You are on page 1of 25

Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 1 Araling Panlipunan


Topic: Konsepto ng Pamilya (Aralin 1)
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Maria Xyleane B. Alforte
Objective: Naipaliliwanag ang konsepto ng pamilya batay sa bumubuo nito (i.e.,
two-parent family, single-parent family, extended family)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1 LND: INSERT SOA PROGRAM ID

2 INTRO LND MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

3 Tagapagdaloy: Magandang magandang magandang araw, mga

4 minamahal naming mga mag-aaral. Gayun din po sa ating ginigiliw na

5 mga magulang at tagapakinig ng himpilang ito! Sana ay nasa maayos

6 kayong kalagayan! Tayo na at magsisimula nang muli ang ating

7 paaralang panghimpapawid sa Araling Panlipunan para sa unang

8 baitang. Kami ay natutuwa na makasama muli kayo sa ating pag-aaral

9 sa pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong lingkod, ______________

10 mula sa _________________________________________________.

11 Sana ay patuloy ang inyong pakikinig at pagtangkilik sa loob ng

12 tatlumpong minuto, dito lamang sa ating programa sa radyo, ang

13 paaralang panghimpapawid ng Deped CamSur.

14 LND STINGER MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

15 Tagapagdaloy: Tayo na at simulan na nating matutong muli sa araw

na

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
2

16 ito. Mga mag-aaral, kunin na ang inyong mga modyul sa Araling

1 Panlipunan. Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang Kwarter 2 Modyul

2 1 KONSEPTO NG PAMILYA.

3 Kunin rin ang inyong mga lapis at sagutang papel para sa

4 inyong mga gawain. Ihanda ang inyong tenga sa pakikinig upang lubos

5 ninyong maunawaan ang araling ito. Ihanda ang inyong mga sarili

upang

6 matutunan at maisabuhay ninyo ang ating aralin. Mga bata, tayo ay

7 humanda na at magsisimula na sa ating aralin. (HINTO)

8 Mga mag-aaral sa unang na baitang, handa na ba kayo? (HINTO)

9 Kung gayon, ipinakikilala ko sa inyo ang inyong guro sa radyo ngayong

10 araw, si ______________ mula sa ____________________________

11 Palakpalan natin siya.

12 LND STINGER MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

13 GURO: Magandang araw mga bata, mula sa unang baitang! Ako

14 ang inyong guro, __________ mula _______________________.

15 Ikinagagalak kong makilala kayo. Ngayong araw ay tatalakayin natin

ang

16 KONSEPTO NG PAMILYA.

17 Pagkatapos ng araling ito, maiintindihan mo ang tungkol sa iyong


-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
3

18 pamilya batay sa mga miyembro nito. Mailalarawan mo rin ang bawat

19 isa sa paraan ng likhang sining.

1 Kaya ano pang hinihintay natin, magsimula na tayo sa ating aralin.

2 LND STINGER MCS 3 SECS UP THEN FADE UNDER

3 GURO: Upang lubos nating maunawaan ang ating aralin, alamin natin

4 ang ilang mga talahulugan sa ating modyul. Ang unang salita

5 ay pamilya. Ano kaya ang ibig sabihin ng pamilya? (HINTO)

6 Tama! Ang pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak.

7 Ang ikalawang salita ay ama. Ang ama ay ang tawag sa lalaking

8 magulang. Ano naman ang ina? Ang ina ay tawag sa babaeng

9 magulang. Ano naman ang anak? (HINTO) Tama! Ang anak ay ang

10 babae o lalaking supling ng ina. Ikaw at ang iyong mga kapatid ay anak

11 ng iyong ama at ina. Ano naman ang ibig sabihin ng two-parent

family?

12 Ibig sabihin nito ay binubuo ng ama, ina at mga anak ang isang

pamilya.

13 Ano naman ang ibig sabihin ng single-parent family? Ang single-

parent

14 family ay binubuo ng ama o ina lamang at mga anak ang isang

pamilya.

