You are on page 1of 17

Title: Edu-Aksyong Filipino 7

Topic: Ibong Adarna


Format: School-on-the-Air
Length: 25 minutes
Scriptwriter: Kelvin G. Ramos
Objective: Pagkatapos ng pagsasahimpapawid, ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na
dulang pantelebisyon at pampelikula. (F7PD-IVc-d-19)

1 BIZ: INSERT SOA STATION ID/PROGRAM ID( see attached for the opening
billboard
2
BIZ: MSC UP AND THEN UNDER
3
RADIO TEACHER: Isang maalab na bati sa inyo minamahal kong nasa
4
ikapitong Baitang! Ito ang inyong paaralang
5
panghimpapawid sa Filipino! Nagagalak kami na
6
makasama kayo sa ating pag-aaral sa Wika at Panitikan
7
sa pamamagitan ng radyo. Ako ang inyong magiging
8
guro, sa himpapawid Binibi/Ginoo
9
___________________________ mula sa ____________.
10
BIZ: MSC UP AND THEN UNDER
11
RADIO TEACHER: Bago tayo mag-umpisa, matanong ko lang, maganda ba
12
ang inyong gising ngayong umaga?(PAUSE) (SFX:
13
YES) Sigurado maaaliw kayo sa araling ating
14
tatalakayin ngayong araw. Handa ka na bang matuto
15
kasama ako? (PAUSE) (SFX: KASAMA AKO) Kung
16
handa ka na, magpapatuloy tayo sa araling ating
17
pagtutuunan sa araw na ito upang mapuno ng
18
kaalaman ang inyong kaisipan at maging daan upang
19
kinabukasan ninyo’y makamtan.
20
-MORE-

Ibong Adarna… 222


1 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

2 RADIO TEACHER: Kung gayon ating nang umpisahan. Kunin na ninyo ang

3 inyong Learning Activity Sheet para sa Most Essential

4 Learning Competency. Ito ay makikita sa pahina

5 _______ hanggang sa _______. Tara na!

6 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

7 RADIO TEACHER: Pero bago ang lahat, atin na nga munang balikan ang

8 nakaarang episode kung mayroon naikintal sa inyong

9 pananaw ang paksang araling ating tinalakay. (PAUSE)

10 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

11 RADIO TEACHER: Natatandaan ba ninyo ang araling ating tinalakay noong

12 nakaraang episode? (SFX: YES) Kung gayon, ano ito?

13 Napakahusay! Ang patungkol sa “Ang Leprosong

14 Ermitanyo”. Ngunit alam ba ninyo na ang korido na

15 isinulat noong panahon ng kastila ay bahagi na ngayon

16 ng Panitikan at Mitolohiyang Filipino. Ito ay

17 tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan.

18 At ang Ibong Adarna ay isang korido na mabilis ang

19 pagbigkas. Nakasentro ang kuwento ng Ibong Adarna

20 sa isang ibong nagtataglay ng mahiwagang

21 kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang

22 karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig

23 nito.
-MORE-

Ibong Adarna … 333

1 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

2 RADIO TEACHER: Para higit na malinang ang kakayahan ninyo sa araling


3 ating natalakay ay magkakaroon tayo ng Karanasan Mo!

4 Ibahagi Mo! Ito ay batay sa araling natalakay noong

5 nakaraang episode. Sa bahaging ito ating alamin ang

6 mga natutunan ninyo noong nakaraang episode. Handa

7 na ba kayo?

8 SFX: OPO GURO

9 RADIO TEACHER: Para sa unang tanong, sa inyong palagay tama ba ang

10 inasal ni Prinsipe Juan sa matandang may sakit na hindi

11 niya kilala? Patunayan.

12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

13 RADIO TEACHER: Napakagaling! Tama po sapagkat hindi lamang

14 tinulungan ni Prinsepe Juan ang matanda kundi

15 binigyan pa niya ito ng pagkain. At kung ating iuugnay

16 kailangan ng bawat isa ng kalinga at kaagapay lalong-

17 lalo sa ating tinatamasa sa kasalukuyan.

18 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

19 RADIO TEACHER: Pangalawang tanong, Kung ikaw ang nasa katayuan ng

20 Prinsipe, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?

21 Bakit?

22 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

23 RADIO TEACHER: Napakahusay! Oo gagawin ko ang ginawa ng prinsipe

24 sapagkat napakasaya sa pakiramdam ang tumulong sa


-MORE-

Ibong Adarna … 444

1 kapwa mo. At naniniwala ako na mas marami ang

2 kapalit na biyaya kapag tumulong ka sa iyong kapwa

3 tao.

