You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF COTABATO
Pangalan:_____________________________________Baitang at Seksiyon:________________
Asignatura: Filipino 7 Guro:_____________________Iskor: ____________________________

Aralin : Markahan 3, Linggo 4, LAS 1.1


Paksa : Hudyat sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at iba pang panandang
pantalakayan
Layunin : Nagagamit nang wasto ang angkop na mga pahayag sa panimula, gitna at
wakas (F7 WG-IIId-e-14)
Manunulat : Elvie P. Bautista, T1 – Mlang National High School

Susing Konsepto
Pang-ugnay – Ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang salita,
ng dalawang parirala o ng dalawang sugnay at pangungusap.
Ang wastong paggamit ng mga pang-ugnay ay nakatutulong sa pagkakaroon ng
pagkakaugnay ng mga pangyayari upang lubos na maipakita ang daloy ng mga pangyayari at
naging malinaw ang daloy ng mga pahayag.
Narito ang mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga kilos,
pangyayari o gawain.

a. sa pagsisimula : una, sa umpisa, noong una, unang-una


b. sa gitna : ikalawa, ikatlo..., sumunod, pagkatapos, saka
c. sa wakas : sa dakong huli, sa huli, wakas

Gawain 1 Panuto: Ayusin ang mga salita o parirala sa bawat bilang at isulat muli ito sa isang
pangungusap. Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
Halimbawa: si Sultan Kumpit
Sa umpisa ng Alamat
ang namuno sa malaking pulo
Sa umpisa ng Alamat si Sultan Kumpit ang namuno sa malaking pulo.

1. marami ang manliligaw ni Prinsesa Minda


Noong una,
dahil siya ay maganda
______________________________________________________________________
2. ang sumunod na
Si Prinsipe Lanao
nakipagsapalaran
______________________________________________________________________
3. Unang nakausap,
Prinsesa Minda
ni Prinsipe Lanao si
______________________________________________________________________
4. ng lahat ng pagsubok
Pagkatapos
ay ikinasal sina Prinsesa Minda at Prinsipe Lanao
______________________________________________________________________
5. sina Prinsipe Lanao at
Prinsesa Minda ang
namuno sa kaharian
Sa dakong huli,
______________________________________________________________________
Gawain 2 Panuto: Gumawa ng makabuluhang pangungusap gamit ang mga hudyat at pananda sa
bawat bilang. Ibatay ang sagot sa nilalaman ng akdang “Alamat ng Mindanao”
1. Sa umpisa –
2. saka –
3. sumunod –
4. pagkatapos –
5. sa huli -

SANGGUNIAN:
Panitikang Rehiyonal 7 kagamitan ng mag-aaral, unang Edisyon 2017, Muling Limbag
2020 pahina 172
K to 12 Basic Education Curriculum
MELC (F7 WG-IIId-e-14)
Internet (http://www.coursehero.com), (http://www.brainly.ph)

Address: Capitol Compound Amas, Kidapawan City Tweeter: @deped_northcot


Telefax: (064) 577-7017 FB Group: DepEd Cotabato Division (Official)
Email: northcotabato@deped.gov.ph FB Page: DepEd Cotabato Division Page
Website: sdocotabato.com

You might also like