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
4

15 Ngayong alam na natin ang ibig sabihin o kahulugan ng mga

16 salitang ito, maaari na tayong magsimula sa ating talakayan. Ngunit

17 bago tayo magpatuloy, nais kong sagutan muna natin ang panimulang

18 pagsubok upang malaman natin kung mayroon ka nang nalalaman

19 tungkol sa araling ito sa iyong modyul. (HINTO)

1 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

2 GURO: Para sa ating panimulang pagsubok, tingnan ang mga larawan

3 na nakalagay sa iyong modyul pahina 2. Buoin ang mga salita sa ibaba

4 ng bawat larawan. (HINTO) Para sa unang larawan, ang ang iyong

5 nabuong salita? Tama, ito ay AMA. Ano naman sa ikalawang larawan?

6 Tama rin! Ito ay INA. At ano naman sa ikatlong larawan? Tama, siya ay

7 si KUYA. At sino naman ang nasa ikaapat na larawan? Tama, siya ay

si

8 ATE. At para naman sa ikalimang larawan, ano ang iyong nabuong

salita?

9 Tama, siya ay si BUNSO. (HINTO) Lahat ba ng sagot mo ay tama?

10 Magaling!

11 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

12 GURO: Ngayon naman ay magpapatuloy na tayo sa ating pag-aaral

13 tungkol sa iyong pamilya. Mahalagang malaman ang tungkol sa iyong


-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
5

14 pamilya. Mayroong iba’t ibang klase ng pamilya. Isa na rito ang Two-

15 parent family na binubuo ng ama, ina at mga anak. Dalawang

16 magulang ang nagtutulungan upang itaguyod ang pamilya. (HINTO)

17 May tinatawag naming single-parent family kung saan ama o ina

lamang

18 ang kasama ng mga anak at siya lamang ang nagtataguyod para sa

19 pamilya.

20 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

1 GURO: Ano ano ulit ang dalawang uri ng pamilya? (HINTO)

2 Tama, ito ang ang two-parent family at single-parent family.

3 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

4 GURO: Mga bata, handa na ba kayo para sa una nating pagsasanay?

5 (HINTO) Buksan ang inyong modyul sa pahina ikatlo (3) Pagsasanay

6 Una. Pagdugtungin ang pangalan ng miyembro ng pamilya sa Hanay A

7 sa larawan sa Hanay B. (HINTO)

8 30 SECONDS MUSIC

9 GURO: Tapos na ba kayong lahat, mga bata? Kung oo, iwasto na natin

10 ang inyong mga sagot. Magsisimula tayo sa unang bilang. Alin sa mga

11 larawan ang ama? Tama! Ito ay ang ikatlong larawan sa hanay B. Alin

12 naman ang ina? Tama! Ang tamang sagot ay ang ikalawang larawan.

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
6

13 Para sa ikatlong bilang, alin sa mga larawan ang kuya? Tama ka, ito ay

14 ang unang larawan sa Hanay B. Alin naman si Ate? Tama, si ate ay

ang

15 ikalimang larawan. At panghuli, alin ang larawan ni bunso? Tama, ito

ay

16 ang ikaapat na larawan.

17 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

18 Magaling mga bata! Ilan ang nakuha ninyong tamang sagot? Kung ang

19 nakuha mo ay lima o apat, aba’y nakapakahusay! Kung tatlo o dalawa

20 naman ang nakuha mo, magaling pa rin ngunit kailangan mong

makinig

1 nang mabuti upang makakuha ka ng perpektong iskor.

