You are on page 1of 28

MODULES IN

GRADE 4
QUARTER 2 – WEEK 1

Page 1 of 28
Page 2 of 28
Page 3 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D1

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Ikalawang Markahan/Unang Linggo/Unang Araw

Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-uri (lantay) sa paglalarawan


ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili-ibang tao katulong
sa pamayanan.

1. Panimula

Pang-uri – ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o nagbibigay


turing sa pangngalan o panghalip.

Tatlong (3) Kaantasan ng Pang-uri:

1. Lantay – mga pang-uring naglalarawan ng isang pangngalan


o panghalip.
2. Pahambing – ginagamit sa pagtutulad sa dalawang
pangngalan o panghalip
3. Pasukdol – ito ay ginagamit kung higit sa dalawang tao,
bagay, hayop, lugar o pangyayari ang paghahambing.

Paalaala: Ang modyul na ay may layuning nagagamit nang


wasto ang pang-uring lantay sa paglalarawan ng tao, lugar,
bagay at pangyayari. Mangyari lamang na basahin ng
sinumang kasama sa bahay ang mga pang-uring lantay.

Page 4 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D1

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

2. Magsanay Tayo

A. Pagsasanay 1
Panuto: Ikahon ang ginamit na pang-uri sa bawat pangungusap:

1. Ang bulaklak sa plorera ay lanta na.


2. Nanguha ng mga sariwang gulay sa taniman ang mag-ina.
3. Tunaw na ang ice cream sa baso.
4. Ang mga bayani ay dakila.
5. Bakit matamlay si Anne ngayon?
6. May kaibigan si Snow White na pitong dewende.
7. Kulot ang buhok ng aking ate.
8. Mamula-mula ang pisngi ng sanggol sa bahay.
9. Mabango ang bulaklak na Sampaguita.
10. Sumakit ang tiyan ng bata sa gutom.

B. Pagsasanay 2
Panuto: Pagtapatin ang pangngalan at angkop na pang-uring
panlarawan para rito. Isulat sa dahon ang titik ng tamang sagot:

1. babae a. matayog

2. buwan b. madilim

3. leche plan c. matamis

4. santol d. mayabong

5. puno e. maganda

Page 5 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D1

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

6. halaman f. bilog

7. magsasaka g. maasim

8. paaralan h. masipag

9. gabi i. mabango

10. niyog j. maamo

C. Pagsasanay 3

Panuto: Anong pang-uring panlarawan ang angkop sa bawat


nakaguhit na pangalan?

1. panahon__________ 6. _____________ bayani

2. gabi ___________ 7. ______________ mag-anak

Page 6 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D1

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

3. gulay __________ 8.______________halo-halo

4. tanawin_________ 9.______________kotse

5. bulaklak __________ 10._____________radio

Tandaan:
• Ang Pang-uri ay bahagi ng pananalitang naglalarawan o
nagbibigay turing sa pangngalan o panghalip.
• Ang Lantay ay isang kaantasan ng pang-uri na kung saan ay
naglalarawan ito
ng isang pangngalan o panghalip.

Page 7 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D1

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

PAGTATAYA

Panuto: Salungguhitan ang Pang-uring lantay na ginamit sa mga


pangungusap:

1. Sariwang isda ang dala ni Paolo mula sa Dagupan.

2. Si Mary ay maputing bata.

3. Magaling sa matematika si Anna.

4. Ang matalinong estudyante ay nilalapat ang kanyang natutuhan.

5. Ang pangkat ni Ramon ay mabilis sa pagtakbo.

6. Ang Avocado ay masustansiyang prutas.

7. Mabibisa sa lagnat ang mga gamut na ito.

8. Ang batang magalang ay dangal ng magulang.

9. Si Ate Meng ay masinop sa kanyang mga Gawain.

10. Maraming mga tao ang nahihirapan sa sitwasyon nating ngayon.

Inihanda ni:

LOURDES I. NACIONAL
Guro sa Filipino 4

Page 8 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D2

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Ikalawang Markahan/Unang Linggo/Ikalawang Araw

Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-uring paghahambing sa


paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari sa sarili-ibang tao
katulong sa pamayanan.

1. Panimula

Pahambing ng Pang-uri ay naghahambing sa dalawa o higit


pang pangngalan o panghalip..

Dalawang Uri ng Pahambing na Pang-uri:


1. Hambingang Magkatulad
• Kapag ito ay ginagamit sa magkatulad na katangian.
• Ginagamitan ito ng panlaping magka, magsim/sin.
2. Hambingang Di-Magkatulad.
• Hambingang di magkatulad kapag hindi magkakatulad
na bagay ang pinaghahambing.
• Ang mga panlaping ginagamit sa hambingang di-
magkatulad ay di-gaano, higit, kaysa, mas, di-hamak,
labis, lalo, di-gaano, di-masyado, di-totoo.

Paalaala: Ang modyul na ay may layuning nagagamit nang


wasto ang pang-uring pahambing sa paglalarawan ng tao, lugar,
bagay at pangyayari. Mangyari lamang na basahin ng sinumang
kasama sa bahay ang mga pang-uring pahambing at sagutan
ang mga pagsasanay kaugnay nito.

1/nacional/VABES

Page 9 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D2

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

Magsanay Tayo

A. Pagsasanay 1

Panuto: Punan ang patlang ng angkop na pang-uri na nasa


wastong kaantasan. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.

Higit na mainit Magkasing taas Mas gwapo Di-hamak


maliwanag
mas maliit mas mainit Magkasing Kapwa Mas makapal
haba mabango

1. Ang Araw ay _______________ kaysa buwan.


2. Umiinom si tatay ng ___________ na kape tuwing umaga.
3. _____________ ang lapis at bolpen sa mesa.
4. Alin sa langgam at lamok ang ________________?
5. Sina Yuri at Torry ay _____________________.
6. Si Ken ay __________________ kay Bamba.
7. Ang mga bulaklak na Calachuchi at Sampaguita ay
______________.
8. __________ na maganda si Sarah Geronimo kay Moira Dela
Torre.
9. _____________ ang mga aklat ng Grade 6 kaysa sa Grade 1.
10. __________________ maliwanag ang ilaw sa fluorescent kaysa
sa bombilya.

