You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng San Carlos
Lungsod ng San Carlos, lalawigan ng Pangasinan

PAMAGAT: E-Radio
PROGRAMA: Makinig at Matuto
PAKSA: IBONG ADARNA (ANG PAGKAHULI SA IBONG ADARNA
AT ANG PAGTATAKSIL KAY DON JUAN)
PORMA: School-on-the-Air
HABA: 30 minuto
SCRIPWRITER: ROWENA R. MENDOZA
LAYUNIN: Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang maisagawa ang mga
sumusunod:
F7PN-IVc-d-19: Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga
suliraning narinig mula sa akda
F7PB-IVc-d-21: Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng
mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon
F7PD-IVc-d-18:Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood
na bahagi ng telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay.
________________________________________________________________________________

1. BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2. BIZ: MSC UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER

3. TEACHER OWEN: Magandang….magandang…magandang buhay sa lahat ng aming mga ginigiliw

4. na mag-aaral ng ikapitong baitang! Ito muli ang inyong paaralang panghimpapawid sa Filipino 7…

5. nagagalak ako na makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako ang

6. inyong lingkod teacher Rowena R. Mendoza mula sa Tandoc National High School.

7. Ang programang ito ay hatid sa inyo ng ( RADIO STATION ) at ng pamunuan ng San Carlos City

8. Division sa pangunguna ni School Division Superintendent Lourdes Servito.

9. TEACHER____: Grabe…napakabilis ng araw…tayo ay nasa ikatlong linggo na ng ikaapat na

10. markahan…..Umaasa ako na nawa’y sa paglalakbay natin sa school year na ito ay

11. napakarami na ninyong natutunan…kahit sa kabila ng napakaraming pagbabago ang naganap

12. sa ating mundo.

13. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

14. TEACHER ________: Mga giliw kong mag-aaral …pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito,

15. inaasahang maisagawa ang mga sumusunod:


16. Una…nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa akda

17. Pangalawa….nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning

18. panlipunan na dapat mabigyang solusyon

1. TEACHER_______: Muli kong pinapaalala na ang bawat bahagi ng modyul na ito ay nagtataglay ng

2. mga gawain at pagsubok sa iyong kakayahan. Magiging madali lang ang mga ito. Ang gagawin nyo

3. lamang ay sundin ang aking mga panuto at gawaing ipagagawa. ….

4. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

5. TEACHER _________: Natatandaan niyo pa ba ang mga natalakay natin noong nakaraan?

6. ……Tama…. Nalaman natin kung paano nagsimula ang pagkakasakit ng hari,,, ito ay dahil sa isang

7. panaginip na kung saan ay may magtataksil umano sa kanyang pinakamamahal na bunso na si Don

8. Juan. Dahil doon hindi na naalis sa gunam gunam ng haring mahal ang napanagimpan…..ayon sa

9. isang manggagamot tanging ang awit ng Ibong Adarna ang makakapagpagaling sa hari. Ang naturang

10. Ibon ay matatagpuan lamang sa Tabor na kabundukan. Unang sumubok na hanapin ang Ibon ay ang

11. panganay na si Don Pedro, na hindi nagtagumpay dahil siya’y naging bato. Sumunod ay si Don Diego

12. na naging bato rin…..Sunod na naglakbay ay si Don Juan…kasalungat sa ginawang paglalakbay ng

13. kanyang mga kapatid..si Don Juan ay hindi gumamit ng kabayo upang makarating sa bundok

14. tabor…ang tanging baon niya ay paniniwala sa Maylalang na siya ay gagabayan sa anumang mithiin

15. ng kanyang puso….

16. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

17. TEACHER ____________: Kayo ba mga giliw kong mag-aaral ano ba ang kaya ninyong isakripisyo

18. para sa inyong mga magulang?....Oo.. kaya nating gawin ang anumang bagay para sa magulang

19. nating maging kapalit man nito ang ating buhay.

20. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

21. TEACHER ____________: Sa puntong ito maari niyo bang kunin na ang inyong modyul para sa

22. ikatlong linggo ng ika-apat na markahan. Nais kong buksan niyo muna ito sa pahina dalawa at

23. sagutan muna natin ang gawain bilang 2……… Palawakin ang sumusunod na mga salita sa

24. pagbibigay pa ng iba pang kaugnay na salita gamit ang concept map…. Sa unang bilang ang salitang

25. bibigyan ng kahulugan ay NAPAWI….gagamitin ko ito sa pangungusap upang inyong maging

26. gabay.. NAPAWI ang kanyang pag-aalala nang makita niya ang kanyang anak na paparatin na.
27. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

28. TEACHER _______________: Tama, maaring ang kasagutan sa napawi ay NAALIS, NAWALA,

29. NAIBSAN, NATANGGAL.

30. TEACHER_____________: Sa ikalawang salita nariyan ang salitang NANAMBITAN…..Muli kong

31. gagamitin sa pangungusap ang salitang NANAMBITAN…..Bago magtungo sa paroroonan si Don

32. Juan ay nanambitan muna ito sa Poong Maykapal.

33. TEACHER: Maaring ang inyong kasagutan ay ….NANALANGIN, NANAGHOY, NAGDASAL at

34. HUMILING…

35. TEACHER______: Sa ikatlong salita na bibigyan ng kahulugan ay NILILO…. Hindi makapaniwala

36. si Don Juan na NILILO siya ng kanyang dalawang kapatid… ano ang kasingkahulugan ng nililo

37. ayon sa pagkakagamit ko sa pangungusap?

38. TEACHER: Magaling….NILOKO, PINAGTAKSILAN, DINAYA o kaya ay NILINLANG..

39. TEACHER_______: Para sa ika-apat na bilang….Ang salita ay NAMANGLAW….Gagamitin ko sa

40. pangungusap upang inyong maging gabay sa pagbibigay ng kasingkahulugan ng salitang

41. NAMANGLAW…..Namanglaw ang hari sa pag-alis ng kanyang mga anak..

42. TEACHER: Ano sa palagay ninyo ang kahulugan ng NAMANGLAW…..Tama…NALUNGKOT,

43. NANGULILA,NAG-ALALA, NAGDURUSA….. Ayan sana ay nabigyan linaw ang mga salitang

44. maaring makasagabal sa pag intindi sa kwentong ating babasahin…

45. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

46. HOST: Ang susunod nating babasahin ay kung paano mahuhuli ni ni Don Jaun ang Ibong Adarna at

47. paano siya pagtataksilan ng kanyang mga kapatid……Nais kong buksan ninyo ang inyong mga

48. cellphone at ako ay tatawag sa inyo upang kayo mismo ang magbasa sa mga pangyayari sa

49. paglalakbay at pakikibaka ni Don Juan……. Babalikan natin ang pagbasa sa akda na may pamagat

50. na “Ang Pagkahuli sa Ibong Adarna at ang Pagtataksil kay Don Juan” pagkalipas ng ilang mga

51. paalala….

52. BIZ: INFOMERCIAL

53. BIZ: INSERT PLUG (CUE IN:XXXXX THEN CUE OUT: XXXXX)

54. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

55. HOST: Tayo ay nagbabalik sa ating programang Paaralang Panghimpapawid na hatid

56. sa inyo ng (RADIO STATION) at ng San Carlos City division… ako pa rin ang
57. inyong kasama teacher Rowena R. Mendoza….Handa ka na bang magbasa???…

58. Hayan, maari niyo bang buksan ang inyong mga telepono…siguraduhin din na

59. hawak mo ang iyong modyul dahil baka ikaw ang mapalad na matatawagan

60. ko….Pagkatapos nating magbasa ay sasagutan natin ang mga katanungan kaugnay ng

61. kuwento…..Ayan tumatawag na ako….(INSERT CELLPHONE RING SOUND)

62. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

63. TEACHER _______________: Ayan…nagriring na…Ok…hello…magandang araw…..ok….kasama natin sa

linya ng telepono si Giesam Ian Rosario…Mag-aaral ng filipino 7 sa Tandoc National High School…GieSam

maari mo bang basahin ang buod ng saknong 141 hanggang 198…. (INSERT

64. BOSES NG BATA)

65. TEACHER_________: Ayan sana yung mga nakikinig na mga mag-aaral ng Filipino 7 sa atin ay

66. sinasabayan tayo sa ginagawa nating pagbasa ng buod ng bawat saknong ng Ibong Adarna…Kasama

67. naman natin sa linya si Crisdel Jaquis...magandang araw…sige anak basahin mo na (INSERT BOSES NG

BATA)……magaling!!!!!

