You are on page 1of 4

Tinapa,

Tinapa,
Paano ka
“Tinapa, Tinapa! Paano ka Ginawa?”

Malansang amoy at maalat-alat na lasa. Karaniwang dilaw at makikitang nakabalot


sa dyaryo. Nakakatakam sa unang sulyap pa lamang sa palengke o tindahan, lalo naman
na pag ito’y nakahain na. Masarap ipares sa itlog. Malinamnam isahog sa munggo,
pakbet at sinangag. Karaniwang sinasawsaw sa toyo, patis, suka o kung minsan ay sa
kamatis na may mangaa’t bagoong. Mapa-umagahan, tanghalian o hapunan, tinapa is
life. Malinamnam at patok sa ng masang Pilipino kaya naman mapapa-“Anak ng tinapa!”
ka sa sarap. Tinapa’t talong, suka’t bagong. Ano nga bang mahika ang nangyayari upang
ang isda at asin, samahan mo na rin ng dilaw na food coloring ay maging tinapa na hilig
nating ipares sa kanin.

Ang tinapa ay tinatawag na smoked fish sa Ingles. Kadalasan ay hindi kanais nais
ang amoy nito kaya’t maaring ikaw ay mapapadalawang isip. Mabusisi ang paghahanda
o paggawa nito, maaari kasing maging hilaw o sunog kapag hindi marunong mag-tantsa
ang gumagawa nito. Dito raw marahil ang dahilan kung bakit nagkaroon at nauso ang
Pinoy expression na, “Anak ng Tinapa!” kapag tayo ay naiinis. Pawis, pagod at dugo and
puhunan sa paggawa ng tinapa. Maraming magtitinapa na ang nairahos ang buhay dahil
sa negosyong ito. Marami na ring mamayang Pipilipino ang nakapagtapos ng pag-aaral
dahil sa pagtitinapa.

Masasabing hindi komplikado ang paggawa ng tinapa sapagkat isda, asin at food
coloring lamang ang kailangan sa paggawa nito. Ngunit ito ay mas mahirap at mas
pinaglalaanan ng lakas, oras at sipag kumpara sa inyong inaakala. Ang karaniwang
ginagawang tinapa ay ang galunggong at salinas, marahil dahil ito ay mura. Nakakakita
rin sa iba’t ibang lugar ng tinapa na tilapia, bangus, tamban at iba pa. Bawat araw ang
pagdating ng suplay ng isda sa mga manggagawa ng tinapa. Humigit kumulang na
tatlong libong piso ang puhunan ng mga maliliit na negosyo ng tinapa, sa isda lamang.