2/nacional/VABES

Page 10 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D2

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

B. Pagsasanay 2

Panuto: Paghambingin ang mga pangngalan sa bawat bilang gamit


ang wastong kaantasan ng pang-uri sa panaklong. Isulat sa patlang
ang pangungusap. Tingnan ang mga halimbawa sa dalawang uri ng
paghahambing sa unang pahina.

Halimbawa: batis at ilog (mababaw)


Ang batis ay higit na mababaw kaysa ilog.

1. Sarah Geronimo at Angeline Quinto (sikat )

2. santol at mangga ( maasim )

3. bata at matanda ( marunong )

4. dalaga at binate ( palaayos )

5. buwan at araw ( mainit )

6. ilaw at tubig ( mahal )

7. gulay at prutas ( sustansiya )

8. tatay at nanay ( mapagmahal )

9. sundalo at pulis ( matapang )

10. leche plan at maja blanca ( tamis )

3/nacional/VABES

Page 11 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D2

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

C. Pagsasanay 3

Panuto: Ikahon ang mga tamang pang-uring ginamit sa


paghahambing sa sumusunod na mga pangungusap:

1. (magkasing, Ubod ng, Sing) daldal ang kambal na magkapatid.

2. Ang magkaibigang Paring at Maring ang (magkasimbait, mabait, ubod ng bait)

3. Si Imelda ay napiling (pinaka, mas, higit) masipag sa buong grupo.

4. (magaling, mas magaling, pinakamagaling) siyang maglaro ng dama.

5. Kung umarte si Juday ay (malalim, mas malalim, pinkamalalim) sa kanyang


mga kasabay na artista.

6. (ubod ng tamis, mas matamis, magkasingtamis) ang timpla mong kape.

7. (mas malaki, pinakamalaki, magkasinglaki) ang magpinsang Ric at Rico.

8. Ang mga bayabas ay (hilaw, mas hilaw, pinakahilaw) pa.

9. (sakdal-yumi, sakdal-nipis, sakdal-kapal) ang kagandahan ni Maria.

10. (Nuno ng kakuriputan, Nuno ng kagalingan, Nuno ng kayabangan) ang aking


Tiyo na nanggaling pa sa Australya.

Tandaan:
• Ang Pang- uri Pahambing ay isang Kaantasan ng Pang-uri. Ito ay
naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
• Ang dalawang Uri ng Paghahambing ay:
1.Habingang magkakatulad – ito ay ginagamitan ng panlaping
magka,,magkasim/sin
2. Hambingang di-magkatulad – ito ay ginagamitan ng mga
panlaping di-gaano, higit, kaysa, mas, labis, lalo, di-gaano, di-totoo.

4/nacional/VABES

Page 12 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D2

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

PAGTATAYA

Panuto: Salungguhitan ang buong pang-uri sa bawat pangungusap. Bilugan ang L


kung ito ay lantay at PH kung pahambing:

L PH 1.Ang Bundok Apo ay mas mataas kaysa sa Bundok ng Arayat.

L PH 2. Ang Avocado ay masustansiyang prutas.

L PH 3. Ubod ng lakas si Samson.

L PH 4. Mas malambing si Aya Kaysa kay Sara.

L PH 5. Si Valerie ang mapagbigay sa magkapatid.

L PH 6. ( maaliwalas, mas maaliwalas, pinkamaaliwalas ) ang panahon kahapon


kaysa sa ngayon.

L PH 7. ( maulan, mas maulan,pinakamaulan ) ang umaga ngayon kaysa sa


kahapon.

L PH 8. Sa mga Kasuotan ( manipis,mas manipis,pinakamanipis ) ang kamison.

L PH 9. Ang haluhalo ba ay ( masarap.kasingsarap,pinakamasarap ) ng sorbetes.

L PH 10. ( pino,mas pino,ubod ng pino ) ang buhangin sa Boracay kaysa sa


Batangas.

Inihanda ni:

LOURDES I. NACIONAL
Guro sa Filipino 4

5/nacional/VABES

Page 13 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D3

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Ikalawang Markahan/Unang Linggo/Ikatlong Araw

Layunin: Nasasagot ang mga tanong mula sa napakinggan at


nabasang alamat,tula at awit.

1. Panimula

ALAMAT – ay isang kwentong bayan na kung saan ipinakikita


kung saan nagmula ang isang bagay o pagkain. Halimbawa nito
ay ang alamat ng pinya na kung saan ay sumibol ang pinya dahil
sa batang walang ginawa kundi magtanong kung nasaan ang
pinahahanap sa kanya.
Ang alamat ay mahalaga sa kasalukuyan sapagkat ito ay
nagiging batayan ng mga tao sa kasalukuyan kung saan nagmula
ang isang pagkain,lugar at mga bagay ditto sa mundo.
TULA – ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo
ang tula ng sakanong at taludtod.
AWIT – ay isang uri ng literaturang Pilipino na kung saan ang
bawat taludtod o linya ay naglalayong magsaad ng isang
kwento,karanasan,aral o pagmamahal sa isang tao, bagay, o
hayop. Ito ay nilalapatan ng himig at tunog para mas kaaya-ayang
pakinggan o basahin.

Paalaala: Ang modyul na ay may layuning nasasagot ang mga tanong


mula sa napakinggan at nabasang alamat. tula at awit. Mangyari lamang
na gabayan sa pagbabasa o pakikinig ng isang alamat,tula at awit ang
inyong mga anak upang masagutan ang mga tanong tungkol dito.

