You are on page 1of 22

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Alvear St. Lingayen, Pangasinan
Tel. No./Fax No. (075) 522-2202 (OSDS);(075) 632-8385(ASDS)
E-mail: pangasinan1@deped.gov.ph; officeofthepangasinan1@gmail.com

ACTIVITY SHEETS IN FILIPINO 4


QUARTER I

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga


tanong sa napakinggan at nabasa na kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS
(Short Messaging Text).
 K to 12 BEC CG: F4PB-la-d-3.1
F4PN-lh-3.2

Mga Layunin:
1. Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento.
2. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa mga
tao, hayop, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid.
3. Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay.

Inihanda ni:

GIGI G. RAMOS
Teacher II
Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________
Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Ihanay Mo Sila, Pambalana o Pantangi?


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasa na kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS (Short
Messaging Text).
 Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento. F4PN-la-d-3.1
 Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa
sarili,sa mga tao,lugar bagay at pangyayari sa paligid. F4WG-la-e-2

Panuto: Kompletuhin ang talaan batay sa napakinggang kuwento.(Si Jose ang


Batang Magalang). Isulat ang pangngalan sa tamang hanay.

tindahan Mang Melchor mantika Ben paaralan

kaklase Nanay Lorna Mang Caloy traysikel Aling Helen

Pambalana Pantangi
Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________
Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Ayusin ang Larawan!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
binasa at narinig na kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS (Short Messaging
Text).

 Naisasalaysay muli ang napakingang kwento gamit ang mga larawan.


F4PS-lb-6.1

Panuto: Ayusin ang mga larawan ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng


pangyayari ayon sa kuwento sa pamamgitan ng paglalagay ng bilang sa
patlang. Ilagay ang letrang A hanggang J sa pag-aayos ng kuwento.

1. 2.

_____________________ ___________________

3. 4.
___________________ __________________

5. 6.

7. 8.

_________________ ___________________

9. 10.
Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________
Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Ginawa Mo Ba Ang Mga Ito?


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasang kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS(Short
Messaging Text).
 Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon tulad ng pagbili sa
tindahan.
K to 12 BEC CG: F4PS-la-12.8

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Iguhit ang


kung ginawa mo ito at kung hindi.Iguhit ang sagot sa patlang.
__________1. Gumagamit ako araw-araw ng magagalang na salita.
__________ 2. Iginagalang ko ang lahat ng nilalang ng Maykapal.
__________ 3.Lagi kong sinusunod ang utos ng aking mga magulang at mga nakatatanda.
__________ 4.Nagdarabog ako kapag inuutusan.
__________ 5.Hindi ko pinapansin ang ibang tao kapag may ginagawa.
__________ 6.Patuloy akong naglalakad habang tinutugtog ang pambansang awit.
__________ 7.Maluwalhati kong ginagampanan ang utos ng aking lola.
__________ 8.Taimtim akong nakikinig habang nagmimisa ang pari.
__________ 9.Walang pakundangan akong sumabat sa usapan ng aking ina at aking tiyahin.
__________ 10.Lubos akong sumusunod sa mga alituntunin na ipinatutupad ng kapulisan.
Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________
Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Hulaan Mo!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasa na kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS (Short
Messaging Text).

 Nagagamit ang diksiyonaryo. F4EP-lb-6.1

Panuto: Basahin ang sumusunod at tukuyin kung anong pangngalan na nasa


kahon ang tinutukoy nito.Isulat ang sagot sa patlang.

baul kandelabra parasiyut alkansya akuwaryom

hawla palamuti panaderya hardin saranggola

________ 1.Ako ay isang malaking kahon na pinaglalagyan ng damit .


_________2.Lugar kung saan itinatanim ang mga lumalagong mga gulay.
_________3.Ako ay isang tanke ng tubig kung saan pinanatili ang mga isda at iba
pang nilalang ng tubig.
------------4.Dito ginagawa o ibinebenta ang tinapay.Ano ako?
________5.Mga bagay na ginagamit upang gawing kaakit-akit ang isang bagay.
________6.Ito isang istraktura kung saan ang mga ibon o iba pang mga hayop ay
nakakulong.
________7. Isang malaking hawakan para sa maraming kandila o lampara.
________8.Ako ay isang laruang gawa sa kahoy at manipis na material, naililipad sa
hangin sa dulo ng isang mahabang tali.
_________9.Isang malaking tela na pinupuno ng hangin at pinapayagan ang isang tao
o bagay na nakadikit dito upang bumaba ng dahan-dahan kapag bumababa mula sa
isang sasakyang panghimpapawid.
_________10.Gawa sa kawayan o luwad na lalagyan para sa pag- iimbak ng pera.

Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________


Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Ano? Sino? Saan ?


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasang kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS(Short
Messaging Text).
 Nagagamit ang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili,sa mga
tao,hayop,lugar,bagay at pangyayari sa paligid.
K to 12 BEC CG: F4WG-Ia-e-2
Panuto: Punan ang tsart ng tamang pangngalan.Isulat ang angkop na
pangngalan sa hanay ng talahanayan.

Araw ng mga puso nang lumabas ng bahay si Jason para pumunta sa


tindahan.Habang naglalakad siya kasama ang kaniyang alagang aso ay
nakasalubong niya si Manang Fe.
“Magandang umaga po, Manang Fe,” bati ni Jason sa matandang
babae.”Magandang umaga rin sa’yo.Parang nagmamadali kang pumunta
kung saan”tanong niya.
“Pupunta ako sa tindahan para bumili ng gagamitin sa pagluto ng
sinigang mamayang tanghali,” sagot ng bata na may ngiti.
“Puntahan mo ako sa bahay kung may mga kulang kang lahok sa
lulutuin ninyo,sabihin mo sa iyong Nanay Linda.”
“Opo!” sabay na naghiwalay na ang dalawa patungo sa kani-kanilang
pupuntahan.

PANGNGALA tao bagay hayop lugar pangyayari


N
Pantangi

Pambalana

Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________


Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Basahin at Pag-isipang Mabuti


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasang kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS(Short
Messaging Text).
Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento.
K to 12 BEC CG: F4PB-Ia-d-3.1
Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Nasa Huli ang Pagsisisi


Si Pedro ay ang tipo ng bata na hindi mahilig lumabas ng silid.Pagkatapos ng kanyang
klase ay direstso na siyang umuuwi sa kanilang bahay.Isang araw,natanaw niya sa kanilang
bintana na may mga bata na naglalaro ng bola sa kanilang bahay.Inggit na inggit siya habang
tinatanaw niya ang mga batang nagkakasayahan at nagtatawanan sabay ng pagpapasahan ng
bola sa isa’t isa.Nais man niyang maglaro,tali siya sa kanyang gawaing pampaaralan dahil sa
pangaral ng kanyang magulang na mag-aral muna bago maglaro.
Isang araw,hindi natiis ni Pedro ang labis na pagkasabik sa paglalaro.Iniwanan niya
ang kanyang takdang-aralin at lumabas para makipaglaro sa mga bata sa labas.Sa sobrang
tuwa sa ginawang laro nito,nakalimutan niyang gawin ang kaniyang takdang-aralin.Umuwi
siya na hapong-hapo at dahil sa kapaguran,di man lang niya nagawang magpalit ng damit
pantulog.
Kinabukasan,hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya na walang takdang-
aralin.Nang tinawag siya ng kanyang guro wala siyang naisagot.Walang imik siya sa klase
dahil sa nangyari.Hiyang-hiya siya sa sarili.
“Pangako ko,tatapusin ko muna ang gawain ko sa klase bago makipaglaro,” sambit
niya sa sarili pagkatapos niyang hindi masagot ang tanong ng guro.

1. Sino ang batang hindi mahilig lumabas ng silid?


A. Paul B. Pedro C.Pepe D.Pong

2. Ano ang natanaw ng bata sa kanilang bintana?


A. mga batang nag-lalaro C.mga batang nagbabasa
B. mga batang sumasayaw D.mga batang nanonood ng telebisyon

3. Bakit hindi nagawa ni Pedro ang paglalaro sa labas?


A. dahil pinagbabawalan ng magulang B.dahil sa pinagagawa siya ng takdang-
aralin
C.dahil maraming pinagagawa ang guro D.dahil sa hindi pa niya tapos gawin ang
takdang-aralin.

4. Ano ang ginawa ng bata para makapaglaro siya?


A.Ipinagawa sa iba ang kaniyang takdang-aralin.
B.Naglaro siya muna bago tinapos ang takdang aralin.
C.Tinapos niya ang takdang-aralin at nakipaglaro sa mga bata.
D. Naglaro siya hanggang sa nakalimutang gawin ang takdang-aralin.

