You are on page 1of 16

16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

SCRIPT
KINDERGARTEN
Ikaapat na Markahan – Ikaanim na Linggo
=WEDNESDAY= MAY 18, 2022

 Tell time by the hour. MKME-00-7

Magandang umaga, mga mag-aaral ng kindergarten. Ako si titser Grace ang


inyong guro sa himpapawid at katuwang sa pag-aaral. Ako ay natutuwa na makasama
kayo sa loob ng isang oras na talakayan sa araw na ito. Sana ay malusog at masaya
kayo habang nag-aaral sa bahay. Siguraduhin ding komportable at nasa maayos kayong
kalagayan habang nakikinig at sumasagot ng ating talakayan.
Handa na ba kayo mga bata? Maaari ko bang malaman kung anong oras ka
gumising kanina? Kumain at naligo ka na ba? Ako ay kumain bago pumasok sa paaralan.
Mabuti kasi kung may laman ang ating tiyan upang maging alerto ang ating pag-iisip at
maunawaan ng maayos ang ating aralin ngayong araw. At ako rin ay naligo na dahil
mahalaga ang paliligo araw-araw upang maging malinis at mabango at upang makaiwas
sa mga sakit lalo na ang COVID-19 o Corona Virus 2019.
Halina’t sabayan ako sa ating aralin upang maging makabuluhan ang ating pag-
aaral sa umagang ito. Ang ating aralin ay tungkol sa “ Pagsasabi ng Oras.”
Bago tayo dumako sa ating aralin ngayong umaga ay may mga ilang katanungan
lamang ako sa inyo. Maaaring tumawag o magtext ang gustong sumagot sa numerong
09151717320 o kaya naman ay sa ating group chat.

--------MUSIC-------

A. Balik-aral / Pagsisimula ng Bagong Aralin


Mga bata naalala pa ba ninyo ang ating aralin noong Martes?

1. Tungkol saan ang ating aralin noong Martes?


2. Ano ang natutuhan mo sa awit na iyong napakinggan noong Martes?
3. Magbigay ng halimbawa ng oras at sabihin kung saan nakaturo ang maikli at
mahabang kamay ng orasan?

Tama. Magaling mga bata. 1. Ang ating aralin noong Martes ay tungkol sa “ Ang Orasan
ay may dalawang kamay, ang maikli ay para sa oras at ang mahaba ay para sa
minuto.” 2. Ang natutuhan ko po ay tungkol sa 2 kamay ng orasan ang maikli ay
para sa oras at may bilang mula 1-12 at ang mahaba ay sa minuto na ang bawat
bilang ay 5 minuto ang katumbas (Iba-iba ang sagot ng mga bata). 3. Ang
BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

halimbawa ng oras ay ika 7:00, ang maikling kamay ay nasa bilang 7 at ang mahaba
ay nasa bilang 12. ( Iba- iba ang sagot ng mga bata.)

Magaling mga bata.

--------MUSIC-------

B. Paglalahad at Pagtalakay ng Bagong Konsepto

At ngayon mga bata sa Paglalahad at Pagtatalakay ng Bagong Konsepto ay makakarinig


kayo ng kuwento. At mayron akong mga katanungan pagkatapos ay maaaring tumawag o
magtext ang gustong sumagot.

Handa na ba kayo?

(MUSIC-Oras na ng kuwentuhan)
Ang Pamagat ay:
“ Oras ng Pagtulog.”

Ang pamilya ni Mang Ambo at Aling Cesa ay masayang nabubuhay sa gitna ng malamig
na bukid. Tanging pagtatanim ng palay ang kanilang hanapbuhay. May dalawa silang anak. Ang
panganay na si John at ang bunsong si Lucy. Masipag at matulungin ang magkapatid. Maaga
silang gumigising dahil maaga silang natutulog. Ang laging paalaala ng mga magulang nila ay
ang tamang oras ng tulog dapat ay walo hanggang siyam na oras para sa mga bata. Kaya ang
oras ng tulog ng magkapatid ay ika 8:00 ng gabi at ang gising ay ika 5:00 ng madaling araw.
Kailangang sapat ang oras ng pagtulog upang malakas ang ating katawan paggising at kapag
papasok sa paaralan ay hindi aantukin o walang gana sa pag-aaral at hindi madaling mapagod
ang ating utak. Kung kaya maraming nagagawa ang pamilya sa maghapon.

