You are on page 1of 27

MODULES IN

GRADE 1
QUARTER 2 – WEEK 4

Page 1 of 27
Page 2 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D1

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 1
Ika-Apat na Markahan / Ika-apat na Linggo / Unang Araw

A. Layunin : Nasasabi ang paraan, panahon at lugar ng


pagsasagawa ng kilos o gawain sa tahanan, paaralan at
pamayanan (F1WG-IIIh-j-6)

B. ANG ARALIN MO NGAYON

 May mga salitang tumutukoy sa pook o lugar kung


saan nangyari o mangyayari ang kilos. Karaniwang ay
ginagamitan ito ng pantukoy na sa, kay o kina.
 Ito ay sumasagot sa tanong na Saan.

 sa – ginagamit kapag ang kasunod ng salitang kilos ay


pangngalang pambalana tulad ng sa parke, sa kabinet,
sa punong guro o panghalip tulad ng sa kanya, sa iyo, sa
amin.

Halimbawa:
Sa mga sumusunod na mga pangungusap ang salitang may
salungguhit ay ang salitang kilos at ang mga salitang may
bilog ay ang salitang tumutukoy sa lugar na pinangyarihan
ng kilos.

1. Si Nonoy ay pumapasok sa opisina araw araw.

2. Si Judy Ann ay nagpunta sa guro kanina.

3. Si Mar ay nagsulat ng liham sa mesa kahapon.

 kay o kina – ginagamit kapag ang kasunod ng salitang


kilos ay pangngalang pantangi na ngalan ng tao.

4. Si Joshua ay nakipaglaro kay MJ .

Page 3 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D1

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

5. Si kuya Ben ay nakikain kina Alma .

6. Si Lois ay nanood ng TV kina Vilma .

Salitang kilos Saan naganap ang kilos

pumapasok sa opisina
nagpunta sa guro
nagsulat sa mesa
nakipaglaro kay MJ
nakikain kina Alma
nanood ng TV kina Vilma

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKAN NATIN

Gawain 1: Ituro Mo!


Bilugan ang salitang nagsasabi kung saan naganap ang kilos.

1. Nilabhan ni ate ang damit sa planggana.

2. Nakatulog si Mang Al sa duyan.

3. Isinalin ni Nanay Vita ang gawgaw sa tasa.

4. Si Mam Lucy ay nagsulat sa pisara.

Page 4 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D1

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

5. Lumalangoy ang mga isda sa ilog.

Gawain 2:

Pag-ugnayin ang salitang kilos at angkop na lugar kung saan


ito naganap. Guhitan papunta sa bilog.

1. Inilagay ni Pedro ang isda sa paaralan

2. Humingi ng pera si Liam sa kama

3. Naglaro ang mga bata sa lambat

4. Papasok ang mga bata kay Tiyo Lando

5. Natutulog si Markos sa putikan

Page 5 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D1

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

TANDAAN

 May mga salitang tumutukoy sa pook o lugar kung


saan nangyari o mangyayari ang kilos. Karaniwang
ay ginagamitan ito ng pantukoy na sa, kay o kina.
 Ito ay sumasagot sa tanong na Saan.

 sa – ginagamit kapag ang kasunod ng salitang kilos ay


pangngalang pambalana tulad ng sa parke, sa
kabinet, sa punong guro o panghalip tulad ng sa
kanya, sa iyo, sa amin.

 kay o kina – ginagamit kapag ang kasunod ng salitang


kilos ay pangngalang pantangi na ngalan ng tao.

TARA ITULOY NATIN…

PAGTATAYA:
Panuto: Bilugan ang salitang nagsasaad ng lugar kung saan
naganap ang pangyayari.

1. Isinulat ni Justine ang sagot niya sa pisara.

2. Si Oliver ay bumili ng saging sa palengke


noong Sabado.

Page 6 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D1

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

3. Itinago ni Ruby ang aklat sa bag.

4. Si tatay ang naglagay ng lupa


sa paso noong isang araw.

5. Ipinasa ni Jerson ang bola


kina Jun at Ben habang naglalaro.

