You are on page 1of 9

Title: Edu-Aksyong Filipino 7

Topic: Antas ng Wika


Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Kelvin G. Ramos
Objective: Pagkatapos ng pagsasahimpapawid, ang mga mag-aaral ay inaasahang
nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginamit sa pagsulat ng
awiting bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal) (F7WG-lla-b-7)

1. BIZ: INSERT SOA STATION ID/PROGRAM ID (see attached for the OBB)
2. BIZ: MSC UP FOR 5 SECONDS THEN FADE UNDER
3. RADIO TEACHER: Isang maaliwalas na bati sa inyo minamahal kong nasa ikapitong
4. baitang! Ito ang inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino!
5. Nagagalak kami na makasama kayo sa ating pag-aaral sa Wika at
6. Panitikan sa pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong magiging
7. guro, ___________________________mula sa ___________________.
8. BIZ: MSC UP FOR 5 SECONDS THEN UNDER

9. RADIO TEACHER: Magninilay-nilay at ihanda ang inyong sarili, sa panibagong


10. paksang ating pagtutuunan ngayong araw upang mapuno ng
11. kaalaman ang inyong kaisipan. Handa ka na bang matuto kasama
12. ako? (SFX: YES) Kung gayon ating ng umpisahan. Kunin na ninyo
13. ang inyong Learning Activity Sheet para sa Most Essential

14. Learning Competency. Ito ay makikita sa pahina sa labing-anim


15. hanggang sa pahina dalawampu’t tatlo.
-MORE-
Antas ng Wika. . . 222

1 Nakita na ba ninyo? (SFX: YES) Kung gayon tumutok at makinig


2 mabuti upang lubusan ninyong maintindihan at maunawaan ang
3 paksang ating pagtutuunan ng pansin.
4 BIZ: MSC UP FOR 5 SECONDS THEN UNDER
5 RADIO TEACHER: Ngayon ay ating balikan noong nakaraang episode ang inyong
6 inaral sa inyong Learning Activity Sheet kung mayroong
7 naitamin sa iyong pananaw ang patungkol sa paksang sariling
8 Paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda na
9 sumasalamin sa tradisyon ng mga Bisaya.
10 SFX: QUIZ SHOW SOUND EFFECTS
11 RADIO TEACHER: Ano uri ng panitikan ang inyong binasang “Ang Kataksilan ni
12 Sinogo?
13 (PAUSE FOR 3 SECONDS)
14 RADIO TEACHER: Tama! Ito ay isang uri ng akdang pampanitikang kwentong-bayan.
15 SFX: CORRECT ANSWER (https://www.youtube.com/watch?v=vSwYHLg3sN4)
16 RADIO TEACHER: Saan nagmula ang kwentong-bayang inyong nabasa?
17 (PAUSE FOR 3 SECONDS)
18 RADIO TEACHER: Mahusay! Ito ay nagmula sa kwentong-bayan sa kabisayaan.
-MORE-

Antas ng Wika. . . 333

1 RADIO TEACHER: Patungkol saan ang kwentong inyong binasa?


2 (PAUSE FOR 3 SECONDS)
3 RADIO TEACHER: Tama! Ito ay patungkol sa kataksilan ni Sinogo sapagkat kinuha
4 niya ang mahiwagang kabibe.
5 SFX: CORRECT ANSWER (https://www.youtube.com/watch?v=vSwYHLg3sN4)
6 RADIO TEACHER: Magaling! Ang kwentong-bayan na inyong binasa ay naghahatid
7 ng pagiging tapat sa isa’t isa at huwag gumawa ng ikasisira ng
8 inyong grupo o taong malapit sa iyo kagaya ng ginawa ni Sinogo
9 na nagtaksil dahilan sa gusto niyang maangkin ang
10 Mahiwagang kabibe.
11 BIZ: MSC UP FOR 5 SECONDS THEN UNDER
12 RADIO TEACHER: Tila ba’y marami kayong napulot na aral at impormasyon batay
13 sa inyong binasa o batay sa paksang tinalakay noong nakaraan.
14 Kaya naman siguradong-sigurado na handa na naman kayo sa
15 araling ating pagtutuunan ng pansin. Handa na ba kayo?
16 SFX: APPLAUSE
17 RADIO TEACHER: Kung handa na kayo magpapatuloy tayo. Siguradong
18 mapupukaw ang inyong interes sa ating aralin.
19 SFX: PING
20 RADIO TEACHER: Ang wika ay tulay tungo sa pagkakaintindihan ng bawat isa. Mula
-MORE-
Antas ng Wika. . . 444