2 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

3 GURO: Ngayong tapos na natin ang unang pagsasanay, handa na

kayo

4 para sa susunod. Ito ang pagsasanay ikalawa na nasa pahina ikatlo ng

5 inyong modyul. Handa na ba kayo? Magsimula na tayo. (HINTO)

6 Unawain ang bawat sitwasyon. Lagyan ng tsek (/) kung ito ay

nagsasaad

7 ng tama at ekis (X) kung mali. (HINTO)

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
7

8 Para sa unang bilang, Ang ama ay miyembro ng pamilya. Ikalawang

9 bilang, ang ina ay miyembro ng pamilya. Ikatlong bilang, ang mga anak

10 ay hindi miyembro ng pamilya. Ikaapat, pamilya ang tawag kung

11 mayroon ka lamang a ama. At ikalima, ang pamilya ay binubuo ng

ama,

12 ina at mga anak.

13 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

14 Tapos na ba kayo, mga bata? Napakadali lamang ng ating

pagsasanay,

15 hindi ba? Tayo na at iwasto na natin ang inyong mga sagot. Sa unang

16 bilang, ano ang dapat nating isagot? Tama, ang tamang sagot ay

17 tsek dahil ito ay tama. Sa ikalawang bilang naman, ang tamang sagot

18 ay tsek pa rin dahil ito ay tama rin. Ano naman ang tamang sagot sa

19 ikatlong bilang? Tama, ang tamang sagot ay ekis dahil ito ay mali. At

sa

1 ikaapat na bilang, ano ang tamang sagot? Tama, ito ay tsek dahil ito ay

2 tama. At panghuli, ang tamang sagot ay tsek dahil ito ay tama rin.

3 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

4 GURO: Ilan ang nakuha ninyong tamang sagot? Kung lahat ay nakuha

5 mo, napakahusay! Kung mayroon ka naming isa o dalawang mali,

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
8

6 huwag kang mag-alala dahil kailangan mo lamang itong reviewhin at

7 tandaan ang tungkol sa konsepto ng pamilya upang matutunan mo ito.

8 (HINTO) Ngayon naman ay dadako na tayo sa ikatlong pagsasanay.

9 Unawain ang bawat sitwasyon. Iguhit ang dalawang puso kung ito ay

10 two-parent family at isang puso kung ito ay single-parent family. Handa

11 ka na ba? Simulan na natin. Para sa unang bilang, si Mang Kanor ay

12 wala nang asawa. Siya ay may isang anak. Ano ang iguguhit mo?

13 Dalawang puso o isang puso? (HINTO) Para naman sa ikalawang

bilang,

14 may apat na anak sina Mang Julian at Aling Lita. Sa ikatlong bilang

15 naman, ulila na sa ama ang mga anak ni Aling Cora. Ibig sabihin ng

ulila

16 ay wala na o namatay ang kaniyang ama. Ikaapat na bilang, sina Seth

17 at Faith ay may isang anak. At panlima, si Lisa ay itinataguyod lamang

18 ng kaniyang inang si Aling Karen.

19 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

1 Kumusta? Tapos na ba kayo, mga bata? Kung gayon, iwasto na natin

2 ang inyong mga sagot. (HINTO) Ano ang tamang sagot sa unang

bilang?

3 Tama! Ang tamang sagot ay isang puso dahil ito ay nagsasabi tungkol

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
9

4 sa single-parent family. Para naman sa ikalawang bilang, ang tamang

5 sagot ay dalawang puso dahil ito ay naglalarawan ng two-parent

family.

6 Ano naman ang dapat nating isagot sa ikatlong bilang? Tama ka, ang

7 tamang sagot at isang puso dahil ito ay nagsasabi tungkol sa single

8 parent family. At para naman sa ikaapat na bilang, ang tamang sagot

ay

9 dalawang puso dahil ito ay halimbawa ng isang two-parent family. At

10 panlima naman, ang tamang sagot ay isang puso dahil ito ay

11 naglalarawan ng isang single-parent family.

12 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

13 GURO: Magaling, mga bata! Nasagutan nyo na ang una, ikalawa at

14 ikatlong pagsasanay sa araling ito. Maraming salamat sa iyong

15 pagtiyatiyaga. At dito na nagtatapos ang ating aralin

18 para sa araw na ito. Sana ay marami kayong natutunan at napulot

19 na panibagong kaalaman mula sa araling ito. Ako muli ang iyong

20 guro sa radyo, ___________ mula sa ___________________.