References for Further Enhancement:


Bumasa at Sumulat 1 - pp. 180-182

Inihanda ni:
LIGAYA A. ABLOG
Padre Burgos Elementary School

Page 7 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D2

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 1
Ika-Apat na Markahan / Ika-apat na Linggo / Ikalawang Araw

A. Layunin : Nagagamit ang mga natutuhang salita sa


pagbuo ng mga simpleng pangungusap. ( F1PP-IIIj-9)

B. ANG ARALIN MO NGAYON

 Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsasabi


ng kumpletong diwa.
 Ang unang letra ay dapat na nakasulat sa malaking letra
at ito ay nagtatapos sa bantas na tuldok (.)
 Sa pagbuo ng pangungusap ay maaari nating gamitin
ang mga ngalan ng tao, bagay, hayop o lugar na ating
nakikita sa araw araw .
 Kasunod nito ay dadagdagan natin ang mga detalye sa
pamamagitan ng paglalagay ng angkop na salitang kilos
o kaya naman ay mga salitang naglalarawan.
Halimbawa:

Ang bata ay kumakain.

Si Bunso ay masaya.

Page 8 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D2

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

Ang manok ay pula.

Ang pusa ay naglalakad.

Ang lobo ay lumipad.

Ang yelo ay malamig.

Ang mga salitang may salungguhit ay mga ngalan ng tao,


hayop at lugar, samantalang ang mga salitang initiman
naman ay mga salitang kilos o kaya naman ay salitang
naglalarawan.
Sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento.

Sa unang larawan, ano ang ginagawa ng bata? __________


Sa ikalawang larawan ano ang nadarama niya?___________
Ano ang kulay ng manok, ayon sa pangungusap?_________
Ano ang gingawa ng pusa, ayon sa pangungusap?________
Ano ang nangyari sa lobo?______________________
Ano ang masasabi mo sa yelo?____________________

Page 9 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D2

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKAN NATIN

Gawain 1: Sabihin Mo!


Lagyan ng tsek ( . ) ang kahon kapag tama ang isinasaad ng
pangungusap ayon sa larawan ekis ( X ) kung hindi.

1. Ang ibon ay lumilipad.

2. Ang puno ay mataas.

3. Ang manga ay maalat.

4. Ang tubig ay tumutulo.

5. Ang eroplano ay lumalangoy.

Integrated the Development of the Following Learning Skills:


Critical Thinking Determining appropriate response

Page 10 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D2

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

Gawain 2: Buuin Mo!

Pag-ugnayin ang pangngalan na nasa Hanay A at ang mga


salitang naglalarawan o salitang kilos na nasa Hanay B para
mabuo ang pangungusap tungkol sa larawan.

HANAY A HANAY B

1. Ang gunting ay kumakain

2. Ang gusali ay naglalaba

3. Ang kabayo ay matalas

4. Si Nanay ay mataas

5. Ang kambing ay tumatakbo

TANDAAN
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsasabi ng
kumpletong diwa.
 Ang unang letra ay dapat na nakasulat sa malaking
letra at ito ay nagtatapos sa bantas na tuldok (.)
 Sa pagbuo ng pangungusap ay maaari nating gamitin
ang mga pangngalan kasunod ang salitang kilos o
salitang naglalarawan.

TARA ITULOY NATIN…

Page 11 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D2

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

Pagtataya:
Panuto: Gumawa ng 5 simpleng pangungusap mula sa
larawan sa ibaba na nasusunod ang mga tuntunin sa
paggawa nito..

1. ___________________________
2. ___________________________
3. ___________________________
4. ___________________________
5. ___________________________

References for Further Enhancement:


Bumasa at Sumulat 1 - pp. 161

Inihanda ni:
LIGAYA A. ABLOG
Padre Burgos Elementary School

Page 12 of 27
MODULE CODE: PASAY-F1-Q4-W4-D3

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ____________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa: ___________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 1
Ikaapat na Markahan /Ikaapat na Linggo / Ikatlong Araw

A. Layunin: Nagagamit ang mga natutuhang salita sa


pagbuo ng mga simpleng pangungusap.
( F1PP-lllj-9 )
B.Panimula:

Alamin Natin:
- Sa araling ito ay matututuhan mo kung paano
gamitin ang salita upang makabuo ng simpleng
pangungusap.
Basahin ang mga sumusunod :

maganda kalabaw ulan

relo masaya
- Ang inyong mga nabasa ay tinatawag na mga
salita.
- Ang salita ay binubuo ng mga pantig.

