto?
A. Upang mas mahal itong maipagbili
B. Upang madali itong mabulok at maitapon
C. Upang mapanatili ang tibay at natural na ganda nito
D. Upang mas mura at mas magugustuhan ng mga mamimili ang produktong yari nito.

6. Saan karaniwang ginagamit ang kabibe o kapis?


A. Sa paggawa ng mga bahay
B. Sa paggawa ng mga upuan.
C. Sa paggawa ng mga wallet at basket
D. Sa paggawa ng bag, alahas at palamuti sa bahay

7. Kung gagawa ka ng proyekto, ano ang pipiliin mong gawin?


A. madaling gawin
B. madaling masira ang materyales
C. malayo ang pagmumulan at kakaiba ang materyales na gagamitin.
D. mapagkakakitaan at tatangkilikin ng mga tao ang iyong proyekto.

8. Hirap na hirap si Mang Kanor na putulin ang kawayan na gagawin niyang hagdan dahil
sa mapurol na ang mga ngipin ng lagaring kaniyang ginagamit. Nagmamadali pa
naman din siya dahil malapit na ang kanilang pista. Paano mo matutulungan si Mang
Kanor?
A. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang kikil.
B. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang bato.
C. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang oil stone.
D. Dapat hasain ang kaniyang lagari gamit ang buhangin.

9. Ano ang magiging resulta kung kabisado mo lahat ang mga kagamitang pang-
industriya?
A. ikaw ay makatitipid sa oras at lakas
B. maging maayos sa pagplaplano upang maging mas madali ang paggawa ng mga
gawain
C. tama ang mga pahayag sa a at b
D. wala sa nabanggit ang sagot

10. May napansin ka na may nakausling pako sa upuan, ano ang kailangan mong gawin
upang maayos ito?
A. gumawa ng plano. C. bumili nalang ng bagong upuan.
B. huwag nalang pansinin. D. kumuha ng kagamitan upang maayos ito.

Para sa bilang 11-15


II- Panuto: Pagsunod – sunurin ang mga sumusunod na pamamaraan sa paggawa ng alkansyang kawayan.
Lagyan ng bilang (1-5)ang bawat patlang batay sa kung ano ang una hanggang huli.

__________11. Pagpapakinis ng kawayan gamit ang itak.


__________12. Maaari mong iliha ang kawayan upang maging makinis.
__________13. Butasin ang alkansya ayon sa nais mo. Gamitin ang lagari.
__________14. Maaari mo itong lagyan ng disenyo, pintura o barnis.
__________15. Ihanda ang kawayan at lagari. Putulin ang kawayan nan ais mo o 12 na pulgada ang haba.

Para sa bilang 16-22


III-Panuto: Buuin ang plano ng proyekto na ginagamitan ng elektrisidad .

I. Pangalan ng Proyekto: (16)_________________________________________________


II. Layuninsa paggawa ng proyekto: Naipapakita ang tamang paraan sa paggawa ng extension cord.
III. Kagamitan at Materyales:
Long nose pliers, wire cutter, 1pc. convenience outlet, male plug, at 3m #14 stranded wire
IV. Mga Hakbang:
Panuto: Pagsunod – sunurin ang mga sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng extension cord. Lagyan
ng bilang (1-5)ang bawat patlang batay sa kung ano ang una hanggang huli.
_______17. Ihanda ang mga kagamitang kakailanganin sa paggawa ng proyekto
_______ 18. Balatan ang magkabilang dulo ng kable gamit ang wire cutter at long nose pliers.
_______ 19. Ikutin ang nakabalot na wire hanggang sa malinis na ito tingnan.
_______ 20. Luwagan ang turnilyo ng male plug at iikot ang nakabalot na kable sa turnilyo tsaka ito
higpitan gamit ang screw driver
_______ 21. Hatiin sa dalawa ang kable gamit ang kamay hanggang 8 sentimetro.
_______ 22. Simulan ang gawain sa pamamagitan ng pagpasok ng kabilang dulo ng kable sa male plug.

V. Krokis:

V- Basahing mabuti ang nilalaman ng bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot.

23. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagpili ng proyekto?