21 Hanggang sa muli, paalam!

1 INFOMERCIAL 60 SECS UP CUE IN XXXXX CUE OUT XXXXX

2 TAGAPAGDALOY: Kumusta, mga bata? Marami ka bang natutunan


-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
10

3 mula sa ating guro sa radyo na si ________________? Mahusay!

4 Kung gayon, saglit nating balikan ang ating aralin bago tayo

magkaroon

5 ng pangwakas na pagsubok. (HINTO) Ngayong araw ay tinalakay natin

6 sa Araling Panlipunan 1 ang patungkol konsepto ng pamilya. Ang

7 pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Mayroong dalawang uri

8 ng pamilya. Ito ay ang two-parent family na binubuo ng ama, ina at

mga

9 anak. Mayroon ding single-parent family na ama o ina lamang ang

10 kasama ng mga anak at siya lamang ang nagtataguyod para sa

pamilya.

11 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

12 Dahil dito, kayo ay handa na para sa ating pangwakas na pagsubok.

13 Dito ay iguguhit mo ang iyong pamilya sa loob ng kahon. Isusulat mo

rin

14 kung ang iyong pamilya ay two-parent family o single-parent family.

15 (HINTO)

16 Makakakuha ka ng limang puntos kung malinis, maganda at maayos

ang

17 pagkakaguhit. Samantala, apat na puntos naman ang iyong makukuha

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
11

18 kung malinis at maayos ang pagkakaguhit. Makakakuha ka naman ng

19 tatlong puntos kung iilan lamang na miyembro ng pamilya ang

naipakita 20 sa iginuhit. Dalawang puntos naman ang makukuha mo kung

hindi

1 natapos ang pagguhit at isang puntos naman walang naiguhit. (HINTO)

2 Handa na ba kayo, mga bata? Simulan niyo na ang pagguhit sa inyong

3 pamilya.

4 30 SECONDS MUSIC

5 TAGAPAGDALOY: Nagawa mo ba ang ating pangwakas na

6 pagsubok o post test? Magaling! Huwag mong kalimutang ipasa ito sa

7 iyong guro upang ito ay mamarkahan.

8 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

9 At para naman sa inyong karagdagang Gawain, magdikit ng larawan

ng

10 iyong pamilya sa loob ng kahon. Isulat sa ibaba kung two-parent family

11 o single-parent family.

12 EXTRO LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

13 At dito na nagtatapos ang ating aralin para sa araw na ito. Umaasa

kami

14 na marami kang natutunan mula sa araling ito. Baunin mo ito at maaari

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
12

15 mo rin itong ibahagi sa iyong mga kaibigan at kapatid. Maraming

salamat

16 po sa inyong pakikinig at muli ninyong tunghayan ang susunod pa

nating

17 mga aralin. Sana ay lagi kayong ligtas at huwag kalilimutang

maghugas

18 lagi ng kamay. Ito ang inyong lingkod, ____________________ mula

sa

19 _____________________________, kasama po ang

1 aking mga kasamahan sa himpilang ito. Maraming salamat at paalam.

2 LND: MSC UP THEN OUT

-END-

Inihanda ni:

MARIA XYLEANE B. ALFORTE


Bahay Elementary School
Libmanan North District
Scriptwriter

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
13

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 1 Araling Panlipunan


Topic: Konsepto ng Pamilya (Aralin 2)
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Maria Xyleane B. Alforte
Objective: Naipaliliwanag ang konsepto ng pamilya batay sa bumubuo nito (i.e.,
two-parent family, single-parent family, extended family)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
1 LND: INSERT SOA PROGRAM ID

2 INTRO LND MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

3 Tagapagdaloy: Magandang magandang magandang araw, mga

4 minamahal naming mga mag-aaral. Gayun din po sa ating ginigiliw na

5 mga magulang at tagapakinig ng himpilang ito! Sana ay nasa maayos

6 kayong kalagayan! Tayo na at magsisimula nang muli ang ating

7 paaralang panghimpapawid sa Araling Panlipunan para sa unang

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
14

8 baitang. Kami ay natutuwa na makasama muli kayo sa ating pag-aaral

9 sa pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong lingkod, ______________

10 mula sa _________________________________________________.

