You are on page 1of 29

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division Office I Pangasinan
Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Tel. No/Fax No. (075) 522-2202 (OSDS); (075) 632-8385 (ASDS)
Email: pangasinan1@deped.gov.ph; officeofthesdspangasinan@gmail.com

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO IV


FIRST QUARTER- WEEK 1

MELC: Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita


tungkol sa sarili at ibang tao sa paligid

 K to 12 BEC CG: F4WG-Ia-e-2

Layunin: Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan

Prepared by:

NICOLE I. FERNANDEZ
Teacher I

JEAN R. BAGARINAO
Teacher I
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ______________

Baitang/Seksyon: ___________________________________________ Marka: _____________

Pamagat ng Gawain: Paggamit sa Angkop na Pangngalan

Most Essential Learning Competency: Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa
pagsasalita tungkol sa sarili at ibang tao sa paligid.
K to 12 BEC CG: F4WG-Ia-e-2

I. Panuto: Gamitin ang angkop na pangngalan sa kahon sa pagpuno sa mga


pangungusap na nagsasabi tungkol sa iyong sarili at sa mga bagay at pangyayari sa
iyong paligid.

grupo kaibigan halimbawa klase tatay


kabutihan kalamidad halaman sunog lamesa

1. Ang batang si Kyla ay tiyak na magiging mabuting _______________.

2. Magaling magtanim si Michelle kaya naman punong-puno ng _______________ ang kanilang


bakuran.

3. Maaasahan ang mga kawani ng baranggay sa panahon ng bagyo at _______________.

4. Isang responsable at matatag na haligi ng tahanan ang aming _______________.

5. Dapat taglay ng isang _______________ ang pagkakaisa ng bawat isa.

6. Mabilis na rumesponde ang mga bumbero dahil sa nangyaring _______________.

7. Siya ay naging isang mabuting _______________ kaya dapat tularan ng ibang bata.

8. Matibay ang aming _______________ dahil ito ay yari sa kahoy.

9. Ang paggawa ng _______________ sa kapwa ay dapat lagging isaisip ng lahat.

10. Gumising ka ng maaga upang hindi ka mahuli sa ______________.


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division Office I Pangasinan
Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Tel. No/Fax No. (075) 522-2202 (OSDS); (075) 632-8385 (ASDS)
Email: pangasinan1@deped.gov.ph; officeofthesdspangasinan@gmail.com

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO IV


FIRST QUARTER

MELC: Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng pormal na


depinisyon

 K to 12 BEC CG: F4PT-Ia-1.10

Layunin: Natutukoy ang kahulugan ng mga salita

Prepared by:

NICOLE I. FERNANDEZ
Teacher I

JEAN R. BAGARINAO
Teacher I
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ______________

Baitang/Seksyon: ___________________________________________ Marka: _____________

Pamagat ng Gawain: Pagtukoy sa kasingkahulugan ng mga salita.

Most Essential Learning Competency: Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan


ng pormal na depinisyon
K to 12 BEC CG: F4PT-Ia-1.10

I. Panuto: Basahing mabuti ang mga depinisyon ng bawat salita. Mula sa mga ito ay
ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa linya.

 batya-- isang gamit na pinagbababaran o pinaglalabhan ng mga damit


 ingkong-- matandang lalaki
 maburak-- tubig na marumi at maputik
 magsing-irog-- dalawang taong nagmamahalan o nag-iibigan
 pampang-- lupa sa paligid ng isang anyong-tubig tulad ng ilog
 panatag-- isang kalagayang walang gulo o tahimik
 kaakibat--kalakip na bagay
 ginugol-- inaksayang panahon
 badya-- isang babala
 kamiseta-- isang uri ng kasuotan
__________1. Dati’y maraming puno ang nakatanim sa lupang katabi ng Ilog Pasig.
__________2. Isang lolo ang nagkukwento sa mga bata.
__________3. Winaldas niya lahat ng kanyang kayamanan.
__________4. Maraming magkasintahan ang namamasyal sa parke.
__________5. Madalas magtungo sa ilog si nanay dala ang palanggana upang maglaba.
__________6. Sana’y manumbalik ang payapang kalagayan sa ating bansa.
__________7. Maginhawang magsuot ng maluluwag na damit sa bahay.
__________8. Tuwing umuula, puno ng maduming tubig ang daan.
__________9. Kasama sa reponsibilidad ng isang lider ang kanyang nasasakupan.
__________10. Isang babala ang inilabas ng gobyerno laban sa maling pagsusuot ng pantakip sa
mukha.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division Office I Pangasinan
Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Tel. No/Fax No. (075) 522-2202 (OSDS); (075) 632-8385 (ASDS)
Email: pangasinan1@deped.gov.ph; officeofthesdspangasinan@gmail.com