2. Magsanay Tayo
A. Pagsasanay 1
Panuto: Basahin ang isang alamat.at sa tulong ng iyong
magulang,sagutan ang mga tanong tungkol sa binasang alamat.
Piliin ang titik ng tamang sagot.Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1/nacional/VABES

Page 14 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D3

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

ANG ALAMAT NG ULAN


Noo’y may isang higante na kung tawagin ay Dakula na nakatira sa isang madilim na
kuwebang halos di kakitaan ng liwanag.Kinatatakutan siya ng mga tao kaya sinusunod nila ang anumang
sabihin nito.
Nang panahong iyon, ang tubig na ginagamit ng mga tao ay nanggagaling sa dagat.
Bagamat maalat at hindi masarap , ito ang tubig na kanilang iniinom. Ngunit isang araw, natuklasan ng
mga tao ang tubig sa isang bukal.Napaka- sarap at malinamnam ang tubig nito.Sa kasamaang-palad ang
bukal ay malapit sa kuweba ni Dakula, at malayo naman sa tirahan ng mga tao.Alam niya kung may
lumalapit dito.Lumalabas siya ng kuweba para bantaan o balaan ang mga tao.
Dahil masarap ang tubig ng bukal,sa hatinggabi sumasalok dito ng tubig ang mga tao.Sa
gayon,hindi na ito malalaman ng nahihimbing na higante.
Lingid sa mga tao,kinutuban na si Dakula na may kumukuha ng tubig sa kanyang bukal
tuwing gabi. Isang hatinggabi,nagkubli siya sa isang madilim na lugar at mula sa pinagtataguan ay
inabangan ang mga sumalok ng tubig.Nang mahaba-haba na ang pila, inihagis sa kanila ni Dakula ang
dala niyang lambat.Dinala ng higante ang mga nahuli niya sa tuktok ng bundok at isinama sa ulap.”Diyan
na kayo maninirahan mula ngayon”, galit nag alit na sabi ni Dakula.Binalaan ko na kayo ngunit kumuha pa
rin kayo ng tubig sa aking bukal”.
Doon sa kanilang bagong tahanan sa mga ulap,sila’y naiiyak sa matinding lungkot kapag
naalala nila ang kanilang masayang buhay sa lupa.Sabay-sabay na tumutulo ang kanilang luha at
pumapatak sa lupa.Ito na ang unang ulan.At mula noon,tuwing sila ay nag-iiyakan ay umuulan sa lupa.

Mga tanong tungkol sa “Alamat ng Ulan”.


1. Ano ang pamagat ng binasa niyong alamat?
A. Alamat ng Ulan C. Alamat ng Lansones
B. Alamat ng Pinya D. Alamat ng Saging
2. Ano ang pangalan ng higante na nakabantay sa bukal?
A. Drakula C. Golayat
B. Dakula D. Dragono
3. Saan nakatira si Dakula?
A. sa isang Palasyo C. sa isang madilim na kuweba
B. sa isang Mansiyon D. sa gitna ng malawak na bukirin
4. Saan naggagaling ang tubig na iniinom ng mga tao noon?
A. sa batis C. sa Ilog
B. sa dagat D. sa bukal
5. Saan makikita ang bukal ng tubig na napakasarap at malinamnam?
A. malapit sa kweba ni Dakula C. malapit sa ilog ni Da kula
B. malapit sa batis ni Dakula D. malapit sa dagat ni Dakula
6. Anong ugali mayroon ang higanteng si Dakula?
A. mabait C. masungit
B. malupit D. madamot
7. Anong oras sumasalok ng tubig ang mga tao para hindi sila mapansin ng higante?
A. dapithapon C. tanghaling tapat
B. hatinggabi D. madaling araw
8. Dahil nakutuban na ang higante na kumukuha ng tubig sa bukal ang mga
tao,Anong ginawa ni Dakula para mahuli niya ang mga ito?
A. nagkubli sa madilim na lugar C. nagtago sa di kalayuan
B. sinagawan niya ang mga tao D. pinahuli niya sa mga barangay tanod
9. Upang mahuli ng higante ang mga tao,hinagisan niya ito ng lambat.Saan niya
dinala at inihagis ang mga tao?
A. tuktok ng gubat at inihagis niya sa kalayuan
B. tuktok ng bundok at inihagis niya sa ulap
C. tuktok ng bulkan at inihagis niya sa karagatan
D. tuktok ng Mt Apo at inihagis sa pinakamalayong lugar
10. Hinagis ni Dakula ang mga tao sa ulap at hindi na nakabalik pa sa lupa at ito nag-
iyakan sa kanilang sinapit. Bakit ito ay tinawag na unang ulan?
A. dahil tuwing nag-iiyakan ang mga tao tumutulo ang luha nila sa lupa
B. dahil tuwing nag-iiyakan ang mga tao pumapatak mga luha nila sa lupa
C. dahil tuwing nag-iiyakan ang mga tao tumutulo sipon nila sa lupa
D. dahil tuwing nag-iiyakan ang mga tao tumatakbo mga luha nila sa lupa

2/nacional/VABES
Page 15 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D3

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

B. Pagsasanay 2
Panuto: Pakinggan ang awiting “Ang Kapaligiran ng Asin” sa youtube ,sa tulong ng
inyong magulang pag-aralan ang mensahe ng awit na gustong ipagawa sa mga
tao.Sagutan ang mga tanong tungkol sa napakinggang awitin.Isulat ang titik
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
____ 1. Ano ang pamagat ng awit?
A. Ang Kapaligiran C. Ang Kagubatan
B. Ang Karagatan D. Ang Kabilugan ng Buwan
____2. Sino ang kumanta ng awit na “Ang Kapaligiran”?
A. Asin C. Salbakuta
B. Aegis D. Parokya ni Edgar
____3. Ano ang napapansin niyo sa ating kapaligiran ngayon?
A. mayabong na mga puno
B. malamig na simoy ng hangin
C. madumi ang hangin at ilog natin
D. matatayog na punona itinanim ng mga ninuno natin
____4. Ano ang kulay ng tubig ng dagat noon?
A. asul C. puti
B. itim D. luntian
____5. Ngunit,Ano na ang kulay ng tubig sa dagat ngayon?
A. asul C. puti
B. itim D. berde
6-7. Ano ang ipinahihiwatig ng katagang ito ng awit,
“Ang duming ating ikinalat sa hangin
Sa langit huwag ng paabutin”. (2 puntos)
_______________________________________________________________
8. Ano ang hiniling ng may akda ng awitin?
A. sana sa pagpanaw niya ay maulan
B. sana sa pagpanaw niya ay bagyo
C. sana sa pagpanaw niya ay tag-ulan
D. sana sa pagpanaw niya ay malakas na hangin
9. Ano ang dadalhin niya sa pagpanaw?
A. tambol C. piyano
B. gitara D. tambourine
10. Ano sa palagay niyo, may sariwang hangin pa kaya na malalanghap ang mga bagong
silang na sanggol ngayon?
A. opo,meron pa. C. parang meron pa
B. wala na po D. walang wala na po

C. Pagsasanay 3
Panuto: Basahin ang isang tula sa ibaba. Pagkatapos,sa gabay ng iyong magulang
sagutan ang mga tanong pagkatapos nito.