68. TEACHER ____________: (INSERT BOSES NG BATA) Maraming Salamat anak sa napakagaling

69. na pagbasa..yan po si Marc Gian Dela Cruz estudyante sa filipino 7…

70. TEACHER_________: Tuloy tuloy na tayo…narito naman si Kristene Saez….ayan

71. ______________ ibigay mo na… (INSERT BOSES NG BATA)….

72. TEACHER______________:( INSERT BOSES NG BATA)….maraming Salamat

73. Jonah Mariel Castro.....itutuloy naman ni Issey Jhestin Ferrer ang pagbabasa?

74. .(INSERT BOSES NG BATA)….Maraming Salamat sa pagbasa anak..

75. ...pakinggan naman natin ang boses ni Denzelle Reyes (INSERT BOSES NG

76. BATA)….narito naman si Elisha Garcia (INSERT BOSES NG BATA)

77. TEACHER_____________;Maraming Salamat mga bata.. sila po ay mga Grade 7 ng Tandoc National High

School….. Ayan mga giliw na mag-aaral…umaasa ako na kayo ay nakinig at

78. naintindihan ang mga buod ng saknong ng Ibong Adarna…handa na ba kayong sagutin ang mga

79. katanungan kaugnay ng napakinggang kwento?

80. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

81. TEACHER _________: Bakit kaya si Don Juan ang napiling tulungan ng Ermitanyo? Ano sa palagay
82. niyo mga giliw kong mag-aaral?....Tammaa….dahil si Don Juan ay nagtataglay ng busilak na

83. puso..hindi siya nagdalawang isip na tulungan ang ermitanyo at binigay pa niya ang natitirang baon

84. niyang tinapay…

85. TEACHER__________:Paano naman nilabanan ni Don Juan ang antok ng marinig niya ang awit ng

86. Ibong Adarna?......Ayan..magaling…sinunod niya ang bilin ng ermitanyo na sugatan ng pitong beses

87. ang kanyang kamay at patakan ito ng dayap….ayan mga bata ha.. ang pagsunod sa habilin ng mga

88. matatanda ay maganda dahil hindi tayo dadalhin sa anumang panganib bagkus ay dadalhin tayo sa

89. rurok ng tagumpay…kaya matuto tayong sumunod sa ating mga magulang…

90. TEACHER__________: Ano kaya ang nagbunsod kina Don Pedro at Don Diego na pagtaksilan ang

91. kanilang kapatid sa kabila ng pagliligtas nito sa kanila sa pagiging bato?....Meron ba kayong

92. ideya?....Opo..tama…Dahil sa inggit…dahil naniniwala sila na kapag nalaman sa kanilang kaharian

93. na si Don Juan ang nakahuli sa Ibong Adarna ay si Don Juan ang magiging bida sa mata ng kanilang

94. ina lalong lalo na kay haring Fernando….tandaan natin mga anak na walang maidudulot na maganda

95. ang inggit sa ating kapwa..magdudulot lamang ito ng kaguluhan at hindi pagkakaintindihan..

96. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

97. TEACHER_______: Ano nga ba ang kahalagahan ng Pag-aaral ng Ibong Adarna

98. Ang kwento ng Ibong Adarna ay isang halimbawa ng Korido. Ang Korido ay isang uri ng panitikang

99. Pilipino na nakilala sa pagkakaroon nito ng pasalaysay na awit. Ito ay dulot ng impluwensya ng mga

100.Espanyol. Bilang bahagi ng pag-aaral sa mataas na paaralan, ito ay isa sa mga asignaturang

101.kinakailangang pag-aralan ng mga estudyante. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit

102.mahalagang pag-aralan ito:

103.Ang kwento ng Ibong Adarna ay naglalaman ng maraming aral na maaaring mapulot ng mga

104.kabataang mag-aaral. Bawat kabanata nito ay nagtataglay ng mahahalagang aral na maaaring

105. makatulong sa pang araw-araw na buhay ng isang indibidwal. Isa ito sa mga kwentong

106.ipinagmamalaki ng mga Pilipino dahil ito ay orihinal na nakasulat sa wikang Filipino…. Nawa’y

107.nakatulong sa inyo ang mga kaalamang ito upang higit na mapalalim ang pagpapahalaga sa

108.panitikang tulad ng Ibong Adarna.

109. BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

110. TEACHER_________: Nais kong sagutan ninyo ang mga gawain sa pagyamanin,

111. isaisip at isagawa diyan sa inyong modyul… Sagutin ng buong husay ang mga
112. katanungan at ipasa ito sa inyong mga guro sa filipino 7 sa inyong paaralan upang

113. Maitama ang inyong mga kasagutan..Samantala, maari bang kumuha ng isang

114. malinis na papel at panulat para tayahin ang inyong natutunan sa aralin natin

115. ngayon……ayan handa na ba kayo. Makinig maige sa mga katanungan…

116. Tukuyin ang mahahalagang detalye ng mga bahagi ng akdang nabasa. Isulat sa

117. sagutang papel ang tamang sagot.

118. 1. Ano ang mga ginamit ni Don Juan para mahuli ang ibon?

119. A. dayap, labaha, gintong lubid c. pagkain ng ibon

120. b. kutsilyo at hawla d. pana at sako

121. 2. Ano ang nangyayari sa taong napapatakan ng dumi ng Ibong Adarna?

122. a. namamatay c. nagiging bato

123. b. nakakatulog d. naglalaho

124. 3. Sa pag-uwi ng magkakapatid, unang nabuo sa isipan ni ___________ ang

125. napakasamang balak.

126. a. Don Diego b. Don Pedro c. Don Juan

127. 4. Nagtataka si Haring Fernando sa dala-dalang Ibong Adarna nina

128. Don Diego at Don Pedro sapagkat ayaw nitong ____________.

129. a. sumayaw c. kumain

130. b. lumipad d. kumanta

131. 5. Umaasa ang ibong adarna na si Don Juan ay ____________.

132. a. maninirahan sa kabundukan

133. b. makauuwi sa kaharian

134. c. mamamatay sa kagubatan

135. d. magkakasakit sa daan


136.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER

137.TEACHER ________________: : Umaasa na marami sa inyo ang nakakuha ng perpektong iskor. Sa

138.mga hindi pinalad huwag mag alala bawi na lang kayo sa mga susunod na pagsusulit at siguraduhin

139.na makinig maige sa gagawing pang mga pagtatalakay…

140.TEACHER___________: Maari bang kunan ng larawan ang inyong mga sagutan papel na may iskor

141.ng inyong nakuha sa pagsusulit na ito…. Maari niyong ipadala ang mga larawan ng inyong mag

142.kasagutan at Iskor sa aming mga messenger….Ipadala sa aking messenger na Mendoza Rowena

143.Muli uulitin ko huwag kalimutang sagutan ang mga gawain na nasa inyong modyul bilang inyong

144.gawain bahay…

145.TEACHER_______________: napakasarap ng pakiramdam na mahatiran kayo mga giliw kong mag-aaral na

tinuturing na mga pag-asa ng bayan ng karunugan na maaring dalhin ninyo sa inyonh paglalabay sa buhay at

maibahagi ito sa

146.mga susunod na henerasyon….. ayan wala na tayong sapat na oras kaya kailangan na nating

147.magpaalam…

148.BIZ: MSC UP FOR 3 SECS AND UNDER

149.TEACHER_____________: Hanggang sa muli ito po ang inyong guro sa himpapawid titser

150.Teacher Rowena Mendoza…..Iiwan ko sa inyo ang isang paalala na “Tanging edukasyon ang kayamanang

hindi mananakaw ninuman.” Hanggang sa susunod. Ito ang School on the air ng Aksyon Radyo Pangasinan at

San Carlos City Division ….Mabalos…..

You might also like