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO IV


FIRST QUARTER- WEEK 2

MELC: Natutukoy ang mga elemento ng kwento (tagpuan, tauhan,


banghay)

 K to 12 BEC CG: F4PB-Ia-97

Layunin: Natutukoy ang mga elemento ng kwento

Prepared by:

NICOLE I. FERNANDEZ
Teacher I

JEAN R. BAGARINAO
Teacher I
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ______________

Baitang/Seksyon: ___________________________________________ Marka: _____________

Pamagat ng Gawain: Pagbuod sa Elemento ng Kwento

Most Essential Learning Competency: Natutukoy ang mga elemento ng kwento (tagpuan,
tauhan, banghay)

K to 12 BEC CG: F4PB-Ia-97


I. Panuto: Basahin at unawain ang kwento. Isulat ang hinihinging balangkas sa
ibaba.

Ang Kuneho at Ang Pagong


Ang kuneho ay nagyayabang tungkol sa kanyang bilis sa harap ng iba pang mga hayop
at hinamon ang sinuman sa kanila sa isang paligsahan. Tinanggap ng isang pagong ang kanyang
hamon. Sa una ay iniisip ng kuneho na ito ay isang biro, ngunit seryoso ang pagong. Sinimulan
ang paligsahan sa kapatagan at ang simula ay buong bilis na tumakbo ang kuneho. Napansin
niyang sobrang layo na ng pagong at pinagtawanan niya ito. Nagpasya siyang umidlip muna
sapagkat sa wari niya ay walang pag-asang makahabol ang pagong. Ang pagong, kahit mabagal
ay patuloy na naglakad. Nang magising ang kuneho ay malapit na sa dulo ng karera ang pagong
at hindi niya kaya pang habulin kahit anong bilis niya.
1. Pamagat: ___________________________________________________

2. Paksa: _____________________________________________________

3-4. Mga Tauhan:

a. ________________________________

b. ________________________________

5. Tagpuan: ___________________________________________________

6-10. Banghay

a. Pangunahing Pangyayari:

_______________________________________________________

_______________________________________________________

b. Pinasidhi o Papataas na Pangyayari:

_______________________________________________________

_______________________________________________________

c. Kasukdulan:

_______________________________________________________

_______________________________________________________

d. Kakalasan o Pababang Pangyayari:

________________________________________________________

e. Wakas:

_______________________________________________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division Office I Pangasinan
Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Tel. No/Fax No. (075) 522-2202 (OSDS); (075) 632-8385 (ASDS)
Email: pangasinan1@deped.gov.ph; officeofthesdspangasinan@gmail.com

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO IV


FIRST QUARTER

MELC: Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento- simula-


kasukdulan-katapusan

 K to 12 BEC CG: F4PB-Ii-24

Layunin: Naibibigay ang bahagi ng binasang kwento

Prepared by:

NICOLE I. FERNANDEZ
Teacher I

JEAN R. BAGARINAO
Teacher I

Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ______________

Baitang/Seksyon: ___________________________________________ Marka: _____________

