You are on page 1of 15

Title: Paaralang Panghimpapawid sa Arts – Ikalawang Baitang

Topic: Iba’t ibang Hugis at Kulay

Format: School-on-the-Air

Length: 30 minutes

Scriptwriter: Alpha Grace S. Balois

Layunin:

Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 2 Arts ay inaasahang:

1. matukoy ang iba’t ibang hugis at kulay sa nasabing kwento; at

2. magamit ang iba’t ibang kulay sa pagguhit ng hugis.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Magandang araw sa mga ginigiliw naming estudyante ng ikalawang baitang! Ito ang

4 inyong paaralang panghimpapawid sa Arts! Nagagagalak kami na makasama kayo sa ating

5 pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong lingkod, (pangalan ng guro) mula sa

6 (School, District, Division).

7 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

8 HOST: Siguruhin ninyong kayo ngayo’y nasa isang komportableng lugar at maayos na

9 nakakapakinig ng ating broadcast. (PAUSE) Kumusta kayo, mga bata? (PAUSE) Sana ay

10 nakakain na kayo at nasa komportableng lugar upang maunawaan ninyo nang maigi ang

11 ating leksyon sa umagang ito.

-MORE-
Iba’t Ibang… 222

1 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

2 HOST: Ngayon, nais kong kunin ninyo ang inyong modyul sa Arts tungkol sa Iba’t Ibang

3 Hugis at Kulay. Inuulit ko, ang leksyon natin ngayo’y tungkol sa Iba’t Ibang Hugis at Kulay.

4 Dali, kunin n’yo na ang inyong handout!

5 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

-MORE-
Iba’t Ibang… 333

1 HOST: Bago natin simulan ang bago nating leksyon, halina’t alalahanin ang inaral natin

2 kahapon. (REVIEW OF PREVIOUS LESSON)

3 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

4 HOST: Sana’y naalala pa ninyong lahat ang mga iyon ha? Ngayon naman, sagutan natin

5 ang mga tanong sa pagsusulit kahapon. Natatandaan nyo pa ba ang mga isinagot ninyo?

6 (PAUSE) Kunin ninyo ang kopya ng mga sagot kahapon at tingnan natin kung ilan ang

7 inyong mga tamang sagot! Halina at simulan na natin ang pagwawasto sa mga sagot.

8 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

9 HOST: Para sa unang tanong… (REVEAL ANSWERS TO PREVIOUS QUIZ)

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

11 HOST: Halina at bilangin natin ang inyong mga tamang sagot! (PAUSE) Sana ay nasagutan

12 n’yo nang mahusay ang naging pagsusulit. Mamaya, may maikling pagsusulit ulit tayo.

13 Tiyak na masasagutan n’yo ito nang mabuti basta’t makikinig kayo sa ating leksyon.

14 (PAUSE) Sinu-sino kaya ang nakakuha ng matataas na puntos? Alamin natin!

15 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

16 HOST: Narito na ang mga topnotchers sa ating maikling pagsusulit kahapon.

17 (ANNOUNCEMENT). Binabati ko kayong lahat! Sa mga hindi naman napasama ngayon,

18 may pagkakataon pa kayo na bumawi ngayon! Halina at galingan pa nating lalo!

19 BIZ: MSC OUT

-MORE-
Iba’t Ibang… 444

1 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXXXX THEN CUE OUT: XXXXXX)

2 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3 HOST: Handa na ba kayo na matuto sa umagang ito? (PAUSE) Sa ilang saglit lang ay

4 ihahatid na sa atin ng atin ni Teacher A ang panibagong leksyon para sa umagang ito.

5 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

6 HOST: Katulad ng sinabi ko kanina, ang ating leksyon ngayong umaga ay tungkol sa Iba’t

7 Ibang Hugis! Kunin n’yo na ang inyong handout tungkol dito upang masundan n’yo ang

8 ating radio teacher na si Teacher A (PAUSE) Kung handa na kayo, narito na si Teacher A

9 mula sa School, District, Division. Sa lahat ng nasa ikalawang baitang, ito na po ang ating

10 aralin bilang anim.