Page 13 of 27
MODULE CODE: PASAY-F1-Q4-W4-D3

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ____________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa: ___________________

Gamit ang mga salitang ibinigay , ito ay binuo sa


simpleng pangungusap.

Basahin :
1. Maganda ang manika ni Ana.
2. Ang aso namin ay maamo.
3. Malakas ang buhos ng ulan kaninang umaga.
4. Ang relo ni Rudy ay kulay pula.
5. Ang bata ay masaya.

Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang


nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay binubuo ng mga
salita o pangkat ng mga salita na buo ang kahulugan.Ang
paraan ng pagsagot sa tanong ay tinatawag din na
pangungusap.

Mga Halimbawa ng pangungusap:

1. Magsisimba kami sa Linggo.


2. Malakas ang ulan sa labas.
3. Masaya kaming namasyal sa parke.
4. Mahimbing ang tulog ni lola.
5. Ang bata ay masipag.

Page 14 of 27
MODULE CODE: PASAY-F1-Q4-W4-D3

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ____________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa: ___________________

MGA GAWAIN

GAWAIN 1
Panuto : Bumuo o sumulat ng isang simpleng
pangungusap gamit ang mga salita.

1. pasalubong
__________________________________________________
__________________________________________________

2. malinis
__________________________________________________
__________________________________________________

3. lapis
__________________________________________________
__________________________________________________

4. masarap
__________________________________________________
__________________________________________________

5. halaman
__________________________________________________
__________________________________________________

Page 15 of 27
MODULE CODE: PASAY-F1-Q4-W4-D3

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ____________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa: ___________________

GAWAIN 2
PANUTO: Isaayos ang mga salita upang makabuo ng
simpleng pangungusap. Isulat sa patlang ang iyong
mabubuong pangungusap.

1. natutulog ay Ang sanggol.

______________________________________________________

2. sa Maynila Magbabakasyon kami.

______________________________________________________

3. ng mga halaman si Nagdidilig ate.

______________________________________________________

4. naghahanda pagkain Si ay nanay.

______________________________________________________

5. ang ibon Lumilipad mga.

______________________________________________________

PAGLALAHAT
Bago natin ituloy ang susunod nating gawain…..

DAPAT NATIN TANDAAN

 Ang salita ay binubuo ng mga pantig.

Page 16 of 27
MODULE CODE: PASAY-F1-Q4-W4-D3

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ____________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa: ___________________

DAPAT NATIN TANDAAN


 Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang
nagpapahayag ng buong diwa.
 Ito ay binubuo ng mga salita o pangkat ng
mga salita na buo ang kahulugan.

PAGTATAYA
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap gamit ang mga
salita sa loob ng kahon. Isulat sa patlang ang sagot.

nagluluto pusa Binabasa


ulan bakuran

1. _______________________ ni Tatay ang bagong diyaryo.

2. Bumuhos ang malakas na _______________.

3. Si Nanay ay _______________________ ng hapunan.

4. Ang ________________ ay humiga sa ilalim ng mesa.

5. Naglalaro ang mga bata sa _______________________.

Inihanda ni:
Ruby S. Lucar
Timoteo Paez Elementary School

Page 17 of 27
MODULE CODE: PASAY-F1-Q4-W4-D4

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ____________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa : ___________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 1
Ikaapat na Markahan /Ikaapat na Linggo / Ikaapat na Araw

A. Layunin: Nakasusulat nang may wastong baybay ,


bantas , gamit ng malaki at maliit na letra upang
maipahayag ang ideya , damdamin o reaksyon sa
isang paksa o isyu. ( F1KM-lllj )
B.Panimula:

Tuklasin Natin:
1. Kumuha ng isang malinis na papel at isulat nang
wasto at kumpleto ang iyong buong pangalan.
2. Isulat ang iyong Baitang at Pangkat kung saan ka
kabilang.