Pamagat ng Gawain: Pagkumpleto sa Bahagi ng Kwento

Most Essential Learning Competency: Natutukoy ang bahagi ng binasang kuwento-


simula-kasukdulan-katapusan
K to 12 BEC CG: F4PB-Ii-24

I. Panuto: Basahin ang kwento.

Ang Kampanilya at Ang Pusa

Isang pamilya ng daga ang nabubuhay sa takot dahil sa isang pusa. Isang araw ay
nagtulungan sila upang talakayin ang mga posibleng paraan upang matalo ang pusa. Matapos
Ang maraming talakayan, isang batang daga ang nagmungkahi ng isang ideya. “Bakit hindi
Tayo maglagay ng isang kampanilya sa leeg ng pusa upang dinig natin kung papalapit ito,
sabi ng batang daga. Pumalakpak at sumang-ayon ang lahat sa ideya maliban sa isang
matandang daga. Tanong ng matandang daga, “Sino ang maglalagay ng kampanilya sa leeg
ng pusa?” Natahimik ang lahat. Kahit maganda ang ideya ng batang daga ay wala sinuman
sa kanila ang may lakas ng loob na lumapit sa pusa at maglagay ng kampanilya sa leeg nito!
A. Punan ang hinihinging bahagi ng kwento sa talaan.

Pamagat:

Simula:
(2 puntos)

Gitna:
(2 puntos)

Kasukdulan
(2 puntos)

B.

Simula Gitna Huli


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division Office I Pangasinan
Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Tel. No/Fax No. (075) 522-2202 (OSDS); (075) 632-8385 (ASDS)
Email: pangasinan1@deped.gov.ph; officeofthesdspangasinan@gmail.com

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO IV


FIRST QUARTER- WEEK 3

MELC: Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili

 K to 12 BEC CG: F4PU-Ia-2

Layunin: Nakakasulat ng talata

Prepared by:

NICOLE I. FERNANDEZ
Teacher I

JEAN R. BAGARINAO
Teacher I
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ______________
Baitang/Seksyon: ___________________________________________ Marka: _____________

Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Talata

Most Essential Learning Competency: Nakasusulat ng talata tungkol sa sarili

K to 12 BEC CG: F4PU-Ia-2

I. Panuto: Sumulat ng maikling talatang may lima hanggang pitong pangungusap


para sa nakatalang pamagat.

Ang Aking Pangarap


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division Office I Pangasinan
Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Tel. No/Fax No. (075) 522-2202 (OSDS); (075) 632-8385 (ASDS)
Email: pangasinan1@deped.gov.ph; officeofthesdspangasinan@gmail.com

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO IV


FIRST QUARTER

MELC: Naisasalaysay muli nang may wastong pagkakasunod-sunod


ang napakinggang teksto gamit ang mga larawan, signal words at
pangungusap

 K to 12 BEC CG: F4PS-Ib-h-6.1


F4PS-Ib-h-91
F4PS-Ib-h-6.2

Layunin: Natutukoy ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga larawan tungkol sa


napakinggang teksto

Prepared by:

NICOLE I. FERNANDEZ
Teacher I
JEAN R. BAGARINAO
Teacher I

Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ______________

Baitang/Seksyon: ___________________________________________ Marka: _____________

Pamagat ng Gawain:

Most Essential Learning Competency: Naisasalaysay muli nang may wastong


pagkakasunod-sunod ang nabasang teksto gamit ang mga larawan, signal words at
pangungusap
K to 12 BEC CG: F4PS-Ib-h-6.1
F4PS-Ib-h-91
F4PS-Ib-h-6.2

I. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na kwento sa ibaba. Pagsunod-


sunurin ang mga pangyayari sa paglalagay ng letrang A-J sa loob ng kahon.
1 1. Nagising si Andrea.

1 2. Narinig niya sa radyo ang balita tungkol sa bagyo.

1 3. Mahimbing ang pagkakatulog ni Andrea.

1 4. Sa dakong huli ay inalis na niya ang makapal na kumot at bumangon.

1 5. Naaalala niya ang kanilang napag-aralan sa paaralan tungkol sa bagyo.

1 6. Ginaw na ginaw siya dahil natanggal ang makapal na kumot na bumabalot sa kanya.

1 7. Idinilat ni Andrea ang kanyang mga mata.

1 8. Ibig niyang subaybayan ang balita tungkol sa bagyo upang ganap silang makapag-ingat.

1 9. Malakas ang hangin at walang tigil ang ulan.

1 10. Nag-isip si Andrea.


Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division Office I Pangasinan
Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Tel. No/Fax No. (075) 522-2202 (OSDS); (075) 632-8385 (ASDS)
Email: pangasinan1@deped.gov.ph; officeofthesdspangasinan@gmail.com

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO IV


FIRST QUARTER- WEEK 4

MELC: Nasasagot ang mga tanong sa napakinggan at nabasang


kuwento, tekstong pang-impormasyon, at SMS (Short Messaging Text)

 K to 12 BEC CG: F4PB-Ia-d-3.1


F4PB-Ia-d-3.1
F4PN-Ih-3.2
Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol sa nabasang kuwento.

Prepared by:

NICOLE I. FERNANDEZ
Teacher I

JEAN R. BAGARINAO
Teacher I
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ______________

Baitang/Seksyon: ___________________________________________ Marka: _____________

Pamagat ng Gawain:

Most Essential Learning Competency: Nasasagot ang mga tanong sa napakinggan at


nabasang kuwento, tekstong pang-impormasyon, at SMS (Short Messaging Text)

K to 12 BEC CG: F4PB-Ia-d-3.1


F4PB-Ia-d-3.1
F4PN-Ih-3.2
I. Panuto: Basahin ang tekstong nasa loob ng kahon at sagutin ang mga sumusunod
na tanong sa ibaba.

Paggalang, Mabuting Katangian

Kahanga-hanga ang isang taong magalang. Sa ating mga Pilipino ang


pagiging magalang lalo na sa matatanda ay katumbas ng isang utos na naging
kaugalian. Maganda nating katangian ito na kinahahangaan ng mga dayuhan.

Paggalang ang pagmamano o paghalik sa kamay ng nakatatanda. Wala itong


pinipiling oras o lugar. Ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal, pagkagaling sa
simbahan, bago umalis at pagdating ng bahay, kapag may bumibisita o binibisitang
kamag-anak, kapag nakita o nasalubong ang nakatatandang kakilala saan man.

Paggalang rin ang paggamit ng po at opo sa pananalita at pagbati gaya ng


“salamat po” at “magandang hapon po.” Gayundin ang pagpipitagan sa
nakatatandang kapatid- ate, kuya, manang at manong.

Binati mo na ba ang iyong katabi ngayon?


1. Sino ang kahanga-hanga?
________________________________________________
2. Sa ating mga Pilipino, ano ang katumbas ng isang utos na naging kaugalian?
________________________________________________
3. Bakit hinahangaan ng mga dayuhan ang ating pagiging magalang?
________________________________________________
4. Kailan ginagawa ng mga bata ang pagmamano o paghalik sa kamay ng nakatatanda?
________________________________________________
5. Bakit sinasabing katumbas ng isang utos na naging kaugalian ang pagiging magalang?
___________________________________________________
6. Ano kaya ang nararamdaman ng mga matatanda kapag sila ay iginagalang ng mga
nakababata? ________________________________________________
7. Bukod sa mga nabanggit, paano mo pa ipinapakita ang paggalang sa kapwa?
________________________________________________
8. Nasalubong mo ang iyong guro sa daan, paano mo ipakikita ang paggalang?
________________________________________________
9. Pinangangaralan ka ng iyong ama dahil may nagawa kang di niya nagustuhan. Paano mo
ipakikita ang paggalang sa kanya habang ikaw ay kanyang kinakausap?
________________________________________________
10. Bakit mahalaga ang paggalang sa kapwa?
________________________________________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division Office I Pangasinan
Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Tel. No/Fax No. (075) 522-2202 (OSDS); (075) 632-8385 (ASDS)
Email: pangasinan1@deped.gov.ph; officeofthesdspangasinan@gmail.com

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO IV


FIRST QUARTER

MELC: Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa natatanging


tao sa pamayanan, tugma o maikling tula

 K to 12 BEC CG: F4PU-Ia-2


F4PU-Ia-2.2

Layunin: Nakasusulat ng maikling tula

Prepared by:

NICOLE I. FERNANDEZ
Teacher I

JEAN R. BAGARINAO
Teacher I
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ______________

Baitang/Seksyon: ___________________________________________ Marka: _____________

Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Maikling Tula

Most Essential Learning Competency: Nakasusulat ng natatanging kuwento tungkol sa


natatanging tao sa pamayanan, tugma o maikling tula
K to 12 BEC CG: F4PU-Ia-2
F4PU-Ia-2.2

I. Panuto: Sumulat ng isang maikling tula gamit ang mga salitang magkakatugma.
Pumili ng isa sa mga pamagat sa ibaba para sa iyong tula.