11 BIZ: MSC SEGUE TO

12 BIZ: LESSON ID

13 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
Iba’t Ibang… 555

1 RADIO TEACHER: Magandang umaga mga bata sa ikalawang baitang! Ako si Teacher A at

2 ngayong umaga, matututunan ninyo ang Iba’t Ibang mga Hugis at Kulay. Inaasahan natin

3 na pagkatapos ng leksyong ito ay kaya n’yo nang tukuyin ang iba’t ibang hugis at kulay sa

4 ating kwento. Handa na ba kayo?

5 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

6 RADIO TEACHER: Kunin nyo na ang inyong modyul. Ihanda ang lapis at papel at

7 magsisimula na tayo!

8 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
Iba’t Ibang… 666

1 RADIO TEACHER: Ang ating tatalakayin ay ang iba’t ibang hugis at kulay na nakapaloob sa

2 ating kwento. Ang lahat ng mga bagay ay may kani-kaniyang hugis at kulay.

3 Ito ang nagbibigay ng naiibang katangian sa bawat bagay sa ating paligid.

4 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

5 Para sa ating unang hugis, ang parisukat ay may apat na sulok at apat na gilid. Ang mga

6 halimbawa nito ay panyo at mesa.

7 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

8 Sa ikalawang pahina ng inyong modyul, samahan ninyo akong hanapin ang mga bagay na

9 may parisukat na hugis!

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

11 Tama! Parisukat ang hugis ng bintana ng bahay!

12 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

13 Ang bilog naman ay linyang paikot sa sentro at nagtatagpo sa tuldok na pinagmulan.

14 Ang halimabawa nito ay ang pinggan at ang gulong ng sasakyan!

15 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

16 Muli tignan ninyo ang page 2 at hanapin natin ang mga bagay na hugis bilog.

17 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

18 Tama! Bilog ang gitnang bahagi ng bulaklak at bilog din ang sombrero.

19 Ang tatsulok ay may tatlong gilid at may tatlong sulok. Sa tatlong sulok na ito nagtatagpo

20 ang mga linya. Karaniwang halimbawa nito ang hanger at ang pamaypay.

21 Tignan ninyong muli ang inyong modyul at hanapin ang mga bagay na tatsulok.

-MORE-
Iba’t Ibang… 777

1 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

2 Tatsulok ang bubong ng bahay at tatsulok din ang bulkan. Tama ba ang inyong mga sagot?

3 Natutuwa kami na natutukoy natin ang mga hugis!

4 Dumako tayo sa ikaapat at huling hugis!

5 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

6 Ang parihaba ay pinahabang parisukat at magkatulad ang haba ng magkatapat na

7 dalawang pares na linya. Ang aklat at kama ay may parihabang hugis!

8 Tumingin muli kayo sa inyong modyul at hanapin ang mga bagay na hugis parihaba.

9 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

10 Tama! Parihaba ang hugis ng pinto.

11 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

12 RADIO Sige nga, sabayan ninyo ako at ulitin natin ang apat na hugis na ating inaral. Una, parisukat

TEACHER: (PAUSE) Pangalawa, bilog. (PAUSE) Pangatlo, tatsulok. (PAUSE) At pang-apat, parihaba.

13 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

14 RADIO Ngayon, samahan ninyo akong tuklasin ang iba’t ibang mga kulay pati

TEACHER:

15 ang damdamin na nakapaloob sa bawat kulay.

16 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

17 Ang lahat ng mga bagay ay may kani-kaniyang kulay. Kung walang kulay ay parang

18 walang buhay ang paligid. Ang pula ay nangangahulugan ng kasayahan, himagsikan at

-MORE-
Iba’t Ibang… 888

1 RADIO TEACHER: Ano ang kahulugan ng kulay pula? (PAUSE) Oo! Ito ay kulay para sa

2 kasayahan, himagsikan at katapangan.