5. Ano ang nangyari sa klase ng tinawag siya ng kanyang guro?


A.Nainggit sa kanya dahil sa maayos niyang sagot.
B.Pinagtawanan siya ng kaklase dahil wala siyang masagot.
C.Natuwa sa kaniya ang guro dahil sa maayos na sagot niya .
D.Dahil sa hindi pa tapos na paggawa ng takdang-aralin.

6. Ano ang ipinangako niya sa sarili?


A. Gagawin ang takdang-aralin habang naglalaro.
B.Mag-aaral siya nang mabuti para sagutin ang pagsusulit.
C.Tatapusin muna niya ang laro bago ang takdang-aralin
D.Tatapusin muna niya ang takdang-aralin bago ang laro.

7. Anong aral ang natutuhan ni Pedro sa pangyayaring ito?


A. Maging masaya sa lahat ng oras.
B.Maging masigla sa pakikipaglaro.
C.maging disiplinado sa lahat ng oras
D.Maging matulungin sa lahat ng oras

8. Kinabukasan,hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya na walang mga takdang


aralin.Ang salitang nakasalungguit ay isang ___________?
A.panghalip B. pangngalan C.pang-uri D.pang-abay

9.Nakalimutan niyang gawin ang takdang-aralin. Ang salitang ito ay pangngalan na


nagsasaad ng ngalan ng _________.
A.tao B. bagay C. pambalana D.pangyayari

10. Kung sinunod lang niya ang pangaral ng kaniyang ina,hindi siya mapapahiya sa klase.Ito
ay isang uri ng pangngalang ___________.
A.pantangi B.pahambing C.pambalana D.pasukdol
Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________
Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Uriin Mo Ako!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasa na kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS (Short
Messaging Text).
 Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento. F4PN-la-d-3.1
 Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa
sarili,sa mga tao,lugar bagay at pangyayari sa paligid. F4WG-la-e-2

Panuto: Kompletuhin ang talaan batay sa napakinggang kuwento ( Ang


Mahiwagang Sombrero).Isulat ang pangngalan sa tamang hanay.

Mang Ador klinika isada pulis isang araw

Ibon hardin sombrero akuwaryom

tao bagay hayop lugar pangyayari


Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________
Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Punan ang Pagkukulang!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasa na kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS (Short
Messaging Text).
 Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasalita tungkol sa sarili, sa
mga tao,ligar,bagay at pangyayari sa paligid. F4WG-la-e-2

Panuto: Basahin ang teksto . Punan ang mga patlang ng wastong


panggalan na nasa kahon upang makompleto ito.

pagkain trabaho paaralan tatay

bahay nanay kainan pulis

gamit sasakyan

Sa loob ng 1.__________ makikita mo ang aking 2.________ na nagluluto ng


3.________ para sa aming lahat. Si 4. ________ naman ay naghahanda para sa
kanyang pagpasok sa 5.__________. Kaming mga anak naman ay nag-aayos ang
aming
6. __________ na dadalhin sa 7.__________. Habang si Tagpi ay abalang-abala sa
pagkain ng dogfood sa kanyang 8.___________. Lahat ay abala sa kani-kaniyang
gawain. Bumubusina rin ang 9.__________ sa labas dahil sa trapik na inaayos ng
isang 10. _________. Ganito ang paligid sa araw-araw sa barangay ng Sto.Tomas.
Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________
Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Ilista Mo ang mga Hinahanap Ko!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasang kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS(Short
Messaging Text).
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.
K to 12 BEC CG F4PS-lc-4
Panuto: Makinig mabuti sa babasahin ng guro. Ibigay ang hinihiling ng mga
sumusunod.

Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID 2019)

Ang sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19) ay isang sakit sa palahingahan. Ito ay sanhi ng
isang bagong virus.

May mga bago kaming nalalaman tungkol sa virus na ito araw-araw dahil ito ay bago.

Nakikipagtulungan kami sa mga kasosyo upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19,


ngunit ang bawat isa sa estado ay may bahaging gagampanan upang maisakatuparan ito.

Sinuman sa anumang edad ay maaaring magkasakit. Ang ilang tao ay maaaring magkasait
nang mas malala kaysa sa iba. Ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19 ay maaaring
makahawa sa iba, kahit pa minsan parang wala silang sakit. Hindi namimili ang mga virus
kaya’t iwasan ang mga pagpapalagay tungkol sa kung sino ang sa tingin ninyo ang may sakit.

