You are on page 1of 1

Una sa lahat, bago ko simulan ang mga hakbang sa paggawa ng lemon soda juice ay isang kaalaman ang gusto

kong ibahagi sa lahat. Lagi nating tatandaan na sa tuwing maghahanda tayo o magluluto ng pagkain o anumang inumin tulad ng gagawin naming ngayon ay dapat nasa magandang mood tayo. Dapat pagnagahahanda tayo ng pagkain, kelangan hindi tayo malungkot, galit o stressed dahil ang resulta ng ating ihahanda ay apektado n gating mood. Kung masaya tayong naghahanda ng pagkain, maaaring mas masarap ang kinalalabasan kesa kung galit tayong ngahanda. Ngayon ay tumungo na tayo sa paggawa ng lemon soda juice. 1. Una sa lahat ay ibuhos natin ang 2 litro pack ng kalamansi juice. Pero pwd ring maging alternative ang dalandan powder juice. [Siya nga pala, ang mga sukat na aming ginamit ay angkop para sa isang punch bowl.] 2. Ngayon naman ay ibuhos na natin ang dalandan fruit soda. Ibuhos ang lahat hanggang sa wala ng maiwan sa lata. Sa tuwing maglalagay tayo ng sangkap, mas maganda kung patuloy natin itong hinahalo. Ito ay para pantay-pantay ang pagkatunaw ng mga ihinahalo natin at upang maiwasan din itong matapon lalo na kung mejo puno na ang punch bowl. 3. Pangatlo ay lagyan na ito ng tubig. Ang tubig ay magsisilbing panalaban sa kaasiman ng kalamansi powder juice pero huwag paabutin sa puntong malabnaw na. 4. Ibuhos ang sprite. Kung nagatataka kayo, dalawang soda ang ginamit ko. Ito ay dahil sa orihinal na recipe ay dapat infinite ang nilagay ko. Isa itong inuming may alcohol. Ngunit, sa kasawiang palad wala kaming nakitang ganoong inumin dito at natakot din kami na baka bawal siyang ipasok ditto sa paaralan at baka y ma DSA pa kami. Anyway, kung infinite din ang ilalagay natin, magiging punch na siya. Ngunit dahil sprite lang, ito y magiging soda juice lang. para lang ding tubig, e neu-neutralize nya ang kaasiman pero dapat ung sakto lang. 5. Sa puntong ito, mas magandang tikman mo xa para malaman mo kung ano ang kulang para matamo ang lasang gusto mo. 6. Ang susunod na hakbang ay ihahanda na natin ang lemon. Pigain nang mabuti. 7. Para mas masarap ang soda juice na ito, mas maganda kung lalagyan natin ito ng yelo upang lumamig. 8. Ngayon ang huling dalawang hakbang ay opsyonal. Una pwde natin itong lagyan ng coloring upang mas maganda ang presentasyon. Kumbaga, pampaakit na rin. 9. At panghuli ay opsoynal din. Ito ay ang paglalagay ng mga palamuti gaya ng mga hiniwang lemon. Nasasa iyo na kung pano mo ito hihiwain. Basta mangana ang kinalalabasan. 10. Maghintay ng mga 5 hanggang 10 minunto upang kumalat ang lamig sa ibaba. At pagkatapos ay pwde na ito inumin.

You might also like