You are on page 1of 10

1

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 3


Topic: Pagpapamalas ng pagmamahal sa lahat ng nilikha ng DIyos sa kaniyang mga biyaya.
Format: School-on-the-Air
Length: 50 minutes
Scriptwriter: MARVIE ANN B. DUMANTAY
Layunin: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 3 ay inaasahang Maipapakita ang
pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos sa kaniyang mga biyaya.
1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID
2 Magandang buhay mga masisipag at mababait na mag aaral sa ikatlong baitang
3 Gayundin sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa ating pag-aaral panghimpapawid.
4 Kumusta na kayo? Sana ang lahat ay nasa maayos na kalagayan.
5 Nagagalak kami na makasama kayong muli sa ating pag aaral sa pamamagitan ng radyo.
6 BIZ:MUSC UP & UNDER
7 Ang aking pagbati at paghanga sa inyong masidhing pagpupunyagi sa patuloy na pag-aaral sa himpapawid upang

matuto sa kabila ng hamon ng pagkakataon ang COVID – 19 Pandemic.


8 BIZ:MUSC UP & UNDER
9 Narito na naman ako ang inyong Gurong pang himpapawid Binibining

Marvie Ann B. Dumantay ang inyong guro sa ESP 3 upang samahan

at gabayan kayong maunawaan ang nilalaman ng ating aralin na pinamagatang Pagpapamalas ng Pagmamahal sa
Lahat ng Nilikha ng Diyos sa Kaniyang mga Biyaya
10 BIZ:MUSC UP & UNDER
11 Bago tayo dumako sa ating aralin ngayong araw magbalik aral muna tayo, sa ating talakayan noong nakaraang
araw. Para malaman ko kung natatandaan niyo pa ang ilan sa ating mga napag-aralan. (PAUSE)
12 Ano nga ba ang ating napag-aralan noong nakaraang talakayan? (PAUSE) Tama!
Ang ating napag-aralan ay Pagpapahalaga sa Pananampalataya at Paniniwala Patungkol sa Diyos
13 Dapat nating igalang ang mga simbolo ng relihiyon na gamit ng bawat isa sa pagdiriwang at pagsamba. Hindi
natin dapat pagtawanan ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, o ginagawa. Ang bawat isa ay malayang sundin
ang kanyang sariling paniniwala at gawaing panrelihiyon. Sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa
paniniwalang panrelihiyon ng ibang
tao mamumuhay tayong kasama ang kapwa Pilipino nang mapayapa.
14 BIZ:MUSC UP & UNDER
15 Maari niyo bang sabihin kung ang babanggitin ko ay nagpapakita ng Pagpapahalaga ng pananampalataya at
paniniwala tungkol sa Diyos. Sabihin ang Tama kung ito ay nagpapahalaga at Hindi naman kung ito ay hindi
nagpapakita ng pagpapahalaga
16 Una. Ang pagiging isang Mabuting tao ay pagsunod sa utos ng sariling relihiyon? (PAUSE) Mahusay ito ay
Tama! Nagpapakita ito ng pagpapahalaga ng pananampalataya at paniniwala tungkol sa Diyos.