4 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


5 RADIO TEACHER: Susunod na katanungan Anong katangian ang nakita

6 ng Ermitanyo kay Prinsipe Juan upang tulungan ito?

7 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

8 RADIO TEACHER: Mahusay ang katangiang nakita ng ermitanyo kay

9 Prinsipe Juan kung bakit niya ito tinulungan ay ang

10 kanyang pagiging mabait.

11 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

12 RADIO TEACHER: Ganoon din ba kayo mga mag-aaral?

13 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

14 RADIO TEACHER: Opo!

15 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

16 RADIO TEACHER: Mahusay! Dapat ninyong tularan si Prinsipe Juan

17 sapagkat mayroong kagandahang loob. Dahil kapag

18 naging mabait kayo sa inyong kapwa ay magiging

19 mabait din sila sa inyo.

20 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

21 RADIO TEACHER: Batid ko na marami kayong aral na natutunan sa

22 nakaraang aralin, sana tumatak sa inyong mga puso’t

23 isipan ang mga ganitong mga magagandang katangian

24 o pag-uugali ng isang tao.


-MORE-

Ibong Adarna … 555

1 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

2 RADIO TEACHER: Tila ba’y marami kayong napulot na mga impormasyon

3 sa araling inyong pinag-aralan noong nakaraang

4 episode. Kaya siguradong handa na kayo sa panibagong

5 araling ating tatalakayin ngayong araw. Ihanda ang


6 sarili upang maunawaan at maintindihan ninyo ang

7 araling ating pagtutuunan ng pansin.

8 BIZ: MSC UP AND UNDER

9 RADIO TEACHER: Magbigay nga kayo ng mga salitang maiuugnay sa

10 salitang Pag-ibig.

11 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

12 RADIO TEACHER: Napakagaling! Pakikipagkapwa-tao, bakit? Sapagkat sa

13 pamamagitan nito naipadadama mo ang pagmamahal

14 niyo sa bawat isa.

15 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

16 RADIO TEACHER: Maliban diyan ano pa? Napakahusay! Pagtulong, sa

17 pamamagitan nito marami kang napapasayang tao kahit

18 maliit man ito o malaki basta bukal ito sa inyong

19 kalooban.

20 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

21 RADIO TEACHER: Ano pa? Pagmamalasakit, Pag-aaruga,

22 Pakikipagkaibigan.

23 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

24 RADIO TEACHER: Napakasahusay! Sa panimula ng araling ito ay binanggit

25 na
-MORE-

Ibong Adarna … 666

1 RADIO TEACHER: ang pinakamasarap at pinakamasakit na damdaming

2 maranasan ng tao ay ang pag-ibig. Nakita natin ito sa

3 karanasan ni Don Juan. Labis siyang nasaktan dahil sa

4 paulit-ulit na pagtataksil ng kanyang dalawang kapatid

5 na prinsipe ngunit nang dahil sa pag-ibig ay muli

6 siyang nagpatawad. Lahat ng inyong nabanggit ay may

7 kaugnayan sa ating tatalakayin ngayong araw.


8 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

9 RADIO TEACHER: Handa na ba kayo? (SFX: YES) Kung gayon ay ating

10 nang pakinggan ang buod ng isang lumang pelikula na

11 pinamagatang “Ang TV-The Movie Ibong Adarna

12 Adventures”

13 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

14 RADIO TEACHER: Nagsimula ang panood sa isang pagkukuwento ng

15 isang matanda na si Lola Binyang sa kanyang apo na si

16 Aya at ang mga kaibigan nito ngunit hindi

17 naipagpatuloy ang pagkukuwento sapagkat nagkaroon

18 ng malubhang karamdaman si Lola Binyang.