Mga Sintomas
Ang ilang taong may impeksyon na COVID-19 ay hindi masyadong nagkasakit. Ang
iba ay malubhang nagkasakit. Ilan sa mga sintomas ay:
▪ Ubo
▪ Pangangapos ng paghinga
▪ Lagnat
▪ Panginginig
▪ Pananakit ng ulo
▪ Pananakit ng kalamnan
▪ Pananakit ng lalamunan
▪ Pagkawala ng panlasa o pang-amoy

Hindi madalas, ang mga tao ay maaaring sumakit ang tiyan, magsusuka, o magtae.

Magpasuri kung mayroon kang mga sintomas. Tumawag sa iyong doktor o iba pang provider
ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa pagpapasuri. Tumawag sa kanila kung
mayroon kang mga sintomas o nababahala sa iyong mga sintomas.

Ang mga taong may banayad na sakit ay maaaring manatili sa bahay habang sila ay
nagpapagaling. Lumabas lamang kung kukuha ng medikal na pangangalaga. Tumawag sa
iyong doktor o iba pang provider ng pangangalagang pangkalusugan bago ka pumunta.

Gawin ang mga bagay na ito upang protektahan ang iyong sarili at ang iba mula sa COVID-
19:
▪ Panatilihin ang 6 na talampakang (2 metro) layo mula sa ibang tao kapag nasa labas
ng bahay.
▪ Magsuot ng facemask o telang panakip ng mukha kapag pumupunta sa mga
tindahan o iba pang mga lugar kung saan mahirap panatilihin ang 6 na
talampakang layo mula sa iba.
▪ Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.
▪ Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.
▪ Magtakip kapag umuubo.
▪ Linisin at i-disinfect ang mga ibabaw at bagay na madalas hinahawakan.

Kunin ang iyong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang


pinagkukunan ng impormasyon tulad ng mga website ng Minnesota Department of Health
(Kagawaran ng Kalusugan sa Minnesota) at ng CDC. Maging maingat sa ibang mga
pinagkukunan ng impormasyon, lalo na ang mga tungkol sa gamot para sa COVID-19.

A. Ano- ano ang sintomas ng may Covid-19? Magbigay ng lima.

1.
2.
3.
4.
5.

B. Paano mo maprotektahan ang iyong sarili at komunidad sa Covid-19?Magbigay


ng lima.

1.
2.
3.
4.
5.
Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________
Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Isulat Mo


Most Essential Learning Competency: Nasasagot ang mga tanong sa napakinggan
at nabasang kuwento, tekstong pang-impormasyon at SMS(Short Messaging Text).
Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto.
K to 12 BEC CG: F4PS-ld-i-1
Panuto: Sumulat ng isang kuwento tungkol sa sariling karanasan na may lima
hanggang walong pangungusap tungkol sa pagpapakita mo ng pagiging
magalang sa pamamagitan ng pangangalaga sa sarili at sa ibang tao.
Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________
Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Ano? Sino? Saan ?


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasang kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS(Short
Messaging Text).
 Nasasagot ang mga tanong sa binasang kuwento.
K to 12 BEC CG: F4PB-la-d-3.1

Panuto: Ibigay ang hinihiling ng mga sumusunod na katanungan batay sa


kuwentong binasa (Ang Pambihirang sombrero). Isulat ang sagot sa patlang.

_______________ 1. Ano ang nahalungkat ni Mia sa lumang baul?


_______________ 2.Saan tumungo si Mia nong lumabas sya sa kanilang bahay?
_______________ 3.Sino ang naglagay ng alkansiya sa sombrero ni Mia?
_______________ 4.Saan ang sumunod na pinuntahan ni Mia?
_______________ 5.Ano ang inilagay ni Mang Kalor sa sombrero ni Mia?
_______________ 6.Sino ang nadatnan ni Mia sa klinika?
_______________ 7.Saan nakarating si Mia nong naglakad pa siya?
_______________ 8.Ano ang inilagay ni Mang Ador sa sombrero ni Mia?
_______________ 9.Sino ang nakasalubong ni Mia pagtawid niya ng kalsada?
_______________ 10. Ano ang itinali ni Toto sa sombrero ni Mia?
Pangalan:________________________________ Petsa: ____________________
Baitang/Seksyon: _________________________ Iskor: ____________________

Pamagat ng Gawain: Kuwentuhan Tayo!


Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nasasagot ang mga tanong sa
napakinggan at nabasang kuwento,tekstong pang-impormasyon at SMS(Short
Messaging Text).
 Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay .
K to 12 BEC CG: F4PU-Id-h-2.1
Panuto: Sumulat ng kuwento tungkol sa karanasan sa paggawa ng
sombrerong papel. Siguraduhin na kompleto ang elemento nito.
Susing Pagwawasto

1. tindahan - pambalana 6. Mang Kaloy - pantangi


2. kaklase - pambalana 7. Ben - pantangi
3. Mang Melchor - pantangi 8. traysikel - pambalana
4. Nanay Lorna - pantangi 9. paaralan - pambalana
5. mantika - pambalana 10. Aling Helen - pantangi

1. F 6. I
2. D 7. C
3. G 8. J
4. B 9. A
5. H 10. E

1. 6.

2. 7.
3. 8.

4. 9.

5. 10.

1. baul 6. hawla
2. hardin 7. kandelabra
3. akwaryum 8. saranggola
4. panaderya 9. parasiyut
5. palamuti 10. alkansiya

PANGNGALA Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari


N
Pantangi Jayson Araw ng mga
Manang Fe Puso
Nanay Linda
Pambalana bata lahok aso tindahan
sinigang bahay

1. B 6. D
2. A 7. C
3. B 8. B
4. B 9. B
5. B 10. C
Tao Bagay Hayop Lugar Pangyayari

Mang Ador akwaryum isda klinika isang araw


pulis sombrero ibon hardin

1. bahay 6. gamit
2. nanay 7. paaralan
3. pagkain 8. kainan
4. tatay 9. sasakyan
5. trabaho 10. pulis

A.

1. ubo
2. pananapos ng paghinga
3. lagnat
4. pananakit ng kalamnan
5. pagkawala ng lasa o pang-amoy
B.
1. Panatilihin ang anim na talampakang layo mula sa ibang tao kapag nasa labas ng bahay.
2. Magsuot ng face mask.
3. Manatili sa bahay kung ikaw ay maysakit.
4. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay.
5. Magtakip kapag inuubo.

Note: Tignan ang rubriks sa ibaba.


1. sombrero 6. hawla
2. tindahan 7. Doktora Dolce
3. Manang Sol 8. istasyon ng bumbero
4. klinika 9. pulis
5. hawla 10. Saranggola

Note: Tignan ang rubriks sa ibaba.

Rubriks para sa Pagsulat ng Salaysay

NILALAMAN .May malawak na kaalaman at impormasyon


(paksa o ideya) tungkol sa paksa. 50%
7 puntos .Maayos at kasiya-siyang basahin ang paksa

ORGANISASYON .Makatawag-pansin ang pamagat


(Pagkakabuo o .May magandang panimula at pangwakas na 30%
paglalahad ng pangungusap
ideya) .Maayos ang pagkakabuo ng mga pangungusap
5 puntos .Mahusay ang pagkakalahad ng ideya
PAGGAMIT NG .May mayamang bokabularyo
WIKA .Limitado o walang mali sa paggamit ng mga
(Talasalitaan/bahagi
bahagi ng pannalita 10%
ng pananalita).May wasto at angkop na pagkakabuo ng mga
2 puntospangungusap
.Sapat ang haba ng bawat pangungusap
MEKANICS AT .Wala o may mangilan-ngilang kamalian
PRESENTASYON (1-5) sa sumusunod:
(Sangkap sa .pagbabaybay ng salita
pagsulat) .malaking letra
1 puntos .bantas
.palugit 10%
.anyo ng pagkakasulat
.Malinis at maayos ang pagkakasulat ng talata
at may sariling disenyo ng plano sa pagsulat.
References:
A. Books
Javines, Angelika D. 2015. Yaman ng Lahi. Pasig City: Sunshine Interlinks
Pubishing House, Inc.

B. Online and Other Sources


Minnesota Department of Health.
https://www.health.state.mn.us
Ang Pambihirang Sombrero ni Jose Miguel Tejido.
https://youtube/SCwPVtj32w
Si Jose ang Batang Magalang ni Arjohn V. Gime

You might also like