* Naisulat mo ba nang wasto ang iyong pangalan ,


Baitang at Pangkat ? Ano ang iyong napansin?

* Isinulat mo sa malaking letra ang unang letra ng


iyong pangalan at sinundan ito ng maliliit na letra ,
gayundin ang ginawa mo sa iyong Baitang at Pangkat.

* Ngayon naman ay suriin ng mabuti ang


pangungusap.
Halimbawa : Matalinong bata si Karding.

Page 18 of 27
MODULE CODE: PASAY-F1-Q4-W4-D4

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ____________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa : ___________________

 Mahalagang tandaan na sa pagsulat pangungusap,


ang simula nito ay dapat na isinusulat sa malaking
letra.

 Ang salitang Matalinong ang simula ng


pangungusap. Ito ay nagsisimula sa malaking letra.

 Bukod sa simula ng pangungusap , ang mga tanging


ngalan ng tao , bagay , hayop , lugar at pangyayari,
ngalan ng araw at buwan ay ginagamitan din ng
malaking letra.

Mga halimbawa ng pangungusap na may wastong laki


at liit ng letra:
1. Ang ulam namin ay gulay at isda.
2. Mag-aaral ako mamayang hapon.
3. Mahimbing ang tulog ni lola.

 Kinakailangan din na wasto ang baybay ng mga


salita sa bawat pangungusap at wastong bantas
upang mas maging malinaw ang mensahe na nais
ipahatid nito.
 Nilalagyan din ng wastong bantas sa hulihan ng
pangungusap tulad ng :
Tuldok (.) - ginagamit kung ito ay nagsasalaysay o nag-
uutos
Tandang pananong ( ? ) – kung ito ay nagtatanong
Tandang padamdam ( ! )- kung ito ay nagsasaad ng
matinding damdamin.

Page 19 of 27
MODULE CODE: PASAY-F1-Q4-W4-D4

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ____________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa : ___________________

Mga halimbawa ng pangungusap na may tamang baybay at


bantas.
1. Ugaliing maghugas palagi ng iyong mga kamay.
2. Kumain ka palagi ng masustansiyang pagkain.
3. Ano ang iyong nararamdaman ngayong may
pandemya?
4. Ay! Naiwan ko ang face shield.

MGA GAWAIN

GAWAIN 1
Panuto : Lagyan ng tsek ( ) kung wasto ang gamit
ng malaki at maliit na letra sa bawat
pangungusap. Ekis ( ) naman kung hindi wasto.

_____ 1. namalengke nanf maaga si Nanay.

_____ 2. Ang bola ay Tumatalbog.

_____ 3. Kaarawan ng pinsan ko bukas.

_____ 4. Magluluto ako ng puto Para sa Meryenda.

_____ 5. Malunggay ang paborito kong gulay.

Page 20 of 27
MODULE CODE: PASAY-F1-Q4-W4-D4

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ____________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa : ___________________

GAWAIN 2
PANUTO: Isulat ang tamang bantas sa hulihan ng bawat
pangungusap.

1. Sasama ka ba sa amin ______

2. Si Ben ay isang batang matapat ____

3. Hugasan mo na ang mga pinggan ____

4. Wow, ang sarap naman ng luto mo _____

5. Kailan kayo uuwi rito sa probinsya _____

PAGLALAHAT
Bago natin ituloy ang susunod nating gawain…..

DAPAT NATIN TANDAAN

 Sa pagsulat ng pangungusap , kinakailangan


na wasto ang baybay ng bawat salita.
 May wastong bantas sa hulihan ng
pangungusap ,
 Wasto ang gamit ng malaki at maliit na letra.

Page 21 of 27
MODULE CODE: PASAY-F1-Q4-W4-D4

Pangalan: ____________________________ Baitang/Pangkat: ____________


Pangalan ng Guro: _______________________ Petsa : ___________________

PAGTATAYA
Panuto: Kulayan ng pula ang kahon ng pangungusap na
may tamang pagsulat ng malaking letra , maliit na letra
at bantas. Kulay asul naman ang mali.

1. ang pangalan ko ay maria dela cruz ?

2. Ang sarap-sarap naman ng niluto mong pagkain !

3. ang mga Bata ay pumapasok sa Paaralan upang matuto !