A. Tiyaking may pakinabang ang proyektong gagawin.
B. Alamin ang mga kailangang materyales at mga kagamitang gagamitin.
C. Bigyang halaga ang mga materyales na madaling makita sa pamayanan at mga
kagamitang hindi mahirap hanapin.
D. Lahat ng nabanggit

24. Bakit mahalaga ang kaalaman sa paggawa ng simple circuit?


A. sapagkat ito ay pewdeng paglaruan.
B. dahil maaari itong gamitin sa pagpapasikat.
C. sapagkat ito ay pwedeng magamit sa oras ng kalamidad.
D. Wala sa nabanggit
25. Alin sa mga sumusunod ang dapat isaalang-alang bago gawin ang proyekto na
ginagamitan ng elektrisidad?
A. Tiyaking nakasuot ng angkop na kasuotan sa paggawa.
B. Ilagay ang mga kagamitan sa matibay, malinis at ligtas na lalagyan.
C. Tiyakin na nasa maayos na kondisyon ang mga kagamitan at alam ang tamang
paggamit nito.
D. Lahat ng nabanggit

26. Ano ang dapat nating gawin upang maging ligtas at maayos ang bawat gawaing
may kinalaman sa elektrisidad?
A. Magtanong na lamang sa kinauukulan.
B. Alamin ang kahulugan ng elektrisidad.
C. Alamin ang mga hakbang at isaalang-alang ang paggamit ng personal na
kagamitang pangkaligtasan.
D. Makinig sa sinasabi ng mga tao na hindi maalam sa kahit anong gawaing may
kinalaman sa elektrisidad.

27. Bakit mahalaga ang Krokis?


A. dahil ang krokis ay pangalan ng proyekto.
B. dahil ito ay magandang disenyo sa pagpaplano.
C. dahil ito ay nagbibigay ng kagamitan sa paggawa.
D. dahil ito ay nagsisilbing gabay kung paano gagawin ang isang proyekto.

28. Upang hindi malito at magkamali sa paggawa ng proyekto, alin sa mga sumusunod
ang dapat mong gawin?
A. huwag ng gumawa ng proyekto.
B. gumawa ng plano para sa proyekto.
C. iguhit ang gustong gawin na proyekto.
D. ipagawa nalang sa iba ang proyekto.

29. Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang sa pagpili ng proyekto, maliban sa isa:
A. Tiyaking may pakinabang ang proyektong gagawin.
B. Maghanap ng mga impormasyon kung paano buuin ang proyekto.
C. Pumili ng magandang disenyo at mga kagamitang mahirap hanapin.
D. Alamin ang mga kailangang materyales at mga kagamitang gagamitin.

30. Si Mang Juan ay gagawa ng proyektong lampshade. Alin sa mga sumusunod ang
dapat niyang isaalang-alang bago magsimula ang proyekto?
A. gawin ang plano
B. mangalap ng mga kagamitan.
C. Ihanda ang kasangkapang gagamitin.
D. lahat ng nabanggit.

Para sa bilang 31-40


Panuto: Buuin ang plano ng proyekto na nakadisenyo sa ibaba.

I. Pangalan ng Proyekto: (31.)____________________________________________________


II. Layunin sa paggawa ng proyekto: Nakagagawa ng proyektong Simple Circuit na ginagamitan ng
elektrisidad
III. Sketch ng proyekto:
IV. Talaan at halaga ng mga materyales na gagamitin:
Kagamitan Halaga
Bulb/ bombilya ₱ 30.00
phillip screwdriver ₱ 10.00
side cutting pliers ₱ 25.00
light bulb socket ₱ 20.00
flat cord ₱ 15.00
battery ₱ 20.00
Switch ₱ 10.00
card board/ tabla ₱ 25.00

V. Talaan ng kasangkapan: (4 puntos)


(32-35) ____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
VI. Mga hakbang sa paggawa:
Panuto: Pagsunod – sunurin ang mga sumusunod na mga hakbang sa pagbuo ng
Simple Circuit. Lagyan ng bilang (1-5)ang bawat patlang batay sa kung ano ang una
hanggang huli.

Mga Hakbang sa Paggawa ng Simple Circuit


__________36. Ihanda ang mga kagamitan na gagamitin. Balatan ang kaunting
magkabilang dulo na goma ng flat cord conductor gamit ang side cutting plier
nang sa gayon ay makita ang cooper wire. I-twist ang apat na dulo ng mga copper wires.
__________ 37. Ikabit ang isang wire na nanggagaling sa battery sa kabilang dulo ng light bulb socket at
kumuha ng isa pang wire para ikabit sa kabilang dulo nito.
__________38. Ilagay sa ON ang switch para gumana ang light bulb.
__________39. Ikabit ang dalawang wires sa magkabilang dulo ng battery.
__________40. Ikabit ang wire na nanggaling sa light bulb socket at ikabit sa kabilang dulo ng switch. Pag
naikabit na ang wire na nanggaling sa light bulb socket, ang kabilang dulo ng wire na nanggaling sa battery
ay ikabit sa kabilang dulo ng switch.

You might also like