19 Kinagabihan ay dumalaw ang mga kaibigan ni Aya sa

20 kanilang bahay ngunit laking gulat nila sapagkat

21 mayroon silang nakitang kakaibang liwanang. Nang

22 dahil sa liwanag na napakahiwaga ay napadpad sila sa

23 kaharian ng berbanya at doon nila nakilala si Prinsipe

24 Juan sapagkat tinulungan ni Prinsipe Juan ang mga

25
-MORE-
Ibong Adarna …777

1 bata. Nagpakitang gilas at nakita ang katapangan ng

2 Prinsipe dahil sa kanyang ipinamalas na galing sa

3 pakikipaglaban. Tinanong nila itong si Prinsipe Juan

4 kung saan siya pupunta at ang sagot ay hahanapin ang

5 ibon na siyang tanging makapagpapagaling sa

6 karamdaman ng haring Fernando. Nagtulungan,

7 nagdamayan, nagkaisa sila upang hanapin ang Ibong

8 Adarna. Hanggang sa napadpad sila sa Bundok Tabor at

9 doon nila nakita ang Ibong kanilang pakay. Namili ang


10 dalawang taksil na kapatid ni Prinsipe Juan kung aling

11 ibon ang kanilang hanap ngunit nabigo sila at naging

12 bato. Sa kalauna’y si Prinsipe Juan at Aya ang nakapili

13 ng tunay na ibon, Ang Ibong Adarna. Ngunit nagtaksil

14 muli ang kanyang kapatid na Prinsipe Pedro at Prinsipe

15 Diego at hinulog nila si Prinsipe Juan sa isang balon.

16 Ngunit hindi sila nagtagumpay sapagkat tinulungan ng

17 mga bata si Prinsipe Juan. Nagtungo ang mga bata sa

18 kaharian ng Berbanya at si Prinsipe Juan at doon na

19 nakitang maayos na ang kalagayan ng hari. At doon ang

20 tunay na nangyari at pagtataksil ng dalawa niyang anak

21 kay Prinsipe Juan. Nang dahilan sa pagmamahal ni Aya

22 sa kanyang Lola Binyang ay muli silang nagbalik sa

23 kanilang lugar upang malunasan ng ibong adarna ang

24 kanyang lola sa kanyang malubhang karamdaman.

25 Nanguna ang pag-ibig na siyang dala-dala nila upang


-MORE-

Ibong Adarna …888

1 makuha ang kanilang layunin ang susi sa malubhang

2 karamdaman ng haring Fernando at ng kanilang Lola

3 Binyang.

4 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

5 RADIO TEACHER: At diyan na nagtatapos ang kwento ng Ang TV: The

6 Movie Adarna Adventures. Naiintindihan na ba ninyo?

7 (SFX: YES) Kung ganoon, ano ang paksa ng Ang TV:

8 The Movie Adarna Adventures?

9 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

10 RADIO TEACHER: Tama! Ito ay may paksang may kaugnayan sa pag-ibig.


11 Ano pa?

12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

13 RADIO TEACHER: Tama! Mas pinahalagahan ng bawat isa ang pag-ibig

14 sapagkat dito sila magkakasundo upang makuha ang

15 kanilang layuning inaasam-asam. Maliban doon ano pa?

16 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

17 RADIO TEACHER: Tumpak! Ginawa nila ang lahat upang matulungan nila

18 ang

19 RADIO TEACHER : ang mga nangangailangan ng tulong, nagkaisa para sa

20 iisang mithiin kahit mahirap basta tulong-tulong. Kagaya

21 na lamang ni Prinsipe Juan na namayani ang kanyang

22 pag-ibig sa kanyang mga kapatid kahit siya’y

23 pinagtaksilan. Nanaig parin ang kanyang pagiging

24 mabait at mapagmahal na anak. At hindi


-MORE-

Ibong Adarna … 999

1 niya ininda ang hirap basta matulungan niya ang

2 kanyang mahal na ama.

3 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

4 RADIO TEACHER: Ano-anong mga damdamin ang namayani sa mga

5 tauhan sa pinanood?

6 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

7 RADIO TEACHER: Magaling! Ang mga damdaming namayani sa mga

8 tauhan sa pinanood ay pagkatakot, pag-aalinlangan,

9 pagiging matapang, pagkasabik at higit sa lahat ang

10 pagmamahal.

11 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

12 RADIO TEACHER: Ngunit mas namayani ang pagmamahal sapagkat dito


13 nila naiparamdam ang tunay nilang pakay. Hindi nila

14 ito magagawa kung walang pag-ibig na siyang

15 nagdidikta para sa kanilang layunin ang maipagtanggol

16 ang kanilang sarili at makuha ang lunas sa karamdaman

17 ng kanilang amang hari at lola.

18 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

19 RADIO TEACHER: Maraming pagsubok ang napagdaanan ng mga bata at

20 gayundin si Prinsipe Juan ngunit hindi sila nagpatinag

21 kundi hinarap nila ito alang-alang sa kanilang pakay

22 ang makuha ang ibong adarna sa bundok tabor.

