You are on page 1of 8

Date: January 12, 2022

Time: 7:30-8:00
Classifying foods or things. . . 111

Title: Polangui Radyo Eskwela sa Kindergarten


Topic: Ang aking Pamilya ay Nagbibigay ng aking Makakain
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Ma. Yvette Nadine O. Bejado
Objective: Pagkatapos ng aralin sa radyo, ang mga mag-aaral ay natutukoy ang mga pagkaing
hindi dapat kainin ng labis, nabibilang ang mga bagay at natutukoy ang katumbas na
bilang nito (1-5) at napapangkat pangkat ang magkakatulad ayon sa hugis, kulay,
katangian o gamit at nabibilang ang mga bagay.

1 BIZ; INSERT SOA PROGRAM ID

2 MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 ANCHOR: Mabuhay Polangui! Good morning (3x) greetings from the Land of Kalamay

4 Festival, Polangui Albay, Bicol Region. We are broadcasting live from the Roof

5 deck of Polangui Municipal Hall, Polangui, Albay Philippines. This is LGU

6 Polangui Radio and Internet TV 107.9 USWAG Polangui. (HINTO) Isang

7 mapagpalang umaga sa mga minamahal naming mag-aaral ng Kindergarten sa

8 bayan ng Polangui. Isa na namang umaga na punung-puno ng kaalaman at

9 karunungan ang mapakikinggan natin. Ito ang…

10 MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

11 ANCHOR: “Polangui Radyo Eskwela: Uswag Polangui! Kaagapay niyo sa Pagkatuto,

12 Walang Mahuhuli, Lahat Matututo.” Ang istasyon na magbibigay ng bagong

13 karunungan na ang Content Focus ay “Ang aking Pamilya ay Nagbibigay ng aking

14 Makakain” at ang Mensahe para sa Araw na ito ay “Ang Pamilya ay may mga

15 pagkaing hindi dapat kainin nang labis”. Kami ay muling gagabay sa inyong

16 pagkatuto sa pamamagitan ng radio and internet TV. Ako ang inyong Radio

17 Anchor, Teacher Zyrene Jay A. Barrameda ng Napo Elementary School. (HINTO)

18 Ngayong umaga, makakasama natin ulit si Teacher Yvette Nadine Bejado ng Napo

19 Elementary School upang kayo ay turuan sa pagtutukoy ng mga pagkaing hindi

20 dapat kainin ng labis. Isang malakas na palakpakan naman diyan mga bata!

(SFX:CLAPS)

-MORE-
Classifying foods or things …222

(SLIDE 1)
1
GURO: Masayang umaga mga bata! Naririto pong muli ang inyong guro na si
2
Teacher Nadine para kayo’y gabayan sa ating aralin sa Kindergarten. Pag-
3
aaralan natin sa araw na ito ang ilang pagkaing hindi dapat kainin nang
4
madalas at maaaring magdulot sa atin ng sakit. Humanap na po ng
5
komportableng lugar, maupo nang maayos, at ihanda na po ang mga
6
kakailanganing kagamitan na nabanggit naming sa inyo kahapon. (SLIDE
7
2) Ito ang mga tunay na bagay, assorted colored paper o lumang magazines,
8
bond paper, lapis, krayola at worksheets para sa aralin natin ngayon. Bago
9
tayo magpatuloy, nais ko munang kayong kumustahin! Kamusta kayo?
10
(HINTO) Nakatulog ba kayo ng maayos? (HINTO) Nag almusal na ba
11
kayo? (HINTO) Dapat laging may laman ang ating tiyan para di tayo
12
manghina. Laging masigla at handa sa lahat ng gagawin … (HINTO) handa
13
na ba kayo mga mga bata?
14
MSC UP FOR 3 SEC AND FADE UNDER
15
GURO: Very good! Bago tayo magsimula ng ating aralin, may mga salitang
16
bibigyan natin ng kahulugan o ibig sabihin upang lubos nating maunawaan.
17
(SLIDE 3) Ito ay ang mga salitang junk foods, pamatid uhaw, magdulot at
18
labis. (HINTO) Ang junk foods ay mga pagkaing nakakasama sa ating
19
katawan. Ang pamatid uhaw naman ay inumin tulad ng tubig, juice at iba
20
pang maiinom. Ang salitang magdulot naman ay nangangahulugang
21
magbigay o maging dahilan. Halimbawa, ang pagkain ng junk foods ay
22
maaaring magdulot ng masama sa ating katawan. At ang huling salita ay
23
labis, na ang ibig sabihin ay sobra. Ngayon balikan naman natin ang
24
kwentong binasa ko kahapon.
25
MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
Classifying foods or things …333

