You are on page 1of 4

EPP 5 Worksheet No.

7 Q2
Name: _ Yohanna Solenn O. Rillo _Date: 1/13/2022__
Section : C. Osias _Score : _

Paghahanda ng mga Sangkap sa Pagluluto


Layunin:
1. Naipapakita ang husay sa pagpili ng sariwa, mura, at masustansiyang sangkap.
2. Naihahanda ang mga sangkap sa pagluluto.
Mahusay na Pagpili ng Sariwa, Mura at Masustansyang Pagkain
Ang wasto at maingat na pamimili ng mga pagkain ay isang paraan upang matiyak
na sariwa, mura at masustansya ang pagkaing ihahanda para sa buong mag-anak.
Mahalaga ang kalusugan ng bawat miyembro ng pamilya kung kaya’t kailangan na
masiguro natin na ligtas ang ating mga mag-anak sa pagkain na atin ihahain. Makatitiyak
tayo na maraming sustansyang matatamo ang ating pamilya kung sariwa ang pagkain na
ating bibilhin. Dapat maging matalino tayo sa pagpili ng mga pagkain na ihahain.
Sa pamamalengke ng mga sangkap na lulutuin kailangan ang buong pag-iingat at kaayusan para
matiyak na sariwa, mura at masustansya ang pagkaing bibihin.

Mahalagang malaman din ang katangian ng sariwa at mataas na uri ng pagkain.


Karne ng Baboy
 Marosas-rosas ang laman nito , hindi mapula, nangingitim o nagbeberde at maputi
ang taba ng sariwang karne.
 Malambot kapag hinawakan at siksik ang laman ngunit bumabalik sa dating anyo
kapag pinisil
 May tatak na nagpapatunay na nasuri na ito ng pamahalaan.
 Walang masamang amoy
Karne ng Baka
 Mapula ang laman at madilaw naman ang taba nito.
 May tatak na nagpapatunay na nasuri na ito ng pamahalaan.
 Walang masamang amoy
Manok
 Siksik ang laman at manilaw-nilaw naman ang taba.
 Malambot at makinis at walang pasa ang balat.
 Walang maliliit na balahibong nakikita, malinis na ang lamangloob, mga paa at ulo .
 Natatakpan ng laman ang dulo ng buto sa pitso.
 Malambot at nababaluktot ang buto sa pitso ng manok na pamprito.
 Matigas at matatag ang buto sa pitso ng manok na panlaga.
 Walang masamang amoy
Isda
 Malinaw at nakaumbok ang mga mata.
 Mapula ang hasang.
 Makintab at kapit sa balat ang kanyang kaliskis.
 Matatag ang laman at di humihiwalay sa tinik at bumabalik sa dating anyo kapag pinisil.
 Walang masangsang na amoy.
Itlog
 Magaspang ang balat.
 Malinaw ang pula kapag itinapat sa ilaw.
 Mabigat para sa taglay na laki.
 Walang di kanais-nais na amoy.
 Lumulubog kapag inilalagay sa palangganang may tubig.
Bungang Butil ( mais, munggo, beans , soya, garbansos)
 Pare-pareho ang laki ng butil.
 Walang mga butas o kulisap.
 Hindi nangingitim o nangungulubot.
 Maayos ang pagkakatuyo at hindi mamasa-masa.
Mga Pagkaing De-lata
 Suriin kung saan ginawa, ang petsa ng paggawa at expiration date.
 Suriin kung may yupi ang lata o maayos pa ang balat at etiketa.
 Basahin ang mga nilalaman ng sangkap kung naaayon sa sukat at sustansya kailangan.
 Suriin ang laman kung maayos ang hitsura, amoy at lasa.
Mantika
 Malinaw ang kulay nito.
 Hindi maanta ang amoy.

Iba’t Ibang Paraan sa Paghahanda ng Pagkain


Sa paghahanda ng pagkain sa kusina mahalagang matutuhan ang wastong paraan ng paggawa
upang maging mabilis ang paghahanda at huwag mawala ang sustansiya ng pagkain. May mga
gawaing kamay na dapat malaman at pagsanayan ng isang tumutulong sa kusina. Kabilang sa
mga gawaing kamay na karaniwang ginagawa sa pagkain ay ang mga sumusunod:

