You are on page 1of 2

Virtual Flag Ceromony Script

* Isang maganda at mapagpalang umaga po sa lahat ng ating magagaling, masisispag at mahuhusay na


mga mag-aaral ng Rosa L. Susano Novaliches Elementary School,
sa ating masisipag at mahuhusay na utility staff na siyang nagpapanatili kalinisan upang maging
maayos at kaaya-aya ang ating eskwelahan,
sa ating mababait at matatapang na gwardiya na siyang nagpapanatili ng seguridad sa loob ng
eskwelahan,
sa ating mababait at responsableng mga magulang, sa ating masisipag, mababait at maunawain na
kapwa ko guro
sa ating mahuhusay at magagaling na mga master teachers in charge
at higit sa lahat sa ating mapagmahal, maunawain at responsableng ama ng ating eskwelahan Dr.
Alarico L. Ramos muli isang mapagpalang umaga sa inyong lahat.
Ako po si Gng. Girly A Castillo guro mula sa ikalimang baitang ang inyong magiging tagapagdaloy ng
palatuntunan para sa birtwal ng pagtataas ng watawat ngayong ika-tatlumpu ng Mayo taong dalawang
libo at dalawamput- dalawa.
* Happy Monday everyone! Kumusta na po kayong lahat? Kumusta ng dalawang araw na pahinga
mga bata? Nawa’y kayo ay nag-enjoy kapiling ang inyong pamilya at kaibigan. Ramdam ko na handa
na ulit kayo matutuo ng bagong aralin sa linggong ito.
* Ating simulan ang ating palatuntunan sa pagbibigay pugay sa ating watawat. Inaayayahan ko po
kayong lahat na tumayo, ilagay ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at sabay-sabay nating awiting
ang pambansang awit ng Piilipinas, ang Lupang Hinirang.
* Tayo’y manalangin at damhin ang presensya ng Panginoon upang hingin ang paggabay Niya sa atin.
Ang ating panalangin ay pamumunuan ni Janna Caresse B. Dela Cruz mag-aaral mula sa ikalimang
baitang seksyon Cavite at susundan ng Panatang Makabayan na pangungunahan ni Xyrus Louie
Ramos mag-aaral mula sa ikalimang baitang seksyon Aparri at Panunumpa sa Watawat ng Pilipinas
na pamumunuan ni Jairus Peter P. Malle, mag-aaral mula sa ikalimang baitang seksyon Bulacan.
* Ngayon naman sabay-sabay nating awiting ang Imno ng NCR,Imno ng Lungsod Quezon at Imno ng
Sangay ng Lungsod Quezon.
* Para naman gumanda at maging malusog ang ating pangangatawan , narito ang isang dance exercise
ng Nestle Wellness Campus ng Nestle Philippines. Tayo na at sabay-sabay tayong umindak at
magdance exercise!
* Wow! Alam kong pinagpawisan kayong lahat sa dance exercise ng Nestle Wellness Campus ng Nestle
Philippines.
* Ngayon naman ating pakinggan ang mensahe at paalala ng ating pinakamamahal na punong guro na
si Dr. Alarico L. Ramos.
* Maraming salamat po, Dr. Alarico L. Ramos sa inyong makabuluhang mensahe.Naway gabayan ng
ating Panginoon saanman kayo mapatungo.
* Maraming salamat din po sa ating mga mga magulang at mag-aaral na walang sawa sa pagsuporta sa
lahat ng programa ng ating paaralan. Gayundin maraming salamat sa ating ICT Coordinator na si Sir
Mike __________
At sa lahat ng guro maraming salamat sa inyong lahat. God bless us all!
_______________________________________________________________________________________
Ilang araw na lamang ay matatapos na ang buwan ng Mayo. Ang susunod na buwan ay ang Hunyo.
Ano nga ba ang ipinagdiriwang natin tuwing Hunyo? Ang Araw ng kalayan tuwing ika 12 ng Hunyo.
Ang buong Rosa L. Susano Novaliches Elementary School ay makikiisa sa sambayanang Pilipino sa
pagdiriwang ng ika-124 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Mula sa ating mga bayani na nagsigasig na
makamtan ang kalayaan ng ating bansa, kami sa Kagawaran ay sumasaludo sa ilang salinlahing
Pilipino na nagtaguyod ng ating mayaman na kasaysayan.
Sa paglipas ng panahon, pinapatunayan natin na ang ating kasarinlan ay susi ng ating pagkakabuklod-
buklod, sa anumang hamon o sakuna. Tayo ay nahaharap pa rin ngayon sa isang pandaigdigang krisis
dahil sa pandemyang COVID-19 ngunit hindi ito hadlang para ipakita ang diwa ng malayang
sambayanan – ang patuloy na pagbibigay ng pag-asa.
At mula sa Kagawaran ng Edukasyon, ang ating mga bayaning guro na laging handang magbigay ng
kanilang serbisyo upang hindi mahinto ang pagkatuto ng ating mga anak sa gitna ng pandemya.
Ang mga makabagong bayaning Pilipino ay patuloy na sumasagot sa hamon ng panahon. Ang
nakararami ay handang tumulong sa kabila ng mahirap na sitwasyon.
Nawa’y maging tanda ang araw na ito upang magpunyagi pa tayo sa pagkamit ng   pagkakaisa at
pagtutulungan ng sambayanan tungo sa magandang bukas. Sa isip, sa salita, at sa gawa, itaguyod at
ipagpatuloy natin ang pagbabayanihan tungo sa malaya at ligtas na bansang Pilipinas.
Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

You might also like