 Isang Bakasyong Hindi Ko Malilimutan


 Ako’y Bayani ng Kalikasan
 Halina’t Magtanim Tayo
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division Office I Pangasinan
Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Tel. No/Fax No. (075) 522-2202 (OSDS); (075) 632-8385 (ASDS)
Email: pangasinan1@deped.gov.ph; officeofthesdspangasinan@gmail.com

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO IV


FIRST QUARTER- WEEK 5

MELC: Nababasa ang maikling tula nang may tamang bilis, diin,
ekspresyon at intonasyon

 K to 12 BEC CG: F4PB-Ic-16

Layunin: Nababasa ang maikling tula nang may tamang bilis, diin,
ekspresyon at intonasyon

Prepared by:

NICOLE I. FERNANDEZ
Teacher I

JEAN R. BAGARINAO
Teacher I
Pangalan: _________________________________________________ Petsa: ______________

Baitang/Seksyon: ___________________________________________ Marka: _____________

Pamagat ng Gawain: Pagbasa ng Maikling Tula

Most Essential Learning Competency: Nababasa ang maikling tula nang may
tamang bilis, diin, ekspresyon at intonasyon
K to 12 BEC CG: F4PB-Ic-16

I. Panuto: Basahin nang may tamang bilis, diin, ekspresyon at intonasyon ang
maikling tula.
Answer Key: Week 1
Simple Activity
1. kaibigan
2. halaman
3. kalamidad
4. tatay
5. grupo
6. sunog
7. halimbawa
8. lamesa
9. kabutihan
10. klase

Moderate Activity
1. pampang
2. ingkong
3. ginugol
4. magsing-irog
5. batya
6. panatag
7. kamiseta
8. maburak
9. kaakibat
10. badya

References:

Alma M. Dayag. 2017. Pinagyamang Pluma 4 .927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc. p. 284
Answer Key: Week 2
Challenging Activity
1. Ang Kuneho at Ang Pagong
2. Ang Kuneho ay nagyayabang tungkol sa kanyang bilis.
3-4. Kuneho
Pagong
5. kapatagan
6-10.
a. Hinamon ni Kuneho ang mga hayop sa isang paligsahan.
b. Tinanggap ng isang pagong ang kanyang hamon.
c. Nagpasya siyang umidlip muna sapagkat sa wari niya ay walang pag-asang
makahabol
ang pagong. Ang pagong, kahit mabagal ay patuloy na naglakad.
d. Nang magising ang kuneho ay malapit na sa dulo ng karera ang pagong at hindi niya
kaya pang habulin kahit anong bilis niya.
e. Natalo ang kuneho sa paligsahan.

Challenging Activity
A.
Pamagat: Ang Kampanilya at Ang Pusa
Simula: Isang pamilya ng daga ang nabubuhay sa takot dahil sa isang pusa. Isang araw
ay nagtulungan sila upang talakayin ang mga posibleng paraan upang matalo ang
pusa.
Gitna: Nagmungkahi ang batang daga na maglagay ng isang kampanilya sa leeg ng pusa
upang dinig nila kung papalapit ito.
Kasukdulan: Natahimik ang lahat. Kahit maganda ang ideya ng batang daga ay wala
sinuman sa kanila ang may lakas ng loob na lumapit sa pusa at maglagay ng
kampanilya sa leeg nito!

B.
Simula: Natatakot
Gitna: Masaya
Huli: Malungkot
References:

Alma M. Dayag. 2017. Pinagyamang Pluma 4 .927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.
Rubric: Week 3
Simple Activity
Marka Mga Pamantayan
10 Malinaw na malinaw ang mensaheng taglay ng bawat pangungusap at
magkakaugnay lahat patungkol sa paksa.
7 Malinaw na makikita ang mensaheng taglay ng bawat pangungusap at
magkakaugnay lahat patungkol sa paksa.
4 Hindi gaanong malinaw ang mensaheng taglay ng bawat pangungusap at
hindi rin gaanong magkakaugnay lahat patungkol sa paksa.
1 Hindi malinaw ang mensahe at hindi rin magkakaugnay lahat patungkol sa
paksa.