TANGAN TANGAN ELEMENTARY SCHOOL


Maamot, San Jose, Tarlac
2

17 Pangalawa, Huwag na tayong mabalangin dahil hindi naman dinidinig ng DIyos ito. (PAUSE) Magaling ang
tamang sagot ay Hindi! Hindi ito nagpapakita ng pagpapahalaga ng pananampalataya at paniniwala.
18 Pangatlo, Ang sinumang may paniniwala sa Diyos ay pagpapalain. (PAUSE) Mahusay! Ang sagot ay Tama! Ito
ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pananampalataya at paniniwala tungkol sa Diyos.
19 Nagagalak ako na inyo pang natatandaan ang ating napag-aralan! At ngayon ay handang handa na kayo para sa
ating bagong aralin!
20 BIZ:MUSC UP & UNDER
21 Sa puntong ito, inaasahan ko na nasa tabi o hawak hawak niyo na ang inyong learners activity sheet, pambura at
inyong panulat.
22 Umpisahan na natin ang ating bagong aralin mga bata na may pamagat na Pagpapamalas ng Pagmamahal sa
Lahat ng Nilikha ng Diyos sa Kaniyang mga Biyaya
23 Sa puntong ito nais kong pagmasdan ninyo ang mga larawan na makikita sa pahina 1 sa Paunang Pagsubok.
Babasahin ko muna ag panuto.
Panuto: Biliugan ang larawan na nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos sa kaniyang biyaya.
24 Sa unang larawan tignan niyo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata? (PAUSE) Tama sila ay nagtatapong ng
basura sa tamang lalagyan. Sa tingin niyo mga bata ito ba ay nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos sa
kaniyang mga biyaya. Tapos na ba? (PAUSE) Mahusay!
25 Dumako naman tayo sa pangalawang larawan, ang nasa larawan ay may isang lalaki na nagpuputo ng mga puno.
Ito ba ay nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos? (PAUSE)
26 Pangatlong bilang, tignan niyo nga ang nasa larawan mga bata? Ano sa tingin niyo ang ginagawa nila? (PAUSE)
Tama sila ay naglilinis ng kapaligiran. Ito ba ay nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos? (PAUSE)
27 Pang-apat na bilang naman tayo, ANo ang nasa pang-apat na larawan? (PAUSE) Tama siya ay nag-aaksaya ng
tubig. Sa tingin niyo mga bata Ito ba ay nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos?
28 Panghuling bilang, ano ang nasa larawan mga bata. (PAUSE) Tama siya ay nagdidilig ng halaman. Ito ba ay
nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos?
29 Tapos na ba mga bata? (PAUSE) Mahusay! alamanin naman natin ang mga tamang kasagutan! Handa na ba mga
bata?
30 BIZ:MUSC UP & UNDER
31 Sa unang bilang, ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos sa kniyang mga biyaya. Kaya sa unang
bilang ay nakabilog ang larawan. Pangalawang bilang? I ito ay HINDI nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha
ng Diyos sa kaniyang mga biyaya kaya ang larawan ay hindi nakabilog. Pangatlong bilang? ito ay nagpapakita
ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos sa kniyang mga biyaya. Kaya ang larawan ay nakabilog ulit. Pang-apat na
bilang naman, ito ay HINDI nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos sa kniyang mga biyaya. Kaya ang
larawan ay hindi nakabilog. Panglimang bilang, ito ay nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos sa
kaniyang mga biyaya. Kaya ang larawan ay nakabilog.
32 BIZ:MUSC UP & UNDER
33 Tapos na ba mga bata? Inaasahan na kayo ay nakakuha ng mga tamang kasagutan. Magpatuloy tayo sa ating

TANGAN TANGAN ELEMENTARY SCHOOL


Maamot, San Jose, Tarlac
3

aralin mga bata.