23 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

24 RADIO TEACHER: Nasasalamin ba sa akda ang tungkol sa wagas na pag-

25 ibig?
-MORE-

Ibong Adarna ... 101010

1 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

2 RADIO TEACHER: Mahusay! OO mas nanaig ang pag-ibig sa bawat isa

3 kahit maraming mga pagsubok ang kanilang hinarap.

4 Kagaya na lamang ang pagmamahal ni Prinsipe Juan sa

5 kanyang mga kapatid na kahit maraming pagtataksil ay

6 nakuha parin ni Prinsipe Juan ang magpatawad.

7 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

8 RADIO TEACHER: Napakagaling! Kagaya din ni Aya at nang kanyang mga

9 kasama na inisip nila ang kapakanan ng kanilang lola

10 Binyang dahil sa malubha nitong karamdaman. Ginawa

11 nila ang pagsubok upang mapagaling ito na kahit

12 maraming mga hadlang. Ngunit alang-alang sa pag-ibig

13 ay napagtagumpayan nila ito.

14 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


15 RADIO TEACHER: Ano-anong aral kaugnay sa buhay

16 at pag-ibig ang

17 natutunan mo sa palabas o sa inyong pinanood?

18 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

19 RADIO TEACHER: Tumpak! Na kailangang magtulungan upang magawa

20 ang hinahangad na kasagutan sa lahat ng bagay.

21 Magkaisa at higit sa lahat mas manaig ang pag-ibig sa

22 bawat isa.

23 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

24 RADIO TEACHER: Kung kayo ang nasa katayuan ni Prinsepe Juan,

25 gagawin rin ba ninyo ang kanyang ginawa?

-MORE-
Ibong Adarna … 111111

1 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

2 RADIO TEACHER: Napakahusay! Oo sapagkat isa siyang napakabait na

3 kapatid hindi niya inalintana ang pasakit na naranasan

4 niya sa kanyang mga kapatid na taksil bagkus ginawa

5 parin niyang magpatawad. Maliban doon. Ika nga kung

6 batuhin ka ng bato, batuhin mo sila ng tinapay.

7 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

8 RADIO TEACHER: Tumpak! Oo gagawin ko sapagkat hindi lamang

9 mapagpatawad si Prinsipe Juan kundi isa siyang

10 mapagmahal at mapagbigay na anak.

11 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

12 RADIO TEACHER: Naiintindihan ba ninyo mga mag-aaral?

13 (SFX:YES)

14 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

15 RADIO TEACHER: Mahusay mga mag-aaral! Alam ko at inaasahan ko na


16 marami kayong napulot na aral sa inyong pinanood.

17 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

18 RADIO TEACHER: Sigurado ba kayo? (SFX:YES) Kung gayon ay ating

19 ipagpapatuloy. Matapos mong makilala ang iba’t ibang

20 mukha ng pag-ibig gugustuhin mo pa bang umibig?

21 Bakit?

22 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

23 RADIO TEACHER: Tumpak! Oo sapagkat ito ay isa sa pinakamahalagang

24 katangian o damdamin na dapat taglayin o

25 maramdaman ng isang tao. Upang maiparamdam mo


-MORE-

Ibong Adarna … 121212

1 sa bawat isa kung gaano sila kahalaga sa iyo. Sa

2 pamamagitan din nito mas lalo mong maipahayag ang

3 pagkalinga mo sa kanila.

4 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

5 RADIO TEACHER: Maliban doon! Mahusay! Oo sapagkat ang pag-ibig ay

6 nagpapaintindi sa atin kahit maraming mga pagsubok

7 ang kinakaharap natin sa kasalukuyan. Natututo tayong

8 magpatawad, ang tumulong sa kapwa, ang pagkalinga

9 at higit sa lahat ang pagiging maka-Diyos.

10 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

11 RADIO TEACHER: Ito ang dapat manguna sa bawat isa. Kung walang pag-

12 ibig walang patutunguhan ang lahat. Kaya’t iparamdam

13 natin sa isa’t isa ang ganitong mga katangian.

14 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

15 RADIO TEACHER: Paano mo maipadadama ang

16 wagas na pag-ibig sa mga

17 taong minamahal mo?


18 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

19 RADIO TEACHER: Mahusay! Maipapadama mo ang wagas na pag-ibig sa

20 mga taong minamahal mo sa pamamagitan ng

21 pagtulong, pagkalinga at pakikipagkapwa-tao.

22 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

23 RADIO TEACHER: Mayroon pa ba kayong maidadagdag Tama!

24 Maipapadama ko ang wagas na pag-ibig sa

25 pamamagitan ng pagiging maka-Diyos sapagkat dito


-MORE-

Ibong Adarna ... 131313

1 mo maipakikita ang tunay at hangarin ng isang

2 mapagmahal na tao.