Bansang Pinagpala

Kumikinang na perlas ang iyong kaanyuan, Ang galling mo talaga…Bansa kang pinagpala!
Humahanga ang puso ko sa iyong kapuluan, Pangakong aalagaan mga nanganganib mong
Sagana ka rin sa mga likas na yaman, kapaligiran
Tumutugon sa nais ng maraming lalawigan Kaya mong harapin anumang suliranin
Ibangan ang layunin may marubdob na hangarin.
Iba’t ibang dayuhan sa iyo’y nahahalina,
Kay gaganda kasi ng iyong mga pook at dambana, Mga kaibigan,kapwa ko at kababayan
Paglilibang daw nila ay hindi malilimutan, Ating ipahayag,pag-ibig sa lupang tinubuan
Dahil walang katulad sa sarili nilang bayan. Halinang ialay,puso natin at buong buhay
Upang ang mundo’y kilalanin siyang buong husay!
Kay dami man pagbabago ang dulot sayo ng milenyo,
Matibay na kanlungan ka naming mga katutubo,
Kaya naman sa tuwing nangangalit ang kalikasan,
Idinadalangin kita lagi sa kaitaasan.

Sagutin ang mga tanong:


1. Anong bansa ang tinutukoy sa tula?
A. Pilipinas C. Amerika
B. Singapore D. Malasia
2. Bukod sa mga katutubo,sino pa ang nahahalina sa kagandahan ng bansa?
A. mga Igorot C. mga Indones
B. mga dayuhan D. mga Indian

3/nacional/VABES
Page 16 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D3

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

3. Totoo bang nangangalit ang kalikasan? Sa paanong paraan ito nangyayari?


A. kung umiinit ang panahon C. kung bumabagyao
B. kung umuulan D. kung lumilindol at kalamidad
4. Bakit kaya pinagpala ang bansang tinutuloy sa tula?
A. dahil maraming kaibigan C. dahil maraming gustong umangkin nito
B. dahil maraming gusto sumakop nito D. dahil maraming gusting agawin ito
5. Dapat bang mahalin ang sariling bayan natin?
A. opo C. puede
B. hindi D. siguro po
6. Bakit marami ang humahanga sa bansa natin?
A. maraming pulo C. maraming dagat
B. maraming siyudad D. maraming mga likas na yaman nito
7. Sinu-sinong mga dayuhan na ang sumakop sa Pilipinas?
A. Mga taga Singapore C. mga Espanyol
B. Mga taga Korea D. mga tsino
8. Ano ang ibig sa sabihin ng katagang”Kay dami man pagbabago ang dulot saiyo ng milenyo”.?
A. Mga pagbabagong pisikal na anyo ng bansa
B. Nakakaapekto sa pag-unlad sa kapaligiran ng bansa
C. Mga pagbabago dala ng makabagong teknolohiya
D. Pagkasira ng kalikasan dulot ng maraming bagyo ang dumating
9. Paano nati mapapangalagaan an gating bansa?
A. Ipagtanggol ito C. ipagsawalang bahala ito
B. Ipamigay ito D. gamitin nang maayos ang yaman ng bansa
10. Marami bang magandang tanawin sa Pilipinas kaya maraming dayuhan ang naaakit nito?
A. Siguro C. hindi po ako sigurado
B. Opo dahil maraming gusting tumira ditto D. hindi dahil maraming Pilipino ang nangingibang bansa

Tandaan:
• Ang Alamat ay kwentong bayan na kung saan ipinakikita kung saan nagsimula ang
isang bagay o pagkain.
• Ang Tula ay anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin
sa malayang pagsusulat.
• Ang Awit ay isang uri ng literaturang Pilipino na kung saan ang bawat taludtod o linya
ay naglalayong magsaad ng isang kwento,aral, o pagmamahal sa isang tao,bagay o
hayop at ito ay nilalapatan ng himig o tunog para mas maging kaaya-ayang pakinggan
o basahin.

PAGTATAYA
Panuto: Basahin ang isang alamat at sa tulong ng inyong magulang,sagutan ang mga
tanong na kaugnay nito. Piliin lamang ang titik ng mga tamang sagot.

Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang
kagandahang taglay.Si Kalabasa na may kakaibang tamis,si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,si
luya na may anghang,si Labanos na sobra ang kaputian,sit along na may lilang balat,luntiang pisngi ni
Mustasa,si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,si Sibuyas na may manipis na balat,at si Patola
na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si
Ampalaya na may maputlang kulay at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw-araw,walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa kapwa
niyang gulay at dahil ditto ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.Ninakaw niya lahat ng
magagandang katangian ng mga gulay at kanyang isinuot. Tuwang-tuwa ngayon si Ampalaya dahil
pinapansin na siya ngayon at pinagkakaguluhan,ngunit walng lihim na hindi nabubunyag kaya nagplano
ang mga gulay na sundan siya at doon nila nakita na hinubad ni ampalaya isa isa ang mga katangian
nila.Nagalit ang mga gulay at iniharap nila si Ampalaya sa diwata ng lupain at isinumbong nila ang ginawa
ni Ampalaya.Dahil ditto,nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha niya sa kapwa
gulay ay binawi sa kanya. Natuwa si Ampalaya dahil sa iniisip niya iyon lamang ang kaparusahan niya,
ngunit makalipas ang ilang saglit ay nag-iba ang kanyang anyo,kumulubot ang balat niya at ang kinis at
gaspang na taglay ni Upo at Kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan.maging ang mga ibat-
ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot
nito.Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian. Kaya ngayon kahit masustansiyang gulay si
Ampalaya marami ay hindi nagkakagusto sa kanya dahil sa pait ng kanyang lasa.

