You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 4-A CALABARZON
SANGAY NG LUNGSOD NG ANTIPOLO

LEARNER’S ACTIVITY SHEET IN FILIPINO - Baitang 4


Ikatlong Markahan- Unang Linggo

Pangalan ng Mag-aaral : __________________________________________


Baitang at Pangkat : _______________________ Petsa : ________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA: Nakapagbibigay ng


hakbang ng isang gawain ( F4PS-IIIa-8.6)

Alam mo ba….
Ang pagbibigay ng panuto o hakbang ay nagpapaliwanag kung
paano ginagawa ang isang bagay. Layunin nitong maipaalam ang mga
wastong hakbang na dapat isagawa para sa isang gawain. Ang wastong
pag-unawa sa mga hakbang ang gagabay sa atin upang matagumpay na
maisagawa ang isang bagay. Hindi sapat na marunong tayong umunawa
sa mga panuto o hakbang, dapat ding magkaroon tayo ng kakayahang
sumulat at magbigay ng isang hakbang na mauunawaan ng lahat.
Sa pagbibigay ng isang mabuting hakbang o panuto ay nararapat
nating isaalang-alang ang sumusunod:
• Maikli pero madaling maintindihan. Madaling masusundan ang
panuto kung ito’y maikli at diretso sa puntong nais ipahiwatig.
• Gumagamit ng payak ngunit angkop na salitang madaling
maunawaan ng sinumang gagawa. Iwasan ang paggamit ng malalalim na
salitang hindi nauunawaan ng iba.
• Maayos ang pagkakasunod-sunod. Dapat ito ay malinaw at tama
ang pagkakasunod-sunod ng dapat gawin upang hindi malito o magkamali
ang sinumang gagawa nito.
Halimbawa:
Hakbang Upang Mapanatiling Maayos at Malinis ang Silid
1. Gumising ng maaga at ayusin ang mga gamit na nakakalat.
2. Tiklupin ang mga unan at kumot.
3. Huwag iiwanang nakakalat ang tulugan para maglaro sa labas.
4. Walisin at maglampaso ng sahig kung kinakailangan.

Gawain A

Panuto: Basahinat unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin at


isulat ang titik ng tamang hakbang.

1. Kung tatawid sa kalsada, marapat na sundin ang mga sumusunod na


hakbang.
A. tumawid sa tamang pedestrian
B. tumingin sa kaliwa’t kanan bago tumawid
C. hintayin ang signal light kung ito ay kulay berde
D. tumawid sa overpass kung kinakailangan.

Alin ang tamang pagkakasunod-sunod?


A. B-C-D-A B. A-C-D-B C. B-A-C-D D. D-C-B-A

2. Kung ikaw ay inutusang magsaing, ano-ano ang mga dapat mong


gawin?
A. Hugasan nang maigi ang bigas.
B. Kunin at hugasan ang kaldero.
C. Magsalin ng bigas gamit ang takalan.
D. Isalang na ito sa kalan at hintaying maluto.

A. B-C-A-D B. A-C-D-B C. B-A-C-D D. D-C-B-A

3. Bilang proyekto sa asignaturang EPP, inatasan kayong magtanim ng


gulay. Ano-anong mga hakbang ang dapat mong sundin?
A. Paghahanda ng lupang pagtataniman o plotting
B. Paghahanda ng binhi o punlang gagamitin
C. Sapat na tubig at sikat ng araw
D. Itanim na ang binhi

A. B-C-A-D B. A-C-D-B C. B-A-D-C D. D-C-B-A


4. Anong hakbang ang iyong gagawin kung ikaw ay inutusan ng iyong
nanay na maglaba ng inyong mga damit?
A. Ihiwalay ang puti sa de kolor. Unahin labhan ang maputing
damit
B. Kusutin ang mga parte ng damit na madumi, katulad ng kwelyo,
manggas, at sa iba pang parte ng damit
C. Banlawan una ang puti bago ang de kolor hanggang mawala
ang sabon
D. Isampay ng maayos ang damit

A. B-C-A-D B. A-C-D-B C. A-B-C-D D. D-C-B-A

5. Isa sa mga paraan upang mapanatiling malinis sa katawan ay ang


pagsisipilyo. Ano-anong mga hakbang ang dapat mong sundin?
A. Banlawan ang iyong sepilyo nang mabuti.
B. Magsepilyo mula kaliwa patungong kanan. Sepilyuhin din ang
dila.
C. Idura ang mga natitirang laway at toothpaste.
D. Kunin ang sepilyo. Basain ang sepilyo ng malinis na tubig.

