You are on page 1of 7

Page 1 of 7

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 2 Filipino


Topic: Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Nabasa/Napakinggan
Format: School-on-the-Air
Length: 15 minutes
Scriptwriter: Kristine D. Mabalos
Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 2 Filipino ay
inaasahang makasasagot sa mga tanong tungkol sa nabasa/ napakinggan.
_______________________________________________________________________________

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Magandang araw sa mga ginigiliw naming mag-aaral ng ikalawang baitang! Ito ang

4 inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino! Nagagalak kami na makasama kayo

5 sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong lingkod, si Teacher

6 Jan Mae mula sa Balingasag South District.

7 HOST: Ngunit bago natin simulan ang ating mga gagawin, siguraduhin ninyong kayo

8 ngayo’y nasa isang komportableng lugar at maayos na nakakapakinig ng ating

9 programa.

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

11 HOST: Humanda na kayo sa muling pagkatuto sa loob ng labing-limang minuto.

12 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

13 HOST: Sa puntong ito, nais kong kunin ninyo ang inyong handout para sa leksyon ukol sa

14 Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Nabasa/Napakinggan, (PAUSE) Inuulit ko,

15 ang leksyon natin ngayon ay tungkol sa Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa

16 Nabasa/Napakinggan.

17 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

-MORE-
Page 2 of 7

1 HOST: Bago natin simulan ang ating bagong leksyon, atin munang balikan ang inyong

2 mga napag-aralan.

3 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

4 HOST: Sa nakaraang aralin, natutunan ninyo ang karanasan sa pag-unawa ng

5 napakinggang teksto. (PAUSE) Sabayan ninyo akong magbasa at pagkatapos ay

6 sagutin ang mga tanong. (PAUSE) Handa na ba kayo? Simulan na natin! (PAUSE)

7 Ang Plaster ni Bong (PAUSE) Isang araw, pumasok si Bong sa klase na nakabenda

8 ang kamay. Nagtaka ang kanyangmga kaklase at unti-unting naglapitan sa kanya.

9 Anong nangyari sa iyo, Bong ?, tanong ni Annie. Plaster yan, hindi ba? Naku,

10 nabalian ka ng buto! Ang malakas na sigaw ni Tito mula sa likuran Oo, Tito. Nabali

11 ang buto ko sa braso. Nagbisikleta kasi ako sa madulas na kalsada at nadisgrasya.

12 Dapat talaga nakinig ako kay Nanay. Hindi pa sana nangyari ito, mahinang sagot ni

13 Bong. Hayaan muna, Bong. Gagaling din yan pagkatapos ng ilang buwan, sabi ni

14 Emy habang inaalalayan si Bong sa kanyang upuan. Tumahimik ang lahat nang

15 dumating si Gng Santos. Hudyat na ito ng simula ng klase. Matapos nilang

16 magdasal ay nagsalita ang guro sa lahat. “Salamat sa pag-aalala ninyo sa inyong

17 kaklase. Tulungan muna natin siya sa ilang mga gawain habang ang kamay niya ay

18 naka-plaster.” (PAUSE) Naintindihan niyo ba ang binasa niyong kuwento? Sa

19 puntong ito ay ating tuklasin ang mga damdaming ipinahayag ng bawat karakter sa

20 kuwento, (PAUSE) buksan ang inyong module sa pahina 6 at sagutin ang mga

21 tanong. (PAUSE) Simulan niyo na!

22 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS… THEN FADE UNDER

23 HOST: Nasagutan niyo ba lahat ng tanong? (PAUSE) Umaasa kaming nasagutan niyo ng

24 mahusay ang ating pagsusulit.

-MORE-
Page 3 of 7

1 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

2 HOST: Gaya ng nabanggit kanina, ang ating leksyon ngayong araw ay tungkol sa Pagsagot

3 sa mga Tanong Tungkol sa Nabasa/Napakinggan (PAUSE) Kung handa na kayo,

4 narito na si Teacher Kristine mula sa Balingasag South District.

5 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

6 RADIO TEACHER: Magandang araw mga bata mula sa ikalawang baitang! Ako ang

7 inyong guro sa Filipino 2, Teacher Kristine. Inaasahan natin na pagkatapos ng

8 leksyong ito ay kaya niyo nang masagot sa mga tanong tungkol sa

9 nabasa/napakinggan. Handan a ba kayo? Simulan na natin.

