You are on page 1of 7

ENTRY NUMBER: 6

Title: SOA for Grade 3 ESP


Topic: Kaibigan Kong Natatangi
Program: Makinig, Matuto, at Maging Bibo
Format: School-on-the-Air
Length: 5-10 minutes
Date: January 29, 2021
Scriptwriters: REGION 2 Group
Objective Naipapakita ang malasakit sa may mga kapansanan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga palaro o larangan ng
isport, programang pampaaralan at iba pang paligsahan sa pamayanan

1 STATION ID INSERT STATION ID MSC FADE UNDER AND OUT


JINGLE
2 Radyo Bibo kasama mo sa pagkatuto
3 Aalisto, dito ay lagi kang panalo
4 Di pababayaan, palagi mong maaasahan
5 Iyong katuwang sa iyong pag-aaral
6 VO1 Radyo Bibo
7 VO2 Kasama mo sa pagkatuto
8 VO1 Halina’t maging aktibo
9 VO2 Dito sa Radyo Bibo
10 VO2 Alerto!
Kaibigan…222

1 INSERT MSC BED FADE UNDER


2 Teacher J Magandang araw mga bata? Kamusta kayo? Inaasahan

3 kong nasa mabuti kayong kalagayan.

4 Handa na ba kayo sa ating programa na Makinig, Matuto

5 at Maging Bibo?

-MORE-
6 Mabuti naman kung ganon! Matanong ko lang, natatandaan

7 pa ba ninyo ang napakinggang kuwento kahapon?

8 INSERT SFX CLAPPING

9 Magaling! Ano ang mensaheng naiwan ng magkaklaseng Ina

10 at Rica?

11 Tama! Matuto tayong tumulong sa ating kapwa may

12 kapansanan man o wala.

13 Ngayong araw ay matututunan ninyo ang pagpapakita ng

14 malasakit sa may mga kapansanan sa pamamagitan ng

15 pagbibigay ng pagkakataon upang sumali at lumahok sa mga

16 larangan ng isport, programang pampaaralan at iba pang

Kaibigan…333
1 paligsahan sa pamayanan.

2 Handa na ba kayo sa aralin natin ngayong araw?

3 Mahusay! Ako nga pala si Bb. Janey Joy ang inyong guro sa

4 himpapawid at makakasama natin ngayon ang magkaibigang

5 Jose at Ella.

6 Ella Magandang buhay! Ako si Ella. Ang batang mahilig maglaro.

7 Teacher J Laro? Tapos ka na ba sa modyul mo?

8 Ella Opo, tapos ko na po gawin lahat.


9 Jose, halika at maglaro tayo ng holen.
10 Jose Ikaw nalang muna Ella tatapusin ko lamang itong
11 aking ginuguhit.
12 Ella Para saan ba iyan at halos mapuno na din ng kulay ang
13 iyong damit.

-MORE-
14 Jose Nagsasanay akong gumuhit para sa paligsahan na gaganapin .
15 Nais kong ipakita sa lahat na kahit ako ay isang pilay marami
16 pa rin akong kayang gawin.

Kaibigan…444
1 Teacher J Tama ang iyong gagawin Jose.
2 Isa kang kahanga-hangang bata.
3 Ipagpatuloy mo ang ganyang prinsipyo sa buhay.
4 Ella Kailan ba gaganapin ang paligsahan?
5 Jose Sa susunod na Linggo na.
6 Ella Aba malapit na pala! Ano bang maaari kong itulong?
7 Jose Maaari mo ba akong samahan sa Linggo ng patimpalak?
8 Teacher J Saan ito gaganapin Jose?
9 Jose Ito po ay gaganapin sa bayan.
10 Ella Syempre naman! Sige, sasamahan kita.
11 Magpapatulong ako kay Nanay na gumawa ng placard bilang
12 pagsuporta sa iyo.
13 Jose Maraming salamat, Ella, napakabuti mong kaibigan.
14 Ella Walang anuman iyon, Jose
15 Susuportahan kita! Alam kong kayang-kaya mo iyan!

Kaibigan…555
1 Teacher J Kahanga-hanga ang mga narinig ko sa inyo mga bata.
2 Sana hanggang sa pagtanda ninyo ay ganyan katibay ang
3 inyong pagkakaibigan.
4 Ella Sige po, tara na Jose. Ituloy mo na iyong pagsasanay.

-MORE-
5 At ako na ay gagawa na ng napakagandang placard.
6 Ella at Jose Paalam, Bb. Janey Joy!
7 Teacher J O siya, mag-iingat kayo!
8 Teacher J Mga bata na ating tagapakinig, narinig ba ninyo ang usapan ng

9 magkaibigang Jose At Ella?