--------MUSIC-------

Mga bata, handa na ba kayo sa ilang mga katanungan?

Panuto: Bilang 1-4 ay sabihin ang letra ng tamang sagot at bilang 5-6 ay sabihin ang iyong
sagot.

1. Ano ang pamagat ng kuwento? A. Oras ng Pagtulog B. Ang Pamilya ni Mang


Ambo
BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

2. Sinu-sino ang mga tauhan sa kuwento? A. sina Mang Ambo at Aling Cesa B. sina
Mang Ambo, Aling Cesa, John at Lucy.
3. Anong katangian mayroon ang dalawang magkapatid? A. masipag at matulungin
B. tamad
4. Anong oras natutulog ang magkapatid at anong oras naman sila gumigising? A. ika 5:00
ng hapon at ika 8:00 ng umaga B. ika 8:00 ng gabi at ika 5:00 ng madaling
araw
5. Sa anong bilang nakaturo ang maikli at mahabang kamay ng orasan kung ang oras ay
ika 8:00 ng gabi? At kung ang oras ay ika 5:00 ng madaling araw? Tama. Magaling.
Ang maikli ay nakaturo sa bilang 8 at ang mahaba sa bilang 12 kung ang oras
ay ika 8:00 ng gabi at ang maikli sa bilang 5 at ang mahaba sa bilang 12 kung
ang oras ay ika 5:00 ng madaling araw. (sasagot ang mga bata).
6. Bakit mahalaga na sapat ang oras ng pagtulog at paggising? Tama. Magaling.
Kailangan ng sapat na oras ng pagtulog upang maging malakas ang ating
katawan paggising at kapag sasagot ng worksheets o sa radyo araw-araw
mula ika-walo hanggang ika-siyam ng umaga ay hindi aantukin at hindi
madaling mapagod ang ating utak at kapag maaga tayong nagigising ay
marami tayong magagawa sa maghapon tulad ng mga gawaing bahay,
paglilinis o pagwawalis at pagdidilig ng mga halaman. ( Iba-iba ang sagot ng
mga bata).

--------MUSIC-------

C. Paglinang sa kabihasaan

At ngayon mga bata, sa Paglinang sa kabihasaan sagutin ang mga sumusunod: Pumili
lamang ng gawain na naaayon sa iyong kakayahan. Bibigyan ko kayo ng 2 minuto para
sagutin ang gawain.

Gawain 1- Panuto: Isulat at sabihin ang tamang oras kung saan nakaturo ang mga
kamay ng orasan.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Tapos na ba mga bata?

Tama. Magaling mga bata. Ang oras ay ika 3:00 dahil ang maikling kamay ay
nakaturo sa bilang tatlo at ang mahabang kamay ay sa labing-dalawa.

Gawain 2- Panuto: Gumuhit ng orasan na may maikli at mahabang kamay na ang oras
ay ika 9:00. Isulat at sabihin ang tamang oras.

Tapos na ba mga bata? Sa anong bilang nakaturo ang maikli at mahabang kamay?

Bumilang mula 1-9.

Tama. Magaling mga bata. Ang maikli ay sa bilang siyam at ang mahaba ay sa
bilang labing-dalawa. Ang oras ay ika 9:00.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam.

Gawain 3- Panuto: Iguhit ang maikli at mahabang kamay ng orasan ayon sa oras.
Kulayan ng paborito mong kulay. Sabihin ang oras.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

--------MUSIC-------

Tapos na ba mga bata? Sa anong bilang nakaturo ang maikli at mahabang kamay?
Anong kulay ang ginamit mo?

Anong bilang ang makikita bago at pagkatapos ng bilang anim?

Tama. Magaling mga bata. Ang maikli ay sa bilang anim at ang mahaba ay sa
bilang labing-dalawa at ang oras ay ika 6:00.

Tama. Magaling. Bago ang bilang anim ay bilang lima at pagkatapos ng anim ay
bilang pito.

--------MUSIC-------

D. Paglalapat

At ngayon mga bata, sagutin ang sumusunod. Bibigyan ko kayo ng 2 minuto para
tapusin ang gawain.