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

11 RADIO TEACHER: Kunin na ang inyong modyul 5, (PAUSE)notebook (PAUSE) at lapis.

12 Maghanda na kayo sa ating aralin. Kung maari ay katabi ninyo ngayon ang inyong

13 magulang o nakatatandang kapatid upang gagabay sa inyo sa ating aralin. (PAUSE)

14 Hand na ba kayo?

15 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

16 RADIO TEACHER: Ngayong araw, ay ating tatalakayin ang isa sa mga kuwentong

17 inihanda para mapalinang ang iyong kaisipan sa pagsagot sa komprehensibong

18 katanungan tungkol sa nabasa/napakinggang kuwento. Basahin ang kuwento na

19 nasa pahina 8 at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.

20 BIZ: MS UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

21 RADIO TEACHER: Ang Huwarang Pamilya (PAUSE) Si Mang Piolo at si Aling Cristy ay

22 may huwarang pamilya. (PAUSE) Ang kanilang mga anak na sina Arcy, Elvie,

23 Nancy, at Frank ay masisikap na mag-aaral. (PAUSE) Ang panganay na si Arcy na

-MORE-
Page 4 of 7

1 nasa Baitang VI ay nangunguna sa klase. (PAUSE) Ang kambal na sina Elvie at

2 Nancy ay masisigasig sa pagpasok, aktibo sa talakayan, at napasasali sa lahat ng

3 paligsahang pang-akademiko. (PAUSE) Ang nag-iisang lalaki na si Frank ay

4 gumagaya sa masisikap niyang mga kapatid. (PAUSE) Naitataguyod naman ang

5 kanilang pag-aaral sa pagiging masigasig ng kanilang mga magulang. (PAUSE)

6 Ang mag-asawa ay responsableng gumagabay, nagdidisiplina, at doble kayod sa

7 paghahanapbuhay para itaguyod ang edukasyon ng mga anak.(PAUSE) Ginagawa

8 nilang araw ang gabi para mapaglaanan ang pangangailangan ng pamilya. (PAUSE)

9 Kahanga-hanga ang pamilya nina Mang Piolo at Aling Cristy.

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

11 RADIO TEACHER: Naintindihan niyo ba ang kuwentong ang huwarang pamilya?

12 (PAUSE) Mahusay! Ngayon ay ating sagutin ang mga tanong base sa atong

13 binasang kuwento. Ready na? (PAUSE) Buksan ang inyong module sa pahina 9.

14 Simulan na sa pagsagot!

15 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS… THEN FADE UNDER

16 RADIO TEACHER: Nasagutan niyo ba lahat ng mga tanong? Magaling! Ilan ang inyong

17 tamang sagot? (PAUSE)

18 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

19 RADIO TEACHER: Laging tandaan na ang mahalagang detalye ay nakatutulong upang

20 masagot ang mga tanong sa pinakinggan o binasang teksto.(PAUSE) Ang hinuha

21 ay pagbibigay ng kasalukuyang nadarama, iniisip, katangian, o nangyari batay sa

22 paglalarawan ng mga detalye sa isang sitwasyon. (PAUSE) Maaring positibo o

23 negatibo. (PAUSE) Higit sa lahat natutunan din ang mga elemento ng kuwento.

24 (PAUSE) Ang mga tanong na dapat sagutin sa kuwento ay: Ang Sino, Ano, Saan,

-MORE-
Page 5 of 7

1 Kailan, Bakit at Paano. (PAUSE) Ang tanong na Sino ay tumutukoy sa tao.

2 (PAUSE) Ang Ano ay sumasagot sa bagay. (PAUSE) Ang Saan ay naglalarawan ng

3 lugar. (PAUSE) Ang Kailan ay nagsasabi ng oras o panahon. (PAUSE) Ang Bakit

4 ay para sa dahilan. (PAUSE) Ang Paano ay ginagamit sa pamamaraan.

5 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

6 RADIO TEACHER: Laging alalahanin na masasagot ang mga tanong sa kuwentong

7 napakinggan kung makikinig nang mabuti sa nagbabasa. (PAUSE) Uunawaing

8 mabuti ang kuwentong nabasa/ napakinggan. (PAUSE) Madaling matandaan ang

9 daloy ng kuwento para masagot nang tama ang mga tanong na Sino, Ano, Saan,

10 Kailan, Bakit at Paano.

11 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

12 RADIO TEACHER: Sana’y naunawaan na ninyo ang tungkol sa Pagsagot sa mga Tanong

13 Tungkol sa Nabasa/Napakinggan. Hanggang sa susunod nating leksyon, ako ang

14 inyong guro sa himpapawid, Teacher Kristine mula sa Balingasag South District.