11 Sana ay patuloy ang inyong pakikinig at pagtangkilik sa loob ng

12 tatlumpong minuto, dito lamang sa ating programa sa radyo, ang

13 paaralang panghimpapawid ng Deped CamSur.

14 LND STINGER MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

15 Tagapagdaloy: Tayo na at simulan na nating matutong muli sa araw

na

16 ito. Mga mag-aaral, kunin na ang inyong mga modyul sa Araling

1 Panlipunan. Ngayong araw ay pag-aaralan natin ang Kwarter 2 Modyul

2 1 KONSEPTO NG PAMILYA Aralin 2.

3 Kunin rin ang inyong mga lapis at sagutang papel para sa

4 inyong mga gawain. Ihanda ang inyong tenga sa pakikinig upang lubos

5 ninyong maunawaan ang araling ito. Ihanda ang inyong mga sarili

upang

6 matutunan at maisabuhay ninyo ang ating aralin. Mga bata, tayo ay

7 humanda na at magsisimula na sa ating aralin. (HINTO)

8 Mga mag-aaral sa unang na baitang, handa na ba kayo? (HINTO)

9 Kung gayon, ipinakikilala ko sa inyo ang inyong guro sa radyo ngayong


-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
15

10 araw, si ______________ mula sa ____________________________

11 Palakpalan natin siya.

12 LND STINGER MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

13 GURO: Magandang araw mga bata, mula sa unang baitang! Ako

14 ang inyong guro, __________ mula _______________________.

15 Ikinagagalak kong makilala kayo. Ngayong araw ay tatalakayin natin

ang

16 KONSEPTO NG PAMILYA.

17 Sa araling ito, ipagpapatuloy mo ang pagtuklas mo ng konsepto ng

iyong

18 sariling pamilya at mailalarawan mo rin ang bawat isa sa paraan ng

19 likhang sining.

1 Kaya ano pang hinihintay natin, magsimula na tayo sa ating aralin.

2 LND STINGER MCS 3 SECS UP THEN FADE UNDER

3 GURO: Upang lubos nating maunawaan ang ating aralin, alamin natin

4 ang ilang mga talahulugan sa ating modyul. Ang unang salita

5 ay lolo. Sino kaya si lolo? (HINTO)

6 Tama! Si lolo ay ang ama ng iyong ama o ina.

7 Ang ikalawang salita ay lola. Si lola ay ang ina ng iyong ama o ina.

8 Sino naman si tiyo? Ito ang kapatid na lalake ng iyong ama o ina.
-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
16

9 Sino naman si tiya? Tama! Si tiya ay ang kapatid na babae ng iyong

10 ama o ina. Ano naman ang pinsan? Ang iyong mga pinsan ay ang

anak

11 ng iyong tiya at tiyo. Ano naman ang ibig sabihin ng extended family?

12 Ibig sabihin nito ay binubuo ng ama, ina, mga anak kasama ang lolo at

13 lola, tiyo at tiya ang isang pamilya.