Challenging Activity
1. C
2. E
3. A
4. I
5. G
6. D
7. H
8. J
9. B
10. F
References:

Alma M. Dayag. 2017. Pinagyamang Pluma 4 .927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.

Answer Key: Week 4


Moderate Activity
1. ang isang taong magalang
2. pagmamano
3. dahil ito ay isang magandang pag-uugali
4. - Matapos magdasal.
- Bago umalis o pagdating sa bahay.
- Pagkagaling sa simbahan.
- Kapag may bumisita o binisitang kamag-anak.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
5. - Dahil natutuhan natin ito sa ating mga magulang.
- Dahil tinuturuan tayo ng magandang asal.
- Dahil itinuturo ito sa mga paaralan.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
6. - Natutuwa/Nasisiyahan/Naliligayahan
- Nagmamalaki sa paggalang na ibinibigay sa kanila
- Nagkakaroon ng pagpapahalaga sa sarili.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
7. - Sa pakikinig po habang may nagsasalita.
- Hindi po mag-iingay habang may natutulog.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
8. - Magmamano po ako sa kanya.
- Yuyuko po ako at magsasabi ng magandang umaga/ tanghali/hapon po.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
9. - Makikinig po ako sa kanyang sinasabi.
- Titingin po ako sa kanya habang ako ay kanyang kinakausap.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)
10. - Dahil ito ay ikinalulugod ng Diyos.
- Dahil nagpapakita ito na karapat-dapat ka rin na igalang.
(Tanggapin ang iba pang katulad na mga sagot.)

Rubric:
Simple Activity
Marka Mga Pamantayan
10 Napakaangkop at nararapat ang ginamit na mga salitang magkatugma at
talagang kitang- kita sa isinulat na tula ang paksang tungkol sa
pagmamahal sa kapaligiran.
7 Angkop ang mga ginamit na mga salitang magkakatugma at malinaw na
makikita sa isinulat na tula ang paksang tungkol sa pagmamahal sa
kapaligiran.
4 Hindi gaanong angkop ang ginamit na mga salitang magkatugma at hindi
rin gaanong nakita sa tula ang paksang tungkol sa pagmamahal sa
kapaligiran.
1 Hindi angkop ang ginamit na mga salitang magkatugma at hindi rin
nagamit ang paksang tungkol sa pagmamahal sa kapaligiran.

References:

Alma M. Dayag. 2017. Pinagyamang Pluma 4 .927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.

Rubric: Week 9
Moderate Activity
Krayterya Kailangan Pang Katamtaman Mahusay Pinakamahusay
Paghusayan
6-7 8-9 10
1-5
Bigo na makamit Katamtaman ang May tamang Mahusay ang bilis
Tamang Bilis ang tamang bilis bilis sa pagbabasa bilis sa sa pagbabasa
sa pagbabasa pagbabasa
Kulang sa diin May diin sa May tamang diin Mahusay ang diin
Diin
pagbabasa sa pagbabasa sa pagbabasa
Hindi naaangkop May ekspresyon May tamang Mahusay ang
Ekspresyon ang ekspresyon sa pagbabasa ekspresyon sa ekspresyon sa
sa binbasang tula ngunit kulang pagbabasa pagbabasa
Walang tamang May intonasyon May tamang Mahusay ang
Intonasyon intonasyon sa sa pagbabasa intonasyon sa intonasyon sa
pagbabasa pagbabasa pagbabasa
Hindi Hindi masyadong May tamang Mahusay ang
nauunawaan ang maunawaan ang pagbigkas sa pagbigkas sa
Pagbigkas
binibigkas na binibigkas na pagbabasa pagbabasa
salita salita

References:

Alma M. Dayag. 2017. Pinagyamang Pluma 4 .927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.

You might also like