1 GURO: Naalala pa po ba ninyo ang kwentong binasa ko kahapon? Ano nga po ulit

2 ang pamagat ng kwento? (HINTO) Ang galing! Ang pamagat ng kuwento

3 na aking binasa ay “Ang Magkakaibigan sa Bukid ni Tatay Berto”

4 (HINTO) Anu-ano nga ang mga pagkaing nabanggit sa kuwento? (HINTO)

5 Sa muli, maaari po ninyong ilagay ang inyong mga kasagutan sa comment

6 box. magpatulong lamang kina Teacher Nanay/ Tatay o sa taga-gabay ninyo

7 sa bahay. (HINTO) Ang husay niyo kids. (HINTO) Ang lahat bang

8 nabanggit ay maaaring kainin nang madalas at sobra? Bakit? (HINTO) Ang

9 gagaling naman! (HINTO) Kayo po mga bata, anu-ano ang mga gusto

10 ninyong pagkain? (HINTO) Ilagay lamang po sa comment box ang inyong

11 mga kasagutan. (HINTO) Very good kids! (HINTO) Magbigay nga po

12 kayo ng halimbawa ng mga junk foods (HINTO) Ang gagaling naman.

13 (HINTO) Kumakain po ba kayo nito kids? (HINTO) Bakit po? (HINTO)

14 Tama, ito ang mga pagkaing nakakasama sa ating katawan. (SLIDE 4) Sino

15 naman po sa inyo ang mahilig kumain ng lollipops, sorbetes o ice cream, at

16 chocolates? (HINTO) Ito ay mga pagkaing matatamis na maaari ding

17 makasama sa ating katawan. (HINTO) Ano kaya ang maaaring mangyari

18 kapag madalas at sobra nating kainin ang mga junk foods at matatamis na

19 pagkain? (HINTO) Wow, ang galing naman. (HINTO) Ito ay maaaring

20 magdulot ng masama tulad ng pagkasira ng ngipin, pagkakasakit sa bato, o

21 pamamaga ng lalamunan kapag madalas at sobra natin itong kainin.

22 (HINTO) Tandaan po natin mga bata na hindi lahat ng pagkain ay may

23 mabuting dulot sa katawan. (HINTO)Wow! Ang huhusay! Palakpakan

24 natin ang ating mga sarili. (SFX: CLAPS)

25 MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

-MORE-
Classifying foods or things …444

1 GURO: Hello kids! Andyan pa po ba kayo? (HINTO) Salamat naman, sapagkat

2 magpapatuloy ang ating gawain sa araw na ito. (HINTO) Huwag kayong mag alala,

3 kayang kayang ninyo kids (HINTO) Magpatulong lamang kayo kay Teacher Nanay

4 o kay Teacher Tatay. (HINTO). Handa na po ba? Tara na! simulan natin ang ating

5 gawain. (SFX: YEHEY) Mga bata, pagmasdan ninyo ang inyong paligid.

6 (HINTO) Anu-anong bagay ang inyong nakikita? (HINTO) Sabihin niyo nga po sa

7 akin. (HINTO) Very good! (HINTO) May nakita po ba kayong bagay tulad ng

8 crayola o pangkulay? (HINTO) Salamat po. (SLIDE 5) Maaari po bang kumuha

9 kayo ng lima o five na crayons o pangkulay? (HINTO) Paalala po, magpatulong

10 tayo kina Teacher Nanay o Tatay. (HINTO) Magaling! (HINTO) Sabay-sabay po

11 nating bilangin ang mga pangkulay at crayons. (HINTO) Handa na po ba mga

12 bata? (HINTO) Tara na at magbilang tayo? (HINTO) One, two, three, four, five

13 (HINTO) Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. (HINTO) Usad, duwa, tulo, upat, lima.

