You are on page 1of 3

Paano Magluto ng Puto (Tinagalog)

Ang recipe na ito ay pinaka simpleng paraan ng pagluluto ng puto. Hindi kinakailangang gamitan ng
oven. Basta may steamer ka o kahit na anung kaldero na pwedeng pasingawan ay maari ka ng
makagawa ng simple at masarap na puto. Ang recipe na ito ay sakto ang timpla at pinakamainam na
recipe or step by step guide para sa mga naguumpisa pa lamang magluto ng puto. Sa madaling salita,
ang recipe guide na ito ay sinadya para sa mga first timer ngunit ang timpla ay pang kumikitang puto
negosyo. Halina at tayo ng magluto ng Espesyal na puto! Happy cooking mga ka-MGR.

Mga Sangkap:

2 tasa All Purpose Flour, sinala sa strainer

2 tbsp Baking Powder, sinala sa strainer

2 itlog

3 patak* Vanilla Flavor (Green Leaves brand)

1 tasa sugar

7 tbsp butter (Anchor)

3/4 tasa Evaporated Milk

1 tasa ng tubig

Cheddar Cheese (gumamit ng eden cheese kung gusto ng medyo tunaw na keso sa puto)

*Ang Green Leaves flavoring ay masyado matapang ang amoy, kaya ilang patak lamang ang dapat ilagay
kung ihahambing sa ibang brand.
Loading...

*kami ay gumamit ng panukat na basehan ang US Standard Cup measurement.

Paraan:

1) Sa isang maliit na bowl, tunawin ang isang stick na butter sa microwave (30-40 seconds) or tunawin sa
kalan at gumamit ng isang sauce pan. Kailangan po natin ng 7 tbsp na tunaw na butter

2) Isalin ang tinunaw na butter sa isang malaking mangkok, ilagay ang 2 itlog at ½ tasa ng asukal.
Gumamit at haluin ng whisk or beater. Ok lang po kahit walang electric beater.Pagkatapos ihalo na po
ang 1 tasa ng evaporated milk, at kurot ng asin.

3) Idagdag at ihalo ang 2 tasa ng all purpose flour at 2 tbsp ng baking powder. Haluin mabuti at idagdag
ang vanilla flavor at unti unting idagdag ang 1 cup na tubig.

4) Ang lapot po ng mixture natin ay dapat katulad ng sa pancake batter. Sakto lamang po ang halo at
hindi dapat kulangin or sumobra sa halo para hindi mawala ang mga bubbles or hangin sa batter or
mixture. Ginamitan ko po ng electric hand mixer kaya mabula sya. Kapag mabula po, mas magiging fluffy
or maalsa ang puto.

5) Dahan dahan ibuhos ang puto batter sa puto moldings. Huwag po itong pupunuin, mga 3/4 lamang ng
molding. Dahil aalsa pa po ang puto. ilagay sa ibabaw ang hiniwang keso, dapat parihaba at hiniwa ng
magkakasukat. Isantabi muna.

6) Ihanda ang steamer, lagyan ng tubig ang ibabang bahagi ng steamer. Pakuluin.
7) Kapag kumukulo na ang tubig, saka ipatong ang tray ng steamer kasama ng mga nakasalansang na
puto molds na may mixture.

8) Maglagay po ng puting cloth on top ng steamer at takpan para hindi matuluan ang puto ng tubig ng
steamer, upang hindi mahilaw at masabawan ang puto batter.

9) Steam po natin ng 15 minutes sa mababang apoy at takpan maigi. Huwag sisilipin hangat di umabot sa
15 minuto para hindi mahilaw.

10.) Para malaman kung luto na, tusukin ang gitna ng puto ng toothpick. Kapag walang dumikit na
malagkit sa gilid ng toothpick ay luto na po ito. Maari ka ng magtinda ng puto!

Tip: you can buy silicon molds in Japan Home section of Sm supermarket for 88 pesos.

You might also like