4. Saan Kayo Pupunta Ngayong Bakasyon ?

5. Dalhin mo ang gamot sa ospital.

Inihanda ni:
Ruby S. Lucar
Timoteo Paez Elementary School

Page 22 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D5

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

DEPARTMENT OF EDUCATION- NATIONAL CAPITAL REGION


SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA FILIPINO 1
Ikaapat na Markahan / Ikaapat na Linggo / Ikalimang Araw

Layunin: Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas,


gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang
ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa o isyu (F1KM-IIIj)

B. ANG ARALIN MO NGAYON

Araw ng Linggo, abalang abala ang mag-anak na Tan.


Maagang nagluto si nanay ng almusal para sa kanyang
pamilya. Inayos naman ni tatay ang sala na gagamitin nila
mamaya. Ang mga anak naman ay naglinis na ng kanilang
bahay. Pagkatapos kumain ng almusal ay nagbihis na ang
mag-anak at naupo na nang maayos sa harap ng computer
upang makapakinig ng salita ng Diyos. Hindi sila makapunta sa
simbahan dahil sa pandemya pero sinisigurado nilang regular
silang nakakapuri sa Diyos sa pamamagitan ng awit na papuri
at pananalangin kahit man lang sa online.
Ano ang ginawa ni nanay? ____________________
Ano ang inayos ni tatay? _____________________
Ano ang ginawa ng kanilang mga anak? _______________
Ano ang ginawa ng mag-anak pagkatapos kumain?
__________________________________________
Bakit kaya sa online mass lang sila nakinig ng misa?
_________________________________________
Ano kaya ang nadarama ng mag-anak pagkatapos na
makapanalangin at pumuri sa Diyos?
____________________________________________

Page 23 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D5

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

Pansinin natin ang mga sagot sa mga sumusunod na mga


tanong.
Si nanay ay maagang nagluto ng almusal.
Si tatay ang nag ayos ng sala na gagamitin nila.
Naglinis ang mga anak ng kanilang bahay.
Nagbihis na ang mag-anak at naupo sa harap ng computer
ang mag-anak na Tan.
Dahil sa pandemya ay hindi sila puwedeng pumunta sa
simbahan.
Masaya ang mag-anak na Tan dahil regular silang
nakakapanalangin at nakakapagpasalamat sa Diyos.

Paano isinulat ang unang letra sa unang salita ng


pangungusap? Nakasulat ito sa malaking letra.
Pagkatapos ng ating ginawang pangungusap ay dapat
na lalagyan natin ito ng bantas na tuldok(.) para maipakita na
tapos na ang ating pangungusap.

NAUNAWAAN MO NA BA? SUBUKAN NATIN

Gawain 1:
Basahin ang mga sumusunod na talata. Bilugan ang letra ng
sagot na nakasulat nang wasto.

1. Nagising si Chuchay sa lakas ng hangin na nanggagaling


sa kanilang bintana, nang tumayo siya para isara ang
bintana ay nakita niya ang mga matatalim na kidlat sa
kalangitan. Ano kaya ang nadarama niya?
A. natakot si chuchay sa matatalim na kidlat.
B. Natakot si Chuchay sa matatalim na kidlat.
C. Natakot si chuchay sa matatalim na Kidlat.

Page 24 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D5

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

2. Si MJ ay may alagang pato. Araw araw niya itong


pinapakain at dinadala sa ilog para makapagtampisaw
doon. Di nagtagal ay lumaki na ang alagang pato ni MJ.
Isang araw ay may nakita siyang itlog sa kulungan ng
kanyang pato. Ano kaya ang naisp ni MJ?
A. Naisip niya na nangitlog na ang kanyang alagang Pato
B. naisip niya na nangitlog na ang kanyang alagang plato.
C. Naisip niya na nangitlog na ang kanyang alagang pato.

3. Tahimik na nag-aaral si Rhea sa mesa, pagkatapos niyang


magbasa ay sinimulan na niya ang pagsagot sa kanyang
aralin sa Matematika. Nang biglang nakarinig siya ng
nagkakagulo sa labas ng kanilang bahay. Ano kaya ang
susunod na gagawin ni Rhea?
A. Sisilip siya sa Bintana para tingnan kung anong nangyari
B. sisilip siya sa bintana para tingnan kung anong nangyari.
C. Sisilip siya sa bintana para tingnan kung anong nangyari.