3 Ang asul o bughaw na kulay ng kalangitan ay tungkol sa kapayapaan,

4 kalungkutan, katapatan, at pag-iingat. (PAUSE) Ang luntian na kulay ng mga 8aharl ay

5 nagpapahayag ng pagkasariwa, pagiging tapat, mapayapa, matatag at matuwid. (PAUSE)

6 Sino sa inyo ang may paboritong kulay sa dilaw? (PAUSE) Alam ba ninyo na ang

7 damdaming ipinapahayag nito ay pagiging matalino, matatakutin, manlilinlang,

8 o seloso? (PAUSE) Ang itim naman ay nangangahulugang kalungkutan, kasamaan, o

9 pagkalumbay. Kaya pala napakadilim ng kulay na ito! (PAUSE) Ang rosas na paborito ko

10 naman ay kulay ng pag-ibig! (PAUSE) Pagiging malinis at mapagkakatiwalaan naman ang

11 damdamin na hatid ng puti. (PAUSE) At panghuli, ang lila ay kulay ng 8aharlika, mayaman,

12 at marangal.

13 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
Iba’t Ibang… 999

1 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

2 RADIO TEACHER: Isa-isahin natin ang mga kulay! (PAUSE) Ang kulay ng kasayahan,

3 himagsikan at katapangan ay pula. (PAUSE) Asul ang kulay ng kapayapaan, kalungkutan,

4 katapatan, at pag-iingat. (PAUSE) Luntian naman ang kulay ng sariwa, tapat, payapa,

5 matatag at matuwid. (PAUSE) Ang kulay na nagpapahayag ng pagiging matalino,

6 matatakutin, manlilinlang, o seloso ay dilaw. (PAUSE) Itim ang para sa kalungkutan,

7 kasamaan at pagkalumbay. (PAUSE) Ang rosas ay kulay ng pag-ibig. (PAUSE) Ang puti ay

8 kulay ng pagiging malinis, at mapagkakatiwalaan. (PAUSE) Panghuli, lila ang kulay ng mga

9 maharlika, mayaman, at marangal.

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

11 RADIO TEACHER: Tignan ninyo ang ikaapat na pahina ng inyong modyul at samahan ninyo

12 akong basahin ang kwento.

13 HOST: May magkaibigan na palaging naglalaro at nagpapagalingan. Si Anna na palaging

14 pinagmamalaki ang taglay niyang kagalingan sa pagguhit ng iba’t ibang hugis at si Bea

15 naman na may talento sa iba’t ibang pang-akit na kulay. Isang umaga tinawag ni Anna si

16 Bea upang maglaro at magpakitang gilas. Nagsimulang gumuhit si Anna ng parisukat,

17 tatsulok, parihaba at bilog. Namangha si Bea at hindi nagpatalo kaya naman sinimulan

18 niyang kulayan ang mga hugis na iginuhit ni Bea. Kulay dilaw para sa parisukat, pula sa

19 tatsulok, berde sa parihaba, at asul sa naman sa bilog.

20 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

-MORE-
Iba’t Ibang… 101010

1 RADIO TEACHER: Base sa kwentong iyong nabasa, sino ang may taglay na kagalingan

2 Sa pagguhit ng mga hugis? (PAUSE) Tama! Si Anna ay may taglay na kagalingan sa pagguhit

3 ng iba’t ibang hugis. (PAUSE) Sino naman ang may talent sa iba’t ibang pang-akit na

4 kulay? (PAUSE) Tama ulit! Si Bea ay mat talentong taglay sa pagkulay. (PAUSE) Gumuhit

5 si Anna ng apat na hugis. Anu-ano ang mga ito? (PAUSE) Gumuhit si Anna ng parisukat,

6 tatsulok, parihaba at bilog. (PAUSE) Kinulayan ni Bea ang mga hugis na iginuhit ng

7 kanyang kaibigan. Anong kulay ang ginamit niya sa parisukat? (PAUSE) Kinulayan nya ito

8 ng dilaw. (PAUSE) Ano ang maging kulay ng tatsulok? (PAUSE) Tama! Pula ang tatsulok.