3 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

4 RADIO TEACHER: Naiintindihan na ba ninyo ang tunay pag-ibig?

5 (SFX:YES)

6 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

7 RADIO TEACHER: Magaling! Alam ko na isasabuhay ninyo ang mga

8 magagandang katangian na dapat taglayin ng isang

9 anak o isang mag-aaral. Ipakita ninyo kung gaano

10 kahalaga ang mga taong nakasasalamuha ninyo sa

11 pang-araw-araw. Kagaya na lamang sa inyong

12 napanood, nagsama-sama ang mga bata at gayudin si

13 Prinsipe Juan kung kaya’t nagawa nila at

14 napagtagumpayan ang kanilang hangarin.

15 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

16 RADIO TEACHER: Alam ko na sa inyong napanood ay magiging aral

17 upang ang pagmamahal ng bawat isa ang siyang

18 manguna sa lahat.

19 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


20 RADIO TEACHER: Alam kong nasusundan ninyo ako sa ating paksang

21 aralin. Naintindihan na ba ninyo ang inyong pinanood

22 na “Ang TV- The Movie Ibong Adarna Adventures?

23 (SFX: YES)

24 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

-MORE-

Ibong Adarna ... 141414

1 RADIO TEACHER: Kung gayon ay ating nang sukatin ang inyong mga

2 kaalaman o ang inyong napulot na aralin sa ating

3 tinalakay?

4 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

5 RADIO TEACHER: Sino-sino ang tatlong prinsipe?

6 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

7 RADIO TEACHER: Tama! Si Prinsipe Juan, Prinsipe Diego at Prinsipe

8 Pedro.

9 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

10 RADIO TEACHER: Saan nakatira ang tatlong Prinsipe at si Haring

11 Fernando?

12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

13 RADIO TEACHER: Tumpak! Sa kaharian ng Berbanya.

14 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

15 RADIO TEACHER: Ano ang namutawing katangian ni Prinsipe Juan?

16 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

17 RADIO TEACHER: Tumpak! Ang pag-ibig na siyang naging daan upang

18 mapatawad niya ang kanyang mga kapatid.

19 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

20 RADIO TEACHER: Anong pangalan ng Lola ni Aya? Tama! Si Lola Binyang.


21 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

22 RADIO TEACHER: Si Lola Binyang ang naging dahilan kung bakit

23 namayani ang pag-ibig ni Aya sa kanya. Ipinaglaban

24 niya ang lahat-lahat mapagaling lang ang kanyang lola.

25 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER


-MORE-

Ibong Adarna ... 151515

1 RADIO TEACHER: Ano ang damdamin namayani sa inyong napanood?

2 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

3 RADIO TEACHER: Tama! Kailangan nating magkaisa, magtulungan,

4 magdamayan at higit sa lahat ang mahalin ang ating

5 kapwa.

6 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

7 RADIO TEACHER: Magaling mga mag-aaral. Alam kong marami kayong

8 napulot na panibagong impormasyon sa araling ating

9 tinalakay ngayong araw. Sigurado na ba kayong

10 naintindihan ninyo ang araling ating tinalakay?

11 (SFX: YES)

12 BIZ: MSC UP AND THEN UNDER

13 RADIO TEACHER: Ngayong tapos na ang ating aralin,

14 oras na para tayahin o sukatin ang inyong kaalaman

15 ukol sa paksang aralin na

16 ating natalakay.

17 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

18 RADIO TEACHER: Kuhanin n’yo mula sa inyong kits ang quiz form. Punan

19 n’yo ang mga puwang na kinakailangan. Isulat ang

20 inyong

21 pangalan, seksyon, at petsa ngayong araw. Huwag ding

22 kalimutang isulat ang bilang ng aralin kung para saan


23 ang maikling pagsusulit na ito. Aralin bilang___ang

24 inyong isulat. (PAUSE) ‘Yan tama ‘yan.

25 BIZ: MSC UP AND UNDER

-MORE-

Ibong Adarna ... 161616

1 BIZ: MSC UP AND THEN OUT

2 RADIO TEACHER: Handa ka na ba? Kung handa ka na, ihanda ang inyong

3 sarili upang mas lalo mong maintindihan ang mga

4 katanungan at masagutan mo ito ng tama. Mayroon

5 lamang akong limang katanungan.

