You are on page 1of 2

“Sariling Atin, Ating Pagyamanin’’

Opzzs! tss tss tss, dirum tss tss tss!


Opzzs! tss tss tss, dirum tss tss tss!
Opzzs! tss tss tss, dirum tss tss tss!
Opzzs! tss tss tss, dirum tss tss tss!

Alpabetong Pilipino, Alibata!


Alpabetong Pilipino, Alibata!
Alpabetong Pilipino, Alibata!
Alpabetong Pilipino, Alibata!

Kahit saan ka magpunta'y nagbibikas ng salita! salita! salita!


Kaya mo bang ipagmalaki ang iyong sariling wika?
Hindi ba't ang iba ay nakalimot na,
Sa ating wika ikaw ay may magagawa pa.

Sa isang pangarap…
Sa isang pangarap! Unti-unting nilalamon ng pagbabago ang
mundo,
At sa wikang mahal ito'y may panget na epekto,
Nakakalimutan na ba ng tao ang halaga nito?
Ang nagsilbing lingwahe noong tayo pa ay bigo.

Ikaw! Ikaw! Ikaw!


Lingwaheng ginamit upang tayo'y maging malaya,
Ngayo'y hindi itataguyod pa at susuklian ng pagpapabaya,
“Sariling Atin, Ating Pagyamanin’’
Nasaan ang ating tunay na pagiging makabayan?
Inibig na baga ang sa iba at ang sarili'y pinabayaan?

Ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa,


Pati wikang minana mo’y busabos na ibang wika.

Ikaw! Ako! Tayo!


Halina't tulungan ninyo ako sa pag bandila,
Huwag nawang mag-iba ang salita ng ating mga dila,
Ang wika ay mahalaga sa ating pagkakakilanlan,
Huwag sana itong iisang tabi't pagdaka'y kalimutan.

You might also like