You are on page 1of 2

Skin care...

Gatas- Ang gatas pati na ang mga produktong yari dito ay may taglay na lactic acid na may epekto ring
pampaputi sa kutis ng balat. Natural din nitong inaalis ang mga lumang balat upang mapalitan ng mas
bago at masiglang skin cells.

Paano ito gawin? Kadalasan ay hinahaluan ng gatas ang tubig na pampaligo kung saan dapat namang
ibabad ang sarili upang sumuot sa balat ang gatas. Maaari din gamitin ang yogurt na isang produktong
gatas bilang pampahid sa balat.

Kamatis- Ang kamatis ay may epekto ring pampaputi dahil sa taglay nitong Vitamin C. Pinapalusog din
nito ang kutis at binabawasan ang sobrang paglalangis sa balat pati na ang sobrang pagtatagihawat.

Paano ito gawin? Ang dinurog na kamatis ay maaaring ipantapal sa balat at ibabad nang 15-25 minuto.

Bigas-Taglay naman ng bigas ang para-aminobenzoic acid (PABA) na isang natural na sunscreen o
pangharang sa epekto ng araw na nakakaitim ng balat. Tinutulungan din ng PABA na pataasin ang
natatangap na Vitamin C ng balat kung kaya’t mas lalo nitong pinapalusog ang balat.

Paano ito gawin? Durugin ang bigas sa maligamgam na tubig hanggang sa ito ay maging pulbos. Haluin
nang mabuti hanggang sa maging malapot. Ang napalapot na bigas ay maaring ipahid sa balat na nais
paputiin.

Pulot (Honey)- Ang pulot ay nakatutulong din sa pagpapaputi ng balat pati na sa pag-aalis ng dead cells
sa balat upang mapalitan ng mas masiglang balat. Ito rin ay may epektong antibacterial na kayang
pumatay sa mga nakakasamang mikrobyo na maaaring pagmulan ng sakit.

Paano ito gawin? Paghaluin ang maligamgam ng tubig at natural na pulot. Ipahid ito sa balat na nais
paputiin at hayaan nang 10-20 minuto.

Papaya

Ang papaya ay kadalasang sangkap sa mga pampaputing produkto na sabon at mga lotion na mabibili
ngayon sa mga pamilihan. Dahil ito sa sustansyang papein na may mabuting epekto sa kalusugan ng
balat.

Paano ito gawin? Ang hinog na papaya ay maaaring durugin at saka ipampahid sa balat. Hayaang matuyo
at dumikit sa balat ang papaya bago hugasan.

Pipino

Nakatutulong din ang pipino sa pagkakaroon ng masigla at maputing kutis ng balat. At nababagay din ito
sa lahat ng uri ng balat, mapa bata man o sa matatanda.

Paano ito gawin? Ang mga hiniwang pipino ay direktang ipantapal sa balat na nais paputiin. Hayaan ito
nang 15-30 minuto.
Lemon Juice- Ipahid ang juice sa mismong area na gusto mong pumuti. Hayaan nakababad ang balat sa
juice ng 15 minutes. Banlawan ng tubig. Pahiran ng moisturizer ang katawan upang hindi ito maging
“dry”. Kung nais paputiin ang mukha, gumawa ng paste mula sa mga sumusunod na ingredients: one
teaspoon of milk, one half teaspoon of almond oil, one teaspoon of honey and one teaspoon of lemon
juice.

Ipahid sa mukha ang mixture at hayaan ito ng 15 minutes. Banlawan ang mukha ng malamig na tubig.

Patatas:= Balatan ang patatas. Maghiwa ng isang piraso. Ito ang ipahid sa area na nais pumuti. Ang isang
paraan ay i-blender ang patatas, pigain ang juice at ito ang ipahid sa balat. Haluan ng calamansi juice ang
patatas upang hindi mangitim.

Lemon, Kamatis at Pipino: I-blender ang 2 pirasong kamatis at isang pipino. Pigain ang juice at salain sa
malinis na kamiseta. Ihalo ang juice ng isang pirasong lemon sa napigang juice ng kamatis at pipino. Ito
ang ipahid sa balat na nais pumuti. Hayaang nakababad ang juice sa balat hanggang 15 minutes at saka
banlawan.

Oatmeal: Paghaluin ang 1 cup oatmeal, 1/2 cup yogurt at 2 tablespoon tomato juice hanggang maging
paste. Ipahid sa balat at hayaang nakababad ng 20 minutes. Banlawan ng malamig na tubig.

Dapat ay gawing regular ang paggamit ng mga nabanggit na pampaputi. Hindi iyan makukuha sa isang
pahiran lamang.

You might also like