You are on page 1of 4

OH MY BIKO

Ano nga ba ang biko?

Ang Biko ay isang matamis na kakanin na kilalang-kilala dito sa pilipinas. Ito ay gawa sa gata ng
niyog, pulang asukal, at malagkit na bigas. Karaniwan itong nilalagyan ibabaw ng latik na
nagmula sa katas ng nigoy na pinakuluan hangang maging latik. Katulad ng iba pang kakaning
Pilipino, madali lamang ang hakbang ng pagluluto ng biko ngunit nangangailangan ng pisikal na
lakas lalo na sa paghahalo nito. Kadalasang kinakain ito bilang panghimagas o pangmeryenda at
inihahanda sa mahahalagang okasyon tulad ng kaarawan, kasal, at pista.

Paano nga ba gumawa ng biko?

Syempre ang unang hakbang na gagawin ay bibili ng kasangkapan ng biko. Kaya bumyahe ako
ng sampong minuto papunta sa aming public market dito sa Bayan ng Dao, Capiz at dahil nga sa
katagalan ko nang hindi pumupunta dito ay nagkandawala-wala na ako sa paghahanap ng
sangkap, tatlong sangkap ang ating kakailanganin sa pag-gawa ng biko at ito ay:

1. Malagkit na Bigas

2. Pulang Asukal

3. Niyog

Ang unang hakbang sa pag-gawa nito ay kilangan mo munang piga-pigain ang kinayod na niyog
hangang ito ay maggata at ito ang unang gata na gagawing latik, ulitin pa ng isang bisis ngunit
lagyan na ang napigang kinayod na niyog ng dalawang baso ng tubig at ito ang iyong magiging
ikalawang gata. Sunod ay hugasan nang dalawang ulit ang malagkit na bigas at gawing panubig
ang ikalawang gata at isaing.
Habang hinihintay na maluto ang malagkit ay maaari mo nang gawin ang iyong latik. Painitin
ang isang may katamtamang laki na kawali at ilagay ang unang gata at dito na mag uumpisa
ang paghahalo. Habang naghahalo ay mapapansin mo na nagiging malapot na ito at pagkaraan
ng ilang minuto ay mag-uumpisa na itong magkaroon ng mantika na magsisilbong pangprito
upang maging latik.

Sunod ay hanguin ang latik ang natitirang mantika nito ay lagyan ng pulang asukal at kalahating
baso ng tubig ihalo at durogin ang buo-buong asukal at ihalo ng ihalo hangang sa kumulo at
ilagay ang nalutong malagkit na bigas ng paunti-unti habang inihahalo ang pulang asukal
hanngang sa maubos ang malagkit na bigas upang walang matirang malagkit na hindi
nalalagyan nga asukal. Pag katapos maihalong mabuti ay kumuha ng lalagyan at isalin ang
nalutong biko ilagay sa ibabaw ng latik at sa wakas ay tapos na din ang ating Biko mahirap man
ang proseso at talaga namang nakakapagod ngunit tiyak namang sulit ang hirap at tagod na
iyong natamo.

You might also like