4/nacional/VABES
Page 17 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D3

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

Mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng alamat na inyong binasa?
A..Alamat ng Pinya C.Alamat ng Saging
B. Alamat ng Mangga D. Alamat ng Ampalaya
2. Saan bayan naninirahan ang lahat ng uri ng mga gulay noon?
A. sa bayan ng Sariwa C. sa bayan ng Dasmarinas
B. sa bayan ng Cavite D. sa baying ng Imus,Cavite
3. Sino sa mga gulay ang kakaibang tamis na taglay?
A. Kamatis C. Sibuyas
B. Kalabasa D. Mustasa
4. Sino sa mga gulay ang may asim at malasutlang kutis?
A. Kamatis C. Sibuyas
B. Kalabasa D. Ampalaya
5. Sino ang nagnakaw sa lahat ng mga katangiang taglay ng mga gulay?
A. Mustasa C,. Ampalaya
B. Kalabasa D. Mustasa
6. Sino ang diwata na nagparusa kay Ampalaya?
A. diwata ng lupa C. diwata ng karagatan
B. diwata ng ilog D. diwata ng kagubatan
7. Anong nangyari kay Ampalaya matapos parusahan ng diwata ng lupa?
A. naging makinis ang balat C. naging matamis ang lasa
B. naging kulubot ang balat D. naging malasutlang balat
8. Anong lasang taglay ng Ampalaya ngayon?
A. matamis C. maasim
B. mapait D. maalat
9. Anu-anong gulay ang nag-aaway sa loob ng katawan ni Ampalaya?
A. kamatis at Sibuyas C. Talong at Mustasa
B. Upo at Kamatis D. Mustasa at Singkamas
10.Masustansiya ba ang gulay na Ampalaya?
A. opo C. hindi
B. siguro D. hindi po sigurado

Inihanda ni:
LOURDES I. NACIONAL
Guro sa Filipono 4

5/nacional/VABES

Page 18 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D4

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Ikalawang Markahan/Unang Linggo/Ika-apat na Araw

Layunin: Naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin,salitang


hiram,at salitang kaugnay ng ibang asignatura.
1. Panimula
Pagbabaybay ng Wasto sa Salitang Natutuhan sa Aralin
May dalawang tuntunin (2) sa Pagbabaybay:
1. Pabigkas na pagbaybay- ang pagbigkas na baybay ay dapat pa letra at hindi
papantig.
Hal ng pagbaybay na salita:
Aso = /ey-es-o/
Kotse = /key-ot-i-es-i/
Ulan = /yu-el-ey-en/
pagbaybay na pantig:
I = /ay/
Ay = /ey, way/
pagbaybay na dinaglat
Dr. (Doktor) = kapital/di-ar/
Bb. (Binibini) = kapital /bi-bi/
Akronim
XU (Xavier University)
PNU (Philippine Normal University)
Inisyal
AGA (Alejandro G. Abdulla)
2. Pasulat na pagbaybay – mananalita ang isa-isang tumbasan ng tunog at letra
sa pagsulat na pagbaybay ng mga salita sa Wikang Filipino.
A. Kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang
basa.
Hal. dyanitor – janitor
pondo – fondo
pormal – formal
B. Ang dagdag na walong letra: C, F, J, N, Q, V, X, Z ay ginagamit sa mga
Hal:
Tao Lugar
Nina Lipa
Carlo Quezon City
Frances Zamboanga
C. Salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
Hal: senora (kastila: ale)
Mosque (pook dalanginan ng mga Muslim)
Hadji (lalaking muslim na nakarating sa Mecca)

Salitang Hiram –ay mga salitang hindi maitagalog.


Halimbawa: elevator, escalator, Xerox machine, tsokolate, tsinelas.

Panumbas sa mga Hiram na Salita:


A. Gamitin ang kasalukuyan leksiyon ng Filipino bilang panumbas sa mga salitang banyaga.
Hal. attitude=saloobin
Wholesale=pakyawan
West=kanlura

1/nacional/VABES

Page 19 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D4

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

B. Gumamit ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika ng bansa.


Hal. haraya
gahum
C. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila unang
preperensya ay hiram na kastila.
Hal: Check= cheque=tseke
Liqyuid = liquid= likido
D. 1. Kung konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito ng walang pagbabago.
Hal. reporter
Soprano
Memorandum
2. kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin ng
konsistent.
Hal: leader = lider
jacket = dyaket
3. May mga salita sa Ingles o iba pang salita na lubhang di-
konsistent ang spelling.
Hal: champagne x-ray
doughnut Zinc
4. Hiramin nang walang pagbabago ang mga simbolong pang-agham.
Hal: Ag = silver
Mg = Mercury

Mga Salitang Kaugnay ng Asignatura- ito ay mga salitang nauugnay sa asignatura.


1.Mga Salitang nauugnay sa Asignaturang Filipino
Hal. Pang-uri
Pang-abay
Pandiwa
2.Mga Salitang nauugnay sa Asignaturang Agham
Hal: “Solar System”
“Veins”
“Nervous System”
3.Mga Salitang nauugnay sa Asignaturang HEKASI
Hal: Ikalawang Digmaan
Saligang Batas
Batas Militar
4.Mga Salitang nauugnay sa Asignaturang MSEP
Hal. Mosaic sa itlog
Tempo
Basketbol
5. Mga Salitang nauugnay sa Asignaturang Matematika
Hal. Division
Radius
Conference
6. Mga Salitang nauugnay sa Asignaturang Ingles
Hal. Verbs
Prefix
Nouns & Pronouns
7. Mga Salitang nauugnay sa Asignaturang EPP
Hal. Pagbuburda
Pagtatanim
Pagkukumpuni
8. Mga Salitang nauugnay sa Asignaturang ESP
Hal. Karapatan ng tao’t hayop
Kaugalian
Kalusugan
2/nacional/VABES

Page 20 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D4

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

Paalaala: Ang modyul na ito ay may layuning naisusulat nang wasto ang baybay
ng salitang natutuhan sa aralin, salitang hiram at salitang kaugnay ng ibang
asignatura. Mangyari lamang na gabayan sa pagbabasa ang inyong mga anak
upang masagutan ang mga tanong tungkol dito.