1 ito sa pinagsama-samang makabuluhang-tunog, simbolo, at


2 tuntunin ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng
3 kahulugan o kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-
4 usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa. Nagkakaintidihan
5 tayo, nakikipagpalitan ng pananaw o kuro-kuro,
6 opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga
7 mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalita man
8 o pasulat gamit ang wika
9 BIZ: MSC UP FOR 5 SECONDS THEN UNDER
10 RADIO TEACHER: Napakahalaga ang wika sapagkat ito ay madalas nating ginagamit
11 sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Nakabubuo tayo ng
12 salita, dahil sa impluwensiya ng ating napapanood,
13 nakasasalamuha o napapakikinggan.
14 BIZ: MSC UP FOR 5 SECONDS THEN UNDER
15 RADIO TEACHER: At iyan ay may kaugnayan sa araling ating tatalakayin ngayong
16 araw. Sapagkat susuriin natin ang awiting bayan na may
17 pinamagatang Dalagang Pilipina at Bebot. Aalamin natin kung
18 alin sa dalawa ang gumamit ng pormal o di pormal na salita
19 na isang katangian ng wika, at ang antas o lebel ng wika. Ngunit
ano
20 ba ang pormal at di pormal na salita? Ano ano ang bumubuo
-MORE-
Antas ng Wika. . . 555

1 sa pormal na salita? Ano ano naman ang bumubuo sa di-


2 pormal na salita?
3 SFX: PING
4 RADIO TEACHER: Ang pormal na salita ay mga salitang istandard dahil ang mga
5 ito ay ginagamit ng karamihan ng mga mag-aaral sa wika.
6 Ito ang mga ginagamit sa mga paaralan, opisina, panayam,
7 seminar, at ng mga taong nakapag-aral.
8 Iparinig ang talumpati ni Isko Moreno. (kahit bahagi lang)
9 https://www.youtube.com/watch?v=_dp5Grxs00w . Suriin
10 ang talumpati ni Isko Moreno.
11 SFX: PING
12 Tama! Gumamit ng Pormal na salita si Isko. Magbigay pa ng
13 halimbawa.
14 SFX: PING
15 RADIO TEACHER: Magaling! Maybahay, Ama at Ina, at Salapi.
16 SFX: PING
17 RADIO TEACHER: Tama! Ito ay madalas nating ginagamit sa
18 pakikipagtalastasan, lalong lalo na sa paaralan , opisina at iba
19 pa.
20 SFX: PING
21 RADIO TEACHER: Ang salitang impormal o di pormal ay mga salitang
-MORE-
Antas ng Wika. . . 666
1 karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o
2 kaibigan. Ito ay dahil sa impluwensiya ng ating lipunang
3 ginagalawan na nakabubuo ng mga panibagong mga salita.
4 Isa-isahin nga natin ang mga di pormal na salita.
5 SFX: PING
6 RADIO TEACHER: Magaling! Balbal. Ano ang balbal?
7 SFX: PING
8 BIZ: MSC UP FOR 5 SECONDS THEN FADE UNDER
9 RADIO TEACHER: Tama! Ang balbal (slang) ang tawag sa salitang karaniwang
10 ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kalye kaya’t madalas itong

11 Tawaging salitang kanto o salitang kalye. Magbigay ng


12 halimbawa.
13 BIZ: MSC UP FOR 5 SECONDS THEN FADE UNDER
14 RADIO TEACHER: Magaling! Bagets na may katumbas na kabataan, Datung-pera,
15 Sikyu-guwardiya, lespu-pulis, ermat-nanay, utol-kapatid.
16 SFX: PING
17 RADIO TEACHER: Maliban sa nabanggit, ano pa ang halimbawa ng balbal. Tama!
18 Erpat-tatay, yosi-sigarilyo.
19 SFX: PING
20 RADIO TEACHER: Ano naman ang kolokyal? Ang kolokyal ay isa pang uri ng
-MORE-
Antas ng Wika. . . 777