14 (HINTO) Tama! Ang Galing Galing! (SFX: CLAPS) Sa inyong paligid, mayroon

15 po bang maliliit na mga bato? (SLIDE 6) Kumuha nga po kayo ng limang maliliit

16 na bato, sa tulong inyong tagagabay. (HINTO) Uulitin ko po, kumuha po kayo ng

17 limang maliliit na bato. (HINTO) Nakakuha na po ba kayo? (HINTO) Ang husay!

18 (HINTO) Ngayon, bilangin naman natin ang mga maliliit na bato na nakuha ninyo

19 (HINTO). One, two, three, four, five (HINTO) Isa, dalawa, tatlo, apat,lima.

20 (HINTO) Usad, duwa, tulo, upat, lima. (HINTO) Ang huhusay! (SFX: CLAPS)

21 MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

-MORE-
Classifying foods or things …555

1 GURO: Alam ko mga bata na mahuhusay na kayong magbilang hanggang lima.

2 (HINTO) Para naman sa di pa gaanong marunong magbilang, magpatulong

3 kina Teacher nanay, tatay o sa inyong taga-gabay sa pag-praktis ng

4 pagbibilang. (HINTO) Huwag kayong mag alala kayang kayang ninyo

5 dahil lahat tayo magtutulungan tungo sa karunungan! (SLIDE 7) Ngayon

6 naman ay kumuha kayo ng dalawang lapis at isang pambura o eraser.

7 (HINTO). Uulitin ko po, kumuha po kayo ng dalawang lapis at isang eraser

8 o pambura. (HINTO) Nakakuha na po ba? Salamat po. (HINTO) Ilagay po

9 ang mga lapis at pambura sa inyong harapan. (HINTO) Nailagay na po ba?

10 (HINTO). Pansinin po tatlong bagay sa inyong harapan? (HINTO). Alin po

11 kaya dyan ang magkatulad o magkapareho ayon sa gamit nito? (HINTO)

12 Very good, _______ (HINTO) Ang mga lapis ang magkatulad o

13 magkapareho. Dahil ginagamit natin itong panulat (HINTO) Alin naman po

14 sa tatlong bagay ang naiiba? (HINTO) Ang husay naman. (HINTO) Ang

15 naiiba sa tatlong bagay ay ang pambura o eraser. Dahil ang eraser o

16 pambura ay ginagamit sa pag-tanggal o pagbura ng nasulat mula sa papel.

17 (HINTO) Dahil ang gagaling ninyo tanggapin ninyo ang Very good clap.

18 (SFX: CLAPS)

19 MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

20 GURO: Mga SUPER KIDS, Nagustuhan po ba ninyo ang ating mga ginawa?

21 (HINTO) Magaling! (HINTO) Kanina ay talagang napahanga ninyo si

22 teacher dahil sa ipinakitang husay at galing sa pagbibilang at pagpapangkat-

23 pangkat ng mga bagay ayon sa hugis, kulay, katangian at gamit nito.

24 (HINTO) Labis na natutuwa si Teacher Nadine sa inyo.

MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

-MORE
Classifying foods or things... .666

1 GURO: Mga bata, alam nyo po ba na maari din nating pagpangkat-pangkatin

2 ang mga pagkain? (SLIDE 8) Tulad halimbawa ng pagpapangkat-pangkat

3 natin ng mga pagkaing malalamig gaya ng ice cream o sorbetes at

4 popsicles. O di kaya’y mga pagkaing mainit tulad ng sopas at lugaw

5 (HINTO) Mayroon din naming mga pagkaing matatamis tulad ng

6 chocolates at lollipops. (HINTO) Kaya na ba natin mga bata na

7 pagpangkat-pangkatin ang mga pagkain o mga bagay? (HINTO) Kayang

8 – kaya di ba? (HINTO) Magpatulong lamang kina Nanay at Tatay.