2. Magsanay Tayo
A. Pagsasanay 1
Panuto: Piliin ang tamang pagbabaybay ng nakasaad na hiram na
salita sa ibaba:

1. Conference
A. Komperensiya C. Kumperensiya
B. conference D. kumperensya
2. vocabulario
A. bukabularyo C. bokabularyo
B. bukabolaryo D. bokabolaryo
3. Calcium
A. Calcium C. Calsiyum
B. Kalsyum D. Kalsiyum
4. priority
A. priyoridad C. prayoriti
B. prayoridad D. priyoriti
5. spirit
A. espirito C. Ispiritu
B. espiritu D. ispirito
6. Convent
A. convent C. Kombento
B. convent D. kumbento
7. Image
A. imeyds C. imahe
B. imahi D. image
8. schedule
A. skedyul C. eskedyul
B. iskedyul D. schedule
9. shooting
A. shutting C. syuting
B. siyuting D. shooting
10. Xylophone
A. saylopon C. saylupon
B. saylopon D. xylophone

3/nacional/VABES

Page 21 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D4

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

B. Pagsasanay 2

Panuto: Tukuyin ang asignatura kung saan nababasa o naririnig ang


mga sumusunod na salita:

_____________1. limampu’t pito


_____________2. Asyano
_____________3. puti
_____________4. isilang
_____________5. kolehiyo
_____________6. masigla
_____________7. magpasalamat
_____________8. nakasasamba
_____________9. linggo
_____________10. gutom
__________________________________________________________
C.Pagsasanay 3
Panuto: Nababaybay ng wasto ang mga salitang natutunan na. Ishade
ang bilog ng tamang sagot.

1. (Basa’) ng pawis ang damit ko.


pasada ng mata tigmak ng likido

2. Si Brad ang (Siga’) sa kanilang pamilya.


taong kinakatakutan apoy

3. (Tasa’) ba ang lapis mo?


lalagyan ng kape pinatulis

4. (Pili) ka ng tutula.
taong nahirang isang uri ng buto kahawig ng almond

5. Nasa kabilang (hanay) ang mga mag-aaral na kalahok sa paligsahan.


kasali sa isang pangkat pila o linya

6. Ang mensahe ay (pasa) lamang sa akin.


marka sa balat mula sa ibang tao

7. Masunog ang (baga) mo sa paninigarilyo.


ningas ng sinindihang tubig parte ng laman loob ng tao
8. Maraming (lobo) sa birthday ng pamangkin ko.
isang uri ng laruan isang uri ng hayop

9. (Inakay ) ng ale ang tumatawid na matanda.


anak ng ibon/manok inaalalayan/tinutulungan
10. Ang taas ng (talon) niya sa paligsahan.
lumundag isang uri ng anyong tubig

4/nacional/VABES

Page 22 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D4

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

Tandaan:
• Ang SALITANG HIRAM – ay mga salitang hindi maitagalog.Ang Panghihiram
sa Wikang Ingles,at iba pang wikang dayuhan ang pinaghihiraman, panatilihin
ang orihinal na ispeling kung makalilito ang pagsasa Filipino ng baybay.
• Sa pagbabaybay ng mga salitang natutunan na ay may dalawang tuntunin;
ito ay pabigkas na pagbaybay at pasulat na pagbaybay.
• Sa mga Salitang kaugnay sa ibang Asignatura – Ito ay mga salitang
nauugnay sa ibang asignatura tulad ng Filipino, Agham, matematika, Hekasi,
Msep, EPP, Ingles at ESP
• Balarila ng Wikang Pambansa,nilimbag ni Lope K. Santos noong 1939 dito sa
Pilipinas.

PAGTATAYA
Panuto: A. Sagutan ang mga sumusunod na mga tanong sa mga salitang pagbabaybay. Bilugan
ang titik ng tamang sagot:
1. Ano ang tawag sa alpabeto ng mga katutubong salita?
A. Alibaba C. Alingawngaw
B. Baybayin D. Balintataw
2. Alin sa mga sumusunod na tuntunin ang sinusunod sa pagbabaybay ng hiram na salitang
varicose veins?
A. kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinanghihiraman,panatilihin ang
orihinal na ispelling o baybay kung makalilito sa pagsasa-Filipino nito.
B. Sa paglalapi at pag-uulit ng mga salitang hiram,idinurugtong ang tunog ng kp sa unlapi
C. Ginigitlingan ang Pangngalang pantangi at salitang hiram kapag uunlapian.
D. Wala sa nabanggit
3. Ang mga sumusunod na salita ay halimbawa ng tuntunin sa ortograpiyang Filipino na
nagsasaad na sa mga salitang Espanol na may “e”,panatilihin ang “e” maliban sa _______.
A. estudyante C. espada
B. estruktura D. lahat ay tama
4. Sino ang bumuo ng Balarila ng Wikang Pambansa at Kailan ito isinagawa?
A. Lope K. Santos – 1939 C. Manuel L. Quezon- 1940
B. Lope K. Santos – 1940 D. Manuel L. Quezon – 1941
5. Aling tuntunin sa ortograpiyang Filipino ang sinusunod sa pagbabaybay ng pattern bilang
patern?
A. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi,teknikal,pang-agham at mga
simbolong pang-agham at matematika
B. Sa mga salitang hiram na espanol na may “e” panatilihin ang “e”
C. Kinakaltas ang isa sa dalawang magkasunod na parehong katinig.
D. Walang tamang sagot.
B.Isulat kung saang asignatura nababagay ang mga salitang ito:

6. Pangulong Marcos __________________________


7. Comets ___________________________________
8. Circumference _____________________________
9. Uri ng Pangungusap _________________________
10. Pagtatahi _______________________________

Inihanda ni: LOURDES I. NACIONAL


Guro sa Filipono 4

5/nacional/VABES
Page 23 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D5

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 4
Ikalawang Markahan / Unang Linggo / Ikalimang Araw

A. Layunin:
Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
napakinggang teskto

B.1. Panimula:

• Ang paghihinuha o inferring ay madalas na ginagamit sa pagbabasa.