Panuto: Iguhit ang maikli at mahabang kamay ng orasan ayon sa oras. Kulayan ng asul
ang maikling kamay at pula ang mahabang kamay.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Tapos na ba mga bata? Sa anong bilang nakaturo ang maikling kamay at mahabang
kamay ng orasan?

Tama. Magaling mga bata. Ang maikli ay nakaturo sa bilang 11 at ang mahaba ay
sa bilang 12 dahil ang oras ay ika-11:00.

Tandaan: Ang orasan ay may mga bilang 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11,12, ang


maikling kamay ay para sa oras at ang mahabang kamay ay para sa minuto at
ang bawat bilang ay may 5 minuto na katumbas.

--------MUSIC-------

E. Pagtataya

Sa huling gawain, sagutin ang gawain 2: Ito ay makikita sa inyong worksheet. Bibigyan
ko kayo ng 1 minuto para sumagot.

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang tamang oras. Tingnang mabuti ang maikli at
mahabang kamay ng orasan.

Tapos na ba mga bata? Kung hindi ninyo natapos ang gawain ay maaari ninyong ituloy
mamaya pagkatapos ng ating usapang panghimpapawid.
BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Natapos na natin ang ating aralin tungkol sa “ Pagsasabi ng Oras.”

Sana naman ay marami kayong natutuhan sa ating aralin. Inaasahan ko ang inyong
pakikinig sa Lunes ganap na ikawalo hanggang ikasiyam ng umaga.

Kung meron kayong mga katanungan o nais liwanagin sa ating nagdaang aralin, maaari
nyo akong tawagan o itext sa numerong 09151717320.

Ugaliing magsuot ng facemask, mag-sanitize at mag social distancing upang makaiwas


sa COVID-19.

Ito ang inyong guro sa himpapawid sa kindergarten, titser Merry Grace L. Pacaldo, na
nag-iiwan ng mga katagang “Ang mga kabataan, ang pag-asa ng Barangay Burirao” at
ang Barangay Burirao ang pag-asa ng mga kabataan.

God bless at Ingat mga bata.

Paalam.

Prepared by:

MERRY GRACE L. PACALDO


Teacher III
Checked by:

DOLORIE F. CAYAO
Head Teacher III

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Pangalan: ___________________________________________

Panuto: Gumuhit ng orasan na may maikli at mahabang kamay na nagsasabing ang oras ay
ika 8:00. Kulayan ng pula ang mahabang kamay at asul ang maikli.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Pangalan: ___________________________________________

Panuto: Iguhit ang maikli at mahabang kamay ng orasan. Kung ang oras ay ika 9:00. Kulayan.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Pangalan: ___________________________________________

Gawain 1:

Panuto: Isulat sa patlang at sabihin ang tamang oras kung saan nakaturo ang mga kamay ng
orasan.

______________

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Pangalan: ___________________________________________

Gawain 2:

Panuto: Gumuhit ng orasan na may maikli at mahabang kamay na ang oras ay ika 9:00. Isulat
at sabihin ang tamang oras.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Pangalan: ___________________________________________

Gawain 3:

Panuto: Iguhit ang maikli at mahabang kamay ng orasan ayon sa oras. Kulayan ng paborito
mong kulay. Sabihin ang oras.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

6:00

Pangalan: ___________________________________________

Panuto: Iguhit ang maikli at mahabang kamay ng orasan ayon sa oras. Kulayan ng asul ang
maikling kamay at pula ang mahabang kamay.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Pangalan: ___________________________________________

Panuto: Isulat sa patlang ang tamang oras. Tingnang mabuti ang maikli at mahabang kamay
ng orasan. Basahin.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Gawain 3:
Pangalan: ___________________________________________

Panuto: Iguhit ang maikli at mahabang kamay ng orasan ayon sa oras.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School
16

Republic of the Philippines


Department of Education
DIVISION OF PALAWAN

Gawain 4:
Pangalan: ___________________________________________

Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang tamang oras. Tingnang maigi ang maikli at mahabang
kamay ng orasan.

BPES_SY2021-2022

BURIRAO PROPER ELEMENTARY SCHOOL


0967-642-4155
111059bpes@deped.gov.ph
Burirao Proper Elementary School

You might also like