A. D-B-C-A B. A-C-D-B C. A-B-C-D D. D-C-B-A

Gawain B

Mahalaga ang paghuhugas ng mga kamay upang maprotektahan


ang ating kalusugan at ng ibang tao. Nasa ibaba ang ilang simpleng
mga hakbang sa paghuhugas ng kamay.

Panuto: Piliin at ibigay ang tamang hakbang sa paghuhugas ng kamay.

• Pagkuskusing maigi ang mga kamay hanggang sa maging


mabula ang mga ito, at huwag kalimutang linisin ang iyong mga
kuko, hinlalaki, ibabaw ng kamay, at pagitan ng mga daliri.
• Gumamit ng shampoo at kundisyoner sa paghuhugas.
• Tuyuin ng malinis na pamunas.
• Pagkuskusin ang mga kamay nang di-kukulangin sa 20 segundo.
• Magbanlaw sa malinis at umaagos na tubig.
• Gumamit ng mainit na tubig sa paghuhugas upang mamatay ang
mikrobyo.
• Basain ang mga kamay sa malinis at umaagos na tubig at
magsabon.
1._____________________________________________
2._____________________________________________
3._____________________________________________
4._____________________________________________
5._____________________________________________

Gawain C

Ang COVID-19 ay kumakalat sa pamamagitan ng pag-ubo o di


kaya direktong kontak sa isang taong mayroong nasabing sakit. Ito ay
unang natala sa bansang China noong Disyembre 2019 at ngayon ay
naitala na sa iba't ibang bansa sa buong mundo na siyang naging
dahilan ng kamatayan ng karamihan. Ang mga sintomas nito ay sipon,
ubo at pagiging hirap sa paghinga. Ang sakit na ito ay mabilis na
kumalat at nakakamatay kaya naman ay kinakatakutan.

Panuto: Magbigay ng limang (5) hakbang kung paano makaiwas at


maging ligtas sa nasabing sakit.

1._____________________________________________
2._____________________________________________
3._____________________________________________
4._____________________________________________
5._____________________________________________
Susi sa Pagwawasto:

Gawain A:

1. C
2. A
3. C
4. C
5. A

Gawain B.

1. Basain ang mga kamay sa malinis at umaagos na tubig at magsabon.


2. Pagkuskusing maigi ang mga kamay hanggang sa maging mabula
ang mga ito, at huwag kalimutang linisin ang iyong mga kuko, hinlalaki,
ibabaw ng kamay, at pagitan ng mga daliri.
3. Pagkuskusin ang mga kamay nang di-kukulangin sa 20 segundo.
4. Magbanlaw sa malinis at umaagos na tubig.
5. Tuyuin ng malinis na pamunas.

Gawain C
(Maaaring iba-iba ang sagot ng mga bata.)

Sanggunian:

Calatrava, Sancho C. et al., Yaman ng Lahi 4, Tomas Morato St.


Quezon City, Sunshine Interlinks Publishing House, Inc., 2015

https://www.elcomblus.com/ang-tekstong-
prosidyural/?fbclid=IwAR11bvE7MpQxyXAYvpou2-
DvJZZtNMR0I7FDDzI2ur2_udh8Pr6Y8l6wLfM

https://ph.search.yahoo.com/search?p=pagsasaing+ng+bigas&fr=yfp-t-
s&fp=1&toggle=1&cop=mss&ei=UTF-8
https://may11apr1940.wordpress.com/2011/07/22/pagtatanim-at-
pangangalaga-ng-gulay/

You might also like