Magagawa lamang ito kung tunay naunawaan ng mambabasa ang kwento o
seleksyon.
• Pagtukoy sa mga bagay na hindi pa alam ng mababasa, o sa mga implikasyon
at mga pakahulugang ipinakikita sa kwento o mga pangyayari.
• Ang mga salitang ginagamit sa paghihinuha ay: tila, baka, wari, marahil, sa
aking palagay, sa tingin ko at siguro.

Halimbawa:
1. Si Mark ay lumiban sa klase dahil siya ay naabutan ng ulan sa kanyang pag-uwi
kahapon.
Hinuha: Maaaring si Mark ay may lagnat.
2. Hindi napansin ni Carla ang balat ng saging dahil sa kanyang pagmamadali.
Maya-maya ay napasigaw siya at narinig ang malakas na “bog, bog”.
Hinuha: Marahil si Carla ay nadulas.

B. 2. Subukin Natin:

Gawain 1
Panuto: Tingnan ang larawan. Bilugan ang titik ng pangungusap na
nararapat na hinuha sa bawat sitwasyon.
1.
a. baka maubos ang papel.
b. baka masunog ang baha.
c. baka matuwa ang nanay.
d. baka madagdagan ang bayad sa kuryente

a. maubos ang bunga


2.
b. magalit ang may-ari
c. mahulog ang bata
d. may ahas na gumapang

3. a. masagasaan ang mga bata


b. nawala ang bola
c. mawala ang mga bata
d. maligaw ang mga bata

Page 24 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D5

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

4. a. maubos ang mga papel


b. masunog ang bahay
c. matuwa ang ina
d. mabasa ang posporo

5.
a. masasaktan ang bata
b. dudumi ang paligid
c. babaha ang kapaligiran
d. magkakaroon ng maaliwalas na paligid

6. a. magkakasakit
b. sasakit ang ngipin
c. magiging malusog
d. mauubusan ng istak na pagkain sa bahay

7. a. magiging tambay sa loob ng bahay


b. maiinggit ang kapitbahay
c. madaling makakahanap ng trabaho
d. ipagyayabang ang natapos

8. a. sasakit ang tiyan


b. sasakit ang mga ngipin
c. sasakit ang mga kamay
d. makakatulog sa kabusugan

9. a. masisira ang sapatos


b. matutuwa ang nanay
c. pagagalitan ng nanay
d. madudulas dahil malaki ang sapatos

10. a. matutuwa sa bawas na keyk


b. magagalit dahil nabawasan ang keyk
c. puputok ang mga lobo sa paligid
d. magpapabili ng bagong keyk

Page 25 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D5

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Bumuo ng hinuha
batay sa teksto.
1. Araw ng Sabado at walang pasok si Letty. Maaga siyang gumising at patakbong
kinuha ang walis at basahan.
______________________________________________________________
2. Pauwi ng bahay si Rafael. Binibilang niya ang natirang pera sa baon. May
lumapit na matandang pulubi at inilahad nito ang kanyang kamay sa bata.
______________________________________________________________
3. Tuwang-tuwa si Miguel nang matanggap niya ang kard mula sa guro. Nanlaki
ang kanyang mata at nasabing “Hindi nasayang ang pagod ko sa pag-aaral”.
______________________________________________________________
4. Dumating ang ninang ni Dayday mula sa Canada. Binigyan siya ng isang kahon.
Binuksan niya ito at patakbong humarap sa salamin.
______________________________________________________________
5. Mabilis magpatakbo ng sasakyan si Mang Tomas. Palagi siyang nagmamadali na
akala mo ay hinahabol. May biglang tumawid na isang bata.
______________________________________________________________
6. Madalas kumain ng kendi si Arnel. Isang araw ay parang iiyak na siya na hawak
ang kaliwang pisngi. Hindi na siya makatiis sa sobrang sakit.
______________________________________________________________
7. Nagpunta si Tracy sa Mall. Gandang-ganda siya sa mga nakikitang mga baso at
pinggan. Maya-maya ay nasagi niya ang isang nakapatong na pinggan.
______________________________________________________________
8. Nagtatakbong walang tsinelas si Joy sa labas ng bahay. Maya-maya ay umiiyak
itong umuwi na hawak ang isang paa.
______________________________________________________________
9. Nagpabili ng lobo si Jose sa kanyang ina. Pinaglaruan niya ito sa kanilang
bakuran at nabitawan niya ang tali nito.
______________________________________________________________
10.Umuulan nang malakas. Naisipan ni Rodel na maligo. Pagkatapos ay inubo siya
at biglang nag-init ang katawan.
______________________________________________________________

C. PAGLALAHAT:
Tandaan Natin

• Ang paghihinuha ay isang malalim na pang-unawa at pagpapakahulugan ng


maaaring mangyari batay sa pahiwatig na nakasaad sa isang pahayag o teksto.
Dito nalilinang ang kakayahan sa pagbibigay ng wastong desisyon o pasya.
Gawain 3
A. Basahin ang bawat talata at piliin ang angkop na hinuha sa bawat sitwasyon.
1. Maagang naulila sa ina ang apat na magkakapatid. Nasa ikaanim na baitang
ang panganay. Palaging malungkot ang kanilang ama. Hatinggabi na kung
umuwi at lasing pa.
a. natutuwa ang magkakapatid
b. magpapakita ang kanilang ina
c. nagkaroon ng problema ang magkakapatid
d. humingi ng tulong sa kaptbahay
2. Nasa dagat si Angelo. Masaya siyang lumalangoy sa malalim na bahagi. Hindi
siya natatakot dahil magaling siyang lumangoy. Nang biglang siya ay pinulikat.
a. tangayin ng alon
b. maospital
c. malunod
d. makilangoy sa mga isda

