You are on page 1of 5

Radio Script

Grade Level and Learning Area: Grade 2-Mathematics


Quarter No., Module Number and Title : Quarter 3- Week 4 –Solving Word Problem
involving Division
Topic: Solves routine and non-routine problems involving division of numbers by
2,3,4,5, and 10 and with any of the other operations of whole numbers including money
using appropriate problem solving strategies
Format: School-on-the-Air
Length: 30 minutes
Scriptwriter: Marizel D. Acharon
RADIO TEACHER/HOST:_____________________________
Objective: Pagkatapos makapakinig ng episode na ito, ang mga mag-aaral ng Grade 2
Mathematics ay inaasahang nakalulutas ng routine at non-routine problems
gamit ang
Division ng numero na 2,3,4,5, at 10 at iba pang operations ng whole
numbers kasama
ang pera gamit ang angkop na hakbang.

1 BIZ: INSERT SOA PROGRAM ID

2 BIZ: MSC UP AND UNDER

3 RADIO TEACHER: Magandang araw mga bata! Ito ang inyong paaralang

4 panghimpapawid sa Mathematics 2. Nagagalak kami na

5 makasama kayo sa ating pag-aaral sa pamamagitan ng radyo. Ako

6 ang Inyong lingkod_______, ang inyong radio teacher mula sa___.

7 BIZ: MSC UP AND UNDER

8 RADIO TEACHER: maghanap tayo ng isang lugar na maayos at maging

9 komportable habang nakikinig sa ating broadcast. Matanong ko

10 lang…. kumain na ba kayo? (PAUSE) mabuti naman at may laman

11 na ang inyong mga tiyan upang maging aktibo ang inyong pag-iisip

12 at maunawaan niyo ang ating aralin sa araw na ito.

13 BIZ: MSC UP AND UNDER

14 RADIO TEACHER: ngayon ay kunin niyo ang inyong Learning Activity

15 Sheet Quarter 3 week 4 para sa leksyon ukol sa nakalulutas ng

16 routine at non-routine problems gamit ang Division ng numero na

17 2,3,4,5, at 10 at iba pang operations ng whole numbers kasama


18 ang pera gamit ang angkop na hakbang. Sige kunin at hawakan na

19 ang inyong LAS.

20 BIZ: MSC UP AND UNDER

Solving Word …333

1 RADIO TEACHER: Bago natin simulan ang panibagong leksyon,ipaalala

2 ko sa inyo ang inaral natin noong nakaraan. (REVIEW OF

3 PREVIOUS LESSON)

4 BIZ:MSC UP AND UNDER

5 RADIO TEACHER: Sana ay naalala pa ninyong lahat ang mga iyon ha?

6 Natatandaan pa ba ninyo ang inyong nakaraang aralin?

7 (PAUSE) Sige nga sagutin ang aking katanungan, ano ang

8 ating nakaraang aralin?(PAUSE) (CLAP) Tama ang ating

9 nakaraang aralin ay tungkol sa kung paano mag divide mentally

10 numbers by 2, 3,4,5 at 10 gamit ang iba’t-ibang stratehiya! Very

11 good at natatandaan niyo pa.

12 BIZ: MSC UP AND OUT

13 RADIO TEACHER: handa na ba kayo sa ating panibagong aralin?

14 (PAUSE) tumayo muna ang lahat at tumalon ng limang beses.

15 (PAUSE) oh! Ano handa na ba kayo sa pakikinig?(PAUSE) ngayon

16 ay ihahatid ko na sa inyo ang ating panibagong leksyon.Hawakan

17 ang inyong LAS habang ako ay naglelektyur.

18 BIZ: MSC UP AND OUT

19 RADIO TEACHER: Ang ating leksyon ngayong araw ay tungkol sa

20 nakalulutas ng routine at non-routine problems gamit ang Division


21 ng numero na 2,3,4,5, at 10 at iba pang operations ng whole

22 numbers kasama ang pera gamit ang angkop na hakbang. Alam

23 kong hawak niyo na ang inyong LAS at sundan n’yo lang ako.

