You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________________________________________

Baitang at Seksiyon: __________________________Asignatura: Filipino 2


Guro: _______________________________ Iskor: _______________

Aralin : Ikatlong Markahan, Week 3, LAS 1


Pamagat ng Gawain : Pagtukoy sa Sanhi at Bunga (Talata)
Layunin : Natutukoy ang sanhi at bunga ng mga
pangyayari sa binasa
Sanggunian : Ang Bagong Batang Pinoy Filipino 2
(Modyul 4) F2PB-Ih-6
Manunulat : Jezreel S. Lazona

Ang sanhi ay nagsasaad ng dahilan ng isang pangyayari. Samantalang ang


bunga naman ay ang epekto o resulta ng isang pangyayari.

Halimbawa:
Noong unang panahon, kay ganda ng mundo
Malinis na kapaligiran, bundok na di kalbo
Ngayon ay sira na ang kapaligiran, putol na kakahuyan,
Nagtambak na basura kaya paligid ay bumabaha.
Sanhi Bunga
Panuto: Tukuyin ang sanhi at bunga sa sumusunod na sitwasyon. Lagyan ng isang
salungguhit ang sanhi at dalawang salungguhit naman ang bunga.
1. Ang mga tao ay nagtutulong-tulong kaya umuunlad ang bansa.
2. Bumaho sa kalsada dulot ng pagtatapon at pag-iimbak ng basura
roon.
3. Nilinis ng mga bata ang kanal kaya nawalan ng tirahan ang mga
lamok.
4. Naglinis ang mga anak ni Nanay Rosa ng bakuran at hindi na
bumaha sa paligid.
5. Masaya si Lena dahil nakapasyal siya sa Rizal Park.

You might also like