14 LND STINGER MCS 3 SECS UP THEN FADE UNDER

15 GURO: Ngayong alam na natin ang ibig sabihin o kahulugan ng mga

16 salitang ito, maaari na tayong magsimula sa ating talakayan. Ngunit

17 bago tayo magpatuloy, nais kong sagutan muna natin ang panimulang

18 pagsubok upang malaman natin kung mayroon ka nang nalalaman

19 tungkol sa araling ito sa iyong modyul. (HINTO

1 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

2 GURO: Para sa ating panimulang pagsubok, hulaan mo kung sino ang

3 tinutukoy sa bawat bilang sa pahina pito (7) ng iyong modyul. (HINTO)

4 Para sa unang bilang, ako ang naghahanap-buhay para sa pamilya.

Ako

5 ang nag-aayos ng sirang gamit sa bahay. Sino kaya siya? (HINTO)

6 Para naman sa ikalawang bilang, Ako ang ilaw ng tahanan. (HINTO)

7 Ikatlong bilang, Ako ang panganay na anak na lalake. (HINTO)


-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
17

8 Ikaapat na bilang, ako ang anak na babae. (HINTO)

9 Ikalimang bilang, ako ang pinakamaliit sa pamilya at nagbibigay saya.

10 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

11 Kumusta? Natapos mo bang sagutan ang ating panimulang pagsubok?

12 Magaling! Kung gayon, simulan na natin ang pagwawasto sa iyong

mga

13 sagot. Ano ang tamang sagot sa unang bilang? Tama, ang tamang

sagot

14 ay ama. Mahusay! Ano naman ang tamang sagot sa ikalawang bilang?

15 Magaling, ina ang tamang sagot. Ano naman kaya ang tamang sagot

sa 15 ikatlong bilang? Tama ka, siya ay si Kuya, ang panganay na anak na

16 lalake. Ngayon naman sa ikaapat na bilang, sino siya? Tama, ang

anak

17 na babae ay si Ate. At panlima, ang pinakamaliit sa pamilya ay si

Bunso.

18 Nakuha mo ba ang lahat ng tamang sagot? Aba! Napakahusay mo!

19 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

1 GURO: Ngayon naman ay magpapatuloy na tayo sa ating pag-aaral

2 tungkol sa iyong pamilya. Mahalagang malaman ang tungkol sa iyong

3 pamilya. Mayroong iba’t ibang klase ng pamilya. Isa pa rito ang

4 extended family. Ang extended family ay binubuo ng ama, ina, mga

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
18

5 anak. Kasama rin ang lolo, lola, tiyo o tiya at mga pinsan. Kaunti o

6 marami ang miyembro, pamilya ang tawag dito. (HINTO)

7 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

8 GURO: Ano ano ulit ang isa pang uri ng pamilya? (HINTO)

9 Tama, ito ay extended family na binubuo ng ama, ina, mga anak,lolo at

10 lola, tito at tita at mga pinsan. (HINTO)

11 Mga bata, handa na ba kayo para sa una nating pagsasanay?

12 (HINTO) Buksan ang inyong modyul sa pahina walo (8) Pagsasanay

13 Una. Isulat ang tsek kung siya ay kasama mong nakatira sa inyong

14 bahay at ekis kung hindi mo kasama.

15 30 SECONDS MUSIC

16 GURO: Tapos na ba kayong lahat, mga bata? Kung oo, magaling! Ang

17 iyong sagot sa pagsasanay na ito ay iba-iba dahil iba-iba rin ang

18 miyembro ng pamilya na kasama ninyo sa inyong bahay. (HINTO)

19 Kasama mo ba sa inyong bahay ang iyong ama, lolo, lola, ina, pinsan,

20 tito at tita? Kung oo, lagyan mo ito ng tsek at kung hindi naman lagyan

1 mo ito ng ekis.

2 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

3 GURO: Ngayong tapos na natin ang unang pagsasanay, handa na

kayo

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
19

4 para sa susunod. Ito ang pagsasanay ikalawa na nasa pahina ikasiyam

5 na pahina ng inyong modyul. Handa na ba kayo? Magsimula na tayo.

6 Iguhit ang masayang mukha kung ito ay naglalarawan sa extended

7 family at malungkot na mukha kung hindi. Handa na ba kayo?

