You are on page 1of 7

Physical Education Baitang 1

UNANG KWARTER- Modyul 3

MODYUL 3

Most Essential Learning Competency

Recognizes the Importance of Participating in Fun and Enjoyable Physical


Activities

PE1PF-Ia-h-1

1
Kumusta, mga bata?

Alam nyo ba, ang modyul na


ito ay ginawa upang ipakilala sa inyo
ang kahalagahan ng pagsali sa mga
masasayang gawaing pisikal?
Opo, ito ay para sa inyo nang malaman
nyo kung bakit kailangan natin ng mga
masasayang gawaing pisikal.
Tara,alamin natin kung ano-ano
ang mga ito.

Tungkol nga ba saan ang modyul na ito?

Ang pag-aaralan natin ay iikot lamang sa mga layunin na:

• Natutukoy ang kahalagahan ng pagsali sa mga masasayang gawaing


pisikal
• Nakikilala ang mga masasayang gawaing pantahanan at pampaaralan
naisakikilos ang mga ito
• Nabibigyang halaga ang pagsali sa mga gawain na nagdudulot ng
kasiyahan.

Higit na madali ang ating talakayan kung alam mo ang kahulugan ng mga
salitang gagamitin natin.

Gawaing pisikal- gawaing ginagamit ang alin mang bahagi ng ating katawan

Kasiyahan- katuwaan, kaligayahan

2
Dahil alam mo na ang ating layunin, tingnan naman
natin ang iyong kaalaman sa ating pag-uusapan

Panuto: Iguhit ang mukha na nagpapakita ng angkop na damdamin sa bawat


pangyayari.

1. Binigyan ka ng regalo ng ate mo sa iyong kaarawan. ___________

2. Naglalaro ng piko si Ana,tinawag ka para sumali. ___________

3. Hindi nakikipaglaro si Anton dahil nahihiya siya. ___________

4. Masaya sina Hazel, Mica at Danah dahil sila ang nanalo sa larong habulan.____

5. Pinagtawanan ni Nono si Tino dahil natalo niya sa paglalaro ng sipa._________

Gawain 1 “ SALI TAYO!”

Panuto: Pumili ng isang awiting kilos na alam mo na.


( Halimbawa: Paa, tuhod; Kung Ikaw ay Masaya; Sampung Batang Pilipino sa tono
ng Ten Little Indians)

➢ Gawin ito nang may kasama

➢ Isakilos sa paraang mabagal, sunod ay mabilis at panghuli ay mabilis na


mabilis

Anong naramdaman mo ngayon sa iyong ginawa? Nasiyahan ka ba?


Masaya ka ba ng may kalaro?
Kapag naglalaro ang mga kalaro mo, sumasali ka ba? Bakit?

3
Gawain 2 “KILALANIN MO BABY!”

Panuto: Kilalanin ang mga gawaing masayang gawin, lagyan ng tsek


O di kaya Ekis X naman kapag malungkot ang gawain.
Isulat ito sa patlang pagkatapos ng pangungusap.
(average learners)

Halimbawa:

Naglalaro ng hulaan sina Denver at Boboy. /

❖ Magkatulong sa mga gawaing bahay ang magkakapatid. _______

❖ Naglalaro ng habulan kasali ang bunsong kapatid. ________

❖ Nagpapaluan ng walis-tingting. ________

❖ Naglalaro ng tumbang-preso kasama ang kaklase. ________

❖ Nag-aaksaya ng tubig kasama ang mga kaibigan. _________

Kaya mo ba itong gawin? Subukan ng may pag-iingat.

Gawain 3: “AWITIN MO,ISASAYAW KO!”


Panuto : Pumili ng isang masayang awitin.
Habang ito ay inaawit, sabayan ng mga sumusunod
na gawain na may kapareha : (advanced learners)

✓ Pumalakpak ng tatlong beses

4
✓ Ikembot ang beywang ng limang beses
✓ Humakbang ng tatlo sa unahan at tatlong hakbang sa hulihan
✓ Ulitin ito hanggang matapos ang tugtog

Napakahusay! Nagawa mo nang may pag-iingat ang mga gawain.

Ngayon, sagutan nang buong katapatan ang rubrics

Ilan sa mga gawain ang nagawa mo? Bigyan ng grado ang sarili sa pamamagitan ng
paglalagay ng ( x ) sa guhit na nasa loob ng kahon

Nagawa ang 11 hakbang sa Nagawa ang 10-8 hakbang Nagawa ang7-1 hakbang
pagsayaw sa pagsayaw sa pagsayaw

_________ _________ _________

Tara, gawinmo naman ito !

SARILING PAGSUSULIT

Panuto: Iguhit ang puso ( ) kung ang pangungusap ay nagsasabi ng

masayang gawain at kapag mali

▪ Paglakad nang matagal at malayo

▪ Nagtatagu-taguan sa plasa.

▪ Nagkakantahan ng usong awitin.

▪ Ayaw sumali sa laro.

5
o Naglalaro ng pitik-bulag.
Tandaan!

Kailangan nating sumali sa mga gawaing pisikal


lalo na kung ito ay makakatulong sa ating kalusgan
at pamilya.
May mga gawain sa tahanan at sa paaralan
na nakapagpapasaya sa atin.

Gawaing-Bahay

Pumili nang isang laro ng lahi,gawin ito kasama ang mga kalaro sa bahay.
Ano ang naramdaman mo pagkatapos ng laro?

GABAY SA PAGWAWASTO

Pre-Test SALI TAYO! KILALANIN AWITIN PANSARILING


MO,BABY! MO,ISASAYAW PAGSUSULIT
KO!
Masaya /
Masaya /
Malungkot X
Masaya /
malungkot /

6
REFERENCE

Curriculum Guide K-12 Basic Education Curriculum Grade 1, 2016 page 12

Inihanda ni ;
ROCHELLE B. DE VERA
Teacher lll, Basud District, Basud, Camarines Norte

You might also like