34 Ang pagmamahal sa lahat ng nilikha ng Diyos sa kaniyang biyaya ay isang responsibildad ng bawat isa.
35 Nang lalangin ng Diyos ang tao , hindi lang buhay ang ibinigay niya .Nilikha rin niya ang kalikasan para sa ating
ikabubuhay. Binigay ng Diyos ang mabiyayang likas na yamang lupa , tubig at hangin.
36 Sa yamang lupa makukuha ang mga halaman ,puno , gulay at prutas na pangunahing pinagkukunan ng pagkain
ng mga tao.
37 Ang yamang tubig naman ay nagbibigay rin pagkain sa tao .Dito makikita ang mga yamang tubig tulad ng isda,
kabibe at mga perlas.
38 At ang hangin naman ay isa rin biyaya na pinagkaloob ng panginoon sa atin bilang mga tao.Dapat ang
nilalanghap na hangin ng tao ay malinis
Ito ay makukuha lang kung ang iyong kapaligiran ay malinis.
39 BIZ:MUSC UP & UNDER
40 Para sa inyong Unang Gawain. Babasahin ko muna ang panuto mga bata. Babasahin ko ng dalawang beses ang
bawat bilang pagkatapos ay bibigyan ko kayo ng limang (5) Segundo upang isulat ang inyong kasagutan. Handa
na ba mga bata? Mahusaky! Kung gayong tayo ay magsisimula na.
41 Panuto: Ano ang dapat gawin sa bawat sitwasyon?Bilugan ang titik ng may tamang sagot.
42 1. Naiwang bukas ang gripo ng iyong ate.
a. Isara ito.
b. Hahayaan ng nakabukas.
c. Antayin na ang nanay ang magsara nito.
43 2. Nangangamoy ang inyong basura.
a. Hayaang nangangamoy.
b. Itatapon mo ito sa labas.
c. Babalotin mo ito at itapon pagdating ng truck ng
basura
44 3. Tinapon ng iyong kaklase ang balat ng candy sa imburnal.
a. Gagayahin mo ito.
b. Pagsasabihan mo siya na itapon sa tamang
basurahan.
c. Hahayaan mo siyang magtapon ng magtapon
sa imburnal na inyong madadaanan.
45 4.Pinagpuputol ang mga puno sa inyong bakuran.
a. Hahayaan mo nalag putulin lahat ng puno sa
harap ng inyong bakuran.
b. Sasabihin mo sa iyong tatay na huwag putulin
ang puno dahil nagbibigay ito ng lilim kapag
mainit ang panahon.
c. Tutulungan mo ang iyong tatay sa pagputol ng
mga puno para maibenta niyo ito nga mabilis.
46 5. Tinatapon ang pagkain ng iyong kapatid kapag hindi
niya ito gusto ang lasa o hindi niya kayang ubusin.
a. Isusumbong mo ito sa iyong nanay at tatay.
b. Pagsasabihan mo ito na masama ang laging magtapon ng pagkain.
c. Lahat ng nabanggit.

TANGAN TANGAN ELEMENTARY SCHOOL


Maamot, San Jose, Tarlac
4

47 Tapos na ba mga bata? (PAUSE) Mahusay kung gayon atin nang alamin ang mga tamang kasagutan para sa
inyong unang Gawain.
48 BIZ:MUSC UP & UNDER
49 Para sa unang bilang ano ang tamang sagot? (PAUSE) mahusay ang tamang sagot ay letrang (a) Isara ang gripo
kapag ito ay naiwang bukas ng iyong ate, tandaan mga bat ana ang pagtitipid ng utbig ay isa mga pagpapakita ng
pagmamahal sa mga nilikha ng Diyos. Ang tubig ay nilikha ng Diyos kaya dapat itong tipirin at pahalagahana.
50 Sa pangalawang bilang naman ano ang tamang sagot? (PAUSE) Tama kayo ulit! Ang tamang sagot ay letrang
(c) Kapag nangangamoy na ang ating basura. Baluting ito at itapong pagdating ng truch ng basura. Hindi dapat
tayo nagtatapong ng basura kung saan saan mga bata.
51 Dumako naman tayo pangatlong bilang ano ang tamang sagot? (PAUSE) Mahusay! ang tamang sagot ay letrang
(b) Pagsasabihan mo siya na itapon sa tamang basurahan.
52 Nakakasunod ba mga bata? tayo ay dumako na sa pang-apat na bilang. Ano ang tamang sagot mga bata?
(PAUSE) Mahusay!. Ang tamang sagot ay letrang (b) Sasabihan mo ang iyong tatay na huwag putulin ang puno
sahil nagbibigay ito ng lilim kapag mainit ang panahon. Ang puno ay napakahalaga sa at maraming naitutulong
sa ating mga tao. Kaya naman dapat ito ay ating pahalagahana.
53 Sa panglimang bilang naman ano ang tamang sagot? (PAUSE) Mahusay! Ang tamang sagot ay letrang © . Hindi
dapat tayo nagsasayang ng pagkain mga bata. Dapat itong ubusin dahil ito ay biyaya ng Diyos sa atin.
54 Ayan mga bata! Binabati ko kayo dahil natapos niyo na ang inyong unang Gawain ngayong araw. Inaasahan ko
na tama lahat ng inyong nagging kasagutan. Kung hindi naman ay wag mag alalala puwedeng puwede pa kayong
bumawi sa ating susunod na Gawain.
55 BIZ:MUSC UP & UNDER
56 Para sa inyong Gawain 2. Babasahin ang maikling tula. Tukuyin ang biyayang tinutukoy sa tula, Sabay sabay
nating basahin ang tula mga bata. Pagkatapos isulat ninyo sa patlang ang inyong kasagutan.