Page 26 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D5

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

3. Naglalaro ng bola si Raul. Tumalsik ang bola sa kabilang bakuran. Madamo ang
bakurang iyon. Nakita siya ng nanay at sunud-sunod ang tawag sa kanya.
a. baka mahulog sa bangin
b. baka mapagalitan ng may-ari
c. baka makagat ng ahas
d. baka mapaglaruan ng engkanto
4. May limang itlog na inuupuan ang inang ibon. Tatlong araw na niya itong
inuupuan upang mapisa. May tumirador sa ibon. Namatay ito.
a. maaaring naging sisiw ang mga itlog
b. maaaring hindi napisa ang mga itlog
c. maaaring ibinenta ito sa palengke
d. maaaring nawala ang pugad
5. Naalala ni Ali ang notbuk niyang naiwan sa bag ng kamag-aral. May test sila
kaya kailangan niya itong kunin.Dali-dali siyang sumakay sa kanyang bisekleta.
Lumabas sa kanilang gate at tuloy-tuloy sa kalsada nang hindi tumitingin sa
kaliwa at kanan.
a. marahil nakarating siya sa kanyang kamag-aral
b. marahil nasira ang bisikleta
c. marahil nasagasaan dahil hindi tumitingin sa kaliwa at kanan
d. marahil pinagalitan ng ina

B. Basahin ang maikling teksto.


Nagbabalak magbakasyon ang mag-anak ni Ging. Ibig nilang pasyalan ang
magaganda at kakaibang lugar doon. Sinulatan niya ang kanyang kaibigan na si Andi
na doon nakatira. Balak na ipagpaalam ng nanay ni Ging si Andi sa kanyang mga
magulang para makasama sa kanila.
Binabalak nilang pasyalan ang lugar kung saan nakatira ang mga Tau’t Bato
upang makilala sila. Nais din nilang mamasyal sa St. Paul Subterranean Part at umakyat
ng bundok kung saan matatagpuan ang mga unggoy at bayawak. Dadayuhin din nila
ang napakalinis at magandang baybayin sa El Nido. Natuwa si Andi sa imbitasyon na
iyon ng kanyang kaibigan. Ibig niya ring puntahan ang mga lugar kung saan balak
pumunta ng mag-anak. Nasasabik si Andi sa kanilang pagdating. Ipaghahanda rin sila
ng mga paboritong sabaw ng buko, tubo at tuyo.

Ano ang mangyayari kung:


6. hindi maipagpaalam ng nanay ni Ging si Andi sa pamamasyal sa kanilang lugar?
______________________________________________________________
7. hindi agad matanggap ni Ging ang sagot ni Andi?
______________________________________________________________
8. hindi maisasaayos ang mga tiket bago magtungo sa St. Paul Subterranean Park
sa Palawan?
______________________________________________________________
9. hindi matuloy ang balak na magbakasyon ng mag-anak?
______________________________________________________________
10. nagbago ang petsa ng pagbabakasyon ng mag-anak ni Ging?
______________________________________________________________

D. PAGTATATAYA:
Gawain 4

Panuto: Humingi ng tulong sa iyong magulang sa pagbasa sa talata.


A. Basahin ang teksto at sagutin ang mga sumunod na tanong.
Si Ralph, sa kabila ng kanyang kahirapan ay nagagawa pa niyang
makapag-ipon sa kanyang alkansiya. Pinag-iipunan niya ang kanyang pangarap.

Page 27 of 28
Module Code: PASAY-F4 Q2-W1-D5

Pangalan: ________________________________ Baitang at Pangkat: _______________________


Pangalan ng Guro: ___________________________

1. Sa iyong palagay, saan kumukuha si Ralph ng kanyang naiipon?


_____________________________________________________________
2. Sa iyong tingin, ano kaya ang kanyang pangarap?
_____________________________________________________________
3. Ano kaya ang mararamdaman ng kanyang mga magulang sa kanyang
ginagawa?
_____________________________________________________________

Si Roel ay maagang nagising at naghanda sa pagpunta sa paaralan. Sabi


kasi ng kanilang guro ay aalis na ang bus na kanilang sasakyan pagsapit ng ika-7
ng umaga. Bago natulog ay inihanda na ni Roel ang kanyang mga dadalhin.
Binilinan din niya ang kaniyang nanay na ipagbaon siya ng maraming makakain.
Bago umalis ay siniguro ni Roel na dala niya ang kanyang makapal na dyaket at
isang maliit na kamera.

4. Sa iyong palagay, ano ang aktibidad na sasalihan ni Roel sa araw na iyon?


Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________
5. Ano kaya ang nararamdaman ni Roel? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_____________________________________________________________
6. Bakit kaya siniguro ni Roel na dala niya ang kanyang dyaket?
_____________________________________________________________

Si Aling Nenita ay nagbebenta ng mga baso at pinggan sa kanilang


barangay. Iniaayos niya ang kanyang mga paninda sa kanilang sala. Mahigpit
niyang ipinagbabawal sa kaniyang mga anak ang paglalaro sa sala. Isang araw,
dumating si Aling Nenita at kanyang natagpuang umiiyak ang kaniyang
dalawang anak habang pinupulot nila ang mga bubog sa sahig sa sala. Hawak
pa ng kanyang panganay na anak ang isang bola ng basketball.

7. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit umiiyak ang dalawang anak?
_____________________________________________________________
8. Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Aling Nenita sa nangyari?
_____________________________________________________________
9. Sa tingin mo, ano ang gagawin ng dalawang anak pagkatapos ng insidenteng ito?
______________________________________________________________
10. Ano sa palagay mo ang magiging wakas nito?
_____________________________________________________________

Inihanda ni:
MYLENE P. FERRER
Timoteo Paez Elementary School
____________________________________________________________________________________
References for Further Enhancement:
1.) Books: Sanayang Aklat sa Filipino 4 pg. 30-33,
2.) Sambitla 4, Pluma 4: WIka at Pagbasa.

Page 28 of 28

You might also like