8 Magsimula na tayo.

9 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

10 Para sa unang bilang, masayang naninirahan sa isang bahay ang

11 pamilya Rivera kasama ang lolo at lola. Ikalawang bilang, may

tatlomng

12 matatabang anak sina Mang Ramon at Aling Carmen. Ikatlong bilang,

13 walang matirahan ang tito at tita ni Marie kaya sa kanila nakatira.

Ikaapat,

14 sa amin nakatira ang mga pinsan ko. Ikalima, kami lang ng aking ina

sa

15 bahay dahil nasa ibang bansa ang aking ama.

16 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

17 Tapos na ba kayo, mga bata? Napakadali lamang ng ating

pagsasanay,

18 hindi ba? Tayo na at iwasto na natin ang inyong mga sagot. Sa unang

19 bilang, ano ang dapat nating isagot? Tama, ang tamang sagot ay

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
20

1 masayang mukha dahil ito ay nagsasabi tungkol sa extended family.

Sa

2 ikalawang bilang naman, ang tamang sagot ay malungkot na mukha

3 dahil ito ay ito ay hindi tungkol sa extended family kundi tungkol ito sa

4 two-parent family. Ano naman ang tamang sagot sa ikatlong bilang?

5 Tama, ang tamang sagot ay masayang mukha dahil ang pagkakaroon

6 ng tito at tita sa bahay ay matatawag nating extended family. At sa

7 ikaapat na bilang, ano ang tamang sagot? Tama, masayang mukha

dahil

8 kapag ikaw at ang iyong mga pinsan ay nakatira sa iisang bahay, kayo

9 ay extended family. At panghuli, ang tamang sagot malungkot na

mukha

10 dahil hindi ito ay nagsasabi tungkol sa extended family.

11 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

12 GURO: Ilan ang nakuha ninyong tamang sagot? Kung lahat ay nakuha

13 mo, napakahusay! Kung mayroon ka naming isa o dalawang mali,

14 huwag kang mag-alala dahil kailangan mo lamang itong reviewhin at

15 tandaan ang tungkol sa konsepto ng pamilya upang matutunan mo ito.

16 (HINTO) Ngayon naman ay dadako na tayo sa ikatlong pagsasanay.

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
21

17 Gumuhit sa loob ng bahay ng isang extended family. Isama mo dito

ang

18 iyong lolo, lola, tito, tita, mga pinsan at kung sino pang bahagi ng

inyong

19 pamilya. Gagamitin ang rubric na ito sa pagmamarka ng iyong awtput.

1 Makakakuha ka ng limang puntos kung malinis, maganda at maayos

ang

2 pagkakaguhit. Apat na puntos naman kung malinis at maayos ang

3 pagkakaguhit. Tatlong puntos naman ang makukuha mo kung iilan

4 lamang na miyembro ng pamilya ang naipakita sa iginuhit. Dalawang

5 puntos naman kung hindi natapos ang pagguhit at isang puntos naman

6 kung walang naiguhit.

7 30 SECONDS MUSIC

8 GURO: Magaling, mga bata! Nasagutan nyo na ang una, ikalawa at

9 ikatlong pagsasanay sa araling ito. Maraming salamat sa iyong

10 pagtiyatiyaga. At dito na nagtatapos ang ating aralin

11 para sa araw na ito. Sana ay marami kayong natutunan at napulot

12 na panibagong kaalaman mula sa araling ito. Ako muli ang iyong

13 guro sa radyo, ___________ mula sa ___________________.

14 Hanggang sa muli, paalam!

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
22

15 INFOMERCIAL 60 SECS UP CUE IN XXXXX CUE OUT XXXXX

16 TAGAPAGDALOY: Kumusta, mga bata? Marami ka bang natutunan

17 mula sa ating guro sa radyo na si ________________? Mahusay!