Biyaya
( By: Miraluna A. Acosta )
Kaygandang pagmasdan
Luntiang mong kulay .
Kaysarap langhapin
Nagbibigay ng ginhawa sa akin.
Kay sarap tingnan
Ang alon mong maiingay.
Kay sarap akyatin
Ang mamatarik mong daan.
Ito ang biyayang
Bigay ng may kapal.
57 Tapos na ba mga bata? (PAUSE) Mahusay! Kung gayon atin nang alamin ang tamang kasagutan sa Gawain 2.
Anon ga ba ang biyayang tinutukoy sat ula mga bata? (PAUSE) Tama! Ang mga biyaya na tinutukoy sat ula ay

TANGAN TANGAN ELEMENTARY SCHOOL


Maamot, San Jose, Tarlac
5

ang mga yamang lupa gaya ng GUBAT o BUKURIN. Yamang tubig na DAGAT. Ang HANGIN. At ang
yamang lupa na BUNDOK.
58 BIZ:MUSC UP & UNDER
59 Ayan mga bata natapos niyo na ang inyong pangalawang Gawain. Inaasahan ko na kayong muli ay nakakuha ng
mga tamang kasagutan.
60 BIZ:MUSC UP & UNDER
61 Dumako nama tayo sa ating pangatlong Gawain. Babasahin ko uli ang panuto at sa bawat bilang ay bibigyan ko

kayo ng limang (5) Segundo upang isulat ang inyong kasagutan. Handa na ba mga bata? (PAUSE) Mahusay

kung gayon tayo ay magsisimula na!


62 Panuto: Gumuhit ng hugis bituin sa patlang kung ang kahon ay naglalaman ng mga Gawain ng pagmamahal
sa lahat ng nilikhan ng DIyos sa kaniyang mga biyaya. At ekis X naman kung hindi.
63 Unang bilang, Pagsagawa ng Clean -Up drive sa barangay. (PAUSE)
64 Pangalawang bilang, Pagsagawa ng mga Tree planting.
65 Pangatlong bilang, Pagpapanuod ng mga aralin tungkol sa Global Warming
66 Pang-apat na bilang, Pagkakaroon ng livelihood Program para magulang gamit ang mga Recycle na bagay.
67 At ang panglima, Pagbenta ng mga hayop sa ibang tulad ng pagong at iba pang hayop na malapit ng maubos.
68 Tapos na ba mga bata? (PAUSE) Mahusay! Kung gayon atin nang alamin ang mga tamang kasagutan para sa
inyong Gawain 3. .Makinig ng mabuti mga bata!

69 BIZ:MUSC UP & UNDER

70 Ano ang tamang sagot sa Unang bilang mga bata? (PAUSE) tama, ang ay bituin. Dahila ng clean up drive ay
ibig sabihin pagsasagawa ng paglilinis sa ating kapaligiran.