1. Pagtalop- Pag-aalis ng balat ng gulay o prutas tulad ng patatas, sayote, patola at iba pa.
Ginagamit ang isang maliit na kutsilyo o paring knife .
2. Pagbalat - Pag-aalis ng balat ng gulay at prutas tulad ng saging, dalandan,
nilagang kamote at iba pa gamit ang mga daliri ng kamay.
3. Paghiwa- Iba-iba ang paraan ng paghiwa batay sa pagkaing hihiwain at ang lutong gagawin.
Maaring gawin itong pakuwadrado tulad sa patatas, kerot at kalabasa: manipis na pahaba o
strips tulad ng bitsuwelas, repolyo, at singkamas at pahilis tulad ng pag-gigilit sa isda.
Gumagamit ng mahabang kutsilyo o kitchen knife para rito.
4. Paghimay- Paghihiwalay upang maging maliit o pino ang laman ng pagkain tulad ng nilagang
manok, tinapa, alimango, hipon at iba pa gamit ang mga daliri.
5. Pagtadtad- Paghihiwa ng pagkain tulad ngsibuyas, kintsay, kerot, at bawang upang
maging pino sa tulong ng matalas na kutsilyo.
6. Pagdikdik- Pagdudurog ng mga pagkain tulad ng paminta, mani, balat ng hipon, at
tinustang bigas upang maging pino. Gumagamit ng almires para rito.
7. Pagbati- Paghalo nang mabilis sa itlog hanggang ito ay bumula. Gumagamit ng
tinidor o pambating umiikot o rotary egg beater.
8. Pagsala- Paghihiwalay ng likido, katas,o sabaw sa pira-piraso o laman ng pagkain
sa pamamagitan ng salaan o kolander.
9. Pagbabad- Paglubog ng pagkain tulad ng isda,at karne sa tinimplang sarsa upang
mapasarap ang lasa.
10.Paggadgad- Pagkayod ng pagkain tulad keso at papayang hilaw gamit ang gadgaran upang
ito ay maging pino
11.Pagsukat- Paggamit ng mga kutsara at tasang panukat upang matiyak ang dami ng
pagkain tulad ng asukal, arina, suka,at iba pa ayon sa hinhingi ng resipi.
12.Pagtuhog- Pagtusok ng pagkain tulad ng karne, mais, lamang loob , at iba pa sa patpat na
karaniwang gawa sa kawayan bago ito ihawin.
Mga Paalaala sa Paghahanda ng Pagkain
Sa paghahanda ng pagkain mahalagang malinis at maayos ang taong naghahanda nito upang
maiwasan ang mikrobyo sa pagkain.
May mga tuntunin na dapat sundin sa paghahanda ng pagkain na dapat isaisip ng taong
gumagawa nito.
1. Magsuot ng apron upang mapangalagaan ang iyong damit.
2. Magsuot ng headband o takip sa ulo upang hindi mahulog ang buhok sa inihahandang
pagkain.
3. Hugasan ang kamay at alisin ang mga singsing, relo at iba pang alahas bago hawakan
ang pagkain.
4. Habang gumagawa, iwasang magsalita o makipagkuwentuhan upang hindi matalsikan ng
laway ang pagkain at upang maiwasan ang sakuna.
5. Alamin ang wastong paggamit ng mga kagamitang pangkusina.
6. Ingatan ang paghawak sa mga kagamitang may talim upang huwag masaktan.
7. Sikaping panatilihin din ang kalinisan ng mesang gawaan. Maglagay ng supot na
paglalagyan ng pinagtalupan at iba pang kalat sa isang tabi upang madaling tipunin at
linisin ang mesang pinaggawaan.
8.Punasan kaagad ang anumang basa sa mesa at sahig na maaring sanhi ng pagkadulas.

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem na nagsasaad ng katangian ng
sariwa at mataas na uri ng pagkain. Isulat ang salitang tinutukoy.

_1. Matingkad ang kulay


_2. Suriin ang expiration date
_3. Naaaninag ang pula kapag itinapat sa araw
_4.Mapula ang hasang
_5.Marosas-rosas ang kulay ng karne nito.

Gawain 2
Sagutin ang tanong.

Paano mo maipakikita ang pagiging mapanuri upang matiyak na sariwa, mura at masustansya
ang pagkaing iyong bibilhin?

Susuriin ko ng mabuti at maigi halimbawa kung paano suriin ang baboy, pink ang natural na kulay
ng sariwang baboy. Iwasan ang ibang kulay tulad mg berde o brown dahil maaring senyales ito ng
pagbubulok.

Gawain 3
Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na paraan sa paghahanda ng mga pagkaing
nakatala sa ibaba. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

Pagbalat Paghiwa Paggadgad Pagtuhog Pagsala

Pagsukat Pagbati Paghimay Pagdikdik Pagbabad

1.itlog _6.kalabasa
2.mais _7.katas ng niyog
3.bawang _8.papayang hilaw
4. tinapa _9. nilagang kamote
5. asukal 10.tinimplang sarsa

Gawain 4
Sagutin mo ang mga tanong ayon sa iyong natutuhan

1. Bakit mahalagang magkaroon ng kaalaman at kasanayan sa iba’t ibang paraan ng


paghahanda ng pagkain bago ito lutuin?

2. Ibigay ang mga paraan sa paghahanda ng pagkain.

Sagot:
1. Mahalagang malaman ang kasanayan sa ibat-ibang paraan ng paghahanda ng pagkain bago it
o lutuin 
sapagkat may mga pagkaing hindi maganda sa kalusugan tulad ng sobra sa fats.

2. Ihain ang mga plato, mangkok, kutsara


tinidor at iba pa.
Gawain 5
Nalaman mo na ang mga paraan sa paghahanda ng pagkain, nais kong malaman kung
paano mo ito pinahahalagahan?

Ang nanay ni Gina ay mahilig magluto ng iba’t ibang pagkain kaya naisipan niyang magtayo ng
karinderya malapit sa paaralan. Bago pumasok si Gina sa paaralan tinutulungan niya ang
kanyang nanay sa paghahanda ng pagkaing lulutuin. Anong uri ng bata si Gina? Ano- anong
mabuting asal ang ipinakikita ni Gina?

Sagot:
Si Gina ay matulungin na bata, siya ay laging tinutulungan ang kanyang nanay bago
sa paaralan pumasok si Gina ay isang mabait na bata.

Prepared by :

DELCORA C. GALLARDE
Teacher

Checked by:

ANA M. ARCILLA
Master Teacher

You might also like