You are on page 1of 2

PBGEN Michael Dubria at First Lady Norlyn Dubria, Nagbigay-saya sa mga Kabataan ng

Mercyville Fellowship Center

Upang ipagdiwang ang kaarawan ni PBGEN Michael John Dubria, kasama ng kanyang asawa na
si First Lady Norlyn Dubria, ay mas pinili nila na makasama at maghatid ng saya sa mga
kabataan sa Mercyville Fellowship Center sa Barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato noong
ika-18 ng Disyembre ng taong ito na dinaluhan din nina PD PCOL Jemuel F. Siason at Police
Major Virlen P. Pampolina ng Tupi Municipal Police Station.

Makikita ang saya ng mga kabataan ng nasabing bahay-ampunan sapagkat matatamis ang
kanilang mga ngiti nang sila ay sinurpresa ng mga pamaskong ibinahagi nina Regional Director
PBGEN Dubria at ng kanyang asawa. Nakatanggap sila ng mga bagong tsinelas, bag, at mga
regalo mula sa mga ito. Sa araw na iyon sila ay napuno ng kaligayahan at binigyan ng kulay ang
kanilang pasko bunga ng biyayang inihatid ng mag-asawa sa mga ito.

Ayon kay Marianne, isa sa mga bata ng bahay ampunan, siya ay masayang-masaya sapagkat
napili ang Mercyville Orphanage na maging benepisyaryo ng biyayang inihatid ng direktor at ng
kanyang asawa. Aniya, hindi nila akalain na magkakaroon sila ng bisita dahil sa pandemyang
kinakaharap ng bansa, ngunit sila ay masaya lalo pa at mismong ang direktor ng Police Regional
Office 12 at ang asawa nito ang kanilang magiging Santa Claus ngayong taon. Ipinapaabot
naman niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga ito dahil sa kabaitan at pagmamahal
na kanilang hatid sa lahat ng mga bata sa bahay-ampunan.

Ang sayang dala nila sa mga batang nakatanggap ng pamasko ay hindi mababayaran ng kahit
anong salapi. Ang kanilang pagmamahal na ipinakita sa mga kabataan ay nangangahulugan
lamang na malaki ang kanilang malasakit sa kanilang kapwa. Ang kanilang magandang gawi ay
isang repleksiyon ng tunay na diwa ng pasko.

You might also like