4. Isang gabi ay nagkagulo ang mga manok sa kulungan.


Pumutak nang malakas ang mga inahin at tumilaok ang
mga tandang. Kaagad na bumangon si Mang Fred at
naabutan niya ang isang lalaki na nagnanakaw ng mga
itlog. Ano ang gagawin ni Mang Fred?
A. Huhulihin ni Mang Fred ang magnanakaw.
B. huhulihin ni Mang Fred ang magnanakaw.
C. Huhulihin ni mang fred ang magnanakaw.

5. Nagtanim ng buto ng ampalaya si Aling Lydia sa kanyang


bakuran. Inalagaan niya itong mabuti, lagi niya itong
dinidiligan. Pagkalipas ng ilang buwan ay nakita ni Aling
Lydia na may bunga na ang kanyang tanim na ampalaya.
Ano ang gagawin ni Aling Lydia?
A. pipitasin na niya ang bunga ng ampalaya.
B. Pipitasin na Niya ang bunga ng Ampalaya.
C. Pipitasin na niya ang bunga ng ampalaya.

Page 25 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D5

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

Gawain 2: Isulat Mo!

Isulat sa patlang ang iyong damdamin o reaksiyon sa


sumusunod na sitwasyon nang may tamang baybay, bantas
at laki ng mga letra.
1. Galit na kumakahol ang aso ng kapitbahay ninyo sa iyo.
Ano ang iyong gagawin?
______________________________
2. Isang araw ay inutusan si Jane ni nanay na maghugas ng
plato. Ano ang dapat niyang gawin?
___________________________________________
3. Dahil naging mabait at masunurin si Angel ay ibinili siya ni
nanay ng paborito niyang pagkain. Ano kaya ang kanyang
nadama?
______________________________________________

TANDAAN

Ang unang letra sa pangungusap ay dapat na


nakasulat sa malaking letra.
Pagkatapos ng ating ginawang pangungusap ay
dapat na lalagyan natin ito ng bantas na tuldok(.) para
maipakita na tapos na ang ating pangungusap.
Maging maingat sa baybay ng bawat salita upang
hindi magbago ang diwa nito.
TARA ITULOY NATIN…

Page 26 of 27
Module Code: Pasay-F1-Q4-W4-D5

Pangalan : _____________________________ Baitang at Pangkat:__________


Pangalan ng Guro: _____________________

PAGTATAYA:
Panuto: Babasahin ng iyong kasama sa bahay ang maikling
talata at sa tulong nila ay kumpletuhin ang pangungusap na
nagsasaad ng iyong ideya o reaksiyon sa sitwasyon nang may
tamang baybay, laki ng letra at bantas.

Naglalaro ng bola sina Liam at Luis nang biglang gumulong


ang bola papunta sa kalsada. Kaagad itong hinabol ni Luis at
hindi niya napansin ang paparating na motorsiklo.

1. Ano kaya ang mangyayari kay Luis?


Si Luis ay ______________________________

2. Ano ang iyong mararamdaman kung ikaw si Liam?


Ako po ay ___________________________

Dumating si Tatay galing sa opisina isang hapon at may dala


siyang pasalubong. Iniabot sa iyo ni tatay ang supot na may
lamang siopao, iniabot naman niya sa kapatid mo ang supot
na may lamang siomai. Pero mas gusto pala ng kapatid mo
ang siopao kaya sinabi niya sa iyo na palit na lang kayo.

3. Ano ang madarama mo sa sinabi ng iyong kapatid?


Ako po ay __________________________

4. Ano ang gagawin mo?


Ang gagawin ko ay _______________________________

5. Ano kaya ang madarama nina nanay at tatay sa ginawa


mo?
Sina nanay at tatay po ay _________________________

References for Further Enhancement:


Sanayang aklat sa Filipino 1 - pp. 195-196

Inihanda ni:
LIGAYA A. ABLOG
Padre Burgos Elementary School

Page 27 of 27

You might also like