Professional Documents
Culture Documents
I. Introduction
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano
tutugunan ang tila walng katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang-yaman. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia, ang oikos ay
nangangahulugang bahay, at ang nomos na pamamahala (Viloria, 2000).
Ang produksiyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produko sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng mga salik upnag makabuo ng output. Ang salik na ginagamit sa pagbuo ng
produkto ay tinatawag na input. Hindi lahat ng bagay sa kapaligiran ay maaaring ikunsumo agad
ng tao. Minsan kailangan pang idaan sa proseso ang isang bagay upang maging higit na
mapakikinabangan. Halimbawa, ang kahoy o troso ay maaaring gamiting panggatong upang
mapakinabangan. Ngunit, maaari din itong gamitin upang makabuo ng mesa. Sa ating
halimbawa, ang output ay ang mesa at silya. Ang mga input na kahoy, makinarya, kagamitan, at
manggagawa na ginamit sa pagbubuo ng produktong mesa o silya ay mga salik ng produksiyon.
Ang negosyo ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na may layuning
kumita o tumubo. May apat na pangkalahatang uri ng organisasyon ng negosyo. Ang mga ito ay
ang (1) Sole proprietorship, ito ay negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao. (2)
Partnership, ito ay isang organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na
nagkasundo at sumang-ayong paghatian ang kita at pagkalugi sa pagtatayo ng isang negosyo. (3)
Corporation, ito ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo. Kadalasan, ito ang may
pinakamaraming bilang ng mga nagmamay-ari. (4) Cooperative, ito ang kooperatiba na binubuo
ng mga kasapi na karaniwan at hindi bababa sa 15 miyembro na kabahagi sa puhunan at tubo.
Pangunahing layunin ng kooperatiba ang makapagbili o makapagbigay ng mga produkto at
serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga.
Ang kakanin ay mula sa salitang ugat nitong kanin, kakanin ang taguri ng mga Pilipino
sa mga pagkaing panghimagas na nalikha mula sa pagluluto ng malagkit na bigas. Ngunit hindi
limitasyon ang paggamit lamang ng malagkit na bigas pagkat maging ang mga panghimagas na
nalilikha sa pamamagitan ng saba, kamoteng-kahoy, mais, at iba pa, ay tinatawag ding kakanin.
Sari-saring kakakanin na iba-iba ang kulay, lasa, tekstura at hugis ang maaaring malikha
kapag ihinalo ang hindi pinulbos o pinulbos na bigas (galapong) o kaya'y ang kamoteng kahoy at
iba pa, at ihinalo sa mga sangkap na tulad ng asukal, gata ng niyog at iba't ibang prutas.
Popular ang kakanin sa buong bansa. Sa Mindanao ay matatagpuan ang mga kakaning
kung tawagi'y Amek, Pakbol, tinudok, at Biakey; sa Visayas nama'y naroon ang Moron,
Kalamay, Baye-baye; habang sa Luzon nama'y mayroong bibingka, puto-bumbong, suman,
tinubong at napakarami pang ibang katawagan sa iba't ibang bahagi ng bansa.
Madalas rin matatagpuan ang kakanin na inilalako sa mga palengke o bangketa bilang
pantawid gutom sa mga taong naglalakad habang hinihintay ang tanghalian o hapunan.
Ang kakanin (Ingles: pie) ay isang uri ng mamon na may palamang nilutong prutas,
karne, o iba pang sahog. Isang halimbawa nito ang kakaning may palamang laman ng buko
(Ingles: buko pie), mangga (Ingles: mango pie) o mansanas (Ingles: apple pie) at kakaning may
Page |2
laman ng manok (Ingles: chicken pie). Pagkahurno ng bilog na pagkaing ito, karaniwang itong
hinahati-hati sa mga piraso bago isilbi. Sa literal na kahulugan, ito ang mga "pirapirasong mga
pagkain o pakain". Halaw dito ang katawagang kakaning-itik (pakain sa itik o pagkain ng itik) na
mayroon ding pakahulugang "isang taong madaling mapailalim sa kapangyarihan o impluho ng
iba" o "isang hindi mahalagang tao."
c. Iapaalala o pukawin ang kamalayan ng mga Pilipino na may mga pagkain ding tayong
sariling atin o mga kinagisnang nating pagkain karaniwan itong nihahain kapag may pista,
padiriwang, meryinda at iba pa.
d. Aming malampasan pa ang karaniwan o kinagawian at mapanatili ang pakikipagsosyo.