1 salitang di pormal na ginagamit sa pang-araw-araw na


2 pakikipag-usap. Madalas na ginagamitan ng pampaikli
3 o pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita
4 o kaya’y mapagsama ang dalawang salita.
5 SFX: PING
6 RADIO TEACHER: Narito ang ilang halimbawa ng kolokyal. Pa’no-paano, pre’-pare
7 Te’ na-tara na, kelan-kailan, meron-mayroon, nasan-nasaan
8 SFX: PING
9 RADIO TEACHER: Naiintindihan ba ninyo? (SFX: Yes) Kung gayun magpapatuloy
10 Tayo. Ano naman ang lalawigan? Ang lalawiganin ay mga
11 Salitang ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o kaya ay sa
12 isang partikular na pook kung saan nagmumula o kilala ang
13 wika. Ito ay may kakaibang tono o bigkas.
14 SFX: PING
15 RADIO TEACHER: Sa madaling salita, ito ang mga salitang karaniwang salitain o
16 diyalekto ng mga katutubo sa lalawigan gaya ng Ilocano,
17 Cebuano, Batangueno at iba pa na may tatak-lalawiganin
18 sa kanilang pagsasalita.
19 SFX: PING
20 RADIO TEACHER: Isa din, isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang punto
-MORE-
Antas ng Wika. . . 888

1 o accent.
2 SFX: PING
3 RADIO TEACHER: Magbigay nga ng halimbawa ng lalawiganin.
4 SFX: PING
5 RADIO TEACHER: Tama! Ambot mula sa salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay
6 Ewan, Kaon salitang Bisaya na ang ibig sabihin ay kain, Biag
7 Salitag Ilocano na ang ibig sabihin ay buhay, Ngarud mula sa
8 Salitang Ilocano na katumbas ng katagang “nga”
9 SFX: PING
10 RADIO TEACHER: Naiintindihan ba ninyo? (SFX: Yes)
11 SFX: PING
12 RADIO TEACHER: Ngayon ay ating pagtuunan ng pansin ang dalawang awiting
13 Bayan. Iparinig ang awiting-bayang Bebot
14 https://www.youtube.com/watch?v=wESgcExetso at ang
15 Dalagang Pilipina
16 https://www.youtube.com/watch?v=SIhKnIL_2tk (Kahit
17 bahagi lamang). Paano nagkaiiba ang dalawang awiting bayan
18 sa paraan ng pagkakagamit ng salita.
19 SFX: PING
20 RADIO TEACHER: Nasusundan ba ninyo ako? Kung ano ang pinagkaiba ng
-MORE-
Antas ng Wika. . . 999

1 dalawang awiting bayan na Bebot at ang Dalagang Pilipina?


2 SFX: PING
3 RADIO TEACHER: Mahusay! Nagkakaiba ito sa paraan ng salitang ginamit sa loob
4 ng isang awiting bayan. Ang awiting “ Ang Dalagang Pilipina”
5 ay gumamit ng pormal samantalang ang “Bebot” naman ay
6 gumamit naman ng di pormal na wikain.
7 SFX: PING (https://www.youtube.com/watch?v=hz5VoHQDl_g)
8 RADIO TEACHER: Naintindihan ba ninyo? (SFX: Yes)
9 (PAUSE)
10 RADIO TEACHER: Kung ating susuriin ang salitang bebot ay nangangahulugan na
11 dalaga, ibig sabihin ang salitang bebot ay binuo lamang ng
12 grupo upang bigyan ng panibagong kahulugan ang dalaga.
13 Kung magkagayon, atin nabanggit kanina na pormal ang
14 Salitang “Dalaga” at di pormal naman ang salitang “Bebot”
15 SFX: PING
16 RADIO TEACHER: Naiintindihan na ba ninyo? Kung gayon, ating babaliktanawin
17 susukatin ang inyong kaalaman batay sa inyong napakinggan
18 kanina upang lubusan ninyong maintindihan ang ating
19 tinalakay. Ano ang wika? Ano ang dalawang antas ng wika?
20 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER
-MORE-
Antas ng Wika. . . 101010

1. RADIO TEACHER: Napakagaling! Ang wika ay instrumento sa mabisang


2 Pakikipag-ugnayan at pakikipagkomunikasyon sa bawat isa.
3 Tama! Ang dalawang antas o lebel ng wika ay ang pormal
4 di pormal na salita.
5 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER
6 RADIO TEACHER: Mahusay! Ang pormal ay mga salitang istandard dahil ang
7 mga ito ay ginagamit ng karamihan ng mga mag-aaral sa wika.
8 Ito ay kinapapalooban ng pambansa at pampanitikan
9 halimbawa nito ay maybahay, waswit o mas kilala na Jowa,
10 ama at ina sahalip na ermat at erpat, salapi sa halip na datung
11 samantalang ang di-pormal na wika ay mga salitang
12 karaniwang ginagamit sa pakikipag-usap sa mga kakilala o
13 kaibigan. Ito ay kinapapalooban ng balbal, kolokyal at