Hindi lamang pagtatanim ang ‘di biro sapagkat ang paggawa rin ng tinapa ay hindi
madali o basta basta lamang. Karamihan sa mga nagtitinapa ay gumigising ng madaling
araw upang masimulan na ang proseso sa paggawa para pagsikat ng araw ay nakahanda
na ang mga tinapa na dalhin sa iba't ibang pamilihan. Araw-araw, pagpatak ng ala una
ng umaga ay kinakailangan nang bumangon upang simulan nang hugasan ang mga isda
na gagawing tinapa. Sa paggawa ng ating paboritong tinapa, dapat masigurong malinis
nang mabuti ang mga isdang gagamitin. Magbuhat madaling araw ay banye-banyerang
isda ang kailangan malinisan upang makalikha ng malinamnam na tinapa. Mainam na
gamitin ang pinagkatasan ng isda at lagyan ng asin upang maging mas malasa ang
tinapang gagawin.
Sumunod naman itong pinasingawan sa ibabaw ng kumukulong tubig na katulad
ng kanyang pinagbabaran, ay may asin din. Matapos pakuluan ang mga ito, hanguin na
at ihilera ang mga isda sa tila isang maliit na bilao na tinatawag na bistay.Sa
pagpapasingaw na ito ay kailangang siguraduhin na hindi matutuyuan ng tubig ang
pinagpapasingawan. Sinasabing dapat na sakto at tama lang ang tagal ng
pagkakasalang dahil ang sobra at kulang na oras ay maaaring maglabas ng berdeng
usok at mapait na lasa na pwedeng maging sanhi ng pagkalason sa sinumang kakain.
Bantayang mabuti! Iwasang maliingat kung ayaw mong ang tinapa mo ay maging mas
berde pa sa luntiang dahon ng mangga. Sino kayang tatangkilik sa berdeng tinapa?
Kapag ang insidenteng ito ay nangyari, tiyak na ang tinapa mo ay mamamaalam na dahil
patapon na. Makaraan ang labinlimang minuto ay maaari nang hanguin ang isda. Sa
puntong ito, ang isda ay luto na. Pagkahango sa mga isda ay ililipat ito sa pampainin, o
yung pugon kung saan sila papausukan. Pagkayaring pasingawan, ang gagawin ay ang
pag papainin o pagpapausok sa mga isda sa pamamagitan ng pagbabaga ng pinong
kusot mula sa kahoy, at ang usok nito ay ang makapagbibigay ng mas matingkad na lasa
sa tinapa o smoked fish. Kung kayo'y nagtataka kung bakit karaniwang kulay kahel o
manilaw nilaw ang mga gawang tinapa, ito ay dahil ginagamitan ito ng food coloring na
kadalasan din na ginagamit sa pagkukukay ng mga produktong karne tulad ng
longganisa, ham at marami pang iba. Wag kakalimutang takpan ang mga isda upang
hindi na makawala pa, ang usok na magbibigay rito ng linamnam. Pagkaraan ng
labinlimang minuto ay handa na ito. Wow! Mayroon ka nang paboritong tinapa.
Ilang hakbang lang ang kailangang gawin sa paggawa ng tinapa, pero sa
katunayan, ito ay mahirap ding gawin dahil kailangan masanay ang magtitinapa sa usok
na kanilang malalanghap. Hindi biro ang paggawa ng tinapa dahil oras na mailagay ang
kusot sa baga, ito ay magbubuga ng makapal na usok. Dahil maliit lamang ang kita sa
pagnenegosyo ng tinapa, marami sa gumagawa nito ay kapos sa kita upang makabili ng
mga kagamitan para sa kanilang proteksyon pangkalusugan. Ang mga maliliit na
magtitinapa ay gumagamit lamang ng pantakip sa ilong upang mabawasan ang usok na
kanilang nalalanghap. Ngunit ang ilang magtitinapa na naging matagumpay sa kanilang
negosyo, ay mayroong mga sapat na kagamitan hindi lang bilang proteksyon pati na rin
sa mabilis na paggawa nito.
Tinapa, isang isdang “ready to eat” na. Patok ring pangsahog at pang-ulam ng
masa. Ano nga ba ang mahika sa likod ng paglikha sayo? Hindi maitatangging isa itong
pagkain na maipagmamalaki ng mga Pilipino. Sa lasa at proseso, bakas ang kultura ng
mga tao kaya’t ito ay patok sa panlasa ng masa. Tinapa, tinapa! Paano ka nga ba
ginawa? Ngayon at nailahad na sa inyo ang kalbaryo, o maari ring tawaging proseso ng
paggawa ng paboritong ulam ng nakararami ay masasabing mas masarap ito dahil
pinaghirapan. Sa pamamagitan ng simpleng paglilinis, pagbababad, pagpapasingaw at
pagpapausok, ang iba’t ibang isda ay napupunta sainyong mesa sa anyo ng tinapa. Isang
karaniwang pagkain at bilihin, malinamnam at mumurahin. Makakahindi ka pa ba kapag
ito ay nakahain na? Kapares ng itlog, talbos o chicharon. Minsan ay sahog itong isdang
pinausukan sa pugon. Paborito ng mga Pilipino, tiyak na tatangkilikin nila ito. Ang
tinapang galunggong, tamban o bangus, hindi nga birong nilikha at ito ay nag uumapaw
sa sarap, pagmamahal, dugo at pagsisikap.
Mga jargon sa paggawa ng tinapa:

Kusot: Pulbos na mga partikulo ng kahoy na galing sa paglalagari


Bistay: Nagmula sa mga Tsino na ginagamit na lalagyan ng tinapa at mga kakanin.

You might also like