71 Pangalawa bilang, Pagsasagawa ng mga Tree Planting. Ito ba ay Gawain na nagpapakita ng pagmamahal sa
lahat ng nilikha ng DIyos sa mga biyaya? (PAUSE) Tama! Bituin ang tamang sagot! Ang tree planting ay isang
magandang Gawain na makakabuti sa ating kapaligiran/ Upang dumami pa ang mga puno.
72 Pangatlong bilang, Pagpapanuod ng mga araling tungkol sa Global Warming. Ano ang tamang sagot? (PAUSE)
Mahusay bituin ang tamang sagot. Makatutulong ang pagpapanuod ng mga aralin tungkol sa Global warming,
upang malaman ng mga tao ang masamang epekto ng hindi natin pangangalaga sa ating kapaligiran.
73 Pang-apat na bilang, {Pagkakaroon ng livelihood Program para sa mga magulang gamit ang mga Recycle na
bagay. Ano ang tamang sagot? (PAUSE) Mahusay bituin ulit. Ang pagrerecycle ay isa sa mga paraan para
mapahalagahan ang ating kapaligiran. Sa ganitong paraan nababawasan natin ang mga kalat at naiiwasan nating
magtapon ng mga bagay na pwede nating mapakinabanagn kapag ito ay ating nirecycle.
74 Panglima, Pagbenta ng mga hayop sa iba tulad ng pagong at iba pang hayop na malapit ng maubos. ANo ang
tamang sagot? (PAUSE) mahusay!Ang tamang sagot ay ekis! Hindi dapat tayo magbenta ng mga hayop na
malapit ng maubos, Bagkus atin silang alagaan at paramihin upang ang mga ito ay hindi maubos.
75 Ayan mga bata natapos na ang pangatlong Gawain, kayong lahat ay aking binabati! Dahil diyan bigyan niyo ang
inyong sarili ng limang malakas na palakpak!

TANGAN TANGAN ELEMENTARY SCHOOL


Maamot, San Jose, Tarlac
6

76 BIZ:MUSC UP & UNDER

77 Tandaan mga bata, Napakahalaga ng bawat likha ng Diyos. maging ito man ay ang mga tao na ating
nakakasalamuha sa ating pang-araw-araw na mga buhay o ito man ay ang mga halaman at mga hayop sa
kapaligiran. Ang buhay ng mga nilikha ng Diyos ay maikli lamang ngunit kung ang mga likha ng Diyos ay
ating pangangalagaan at iingatan ng husto, atin silang mapapanatili na maayos.

Ang mga nilikha ng DIyos ay repleksyon ng kaniyang pagmamahal sa atin. Bilang mga tagapangalaga ng
mga nilikha ng Maykapal, responsibilidad natin at obligasyon na pangalagaan bilang pagpapakita ng ating
pananampalataya sa kaniya, respeto at pagmamahal para sa ating mga kapwa at mga likha ng Diyos, at sa
gawain ding ito ay ating naipamamalas ang ating pagiging disiplinado, responsable sa ating mga kapwa likha
ng Diyos sa mundo na ito.
78 Ayan mga bata, natapos na tayo sa ating leksiyon ngayong araw. Palagi niyo sanang tandaan at isabuhay ang
ating napag-aralan.
79 BIZ:MUSC UP & UNDER
80 Kung mayroon kayong mga katanungan ay maari kayong magpadala ng sulat o di kaya ay tumawag sa saking

numero na nakasulat sa huling bahagi ng inyong Learning Activity Sheets.


81 BIZ:MUSC UP & UNDER

82 Hanggang sa muli nating pag aaral mga bata!

83 ako ang inyong teacher broadcaster sa ESP Grade 3 Binibining Marvie Ann B. Dumantay

84 Na mag iiwan ng katagang “ANG BATANG MATIYAGA SA PAG-AARAL AY MAY MAGANDANG


KINABUKASAN”
85 Salamat sa pakikinig mga bata! Hanggang sa muli. Paalam!