18 Kung gayon, saglit nating balikan ang ating aralin bago tayo

magkaroon

19 ng pangwakas na pagsubok. (HINTO) Ngayong araw ay tinalakay natin

1 sa Araling Panlipunan 1 ang patungkol konsepto ng pamilya. Ang

2 pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Mayroong isa pang uri

ng

3 pamilya bukod sa two-parent family at single-parent family. Ito ang

4 extended family na binubuo ng ama, ina, mga anak at kasama rin ang

5 lolo, lola, tiyo at tiya at mga pinsan. Kaunti o marami ang miyembro,

6 pamilya ang tawag dito.

7 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

8 Dahil dito, kayo ay handa na para sa ating pangwakas na pagsubok.

9 Tingnan ang iyong modyul sa pahina 11 at ihanda na ang iyong lapis at

10 sagutang papel. Panuto, isulat ang letrang T kung tama ang sinasabi at

11 M kung mali. Handa ka na ba? Simulan na natin. Sa unang bilang, ang

12 pamilya ay binubuo ng ama, ina at mga anak. Ikalawang bilang, hindi

13 matatawag na pamilya kung kasama ng anak ang kaniyang ina at ama.


-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
23

14 Ikatlong bilang, mga miyembro din ng pamilya ang iyong lolo at lola.

15 Ikaapat na bilang, matalik kong kaibigan si Mat. Siya ay miyembro ng

16 aming pamilya. Ikalima, ang pamilya ay laging binubuo ng maraming

17 kasapi.

18 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

19 TAGAPAGDALOY: Nagawa mo ba ang ating pangwakas na

1 pagsubok o post test? Magaling! Tayo na at iwasto na natin ang iyong

2 mga sagot sa pangwakas na pagsubok o post test. Sa unang bilang,

ano

3 ang tamang sagot? Tama, ang tamang sagot ay letrang T dahil ito ay

4 Tama. Ano naman ang tamang sagot sa ikalawang bilang? Tama ka,

5 ang tamang sagot ay letrang M dahil ito ay mali. Para naman sa

ikatlong

6 bilang, ang tamang sagot ay letrang T dahil ito rin ay tama. Ano naman

7 ang dapat nating isagot sa ikaapat na bilang? Tama, letrang M ang

sagot

8 dahil ito ay mali. At panghuli, ano ang tamang sagot? Tama ka, ang

9 sagot ay letrang M dahil ito ay mali. Marami man o kaunti ang

miyembro,

10 pamilya pa rin ang tawag sa kanila. (HINTO)

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
24

11 Ngayon naman ay bilangin mo ang tamang sagot na iyong nakuha.

12 Nakuha mo ba ang lahat ng tamang sagot? Kung oo, aba’y

napakagaling

13 mo talaga. Kung nakakuha ka na isa o dalawang mali, huwag kang

mag-

14 alala dahil maaari mo pa rin palikan ang araling ito sa iyong modyul.

15 LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

16 At para naman sa inyong karagdagang gawain, itala ang iyong mga

17 gawain sa loob ng inyong bahay.

18 EXTRO LND STINGER MSC 3 SECS UP THEN FADE UNDER

19 At dito na nagtatapos ang ating aralin para sa araw na ito. Umaasa

kami

1 na marami kang natutunan mula sa araling ito. Baunin mo ito at maaari

2 mo rin itong ibahagi sa iyong mga kaibigan at kapatid. Maraming

salamat

3 po sa inyong pakikinig at muli ninyong tunghayan ang susunod pa

nating

4 mga aralin. Sana ay lagi kayong ligtas at huwag kalilimutang

maghugas

5 lagi ng kamay. Ito ang inyong lingkod, ____________________ mula

sa

-MORE-
Konsepto ng Pamilya Aralin 1 at 2
25

6 _____________________________, kasama po ang aking mga

7 kasamahan sa himpilang ito. Maraming salamat at paalam.

8 LND: MSC UP THEN OUT

-END-

Inihanda ni:

MARIA XYLEANE B. ALFORTE


Bahay Elementary School
Libmanan North District
Scriptwriter

-MORE-

You might also like