9 (PAUSE) Anong hugis ang kinulayan ni Bea ng berde? (PAUSE) Oo, parihaba! (PAUSE)

10 Ano ang kulay ng bilog? (PAUSE) Asul naman ang para sa bilog.

11 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

12 RADIO TEACHER: Sana’y naunawan na ninyo ang Iba’t Ibang mga hugis at kulay.

13 Hanggang sa susunod nating leksyon, ako ang inyong guro sa himpapawid, Teacher A mula

14 sa School, District, Division, para sa Paaralang Panghimpapawid sa Grade 2 Arts. Kung

15 may hindi kayo nauunawaan, tutulungan kayo ng ating host na si ____________ para sa

16 recap ng ating napag-usapan. Galingan din n’yo sa ating maikling pagsusulit mamaya ha?

17 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS, CROSSFADE WITH THEME MSC THEN UNDER

-MORE-
Iba’t Ibang… 111111

1 HOST: Nadinig ninyo si Teacher A, Arts Teacher mula sa School, District, Division.

2 Napakalinaw ng kanyang pagpapaliwanag ng mga hugis at kulay. Handa na ba kayo na

3 balikan ang iba’t ibang mga hugis at kulay? (PAUSE) Samahan ninyo ako mamaya

4 pagkatapos ng ilang paalala.

5 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXX THEN CUE OUT: XXX)

6 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS THEN FADE UNDER

7 HOST: Tayo’y nagbabalik sa Paaralang Panghimpapawid sa Arts – Ikalawang Baitang.

8 Kanina ay nakasama natin si Teacher A sa inihatid niyang leksyon tungkol sa iba’t

9 ibang hugis at kulay. Halina at balikan natin ang mga napag-aralan kanina. (RECALL)

10 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS THEN FADE UNDER

11 HOST: Ibinahagi sa atin na may iba’t ibang mga hugis at kulay. Ilan sa mga ito ay ang

12 parisukat ay may apat na sulok at apat na gilid.Ikalawa, ang bilog ay linyang paikot sa

13 sentro at nagtatagpo sa tuldok na pinagmulan. Ikatlo, ang tatsulok ay may tatlong gilid at

14 may tatlong sulok. Sa tatlong sulok na ito nagtatagpo ang mga linya. Panghuli, ang

15 parihaba ay pinahabang parisukat at magkatulad ang haba ng magkatapat na dalawang

16 pares na linya. (PAUSE) Lumingon kayo sa paligid at subukang tukuyin ang hugis ng mga

17 bagay sa paligid.

-MORE-
Iba’t Ibang… 121212

1 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS THEN FADE UNDER

2 HOST: Nalaman din natin na may iba’t ibang mga kulay at may taglay pang damdamin ang

3 bawat kulay.

4 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

5 HOST: Ngayong tapos na ang ating leksyon, ito na ang panahon upang

6 subukin natin ang inyong natutunan!

7 BIZ: MSC OUT

-MORE-
Iba’t Ibang… 131313

1 BIZ: QUIZ MSC THEME UP FOR 6 SECS AND THEN UNDER

2 HOST: Hanapin nyo na ang ika-apat na pahina ng inyong modyul. Punan ang mga puwang

3 na kinakailangan. Isulat ang inyong pangalan, baiting, seksyon at petsa ngayon. Ang

4 petsa ngayon ay __________________. Ang aralin na ito ay ika-anim na modyul para sa

5 unang markahan. (PAUSE) Magsimula na tayo! Base sa kwentong iyong napakinggan,

6 iguhit sa loob ng kahon ang mga hugis na nabanggit at kulayan ito katulad

7 nang pagkulay ni Bea sa mga hugis na iginuhit ni Anna. Muli, iguhit sa loob ng kahon ang

8 mga hugis na nabanggit at kulayan ito katulad nang pagkulay ni Bea sa mga hugis na

9 iginuhit ni Anna. Magsimula ka na!