24 Ito ang ating aralin sa ika- apat na linggo.

25 BIZ:MSC UP AND OUT

Solving Word …333

1 RADIO TEACHER: May mga kaibigan ba kayo? (PAUSE) Mayroon

2 akong babasahin na kwento at unawain natin kung paano

3 masolusyunan ng magkakaibigan ang kanilang problema. May

4 thirty-six (3,6)na tsokolate ang tatlong magkakaibigan na kanilang

5 paghahatian. Ilang tsokolate kaya ang matatanggap ng bawat isa

6 sa kanila? may tatlong hakbang sa pagsagot ng problemang ito.

7 Una pag-unawa sa problema at ang unang tanong na dapat nating

8 sagutin ay ano ang tinatanong sa suliranin o problema? (PAUSE)

9 tama ang sagot ay ilang tsokolate ang matatanggap ng bawat isa

10 sa kanila? ikalawang katanungan anu-ano ang mga datos o

11 numero na naibigay sa sulirani? (PAUSE) tama 36 at 3.

12 Ikatlong tanong ay anong operation ang dapat gamitin? (PAUSE)

13 tama division. Pagkatapos natin na unawain ang problema ay ating


14 planuhin kung paano makukuha ang tamang sagot. Ikaapat na

15 katanungan ay ano ang number sentence? (PAUSE) tama

16 36÷ 3=N. at ang huli na dapat gawin ay ang solve ano ang tamang

17 sagot sa problema. (PAUSE) tama 36÷ 3=12. Twelve ang

18 natanggap ng bawat isa sa kanila.

19 BIZ: MSC UP AND OUT

20 RADIO TEACHER: Ilang katanungan na dapat ninyong sagutin

21 upang masagot ang problema o suliranin ibinigay sa inyo?

22 (PAUSE) tama may limang katanungan. Una ay ano ang

23 tinatanong sa suliranin? ikalawa ano ang mga datos o numero na

24 naibigay sa suliranin? ikatlo anong operation ang dapat gamitin?

25 ikaapat ano ang number sentence? at ang ikalima ay ano ang

26 tamang sagot? Naunawaan ba ninyo ang leksyon sa araw na

27 ito?(PAUSE) mabuti naman…

28 BIZ: MSC UP AND OUT

Solving Word …33\

1 RADIO TEACHER: Ngayong tapos na ang ating leksyon , oras na ninyo

2 upang sagutin ang inyong activity o gawain sa araw na ito.Handa

3 na ba kayo? (PAUSE) Ito ang panuto, basahin, suriin at lutasin

4 ang suliranin gamit ang tamang paraan. Isulat ang iyong sagot sa

5 sagutang papel. Ito ang suliranin, may 40 (4,0) na lalaki na naglalaro

6 sa parke. Sa bawat grupo may eight (8)-walong manlalaro. Ilan lahat

7 ang grupo ng manlalaro? (PAUSE) nakasunod ba kayo sa binasa ko?


8 Mabuti naman. At ngayon ito naman ang mga katanungan na dapat

9 niyong sagutin una ano ang tinatanong sa suliranin?Ikalawa ano ang

10 mga datos o numero na binigay sa suliranin? Ikatlo, ano ang

11 operation na dapat gamitin? Ikaapat, ano ang number sentence? At

12 ang panghuli ay ano ang tamang sagot?

13 BIZ: MSC UP AND UNDER

14 RADIO TEACHER: at dito nagtatapos ang ating leksyon sa araw na ito,

15 paalala tapusin ang gawain sa araw na ito at para bukas ay

16 panibagong leksyon na naman ang inyong maririnig.at kung

17 may mga katanungan sa gawain ngayon ay pwedeng mag text o

18 mag message sa inyong mga guro.Maraming salamat sa inyong

19 pakikinig hanggang sa muli ako ang inyong radio teacher___________

20 mula sa_________.Laging tandaan ligtas ang may alam,Paalam!

21 BIZ: MSC UP THEN OUT

-END-

You might also like