6 BIZ: STINGER IN

7 RADIO TEACHER: Para sa una hanggang pangatlong

8 tanong, tukuyin kung TAMA o MALI ang pahayag o

9 pangungusap. (Uulitin ko), para sa una at pangalawang

10 tanong tukuyin kung TAMA o MALI ang pahayag o

11 pangungusap. (PAUSE) Unang tanong, Ang TV-The

12 Movie Adarna Adventures ay may paksang may

13 kaugnayan sa pag-ibig. (UULITIN KO!) Ang TV-The

14 Movie Adarna Adventures ay may paksang may

15 kaugnayan sa pag-ibig. (PAUSE) Pangalawa.

16 Mapagmahal na anak si Prinsipe Juan. UULITIN KO!

17 Mapagmahal na anak si Prinsipe Juan.(PAUSE)

18 Pangatlo. Sina Prinsipe Juan at Aya ay nagtulungan

19 upang makuha ang tanging lunas sa malubhang

20 karamdaman ng Amang hari at ni Lola Binyang.

21 (UULITIN KO!) Sina Prinsipe Juan at Aya ay

22 nagtulungan upang makuha ang kasagutan/lunas sa

23 malubhang karamdaman ng Amang hari at ni Lola


24 Binyang.

-MORE-

Ibong Adarna ... 161616

1 RADIO TEACHER: Para sa pang-apat hanggang pang-limang tanong,

2 tukuyin ang hinihingi ng pahayag o pangungusap.

3 Isulat lamang ang malaking titik ng tamang sagot.

4 (Uulitin ko) Para sa pang-apat hanggang pang-limang

5 tanong, tukuyin ang hinihingi ng pahayag o

6 pangungusap. Isulat lamang ang malaking titik ng

7 tamang sagot. (PAUSE) Pang-apat. Anong tawag sa

8 mahiwagang ibon na makagpapagaling sa karamdaman

9 ni Haring Fernando? A. Ibong Maya B. Ibong Agila C.

10 Ibong Adarna D. Ibong Martines (Uulitin ko) Anong

11 tawag sa mahiwagang ibon na makagpapagaling sa

12 karamdaman ni Haring Fernando? A. Ibong Maya B.

13 Ibong Agila C. Ibong Adarna D. Ibong Martines

14 (PAUSE) Siya ay ang amang hari ng kaharian ng

15 Berbanya. A. Don Pedro B. Don Juan C. Don Fernando

16 D. Don Diego. (Uulitin ko) Siya ay

17 ang amang hari ng kaharian ng Berbanya. A. Don Pedro

18 B. Don Juan C. Don Fernando D. Don Diego.

19 BIZ: MSC OUT

20 RADIO TEACHER: Dyan na nagtatapos ang ating maikling pagsusulit.

21 Nasagutan ba ninyo ang lahat ng mga katanungan?

22 (SFX: YES) Kung gayon ay atin nang iwaswasto ang

23 inyon maikling pagsusulit . Para sa una, ang sagot ay

24 Tama. Pangalawa; Tama. Pangatlo; Tama Pang-apat;


-MORE-
Ibong Adarna ... 171717

1 ang sagot ay letrang C. Ibong Adarna. At panlima; ang

2 sagot ay letrang C. Don Fernando Marami ba kayong

3 nakuha sa inyong maikling pagsusulit. Magaling!

4 Palakpakan ang inyong sarili.

5 BIZ: MSC OUT

6 RADIO TEACHER: Isang aralin na naman ang matagumpay nating natapos.

7 Umaasa ako na sana’y marami kayong napulot na

8 kaalaman sa ating araling natalakay. At upang mas lalo

9 ninyong maintindihan ang aralin kanina ay unawain

10 din ang binigay na Learning Activity Sheet para sa

11 karagdagan mga kaalaman. Huwag din mahihiyang

12 magtanong sa inyong guro sa Filipino.

13 BIZ: MSC UP FOR 3 SECONDS THEN FADE UNDER

14 RADIO TEACHER: Hanggang sa susunod, ako ang

15 inyong naging guro sa radyo _________, sa ngalan ng

16 scriptwriter na si G. Kelvin G. Ramos at nang buong RBI

17 production team, nag-iiwan po kami ng isang

18 mapagpalang araw sa inyong lahat at laging tandaan,

19 “Magsikap upang sa dulo’y maging matagumpay”.

20 Paalam!

21 MSC FADE FOR 5 SECONDS THEN FADE UNDER

22 INSERT CBB (see attached for the CBB)


-END-

You might also like