10 BIZ: QUIZ MSC THEME

11 HOST: Dumako naman tayo sa ikawalong pahina ng inyong modyul. May mga prutas na

12 nakaguhit sa pahinang ito. Tukuyin ang angkop na kulay para sa bawat prutas. Isulat ang

13 titik ng tamang sagot sa puwang sa tabi ng bawat prutas.

14 Inuulit ko, kailangan mong tukuyin ang angkop na kulay ng mga prutas na aking

15 babanggitin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa puwang sa tabi ng bawat prutas.

-MORE-
Iba’t Ibang… 141414

1 BIZ: STINGER IN

2 HOST: Ang unang prutas ay saging. Ano ang angkop na kulay para sa saging?

3 (PAUSE) A. Dilaw (PAUSE) B. Berde (PAUSE) C. Pula (PAUSE) D. Asul

4 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS THEN UNDER

5 HOST: Ang ikalawang prutas ay ubas. Ano ang kulay ng ubas? (PAUSE)

6 A. Dilaw (PAUSE) B. Berde (PAUSE) C. Lila (PAUSE) D. Asul

7 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS THEN UNDER

8 HOST: Para sa ikatlong prutas, manga! Tukuyin ang kulay ng manga. (PAUSE)

9 A. Dilaw (PAUSE) B. Berde (PAUSE) C. Lila (PAUSE) D. Asul

10 BIZ: MSC UP FOR 10 SECS THEN UNDER

11 At panghuli, ano ang kulay ng bayabas?

12 A. Pula (PAUSE) B. Berde (PAUSE) C. Lila (PAUSE) D. Asul

13 BIZ: MSC OUT

14 HOST: Dyan nagtatapos ang ating maikling pagsusulit. Sana ay nasagutan ninyo ang aking

15 mga naging katanungan. Ang modyul na inyong sinagutan ay ipapasa ng inyong mga

16 magulang sa paaralan. Tatawagan kayo ng inyong tagapayo para sa pagpapasa ng modyul.

17 BIZ: INSERT PLUG (CUE IN: XXXX CUE OUT: XXX)

-MORE-
Iba’t Ibang… 151515

1 BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND UNDER

2 HOST: Ngayon naman, babasahin ko ang inyong mga nagging tanong at pagbati kahapon

3 (HOST READS AND PROVIDES ANSWERS TO QUESTIONS; READS GREETINGS AND

4 FEEDBACK.)

5 BIZ: MSC OUT

6 HOST: Isang aralin na naman ang ating natapos. Upang lalong maunawaan ang mga hugis

7 at kulay, basahin ninyo ang kabuuan ng modyul at sagutin ang mga sanayang gawain sa

8 mga susunod na pahina.

9 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

10 HOST: Laging bukas ang aming linya para sa inying mga katanungan. Pwede kayong

11 magpadala ng mensahe sa pamamagitan ng text message, tawag sa telepono, Facebook

12 message o sa pamamagitan ng pagsusulat sa feedback form na kalakip ng inyong mga

13 modyul.

14 BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

15 HOST: Bukas, ang ating leksyon ay tungkol sa _______________________. Muli kayong

16 Tumutok sa ating paaralang panghimpapawid at sama-sama tayong matuto! Ako si

17 ____________________, ang tagapaghatid ng programang pangkaalamang ito, kasama si

18 Teacher A ng School, District, Division na ating radio teacher! Hanggang sa muli!

19 BIZ: MSC UP THEN OUT

-END-

You might also like