lalawigan.
14 SFX: TIME’S UP
15 RADIO TEACHER: Mahusay! Ano ang balbal? Magbigay nga ng halimbawa nito.
16 Ang balbal ay ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit
17 sa mga kalye kaya’t madalas na tinatawag ding salitang kanto
18 o salitang kalye. Halimbawa nito ay Datung na may katumbas
19 pera. Napakagaling! Tila ba’y nauunawaan ninyo ang ating
-MORE-
Antas ng Wika. . . 111111
1 tinalakay kanina. Magpapatuloy tayo!
2 SFX: PING
3 RADIO TEACHER: Tumpak! Ang kolokyal naman ay isa pang uri ng di pormal
4 na salita. Ito ay madalas na ginagamitan ng pagpapaikli o
5 pagkakaltas ng ilang titik sa salita upang mapaikli ang salita o
6 Kaya’y mapagsama ang dalawang salita. Halimbawa nito ay
7 Pa’no mula sa paano, p’re mula sa pare at te’na mula sa tara na.
8 SFX: PING
9 RADIO TEACHER: Magaling! Ang lalawiganin naman ay mga salitang karaniwang
10 ginagamit sa mga lalawigan o probinsiya o kaya’y partikular na
11 pook kung saan nagmula o kilala ang wika. Kapansin-pansing
12 ang mga lalawiganing salita ay may taglay na kakaibang tono
13 o bigkas na maaaring magbigay ng ibang kahulugan dito
14 Halimbawa nito ay ambot mula sa salitang Bisaya na ibig
15 sabihin ay ewan, kaon mula sa salitang bisaya na ibig sabihin
16 ay kain, biag mula sa salitang Ilocano na ibig sabihin ay buhay
17 at ngarud mula sa salitang Ilocano na katumbas ng katagang
18 nga.
19 SFX: PING
20 RADIO TEACHER: Ano ang pinagkaiba ng awiting bebot at ang Dalagang Pilipina?
21 SFX: PING
-MORE-
Antas ng Wika. . . 121212

