You are on page 1of 3

THIRD PERIODICAL TEST

ARALING PANLIPUNAN 1

Name: ___________________________________ Date:________________


Gr./Sec:_________________ Teacher:_____________

I- Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sino ang nagtuturo ng pagbasa at pagsulat sa mga bata?
a. pulis b. guro c. nars
2. Nais magpagawa ng iyong tatay ng bagong bahay, sino ang kanyang tatawagin?
a. panadero b. sapatero c. karpintero
3. ________. Ang tawag sa mananahing tumatahi ng damit pambabae.
a. modista b. sastre c. dentist
4. Anong katangian ng mag-anak para kumita?
a. pagkamasayahin b. sipag at tiyaga c. pagkamatapat
5. Ano ang isang malaking pangangailangan ng mag-anak na dapat matugunan
ng pamayanan?
a. malaking palaruan b. magagarang damit c. sapat na pagkain
6. Saang relihiyon kabilang ang karamihan ng mgaPiliino?
a. Katoliko b. Iglesia ni Kristo c. Aglipay
7. Ano ang tawag sa Diyos ng mga Muslim?
a. Bathala b. Allah c. Jehovah
8. Bilang isang katoliko, tayo ay nagsisimba. Ano ang dapat mong gawin
sa loob ng simbahan?
a. Makipagkwentuhan sa katabi
b. Makinig sa sinasabi ng pari
c. Makipaglaro sa bata
9. Alin ang nagpapakita ng pagmamahal sa Panginoon?
a. magsimba kung may bagong damit at sapatos
b. Mahalin ang kapwa katulad ng pagmamahal sa sarili
c. Makipagkwentuhan sa loob ng simbahan
10. Gumagaan ang gawain kung ito ay ___________.
a. Pinababayaang isa lang ang gumagawa
b. Pinagtutulungan
c. tinitingnan lamang
11. Pinag-aral tayo n gating mga magulang. Ito ay isa sa ating ________.
a. tungkulin b. pananagutan c. karapatan
12. Nakikilala tayo sa pamamagitan n gating ________.
a. kulay b. pangalan c. tirahan
13. Bakit dapat isilang ang bata?
a. upang mabuhay c. upang Makita ng diktor
b. upang dumami ang tao
14. Ito ay karapatan mo sa pamayanan.
a. magtanim ng halaman
b. maglinis ng kalye
c. maglaro sa palaruan
15. Karapatan ng isang bata ang tumira sa isang malinis at tahimik na
Pamayanan. Sino ang nagbibigay nito sa kanila?
a. pamilya b. paaralan c. Barangay
16. Si Joel ay isang bulag at si May ay isang pilay, ngunit hindi nila ito
Ikinahihiya. Sila ay mga batang dapat ____________.
a. pagtawanan b. tuksuhin c. hangaan
17. Karapatan ng mga bata ang magkaroon ng sapat na pagkain araw-araw.
Saan mo ito tinatamasa?
a. tahanan b. paaralan c. pamayanan
18. Ang mga ito ay iyong karapatan maliban sa isa. Tukuyin ito.
a. makapaglibang b. magkaroon ng pangalan c. mag-aral na mabuti
19. Anong ahensya ng pamahalaan ang tumitiyak na maraming bata ang
Nakapag-aaral?
a. DOH B. DSWD C. DepEd
20. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangalaga sa mga batang lansangan?
a. DOH B. DSWD C. DepEd
21. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin mo sa paaralan?
a. maghugas ng pinggan
b. mag-alaga ng anak ng guro
c. pumasok sa takdang oras
22. Karapatan ng batang katulad mo ang makapag-aral at magkaroon ng sapat
Na edukasyon. Ano ang iyong tungkulin?
a. linisin ang paaralan
b. mag-aral na mabuti
c. sumunod sa bilin ng magulang
23. Si Tina ay batang tahimik ngunit magaling magpinta, maging ang
kanyang guro ay napahanga niya sa kanyang iginuguhit. Ano ang
nararapat gawin ni Tina?
a. ikahiya ang kanyang talino sa pagpinta
b. huwag paunlarin ang kanyang kakayanan
c. paunlarin ang kakayanan at lumahok sa mga patimpalak
24. Anong ahesya ng pamahalaan ang nagbibigay ng libreng konsulta
Para sa ating kalusugan?
a. PNP b. DOH c. DSWD
25. . Anong ahesya ng pamahalaan ang nangangalaga ng katahimikan ng
ating bayan?
a. PNP b. DOH c. DSWD

You might also like