9 (HINTO) Oh mga bata , sana ay marami ang natutunan ninyo sa araw na

10 ito , na hindi lahat ng bagay o pagkain sa ating paligid ay magkakatulad o

11 magkakapareho (HINTO) Maaring nagkakaiba ito ayon sa hugis, kulay,

12 katangian at gamit nito. May mga bagay na ginagamit natin sa pang-araw

13 araw at meron naman na ginagamit lamang natin kung may okasyon.

14 Gaya rin ng may mga pagkaing magkakatulad na kulay ngunit

15 magkakaiba ang katangian nito. (SLIDE 9) Halimbawa, may mga gulay

16 na madahon tulad ng malunggay at pechay at may mga gulay na prutas

17 tulad ng talong at kamatis. (HINTO) Ngayon, handang handa na po

18 kayong sagutan ang mga pagsasanay sa module. (HINTO) Huwag pong

19 mag-alala, gagabayan po kayo ni Teacher Nanay (HINTO) Para naman

20 sa mga magulang, heto po ang konting patnubay , laging ipaalala sa mga

21 bata ang kahalagahan ng mga bagay sa ating kapaligiran upang matuto

22 silang pahalagahan at ingatan ang mga ito (HINTO). Laging tandaan na

23 maghugas ng mga kamay pagkatapos ng mga gawain upang ang sakit ay

24 maiwasan. (HINTO) Sana ay marami kayong natutunan sa araw na ito

25 (HINTO)

26 MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER


Classifying foods or things …777

1 GURO: Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong pakikinig at pagsubaybay sa

2 ating mga gawain at pagsasanay. Hanggang sa muli, Ito po si Teacher

3 Nadine na mag iiwan ng isang paalala…”Pag aaral ay pahalagahan, kahit

4 kayo ay nasa bahay lamang.” Mag ingat mga bata. Hanggang sa muli sa

5 parehong oras bukas, Paalam sa inyo mga bata!

6 MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

7 ANCHOR: Maraming salamat, Teacher Nadine ng Napo Elementary School.

8 Natapos na naman natin ang isang makabuluhang aralin. Sa araling

9 pinatnubayan ni titser Nadine, natutunan ninyo na napapangkat-pangkat ang

10 mga bagay o pagkain ayon sa hugis, kulay, katangian at gamit nito. May

11 mga bagay na ginagamit sa pang-araw araw na gawain, may mga bagay na

12 ginagamit sa paaralan, at may mga pagkaing pinapangkat-pangkat ayon sa

13 katangian nito.

14 MSC UP FOR 2 SECS AND FADE UNDER

15 ANCHOR: Para sa inyong karagdagang gawain, sagutan ang mga natitirang

16 pagsasanay sa inyong Module. Uulitin ko po, sagutan ang mga natitirang

17 pagsasanay sa inyong Module pagkatapos ng ating programa sa radyo.

18 (HINTO) Para naman sa aralin natin bukas, ihanda ang mga sumusunod na

19 kagamitan na ating kakailanganin. Ito ay ang larawan ng mga pagkain o

20 prutas, gunting, pandikit at krayola. (HINTO) Binabati ko kayong lahat sa

21 aktibong pakikilahok sa isa na namang araw na punung-puno ng kaalaman

22 at karunungan.

MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

-MORE-
Classifying foods or things…888

1 ANCHOR:Sa muli, ito po si Teacher Zyrene Jay ng Napo Elementary School, ang

2 iyong Teacher Anchor na nagsasabing, “Sarili ay laging ingatan, upang sakit

3 na lumalaganap ay maiwasan.”

4 MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

5 ANCHOR: Mula pa rin sa bulwagan ng 107.9 ng LGU Polangui, Radio and

6 Internet TV. Ito ang Polangui Radyo Eskwela: Uswag Polangui! Kaagapay

7 niyo sa Pagkatuto, walang Mahuhuli, Lahat Matututo. Paalam mga bata!

8 INSERT SONG PAALAM NA SA IYO NI TEACHER CLEO

-END -

Prepared by:

MA. YVETTE NADINE O. BEJADO


Teacher Host

Checked by:

FELISA B. BACHO
Master Teacher II

NOTED:

TRIXIE A. SANTOR
Principal I

You might also like