1 RADIO TEACHER: Tama! Nagkakaiba ito sa paaran ng salitang ginamit. Ang bebot
2 ay gumamit ng di pormal samantalang ang Dalagang Pilipina
3 ay gumamit naman ng salitang pormal.
4 SFX: PING
5 RADIO TEACHER: Naiintindihan na ba ninyo? (SFX: YES) Magaling mga mag-
6 aaral. Alam kong marami na naman kayong napulot sa araling
7 ating natalakay ngayong araw.
8 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER
9 RADIO TEACHER: Ngayon tapos na an gating aralin, oras na para tayahin o
10 sukatin ang inyong kaalaman ukol sa paksang aralin na ating
11 natalakay.
12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER
13 RADIO TECHER: Kuhanin n’yo na mula sa inyong kits ang quiz form. Punan n’yo
14 ang mga puwang na kinakailangan. Isulat ang inyong
15 pangalan, seksyon, at petsa ngayong araw. Huwag ding
16 Kalimutang isulat ang bilang ng aralin kung para saan ang
17 Maikling pagsusulit na ito. Aralin bilang ___ang inyong
18 isulat. (PAUSE) ‘Yan, tama ‘yan!
19 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER
20 BIZ: MSC UP AND THEN OUT
21 RADIO TEACHER: 1. Handa ka na ba? Kung handa ka na, ihanda ang inyong sarili
22 upang mas lalo mong maintindihan ang mga katanungan at
-MORE-
Antas ng Wika. . . 131313
1 Masagutan mo ito ng tama. Mayroon lamang akong limang
2 Katanungan.
3 BIZ: STINGER IN
4 RADIO TEACHER: Para sa una hanggang pangatlong tanong, tukuyin ang salitang
5 nakadiin sa loob ng pahayag o pangungusap kung pormal o
6 di pormal na salita. (Uulitin ko!), Para sa una hanggang
7 pangatlong tanong, tukuyin ang salitang nakadiin sa loob ng
8 pangungusap kung pormal o di pormal na salita. Para sa
9 unang pahayag o pangungusap. Masaya ang tipar kina Jun
10 kagabi. Ang salitang nakadiin sa pangungusap ay tipar.
11 (Uulitin ko!) Masaya ang tipar kina Jun kagabi. Ang salitang
12 nakadiin sa pangungusap ay tipar. Pangalawa; Wala pa akong
13 datung, pare. Ang salitang nakadiin sa pangungusap ay
14 datung. (Uulitin ko!) Pangalawa; Wala pa akong datung, pare.
15 Ang salitang nakadiin sa pangungusap ay datung. Pangatlo;
16 Sinita pa ako ng pulis sa may kanto pag-uwi. Ang salitang
17 nakadiin sa pangungusap ay pulis. (Uulitin ko!) Pangatlo; Sinita
18 pa ako ng pulis sa may kanto pag-uwi ko. Ang salitang
19 nakadiin sa pangungusap ay pulis.
20 RADIO TEACHER: Para sa pang-apat hanggang panlimang tanong, tukuyin kung
21 ang salitang nasalungguhitan sa loob ng pangungusap o
- MORE -
Antas ng Wika. . . 141414
1 pahayag ay BALBAL, KOLOKYAL o LALAWIGANIN.
2 Pang-apat; May sakit si erpat kaya’t kailangan kong bantayan.
3 Ang salitang nasalungguhitan ay erpat. (Uulitin ko!)
4 Pang-apat; May sakit si erpat kaya’t kailangan kong bantayan.
5 Ang salitang nasalungguhitan ay erpat. Panlima; O sige,
6 mangan tayon. Magdasal muna ang lahat. Ang salitang
7 nasalungguhitan ay mangan tayon. (Uulitin ko!) Panlima; O
8 sige, mangan tayon. Magdasal muna ang lahat. Ang salitang
9 nasalungguhitan ay mangan tayon.
10 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER
11 RADIO TEACHER: Dyan na nagtatapos ang ating maikling pagsusulit. Nasagutan
12 ba ninyo ang lahat ng mga katanungan? (SFX: YES) Kung gayon
13 ay atin nang iwawasto ang ating maikling pagsusulit kanina.
14 Para sa unang pangungusap ang salitang nakadiin ay tipar. Ito
15 di pormal na salita. Pangalawa; Ang salitang nakadiin ay
16 datung, ito ay di pormal na salita. Pangatlo; Ang salitang
17 nakadiin ay pulis, ito ay pormal na salita. Marami na ba kayong
18 nakuha? Dako tayo sa pang-apat na tanong, ang salitang
19 nasalungguhitan ay erpat, ito ay balbal at ang panlima; ang
20 salitang nasalungguhitan ay mangan tayon, ito ay nasa di
21 pormal na salitang lalawiganin.
- MORE –

Antas ng Wika. . . 151515


1 BIZ: MSC UP (BACKGROUN MUSIC) FOR 3 SECONDS THEN FADE UNDER
2 RADIO TEACHER: Marami ba kayong nasagutan? Magaling mga mag-aaral. Dyan
3 na nagtatapos ang ating aralin. Tandaan mahalagang
4 matutuhan ang bawat wikang ating binibitiwan sapagkat
5 hindi natin alam na itong mga salitang ito ay pormal o di
6 pormal na wikain. At kung may katunungan pa kayo ay huwag
7 mahihiyang magtanong sa inyong guro sa Filipino.
8 BIZ: MSC OUT
9 RADIO TEACHER: Isang aralin na naman ang matagumpay nating natapos.
10 Umaasa ako na sana’y marami kayong napulot na kaalaman
11 sa ating araling natalakay. At upang mas lalo ninyong
12 Maintindihan ang aralin kanina ay unawain din ang binigay na
13 Learning Activity Sheet para sa karagdagan ng inyong mga
14 Kaalaman.
15 BIZ: MSC UP FOR 3 SECONDS THEN FADE UNDER
16 RADIO TEACHER: Hanggang sa susunod, ako ang inyong naging guro sa radyo
17 ___________________, sa ngalan ng aming scriptwriter na si G.
18 Kelvin G. Ramos at nang buong RBI production team, nag
19 iiwan po kami ng isang mapagpalang araw sa inyong lahat at
20 laging tandaan, ang pag-aaral at pagsisikap ay daan upang
21 pangarap ay makamtam. Hanggang sa muli. Paalam.
- MORE –

Antas ng Wika. . . 161616


1 MSC FADE UP FOR 5 SECONDS THEN FADE OUT
2 INSERT CBB (see attached for the CBB)

- END-

You might also like