10 Teacher J Tungkol saan ang kanilang usapan?


11 Tama! Tungkol sa gaganaping paligsahan na gustong
12 lahukan ni Jose.
13 Ikaw, nasubukan mo na bang lumahok sa isang paligsahan?
14 INSERT SFX YEHEY
15 Mabuti! Tulad ni Jose hindi naging hadlang ang kanyang
16 kapansanan sa pagpapakita ng kanyang talent

Kaibigan…666
1 Mayroon ka din bang kaibigan na tulad ni Ella na
2 handang sumuporta?
3 Mabuti kong ganon. Ang pagmamalasakit na may kasamang
4 paggalang sa talento at kakayahanan ng mga may
5 kapansanan ay maipapamalas mo sa pagbibigay ng suporta
6 at pagkakataong maipamalas nila ito sa larangan ng
7 paligsahan, laro at iba pang programa.
8 Naunawaan ba ninyo?
9 INSERT SFX CLAPPING
10 Mahusay!
11 Mukhang handang handa na kayo sa ating maikling pagsusulit.
12 Ihanda na ang papel at lapis.
13 Magbabalik ang inyong guro pagkatapos ng paalalang ito.

-MORE-
14 INSERT INFOMERCIAL
15 INSERT MSC BED PANIC
16 NANAY Hala! Marami na namang bagong kaso ng Covid 19 dito

Kaibigan…777
1 sa Alaminos. Nakakatakot na! Paano na ang pamilya ko?
2 ang babata pa ng mga anak ko! Dapat na ba kaming
3 magpabakuna? Sabi naman sa balita available na.
4 COVID Kaibigan! Magpabakuna ka na, nakakatakot na diba?
VACCINE
5 Ako lang makatutulong sayo, kita mo oh, sa kabilang barangay
6 pito silang nagkahawaan.
7 Aantayin mo pa ba? Go na, magpabakuna ka na!
8 NANAY Kaya lang? Okay na ba talaga yon? Nakakagaling nga ba
9 talaga? Arrgh! Gulong gulo na ako. Hindi ko na alam!
10 INSERT SFX
11 VO Ang pagpapabakuna ay hindi basta basta, pag-isipang mabuti
12 upang sa huli ay walang pagsisisi!
13 Ito’y munting paalala mula sa istasyong ito.
14 INSERT BUMPER PLAY MUSIC BED UNDER
15 Teacher J At kami’y muling nagbabalik!
16 Handa na ba ang papel at lapis?
Kaibigan…888

1 Magaling! Makinig ng mabuti sa panuto.


2 Para sa inyong pagsusulit, magbibigay ako ng ilang sitwasyon.
3 Tukuyin kung alin sa mga pagpipilian ang
4 nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga may kapansanan.

-MORE-
6 Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong papel.
7 Pagkatapos ng bawat bilang, agad nating iwawasto ang inyong
8 sagot. Handa na ba ang lahat?
9 Para sa unang bilang.
10 PLAY BELL SFX THEN FADE UNDER AND OUT
11 Isa ka sa mga napiling lumahok sa paligsahan
12 ng pagguhit. Sa araw ng paligsahan, nakita mong walang
13 pagguhit ang iyong katunggaling hindi makalakad.
14 Ano ang nararapat mong gawin?
15 a. Ipapahiram mo ang extra mong lapis
16 b. Hahayaan mo lamang
17 Ano ang iyong sagot?
Kaibigan…999

1 PLAY COUNT SFX THEN FADE UNDER AND OUT


2 Tama!
3 PLAY BELL SFX THEN FADE UNDER AND OUT
4 Ang tamang sagot ay letrang A, ipapahiram mo ang
5 extra mong lapis.
6 Nakuha mo ba? Magaling!
7 PLAY CLAP SFX THEN FADE UNDER AND OUT
8 Pangalawang bilang,
9 PLAY BELL SFX THEN FADE UNDER AND OUT
10 nagkaroon kayo ng gawain sa aaralan at napansin mong
11 walang pumili sa kaklase mong walang paningin upang maging
12 parte ng kanilang grupo. Ano ang iyong gagawin?
13 a. Tatawanan dahil wala siyang kagrupo

-MORE-
14 b. Isasali siya sa inyong grupo
15 Magaling!
16 PLAY BELL SFX THEN FADE UNDER AND OUT
Kaibigan…10 10 10

1 Ang wastong sagot ay letrang B, isasali dapat siya sa


2 inyong grupo.
3 Mahusay mga bata!
4 PLAY CLAP SFX THEN FADE UNDER AND OUT
5 Ngayon ay alam niyo na ang pagbibigay ng
6 pagkakataong maipamalas ng mga may kapansanan ang
7 kanilang talent at kakayahan ay isang paraan upang
8 maipamalas natin ang ating pagmamalasakit.
9 Sana marami kayong napulot na aral ngayong araw!
10 Hanggang sa muli, paalam!
11 INSERT EXTRO FADE UNDER AND OUT

- END -

-MORE-

You might also like