86 BIZ:MUSC UP THEN OUT

Prepared by:

MARVIE ANN B. DUMANTAY

Teacher/Sciptwriter

Reviewed by:

MARVIE ANN B. DUMANTAY

ESP Leader

TANGAN TANGAN ELEMENTARY SCHOOL


Maamot, San Jose, Tarlac
7

CONFORME:

RODEL B. VALDEZ

District ESP Consultant

School Head, Sta.Cruz Elementaty School

NOTED:

DR. ANNIE MICHELLE F. LAURZANO

PSDS – San Jose West District

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC
DISTRITO NG SAN JOSE WEST
Pangalan: ___________________________________ Baitang at Pangkat: ________________
Paaralan: ___________________________________ Petsa:______________________________
GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 3
Ikaapat na markahan – Pang apat na Linggo
Pagpapamalas ng pagmamahal sa lahat ng nilikha ng DIyos sa kaniyang mga biyaya.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Bilugan ang larawan na nagpapakita ng pagmamahal sa nilikha ng Diyos sa kaniyang mga biyaya

1. 2.

TANGAN TANGAN ELEMENTARY SCHOOL


Maamot, San Jose, Tarlac
8

3. 4.

5.

GAWAIN I

PANUTO: Ano ang dapat gawin sa bawat sitwasyon? Bilugan ang titik ng may tamang sagot.

1. Naiwang bukas ang gripo ng iyong ate.

a. Isara ito.
b. Hahayaan ng nakabukas.
c. Antayin na ang nanay ang magsara nito.

2. Nangangamoy ang inyong basura.

a. Hayaang nangangamoy
b. Itatapon na ito sa labas
c. Babalotin na ito at itapon pagdating ng truck ng basura

3. Tinapon ng iyong kaklase ang balat ng candy sa imburnal.

a. Gagayahin mo ito.
b. Pagsasabihan mo siya na itapon sa tamang
basurahan.
c. Hahayaan mo siyang magtapon ng magtapon
sa imburnal na inyong madadaanan.

4. Pinagpuputol ang mga puno sa inyong bakuran.

TANGAN TANGAN ELEMENTARY SCHOOL


Maamot, San Jose, Tarlac
9

a. Hahayaan mo nalag putulin lahat ng puno sa


harap ng inyong bakuran.
b. Sasabihin mo sa iyong tatay na huwag putulin
ang puno dahil nagbibigay ito ng lilim kapag
mainit ang panahon.
c. Tutulungan mo ang iyong tatay sa pagputol ng
mga puno para maibenta niyo ito nga mabilis.

5. Tinatapon ag pagkain ng iyong kapatid kapag hindi niya gusto ang lasa nito o hindi niya kayang ubusin.

a. Isusumbong mo ito sa iyong nanay at tatay


b. Pagsasabihan mo ito na masama ang laging magtapong ng pagkain
c. Lahat ng nabanggit

GAWAIN 2

PANUTO: Basahin ang maikling tula . Tukuyin ang biyayang tinutukoy sa tula.

Biyaya
( By: Miraluna A. Acosta )
Kaygandang pagmasdan
Luntiang mong kulay .
Kaysarap langhapin
Nagbibigay ng ginhawa sa akin.
Kay sarap tingnan
Ang alon mong maiingay.
Kay sarap akyatin
Ang mamatarik mong daan.
Ito ang biyayang
Bigay ng may Kapal

__________________________________________________________________________________________

GAWAIN 3:

PANUTO: Guhitan ng hugis ang patlang kung ang kahon ay naglalaman ng mga gawain ng pagmamahal sa

lahat ng nilikha ng Diyos sa kaniyang mga biyaya . At kung hindi.

TANGAN TANGAN ELEMENTARY SCHOOL


Maamot, San Jose, Tarlac
10

Pagsagawa ng Pagsagawa ng
______1. ______2.
Clean -Up drive sa barangay . Mga Tree Planting

______3. Pagpapanuod ng mga araling ______4. Pagkakaroon ng livelihood

tungkol sa Global Warming Program para sa mga magulang

gamit ang mga Recycle na bagay

Pagbenta ng mga hayop sa


______5.
ibang tulad ng pagong at iba

pag hayop na malapit ng

maubos

Prepared by:

MARVIE ANN B. DUMANTAY


Teacher-Broadcaster
0926458210

TANGAN TANGAN ELEMENTARY SCHOOL


Maamot, San Jose, Tarlac

You might also like