15 Kung may hindi kayo nauunawaan, tutulungan kayo ng ating host na si Teacher Jan

16 Mae para sa recap ng ating napag-usapan. Galingan din n’yo sa ating pagsusulit

17 mamaya ha? Salamat.

18 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

19 HOST: Narinig n’yo si Teacher Kristine na guro ng Filipino. Natutunan natin sa kanya ang

20 tungkol sa Pagsagot sa mga Tanong Tungkol sa Nabasa/Napakinggan.

21 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

-MORE-
Page 6 of 7

1 HOST: Oh hindi ba? Kayang-kaya na natin ngayong masagot ang mga tanong tungkol sa

2 nabasa/napakinggan (PAUSE) Ngayong tapos na ang ating leksyon, oras na para

3 tasahin o sukatin ang ating kaalaman ukol sa aralin.

4 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

5 HOST: Kunin n’yo muna ang inyong notebook at lapis. Isulat ang inyong pangalan,

6 seksyon, at petsa ngayong araw. Ang petsa ngayon ay ika apat ng Nobyembre 2020.

7 Magaling!

8 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

9 HOST: Handa na ba kayo? Itabi na muna ang inyong mga notes at making ng mabuti. May

10 babasahin akong kuwento at sagutin niyo ang mga tanong pagkatapos. Game na?

11 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

12 HOST: Ang Kambal (PAUSE) Sina Dindo at Dante ay kambal ngunit magkaiba ang

13 kanilang ugali.(PAUSE) Mabait at masayahin si Dindo samantalang si Dante naman

14 ay matampuhin.(PAUSE) Malapit na ang kanilang kaarawan. Humiling si Dante ng

15 regalo sa ama.(PAUSE)“Itay, gusto ko po ng robot na laruan sa aking kaarawan,”

16 sabi ni Dante. (PAUSE) “Naku, anak, wala akong sapat na pera para ibili ka ng

17 ganoon. Mamasyal na lang tayo at kumain sa labas,” sagot ng ama.(PAUSE) “Opo,

18 Itay, Maganda iyon,” sang-ayon ni Dindo. (PAUSE) Sumama ang loob ni Dante

19 dahil sa sinabi ng ama.(PAUSE) Naging malungkutin si Dante hanggang sa

20 dumating ang araw ng kanilang kaarawan.(PAUSE) “Huwag ka nang malungkot,

21 Dante,” pang-aalo ni Dindo. (PAUSE) “Narito na ang regalong gusto mo. (PAUSE)

22 Ibinili kita galing sa naipon kong pera.

23 BIZ: STINGER IN

-MORE-
Page 7 of 7

1 HOST:Nakinig ba kayo ng mabuti mga bata?(pause) Magaling! Sa puntong ito ay buksan

2 ang module sa pahina 34 at piliin ang wastong sagot sa mga katanungan base sa

3 napakinggan niyong kuwento

4 BIZ: MSC UP FOR 10 SECONDS THEN UNDER

5 BIZ: MSC OUT

6 HOST: At dito nagtatapos ang ating maiksing pagsusulit. Nasagutan n’yo ba lahat ng mga

7 tanong? (PAUSE) Magaling! Tingnan niyo ang ibinigay na answer key upang

8 malaman niyo kung wasto lahat ang inyong sagot. (PAUSE)

9 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS… THEN FADE UNDER

10 HOST: Isang leksyon na naman ang ating natapos. Upang mas maunawaan at mahasa pa

11 ang inyong galing, ipagpatuloy niyo lang ang pagbasa at pagsagot sa iba pang

12 sanayang Gawain.

13 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

14 HOST: Ang susunod nating aralin ay ukol sa Pagpapalit at Pagdaragdag ng mga Tunog.

15 Siguruhing tumutok sa ating paaralang panghimpapawid tuwing Lunes, Miyerkules

16 at Biyernes. Hanggang sa muli, ako si Teacher Jan Mae mula sa Balingasag South

17 District. Laging tandaan, mag-aral nang mabuti. Ito ang susi natin tungo sa isang

18 masaganang bukas. Paaalam! Shine! Balingasag South Shine!

19 BIZ: MSC UP THEN OUT

-MORE-

You might also like